Health1 Q2 Mod5 KahalagahanNgMgaGawaingPangkalusugan V2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

1

Health
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Kahalagahan ng mga Gawaing Pangkalusugan

CO_Q2_Health1_Module5
Health – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Kahalagahan ng mga Gawaing Pangkalusugan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Manunulat: Lilian G. Agudo
Editor: Dennis Agbayani, Preciosa G. Rivera
Tagasuri: Evangeline D. Castillo, Myrna H. Agudo, Oswaldo A. Valiente
Tagaguhit: Donald C. Batin, Kym Clyde H. Moro
Tagalapat: Oswaldo A. Valiente, Jefferson D. Uy
Management Team: Estela L. Cariño
Octavio V. Cabasag
Rizalino G. Caronan
Roderick B. Guinucay
Eduardo C. Escorpiso Jr.
Georgann G. Cariaso
Marcial Y. Noguera
Evangeline D. Castillo
Natalia N. Nicolas

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region II
Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: [email protected]
1

Health
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Kahalagahan ng mga Gawaing Pangkalusugan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng
iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot
sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang mga bata ay dapat matuto sa kahalagahan ng


wastong gawi sa pangkalusugan upang makaiwas sa
sakit at mapanatili ang masiglang katawan. Ang batang
malusog ay maraming nagagawa. Nakakapag-aral nang
mabuti, nakapaglalaro, nakalalahok sa iba’t ibang
gawain, masayang nakikipagkaibigan at masayahin.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na
ito, ikaw ay inaaasahang malaman ang kahalagahan
ng mabuting gawi sa kalusugan (H1PHllj-5).

Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa


sagutang papel.

1. Maiiwasan ang pagkahawa ni Lita sa sakit na ubo kung


a. gagamit ng panyo si Gemma kapag inuubo.
b. uubo na hindi nagtatakip ng bibig.
c. hindi makipaglaro si Lita kay Gemma.

2. Si Dom ay makinis ang balat at walang sugat ang


kanyang mga paa. Anong pag-aalaga ang kanyang
ginawa?
a. Ayaw lumabas na makipaglaro.
b. Hindi siya naglalaro sa tubig-baha .
c. Hindi siya nagsusuot ng shorts sa paglalaro.

1 CO_Q2_Health1_Module5
3. Nakipaglaro si Rodel sa kanyang alagang pusa. Ano
ang dapat niyang gawin pagkatapos?
a. Kumain kaagad.
a. Maghugas ng kamay.
a. magpahinga o matulog.

4. Malakas ang pangangatawan ni Nani. Ano kaya ang


posibleng dahilan?
a. hindi siya naghuhugas ng kamay bago kumain.
b. tamad siya maligo.
c. lagi siyang kumakain ng gulay at prutas.

5. Alin sa mga nabanggit ang nagpapakita ng wastong


gawaing pangkalusugan?
a. Naglalaro sa ulan at baha si John.
b. Kumakain ng junkfoods si Gabriel.
c. Naghuhugas ng kamay si Lea pagkagaling sa
comfort room.

2 CO_Q2_Health1_Module5
Aralin Kahalagahan ng mga
Gawaing Pangkalusugan.
5
Balikan
Panuto: Piliin ang letra ng mga gawaing tungo sa
malusog na katawan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
a. Maligo araw-araw.
b. Nguyaing mabuti ang pagkain sa bibig.
c. Punuin ng maraming pagkain ang pinggan.
d. Maghugas ng kamay bago kumain.
e. Magsipilyo ng ngipin.
f. Uminom ng softdrinks.
g. Maghugas ng paa pagkagaling sa tubig baha.

3 CO_Q2_Health1_Module5
Tuklasin

Panuto: Ano ang pakinabang mo kapag pinapanatiling


malusog at malinis ang katawan? Iguhit ang bituin sa
sagutang papel at ilagay sa malliit na tatsulok ang letra
ng wastong sagot. Maaaring magpatulong kay nanay o
tatay.

a. Malambot ang katawan


b. Masigla at malakas ang katawan
c. Laging inaantok
d. Magiging ligtas sa sakit
e. Masayang nakapaglalaro
f. Maraming kaibigan
g. Makinis na kutis

4 CO_Q2_Health1_Module5
Suriin

Ang mga bata ay dapat malaman ang


kahalagahan ng wastong gawi sa pangkalusugan upang
makaiwas sa sakit at mapanatili ang masiglang katawan.
Ang batang malusog ay maraming nagagawa.
Nakakapag-aral nang mabuti, nakapaglalaro,
nakalalahok sa iba’t ibang gawain, masayang
nakikipagkaibigan at masayahin.
Narito ang mga kahalagahan ng mabuting gawi sa
kalusugan.
1. Ang pagkain ng masusustanysyang gulay at prutas at
regular na ehersisyo ay nakakatulong sa paglakas ng
katawan.
2. Ang tamang paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng
bibig at ilong kapag inuubo o bumabahing at paliligo
araw-araw ay magiiwas sa atin sa sakit at
karamdaman.
3. Ang pagsesepilyo araw-araw ay makakatulong sa
malusog na gilagid at ngipin.
4. Ang pagtatakip ng bibig at ilong kapag inuubo at
bumabahing
5. Ang patulog ng maaga ay makakatulog upang
maging masigla sa araw-araw.

5 CO_Q2_Health1_Module5
Pagyamanin
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Iguhit ang masayang
mukha( ) kung nagpapanatili ng kalinisan at
kalusugan. Lagyan naman ng malungkot na mukha
( )kung ito ang dahilan ng pagkakasakit. Isulat sa
sagutang papel.

____1. _____4.

____ 2. _____ 5.

____ 3.

6 CO_Q2_Health1_Module5
Isaisip

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot mula sa


pagpipilian sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Maiiwasan ang pagkakaroon ng mikrobyo kapag
laging _______ ( malinis, marumi, makati )ang katawan.
2. Magtatakip ng bibig kapag inuubo upang hindi
_________( makapagsalita, makahawa, makakain )
ng iba.
3. Malakas ang _________ ( loob, pangangatawan, boses )
ng laging nag-eehersisyo.
4. Ang batang naghuhugas ng kamay pagkagaling sa
palikuran o paghawak ng maruming bagay ay
_____________ ( makaiiwas, makakaipon, makabubuti )
sa pagkakaroon ng bulate at pagtatae.
5. Pagpapanatili ng kalusugan ng ________ ( buhok,
katawan, balakang ) ay nakatutulong sa pagkakaroon
ng tiwala sa sarili.

7 CO_Q2_Health1_Module5
I Isagawa

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tama kung ang


pahayag ay tama at isulat ang mali kung ang pahayag
ay mali.
______ 1. Matulog at magpahinga nang maaga.
______ 2. Pagsisipilyo araw-araw.
______ 3. Gamitin ang suot na damit na pantakip sa
bibig kapag inuubo.
______ 4. Maghugas ng kamay pagkagaling sa
paglalaro.
______ 5. Hindi pagpupuyat.

Tayain

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang


sagot sa bawat sitwasyon.
1. Bakit gumagamit ng panyo si Cora kapag inuubo?
a. Maiiwasan ang pagkahawa ng iba.
b. Hindi makakapagsalita si Cora.
c. Masakit ang ngipin

2. Niyaya si Rex maglaro sa tubig-baha. Ano ang dapat


mong gawin?
a. Sumama si Rex para makapaghugas ng paa.
b. Hindi sumama si Rex dahil ayaw niyang
magkasakit sa balat.
c. Inutusan ang kaibigan na makipaglaro.

8 CO_Q2_Health1_Module5
3. Bakit naghugas ng kamay si Bea pagkatapos
dumumi.
a. Upang makaiwas sa sakit
b. Puputi ang kamay niya
c. Kikinis ang balat niya.

4. Ano ang magandang maidudulot ang laging


paglalakad sa pagpasok sa paaralan kay Roy?
a. Hihina ang katawan niya.
b. Lalakas ang katawan niya,
c. Lalaki ang tiyan niya.

5. Ano ang mabuting maidudulot ng laging


pagsisispilyo ng ngipin ni Rey pagkatapos kumain?
a. Gaganda ang ngiti niya.
b. Maiiwasan ang pagkasira ng ngipin.
c. Dadami ang ngipin niya.

9 CO_Q2_Health1_Module5
Karagdagan Gawain

Suriin ang dalawang larawan. Tulungan natin ang


pagsagot ang bata. Maari mo bang sabihin kay Nanay o
Tatay and iyong sagot.

Roy, gusto kong


maging katulad
mong malusog. Ano
ang gagawin ko?

10 CO_Q2_Health1_Module5
CO_Q2_Health1_Module5 11
Subukin Balikan Tuklasin Pagyama
1. a (a,b,d, nin
2. b e,g) 1.
3. b 2.
bde
4. c fg 3.
5. c
4.
5.
Isaisip Isagawa Tayain Karagdagang Gawain
1. malinis Mga maaaring sagot:
1. tama 1. a
2. makahawa 1. Maligo ka araw-
2. tama 2. b araw
3. panganga-
tawan 3. mali 3. a 2. Maghugas ng
kamay pagkagaling
4. makaiiwas 4. tama 4. b sa banyo.
5. katawan 5. tama 5. b 3. Magpalit ng malinis
na damit pagkatapos
maglaro
4. Mag-ehersisyo
5. Kumain ng
masustansya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

K to 12 Most Essential Learning Curriculum, pages 340


Deped LRMDS Portals for Images

12 CO_Q2_Health1_Module5
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like