Edukasyon Sa Pagpapakatao: Kultura NG Ating Lahi, Ating Pahalagahan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

4 Z est for Progress


Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 3 - Modyul 1:
Kultura ng Ating Lahi,
Ating Pahalagahan

Name of Learner:
Grade & Section:
Name of School:
Alamin

Basahin at unawain ang sanaysay.

Mayaman ang Pilipinas sa kultura, kaya naman tayo ang kinagigiliwan ng


taga ibang bansa. Nasasalamin sa ating kultura ang magandang gawi, asal, mga
tradisyon, sining, at panitikan na nagbibigay sa atin ng pambansang pakakakilanlan.
Nagsilbi itong buklod ng pagkakaisa at pagkakaunawaan.
Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao.
Kabilang dito ang sining, wika, musika, at panitikan. Kasama rin ang paninirahan
at kaugaliang kanilang pinapakita sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ipagmalaki natin ang ating kulturang kinagisnan dahil iyan ang tatak ng tunay
na pagmamahal sa ating bansang Pilipinas.

Mahilig ka bang umawit o makinig ng mga awit? Sinasabing musika ang wika ng
puso. Iba man ang salitang ginagamit, mauunawaan pa rin ng mga tao ang damdaming hatid ng
isang himig. May alam ka bang katutubong awitin? Ang sinaunang kultura ng mga Pilipino ay
mayaman sa mga awitin. May awit para sa pagsamba, sa pagtatanim o pangangaso, panliligaw,
pagpapakasal, maging sa pakikipaglaban at paglisan.

Sa modyul na ito, iyong matutunan ang:


Pagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang
material. (hal. Kuwentong bayan, alamat, at mga epiko.) EsP4 IIIa-b-19

2
Subukin
Sa Ugoy ng Duyan

Sana’y di magmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan.
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay langit ang buhay,
Puso kong may dusa, Sabik sa ugoy ng duyan
(ulitin ang una at ikalawa)
Coda:
Nais kong matulog
Sa dating duyan koi nay
0, inay…

A. Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang salitang “TAMA” kung ang pahayag ay ayon
sa isinasaad ng awit, at “MALI” kung kasalungat ng isinasaad nito, at “WALA” kung
hindi matatagpuan sa kanta ang isinasaad ng pahayag.
_____a. Ayaw ng umaawit na malimutan ang alaala niya nang siya ay munti pang bata sa piling
ng kaniyang ina.
_____b. Pinatutulog din siya ng kaniyang ama.
_____c. Ayaw na niyang matulog muli sa dati niyang duyan.
_____d. Inaawitan siya ng kaniyang ina habang pinatutulog sa duyan noong siya ay bata pa.
_____e. Hindi siya karaniwang makatulog sa ugoy ng duyan.
_____f. Ang kaniyang ina ay mapagmahal at mapagkalinga.
_____g. May iba pa siyang mga kapatid na inaalagaan ng nanay niya.
_____h. Ngayon ay malaki na ang umaawit; hindi na siya bata.
_____i. Nangungulila sa kaniyang nanay ang umaawit.
_____j. Buwan ang nagbabantay sa kaniya habang natutulog sa duyan.

3
B. Hanapin sa Hanay B ang kaukulang mensahe ng mga linya sa Hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.
A B
____1. Bisig ko’y namamanhid, baywang a. Maging matalino sa paggasta.
ko’y nangangawit. b. Ang taong nagmamahal sa kaniyang
____2. Kung pagkain sana nabusog pa ako. bansa ay ihahandog anumang
____3. Ang pag-ibig ay sa gawa, hindi sa makakaya makita lang itong malaya.
salita. c. May tagumpay sa pagkakaisa.
____4. Kaya matibay ang walis, palibhasa’y d. Hindi madali ang magtanim.
nabibigkis. e. Higit na mahalaga ang ikinikilos kaysa
____5. Walang mahalagang hindi inihandog sinasabi.
na may pusong mahal sa bayang f. Susi sa tagumpay ang matibay na
nagkupkop. pananalig sa Diyos.

Modyul KULTURA NG ATING LAHI, ATING


1 PAHALAGAHAN

Balikan
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang mga sagot mula sa mga salitang nasa loob
ng kahon.

Pista Pamamanhikan
Paghaharana Simbang gabi
Pagmamano
1. Isang pamamaraan ng mga Pilipino na nagpapakita ng paggalang sa mga nakakatanda.
_______________
2. Isa sa mga malaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba’t-ibang dako ng
Pilipinas. _______________
3. Isinasagawa sa gabi mula sa labas ng tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan.
_________________
4. Tradisyon na isinasagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal.
______________
5. Karaniwang ginagawa 9(siyam) na gabi bago sumapit ang pasko. __________________

4
Tuklasin
Basahin at unawain ang sanaysay.

Likas sa mga tao ang ipahayag ang kanilang mga obserbasyon, saloobin, pananaw,
at karanasan sa pamamagitan ng panitikan, ang sining na pasulat. Ang mga kuwento,
tula, sanaysay, mga tulang nilalapatan ng himig at maging awit, at mga salawikaing
nalikha bago paman dumating ang mga Espanyol ay nagpapatunay na an gating mga
ninuno ay may mayamang panitikan. Ang mga alamat ay ang nagpapaliwanang sa atin
ng maaaring pinagmulan ng mga lugar, hayop, halaman, o bagay.
Samantala, ang mga pabula na gumagamit ng mga hayop bilang mga tauhan ay
naglalahad ng mahahalagang aral at katotohanang nagsisilbing gabay sa ating
pamumuhay.
Ang mga awiting Pilipino ay naglalarawan ng mga saloobin ng mga Pilipino sa
buhay. Ang bugtong na lubhang mapanghamon sa ating isip dahil sa matalinghaga nitong
anyo ay isang pagpapatunay na ang ating mga ninuno ay may malalim nap ag – iisip at
malikhaing imahinasyon. Ang ating mga salawikain ay nagpapakita ng marubdob na
pagnanais ng ating mga ninuno na mamuhay ng matuwid, mapayapa, at may kaayusan.
Bilang mga Pilipino, makatutulong sa pag – unawa sa ating pinagmulan ang ating
sining at panitikan. Sa bawat kuwentong naisusulat, tulang nabibigkas, at awiting
pumapailanlang, higit na tumitingkad ang ating kultura at higit na nauunawaan natin ang
mga kaganapan sa ating lipunan. Ang mga likhang – sining tulad ng mga iginuhit na
larawan, mga gawang lilok, at mga dekorasyon ay sumasalamin din sa ating mga
pinagdaanan, kinakaharap, at mga pangarap.

5
Hiligaynon Version: Tagalog Version:

Dandansoy, bayaan ta icao Dandansoy, iiwan ko ikaw


Pauli aco sa Payao Babalik ako sa Payaw
Ugaling con icao hidlauon Kung ibig mo akong matanaw
Ang Payaw imo lang lantauon. Ay doon mo ako parunan.

Dandansoy, con imo apason Kung sakaling ikaw’y maglakbay


Bisan tubig di magbalon At dalawin moa ng Panay
Ugaling con icao uhauon Kung sakaling ikaw’y mauhaw
Sa dalan magbobonbobon. Hukayin ang tubig sa daan.

Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan base sa awiting, “Dandansoy”.
1. Ano sa palagay mo ang damdaming inilalarawan sa awit? Bakit?
________________________________________________________________________
2. Ano kaya ang ibig sabihin ng “Dandansoy”? Pangalan kaya ito ng lugar o tao?
________________________________________________________________________
3. Kung tunay na minamahal ni “Dandansoy” ang umawit, ano ang gagawin niya?
________________________________________________________________________
4. Anong kulturang materyal ang awitin?
________________________________________________________________________
5. Kung ikaw si “Dandansoy”, tutularan mo ba siya? Bakit?
________________________________________________________________________

Pagyamanin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kaukulang kahulugan sa mga kulturang materyal na nasa
Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
HANAY A HANAY B
__ 1. Bugtong a. May hatid na aral o katotohanang magagamit
nating gabay sa ating buhay.
__ 2. Pabula b. Matalinhagang paglalarawan ng mga bagay na
ang panguhaning layunin ay hamunin o patalasin
ang ating isipan.

6
__ 3. Alamat c. Gumagamit ng mga hayop bilang tauhan sa
kuwento at naglalahad ng mahahalagang aral at
katotohanan.
__ 4. Kuwentong – bayan d. Nagpapaliwanag sa atin ng maaaring pinagmulan
ng mga lugar, hayop, halaman, o bagay.
__5. Salawikain e. Salaysay hinggil sa mga likhang – isip na mga
tauhan na kumakatawan sa mga uri mamamayan,
katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.

Isaisip
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

A. Ano – ano ang mga kulturang materyal ng Pilipino? Magbigay ng limang halimbawa.
___________________________________________________________________

B. Paano nakapagbibigay sa atin ng pambansang pagkakakilanlan ang ating kultura?


___________________________________________________________________
C. Ano ang kahalagahan ng kulturang materyal? Bakit?
___________________________________________________________________

Isagawa
A. Kumpletuhin mo ang mga salawikain. Punan ng titik ang bawat hugis upang mabuo ang
sagot.

1. Ubos-ubos ang biyaya, pagkaubos

N A

2. Lumilipas ang kagandahan ngunit di ang

b a
3. Ang nagugutom pakainin, ang nauuhaw
a

7
4. Ako ang nagsaing, iba ang

m i

5. Ang panalo ay sakali, ang pagkatalo ay

B. Hulaan ang tinutukoy sa bawat bugtong. Isulat ang sagot sa kahon.


Bugtong
1. Dalawang bolang itim, malayo ang nararating.
2. Limang puno ng niyog, ang isa’y matayog.
3. Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan.
4. Ate mo, Ate ko, ate ng lahat ng tao.
5. Hindi tao, hindi ibon, bumabalik pag itapon.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isang pabula ng mga Maranao. Pagkatapos ay
sagutan ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti
(Pabula ng Maranao batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura Madale)

Si Lalapindigowa-i na isang putakti ay isang masipag na magsasaka. May


dalawa siyang asawa, sina Odang, isang hipon at si Orak, isang itlog. Tulad ng ibang
Maranao, hindi lamang siya masipag na magsasaka kundi isang tapat na asawa.
Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang asawa.
Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa
bukid nang sa ganoon ay di masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at
nagpasya ang dalawa niyang asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain sa bukid.
Pagkaraan ng maraming araw at buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang
mga asawa ni Lalapindigowa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at
tumangging magdala ng pagkain. Si Orak ay ayaw ding maghatid ng pagkain. Nagalit si
Odang at nagsimula itong magdadadamba hanggang sa ito’y mahulog sa kaserola at
magkulay pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kaya’t ipinaghele
niya ito. Sa di sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola at siya’y naluto rin.

Samantala, si Lalapindagowa-i ay ginutom sa kahihintay sa kanyang dalawang


asawa. Pagkaraan ng ilang oras ng paghihintay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa
8
daan nakita ng gutom na si Lalapindagowa-i ang basag na kaserola at ang mga asawa
niyang naluto.
Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito.
Gutom na gutom na siya kaya hinigpitan niya ang kanyang sinturon. Simula noon,
ang beywang ni Lalapindigowa-i ay lumiit dahil batid niyang wala na siyang mga

Mga Tanong:
1. Ano ang ugnayan ni Lalapindagowa-i kina Orak at Orang?
A. Mga kapatid C. Mga kapitbahay
B. Mga asawa D. Mga kasamahan sa trabaho
2. Kumusta ang relasyon nina Orak at Orang?
A. Nagkasundo sila C.Nagkainggitan sila
B. Nag-aaway palagi D. Nagkalamangan sila
3. Paano naging tapat na asawa si Lalapindagowa-i?
A. Nagpabaya sa kanyang obligasyon
B. Nagmadamot sa mga asawa.
C. May paborito sa dalawang asawa.
D. Nagsumikap siyang nagtrabaho.
4. Anong katangian ng mga tauhan ang naibigan mo sa pabula?
A. Maunawain C. Makasarili
B. Mapagbigay D. Masayahin
5. Paano sa palagay mo mabisang nagampanan ng mga tauhang hayop ang kanilang
karakter sa pabula?
A. Napatunayan na nila na ang mga hayop ay mapagmahal.
B. Naipapahayag nila ang pagmamahal sa isa’t – isa.
C. Naipapakita nila sa mga mambabasa ang tunay na kakanyahan ng pagiging
maunawain at mapagbigay.
D. Hindi nagging matagumpay ang pagganap ng mga karakter sa pabula.
6. Isa bang magandang halimbawa ang ipinakita na katangian ni Lalapindagowa – i?
Bakit?
A. Hindi. Dahil siya ay makasarili.
B. Hindi. Dahil hindi magandang tularan ng mga kabataang lalaki ang magkaroon
ng dalawang asawa.
C. Oo. Dahil may dalawang mag – aalaga at magmamahal sa kanya.
D. Oo. Dahil masaya ang buhay ni Lalapindagowa-i.
7. Anong aspekto ng kulturang Maranao ang itinampok sa pabula?Bakit?
A. Itimanpok sa pabula ang kulturang aspektong Maranao sa pagkakaroon ng maraming
asawa.
B. Itinampok ang kulturang Maranao sa pagiging mapagmahal sa mga kapwa.
C.Itinampok ang kulturang Maranao ang kagalingan nila sa paghabi ng kasuotan tulad ng
“Malong.”
D.Itinampok ang kulturang Maranao ang kagalingan nila magdesinyo ng mga kagamitan
katulad ng banig .
9
8. Paanong pantay na napagsilbihan ni Lalapindagowa-i ang dalawa niyang asawa?
A. Hindi niya kayang mapakain ang dalawang asawa.
B. Kaya niyang mapakain ang dalawang asawa.
C. Mas lamang ang pagsilbi niya kay Orang.
D. Mas lamang ang pagsilbi niya kay Orak.
9. Paanong pantay na napagsilbihan nina Orak at Orang ang kanilang asawa si
Lalapindagowa-i?
A. Gusto ni Orak na siya lang ang magdala ng pagkain sa asawa.
B. Gusto ni Orang na siya lang ang magdala ng pagkain sa asawa.
C. Nagkasundo sila araw-araw, dalhan ng pagkain ang asawa.
D. Pareho sina Orak at Orang na ayaw magdala ng pagkain sa asawa.
10. Ano ang masasabi mong kaugalian ng pagkakaroon ng higit sa dalawang asawa ng
Mga Maranao? Sang-ayon ka ba o hindi? Bakit?
A.Oo.Dahil masaya ang may maraming asawa.
B.Oo.Dahil may maraming mag-aalaga sa akin.
C.Hindi.Dahil bawal sa bansang Pilipinas.
D.Hindi.Dahil ayaw ng ating Panginoong Hesus.

Karagdagang Gawain
Panuto: Pumili ng isang katutubong awit, kuwento, o tula na iyong nabasa. Isulat kung anong
katangian ng mga Pilipino ang ipinakikita nito.

Ang napili ko po ay isang (awit, kuwento, tula) na may pamagat na


___________________________. Ito ay tungkol sa
________________________________________________________________
___________________________________. Ipinakikita nito na ang mga
Pilipino ay _______________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.

10
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
• Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa pagpapakatao 4, Batayang Aklat, 181 - 193

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: JEANE A. MABAYO


Teacher II, Napolan Elementary School
District 9, Division of Pagadian City
Editors/QA: JUANITO N. CANTILA JR., EdD
OIC – PSDS, District 14
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala:
DANNY B. CORDOVA, EdD, CESO VI
OIC Schools Division Superintendent
MARIA COLLEEN L. EMORICHA, EdD, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
MARIA DIOSA Z. PERALTA
CID, CHIEF
MA. MADELENE P. MITUDA, EdD
EPS-LRMDS
JOVITA S. DUGENIA
EPS-EsP

11
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed that I think that I shall never see A
I was walking along the beach with the poem lovely as a tree.
LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets of Against the earth’s sweet flowing breast;
footprints – one belong to me and the
other to the LORD. A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
Then, later, after a long walk, I noticed
only one set of footprints. A tree that may in Summer wear A
nest of robins in her hair;
“And I ask the LORD. Why? Why? Why
did you leave me when I am sad and
Upon whose bosom snow has lain;
helpless?”
Who intimately lives with rain.
And the LORD replied “My son, My son,
I have never left you. There was only one Poems are made by fools like me,
(1) set of footprints in the sand, because it But only God can make a tree.
was then that I CARRIED YOU!

You might also like