EsP 6 Q3 Week 6

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

ESP 6

Ikatlong Markahan Ika-anim


na Linggo
Bilang isang mamamayang Pilipino
Ako ay susunod sa mga batas na itinakda
Tungo sa maayos at mapayapang bansa
Gawain 1: Tama o Mali.
Panuto: Isulat ang Tama kung ito ay dapat gawin at Mali naman
kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
______1. Itinatapon ko ang aking basura kahit saan.
______2. Tumatawid ako sa tamang tawiran.
______3. Sumusunod ako sa mga protocols ng
pamahalaan tungkol sa pag- iwas sa COVID-19.
______4. Lumalabas ako ng bahay sa panahon ng
quarantine.
______5. Tumutulong ako sa pagpapanatiling malinis
ang kapaligiran.
Pag-isipan ang mga sagot sa mga sumusunod na
tanong.

1. Bakit kailangang sumunod sa mga batas ng


lipunan?
2. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng iba’t-ibang mga batas?
3. May batas bang ipinapatupad sa inyong
lugar? Magtala ng 3 o 5 batas.
Gawain 2: Larawan-Suri
Panuto: Suriin ang mga larawan. Tukuyin kung ano ang
batas/patakaran na ipinapahiwatig ng mga larawan na nasa ibaba.
Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas na ito.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1.
2.

3.
4.

5.
SEAT BELT LAW
RA 8750 o Seat Belt Use Act of 1999
Sa ilalim ng nabanggit na batas, papatawan ng
kaparusahan ang mga tsuper, operator, may-ari ng
sasakyan pati ang mga manufacturer; assembler, importer
at distributor ng mga sasakyan na hindi tumatalima sa
paglalagay at paggamit ng seat belt. Sa seksyon 4 ng batas,
ang nagmamaneho at ang pasahero sa unahan ng
pampubliko o pribado mang sasakyan ay obligadong
gumamit ng kanilang seat belt habang umaandar ang
sasakyan.
Sa seksyon 5 ng batas, ipinagbabawal ang
pagpapaupo sa unahan ng sasakyan ng mga batang
anim na taong gulang pababa.
PHILIPPINE CLEAN AIR ACT
RA 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999

Ito ay naglalayong panatilihing malinis ang hangin sa


pamamagitan ng pagbuo ng mga pambansang programa at
pagpigil sa polusyon sa hangin.
Ang DENR o Department of Environment and
Natural Resources ay inaatasan ng batas na magsagawa ng
mga polisiya at programa upang epektibong makontrol at
mapigilan ang polusyon sa
hangin sa bansa. Katuwang ng DENR ang ilang ahensiya ng
gobyerno gaya ng National Statistical Coordination Board,
mga lokal na pamahalaan at non-government organizations.

Ang nasabing ahensiya ay inaatasan ding bumuo ng


emission standards para sa mga industriya at mga katulad
na establisyamento na naglalabas ng mga pollutant sa
hangin. Ang mga nasabing pamantayan ay nagsasaad ng
maximum limit ng pollutant na maaaring ibuga ng mga
industriya. Bukod dito, ipinagbabawal
din ng batas ang paninigarilyo sa mga pampublikong
gusali, mga pampublikong sasakyan at iba pang lugar na
hindi itinalaga para sa paninigarilyo at ang pagsusunog
(incineration) ng mga biochemical at hazardous waste na
maaaring magsanhi ng mga mapanganib na pollutant.
COMPREHENSIVE DANGEROUS
DRUGS ACT OF 2002
Republic Act 9165

Layunin ng RA9165 na pangalagaan ang kapakanan


ng mamamayan, lalung-lalo na ang mga kabataan, laban sa
pinsalang dulot ng droga.
Mapaparusahan sa ilalim ng batas RA 9165 ang mga
taong: nagbebenta; at gumagamit ng ipinagbabawal o ilegal
na droga at mga kauri nito.
Sa pamamagitan ng RA9165, titiyakin ng
pamahalaan na: mahuhuli ang mga taong nagbebenta at
gumagamit ng ipinababawaI na gamot at mapapatawan sila
ng kaukulang parusa; magkakaroon ng isang pambansang
programa sa pagsugpo sa pagkalat ng ilegal na droga upang
ang mga taong nangangailangan ng gamot na ipingbabawal
ay malayang makagamit nito para sa kanilang karamdaman;
at magkakaroon ng tuloy-tuloy na programa para sa
gamutan at rehabilitasyon ng mga nagiging biktima ng
pang-aabuso ng gamot.
REPUBLIC ACT NO. 9003
(Ecological Solid Waste Management Act of 2000)

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtapon ng basura


sa mga pribado at pampublikong lugar. Ang sinumang
lumabag ay magmumulta ng hindi bababa sa 300 piso
ngunit hindi lalagpas sa 1,000 piso o magsasagawa ng
community service ng ilang araw ngunit hindi lalagpas sa
15 araw.
REPUBLIC ACT NO. 9211
(Tobacco Regulation Act of 2003)

Batas Ukol sa Pagkontrol sa Paggamit ng


Produktong Tabako Ipinagbabawal ng batas na ito ang
paninigarilyo sa mga pampublikong lugar gaya ng elevator,
airport, terminal, restawran, ospital, at paaralan. Nakasaad
din sa batas na ito ang pagbabawal sa mga menor de edad,
o mga indibidwal edad 18 pababa, sa pagbili, pagbenta, at
paghithit ng sigarilyo at iba pang produktong tabako.
REPUBLIC ACT NO. 8485
Animal Welfare Act of 1998

Ang unang batas na komprehensibong nagtadhana sa


tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa
lahat ng hayop sa Pilipinas. Sinasabi ng batas na dapat
mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga at
maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang
lumalabag dito.
Gawain 3: Mga Batas, Alamin Mo!
Panuto: Isulat ang batas na tinutukoy at magbigay ng isang
pangungusap na nilalaman nito. Gawin ito sa sagutang papel.
Pangalan ng Batas
1. Pangkapaligiran
2. Kaligtasan sa Daan
3. Pang-aabuso sa
ipinagbabawal na gamut
4. Pangkalusugan
5. Pagbabawal sa paninigarilyo
6. Pananakit sa hayop
Ang mga batas ay isinagawa upang ang bawat isa ay
tahimik na mamuhay sapagkat ito ay dapat sundin para sa
ikabubuti nating lahat. May batas ng tao at may batas ng
Diyos. Kung ang batas ng tao ay sinusunod para sa
ikatatahimik nating lahat, ang batas ng Diyos o ang
Sampung Utos ay ibinigay sa atin ng Panginoon sa
pamamagitan ni Moises sa upang tayo ay maging mabuting
tao dahil hangad ng ating Lumikha na tayo ay mapabuti
para sa ikatatahimik ng ating kaluluwa at sa pagdating ng
panahon ay makakasama natin Siya sa buhay na walang
hanggan.
Ang batas ng tao ay mga tuntunin upang mas maging
maayos ang isang bansa. Kailangan itong sundin upang
mapanatili natin ang pagiging payapa ng ating pamumuhay
at hindi na makasagabal sa iba pang mamamayan.
Ang batas ay ginawa upang mapanatili ang kaayusan
at kaligtasan ng bawat isa, kung sinuman ang lalabag sa mga
batas na ipinatutupad ng pamahalaan ay may nakalaang
parusa, pagmumulta o pagkakakulong.
Ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas, kautusan at
alituntunin:
1. Mahalalaga na sumunod tayo sa mga batas,
kautusan at alituntunin na ipinatutupad dahil ang
mga ito ay ginawa para sa ating kabutihan.
2. Mahalaga ang pagsunod sa mga batas, kautusan at
alituntunin upang hindi tayo mapahamak
3. Mahalaga ang pagsunod sa batas, kautusan at
alituntunin upang mas umunlad ang ating bayan.
4. Ang pagsunod sa batas, kautusan at alituntunin ay
pagpapakita na ikaw ay isang mabuting mamamayan
Test

You might also like