Health 3 - Q2 - Mod1 - Mga Karaniwang Sakit Sa Pagkabata

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

3

Health
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Mga Karaniwang Sakit sa
Pagkabata
3

Health
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Mga Karaniwang Sakit sa
Pagkabata
Health Education - Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Mga Karaniwang Sakit sa Pagkabata
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Fe O. Batao
Editor: Noel O. Sarmiento
Tagasuri: Marivic O. Arro, Vicente A. Pines Jr., Jessel C. Marqueda
Tagaguhit: Isagani M. Cagaanan
Tagalapat: Angelica M. Mendoza
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Janette G. Veloso Alma C. Cifra, EdD
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo, PhD
Ma. Cielo D. Estrada Fortunato B. Sagayno
Jeselyn B. dela Cuesta Elsie E. Gagabe

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI


Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

E-mail Address: [email protected] * [email protected]


Alamin
Mahalagang mapanatiling malakas at malusog ang ating
katawan upang maiwasan ang iba’t ibang sakit o karamdaman.
Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang matukoy ang iba’t
ibang karaniwang sakit ng mga bata. (H3DD-IIbcd-1). Inaasahan
din na makakatulong ang modyul na ito upang higit na
pahalagahan at isagawa ang mga gawaing pangkalusugan
laban sa mga sakit.
Dito mo rin matutunan kung saan nanggagaling ang iba’t
ibang sakit at kung paano ito nakakahawa sa ibang tao.

Subukin
Panuto: Sa isang sagutang papel, kopyahin ang gawain na nasa
ibaba. Lagyan ng tsek ang kahon kung ikaw ba ay nakaranas na
o hindi pa sa mga sakit na nabanggit. Maaring magpatulong kay
nanay o tatay.

Mga Karaniwang Sakit


Naranasan Na Hindi Pa
sa Pagkabata
Pananakit ng Tiyan
(stomach ache)
Ubo (cough)
Bulutong Tubig
(Chicken Pox)
Sipon (cold)
Lagnat (fever)
Pananakit ng
lalamunan (tonsillitis)
Pangangati ng Balat
(skin irritation)
Tigdas
(measles)

1
Aralin Mga Karaniwang Sakit sa
1 Pagkabata
Ang sakit ay hindi normal na kalagayan ng kalusugan ng
isang bata. Ito ay maaaring sanhi ng hindi maayos na
pangangalaga ng katawan. Maaari rin itong sanhi ng mga
mikrobyong nagdadala ng sakit.
Ang karaniwang sakit ng isang bata ay nakukuha din sa
hindi pagkain ng masustansiyang pagkain at kakulangan ng
sapat na nutrisyon sa katawan. Ang batang ka gaya mo ay
kailangan may sapat na nutrisyon para malabanan ang ibat
ibang sakit na pumapasok sa iyong katawan.

Balikan

Balikan nating muli ang natutuhan mo sa nakaraang


modyul. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Bakit kailangan maging malusog ang isang batang tulad mo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ano ang dapat gawin upang maging malusog ang ating


katawan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2
Mga Tala para sa Guro
Sa panibagong aral na matutunan mo ngayon ay ang
iba’t ibang sakit ng tao at inaasahang basahing mabuti para
lubos mo itong mauunawan ang bawat pahina ng modyul na
ito. May mga pagsasanay na isasagawa at intindihing mabuti
ang bawat panuto kung sakaling hindi naiintindihan ang
ibang panuto maaaring itanong sa guro o di kaya sa mga
magulang mo.

Tuklasin

Ang karaniwang sakit ng isang bata ay nakukuha sa hindi


paglilinis ng katawan, pagkain ng hindi masustansiyang pagkain
at maruming kapaligiran. Ito ay nagdudulot ng iba’t ibang
karamdaman at nakakasama sa kalusugan ng isang batang
tulad mo.

3
Narito ang isang maikling kwento na kapupulutan ng aral.
Ang Batang Mahilig Maglaro
Si Ana ay sampung taong gulang, mahilig siyang maglaro sa
labas ng kanilang bahay, hindi siya nakikinig sa payo ng kanyang
magulang, lagi niyang pinapabayaang natutuyuan ng pawis ang
kanyang katawan tuwing siya ay naglalaro, hindi rin naghuhugas
ng kamay si Ana kapag siya ay kumakain. Laging marumi ang
kanyang damit at hindi naliligo pagkatapos niyang maglaro,
kaya’t simula noon ay lagi na siyang may lagnat, ubo, sipon,
pangangati ng balat at pananakit ng tiyan. Siya ay pinayuhan ng
kanyang doktor na huwag munang maglaro sa labas ng kanilang
bahay para maiwasan ang karamdaman na kanyang
nararanasan.
Sa sagutang papel, sagutin ang dalawang (2) tanong.
1) Saan kaya nakuha ni Ana ang kanyang sakit?
2) Sa iyong palagay, tama ba ang maglaro ng buong
araw?
Si Ana ay nagkasakit dahil sa kanyang kapabayaan sa
kanyang sarili. Hinayaan niyang matuyoan ang kanyang
katawan ng pawis, kaya siya ay nagkasakit.
Batid sa kwento na alagaan nating mabuti ang ating
kalusugan.

4
Suriin
Ang karaniwang sakit ng mga bata ay nakukuha sa hindi
mabuting pag-aalaga ng kalusugan na maaring nagmula sa
mga mikrobyo at bakterya na pumapasok at sumisira sa ating
katawan.
IIan sa mga pangkaraniwang mga sakit na ito ay ang mga
sumusunod:
 ubo
 sipon
 lagnat
 Pananakit ng tiyan;
 beke (mumps)
 pananakit/pamamaga ng lalamunan;
 pangangati ng balat;
 tigdas at bulutong tubig

Ang batang may mahina ang resistensiya ay madali itong


mahawaan ng karaniwang sakit. Ang hindi malinis na mga
pagkain at hindi paghuhugas ng kamay ay nagdudulot ng
ibat’ibang sakit at karamdaman gaya ng COVID-19. Ang pagkain
ng sobrang tsokolate at iba pang labis ang tamis na pagkain ay
maaaring magdulot ng pamamaga ng tonsillitis. Ang hindi
pagligo araw-araw ay nagdudulot ng pangangati ng balat.
Mahalagang alagaan ang kalusugan upang sakit ay
maiwasan at makapamuhay ng masagana at masigla.

5
Pagyamanin
Alamin ang sakit ayon sa sumusunod na larawan. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa sagutang papel.

ubo sipon bulutong tubig


lagnat pananakit ng tiyan

6
Isaisip
Ang sakit ay hindi normal na kalagayan ng kalusugan ng
isang bata. Ang mga sakit ay nakukuha sa hindi malinis na
kapaligiran at hindi maayos na pangangalaga ng
pangangatawan.
Panuto: Sa sagutang papel, dugtungan ng angkop na sagot ang
mga sumusunod na pahayag base sa iyong natutunan tungkol sa
pangkaraniwang sakit sa pagkabata.
1. Ang batang may mahina ang resistensiya ay madaling
mahawaan ng______________________.

(malakas, sakit, bitamina )

2. Ang pagkain ng labis ang tamis ay maaring magdulot ng


pamamaga ng__________________________.

(tenga, mata, tonsilIitis)


3. Ang hindi paghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain
ay nagdudulot ng sakit gaya ng __________________.

(pananakit ng mata, pananakit ng kamay, covid -19)

4. Ang hindi pagligo araw-araw ay nagdudulot ng pangangati


ng_________________.

(ilong, balat, tiyan)

5. Mahalagang_________________ang kalusugan upang sakit ay


maiwasan.

(alagaan, pabayaan, iwasan)

7
Isagawa

Panuto: Sa isang sagutang papel, kopyahin ang gawain na nasa


ibaba. Lagyan ng tsek ang kolum batay sa iyong ginagawa.
Maaring magpatulong kay nanay o tatay.
Paminsan- Hindi Talaga
Mga Gawain Madalas
Minsan
Maligo araw-
araw

Kumain ng gulay

Naghuhugas ng
kamay
Tinatapon ang
basura sa
tamang lalagyan
Nagsisipilyo araw-
araw

8
Tayahin

Buoin ang mga titik upang mabuo ang tamang salitang


inilalarawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ginulong Salita Paglalarawan Nabuong Salita


Ito ay nakukuha sa labis
B O U na pagkatuyo ng pawis 1.
sa ating katawan.
Ito ay sakit na nakukuha
PANGANGITA
sa hindi pagligo araw- 2.
NG BLATA
araw
Ito ay sakit na
PANANAITK
makukuha sa maruming 3.
NG T Y A N I
pagkain.
Ito ay temperature na
umaabot ng 37 pataas
degree celsius,
A L G A N T 4.
kadalasan giniginaw at
nanghihina ang
katawan
Ito ay sakit na
TNOISLITLIS makukuha sa sobrang 5.
pagkain ng tsokolate

9
Karagdagang Gawain

Basahin ang sumusunod na pangungusap at isulat sa


sagutang papel ang salitang Tama kung ito ay nagsasabi ng
katotohanan at Mali naman kung ito ay hindi.
_______ 1. Ang pagkain ng tsokolate araw-araw ay nakakabuti sa
ating lalamunan.
_______ 2. Ang sakit ng isang bata ay nakukuha sa malinis na
kapaligiran.
_______ 3. Ang batang may mahinang resistensiya ay madaling
mahawaan ng iba’t ibang sakit.
_______ 4. Ang batang may sapat na nutrisyon ay masaya at
masigla.
_______ 5. Ang paghuhugas ng kamay ay makakaiwas sa sakit na
COVID-19.

10
11
Balikan Pagyamanin
Iwawasto ng guro at ang 1. bulutong tubig
sagot ay naka depende sa 2. pananakit ng tiyan
interes ng isang mag-aaral. 3. ubo
4. lagnat
5. sipon
Isaisip
1.sakit
2.tonsilIitis
3.covid-19 Karagdagang Gawain
4.balat
1. MALI
5.alagaan
2. MALI
3. TAMA
Tayuhin 4. TAMA
5. TAMA
1. ubo
2. pangangati ng balat
3. pananakit ng tiyan
4. lagnat
5. tonsillitis
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Cristo-Rizalde, et.al., (2017) Music, Art, Physical Education and


Health Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya.
Quezon Philippines: Book Media Press, Inc.

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like