Radio Script

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

RADIO SCRIPT

DJ: magandang (3x) araw sa inyo ngayon ay nakikinig kayo napakagandang dilag na si DJ Pau (feeling
hahaha) sa 101.9! Ngayon ay mapapakinggan natin ang kwento na pinadala ni Maria tungkol ito sa
kanyang pamilya na pinamagatang “Mapagmataas”

(dramatic song)

DJ : Hello po DJ Pau ako po si maria isang Nurse dito sa amin nagagalak po ako dahil natupad ko na sa
wakas ang pangarap ko! masasabi ko na masaya naman ang aking buhay dahil buo ang aking pamilya
pero minsan nakakapagod na po sila dahil lahat na ng bagay ay inaasa na sa akin hindi naman po ako
nagrereklamo pero imbis na magpasalamat sila kung ano ano pa ang naririnig kung masasamang salita
tungkol sa akin. Tulad na lang po ng sinabi sa akin ng aking inay.

(dramatic song)

DJ: nagising ako nun dahil sa sikat ng araw at napakagandang araw ang nakikita ko mula sa aking bintana
dahil dito isang banibagong araw nanaman ang aking haharapin. kaya tatayo at mahahanda na sa
pagpasok sa aking trabaho.

(tunog na pagbukas ng pinto)

( tunog ng mga kapatid na nag aaway )

maria: Hoy tama na nga yan ( inaawat ang magkapatid) bakit ba kayo nag aaway ang aga aga

Kapatid 1: kasi ate sinuot nya yung damit ko ng hindi nag papaalam eh! Susuotin ko yun ngayon e.

Kapatid 2: napaka damot mo naman parang hindi mo sinuot yung bago kung pantalon ah

Maria: edi magsuot kana lang ng iba jan marami ka namang damit! At ikaw! Johnny mag paalam ka
muna sa kuya mo bago ka magsuot ng damit na hindi naman sayo para hindi kayo nag aaway! Magbati
na kayo! Para may reward kayo sa akin!

Kapatid 1-2: sorry!

Kapatid 1; kung hindi lang para kay ate hindi ako mag sosorry (pabulong)

Kapatid 2: ano yun!?

Kapatid 1: wala! Tsaka nga pala te kailangan ko na daw po mabuo yung bayad sa tuition ko para
makapag exam daw po ako.

Maria: sige, sahod ko naman na mamaya! Mababayaran na natin yun. Basta mag aral ka ng mabuti at
wag magbaulakbol lang.

Kapatid 1: thank you ateee! Tignan mo si nanay at tatay oh nag aaway nanaman.

( nanay at tatay na nasisigawan)

Nanay : lasing ka nanaman! Araw araw ka na lang lasing wala ka ng ginawang matino! Puro paglalasing
lang inaatupag mo! Wala ka talagang kwenta! (tunog ng pagbato ng mga gamit)
Tatay: pano hindi ako maglalasing? Eh puro sakit lang ng ulo pag andito ako sa bahay puro bunganga mo
lang yung naririnig ko.

Nanay: eh kanino palang bunganga yung gusto mong marinig? Eh ako lang naman...

Maria: ma! Pa! Tama na po yan nakakahiya sa mga kapitbahay lagi na lang kayo nag aaway!

Nanay: oh gising kana pala. Kasi yung tatay mo hindi na nagbago! A kense ngayon diba? Edi sahod mo na
mamaya?

Maria: opo ma.

Nanay: tamang tama dapat na tayo mag bayad ng ilaw at tubig pati mamalengke

Maria: ok ma bibigyan po kita ng 8,000 para sa mga gastusin

Tatay: nak kailangan ko rin ng 2,000 para sa pagkain ng mga manok ko tapos pang paayos ng motor ko

Maria: ok tay bigyan po kita mamaya

Nanay: bakit 8,000 lang? Kulang pa yun!

Maria: kailangan na po kasi magbayad sa tuition ni johnny para makapag exam sya.

Nanay: oh malaki pa naman matitira sa sahod mo ah! Pano kayo yun aalis pa naman kami ng mga
kaibigan ko ano na lang ibang gagastos ko? Tapos kulang na kulang yung budget na ibibigay mo.

Maria: ma kailangan po natin unahin na bayaran yung tuition ni johnny para makapag eaxam sya tsaka
na po yang pag gagala ninyo dapat yung mga mahahalagang bagay muna yung inuuna natin sa ngayon
lalot na sobrang taas ng mga bilihin ngayon kailangan talaga natin magtipid!

Nanay: kung makapagsalita ka parang hindi kita pinag aral ah! dahil sa akin nakapagtapos ka ng pag-
aaral kaya tama lang na bayaran mo ako.

Maria: kulang pa ba ma? (umiiyak)halos lahat na nga ng sahod ko napupunta na sa inyo parang wala ng
natitira para sa akin ma! Sa totoo nga dapat tulungan nyo rin ako hindi yung ako na lang lahat at parang
utang na loob ko pa na pinag aral ninyo ako eh obligasyon nyo naman yun bilang isang magulang!

Nanay: masyado ka ng MAPAGMATAAS ah! Kung hindi dahil sa akin hindi ka mabubuhay dapat nga
pinalaglag na talaga kita noon pa!

Maria: ( umiiyak) sana nga pina laglag nyo na lang ako.

(dramatic song)

Dj: hindi ko na alam dj pau kung kakayanin ko pa yung gantong pamilya hirap na hirap na po at ang sakit
sakit na! Nagmamahal, maria.

(dramatic song)

Dj: tapos na natin pakinggan ang nakakalungkot na kwento ni maria alam ko na marami ang
makakarelate jan! Lalo na sa mga breadwinner! Laban lang mga breadwinner lakasan nyo pa ang mga
loob nyo kahit na masakit kayanin nyo darating din yung araw na makakaahon tayo sa buhay at
matatapos ang ating mga paghihirap at sa mga kamag anak naman jan na umaasa sa kanilang mga anak
o kung sino man ang breadwinner nyo wag naman po kayo masyadong umasa! Dapat galaw galaw din
tulungan ang bawat isa dahil pamilya kayo na dapat nag mamahalan at nagtutulungan. (dramatic song)

You might also like