Edukasyon Sa Pagpapakatao: Sariling Disiplina Sa Pagsunod Sa Mga Batas

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

4 Z est for Progress


Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 3 - Modyul 5:
Sariling Disiplina sa
Pagsunod sa mga Batas

Name of Learner:
Grade & Section:
Name of School:
Alamin

Magandang araw mag-aaral!

Nakapunta ka na ba sa ibang lugar? Ikaw ba ay nakapasyal na sa mga mall o kaya sa


parke? Naranasan mo na ba ang “mag-mountaineering”? May napansin ka ba na nakapaskil
na mga babala o signages? Ano ba ang halaga ng mga ito? Paano kaya kung wala ang mga
ito?
Ang disiplina ay kakambal ng kabutihan. Ang taong may sariling disiplina ay
gumagawa kung ano ang mabuti at mainam para sa lahat. Ang taong may disiplina ay
kahanga-hanga at mayroon ding maayos na kinabukasan. Ang pagkakaroon ng pansariling
disiplina ay bunga ng positibong pagtugon sa kung ano ang magandang ibinubulong ng
sariling konsensiya. Kapag ang lahat ng tao ay may disiplina, magdudulot ito ng katiwasayan
sa lipunan at lubos na kaunlaran ng bansa.

Sa modyul na ito, iyong matutunan ang kahalagahan ng sariling disiplina at pagtugon


sa mga panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.

Layunin ng modyul na ito ang gabayan kayo sa pagkamit ng kasanayang ito:


11.Nakasusunod sa mga batas/panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng
kapaligiran kahit walang nakakakita.
EsP4-III-e-f21

Subukin
Basahin ang bawat pahayag at iguhit ang masayang mukha kung tama
at malungkot naman kung mali.

______1. Tumulong sa mga programang pangkalikasan at pangkapaligiran sa paaralan.


_____2. Paghiwalayin ang mga nabubulok sa hindi-nabubulok. Isapuso ang 3R’s na
nangahulugang Reduce, Reuse at Recycle.
_____3. Pumitas ng naiibigang bulaklak lalo’t walang nakakakita.
_____4. Pagpigil sa mga pang-aabuso sa lupa, tulad ng reforestation at deforestation,
walang habas na pagkuha ng mga likas na yaman at panghuhuli ng mga hayop
upang ibenta.

_____5. Patuloy na pagtatapon ng mga basura sa mga ilog, kanal, at sapa.


2
Modyul
Sariling Disiplina sa Pagsunod sa mga Batas
5

Balikan

Sa nakaraang modyul, inyong napag-aralan at naunawaan ang mga gawaing


nagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang kultura ng mga pangkat etniko sa ating bansa.
Makikita ito sa mga kasuotan, kuwentong bayan, sayaw, awit, laro at iba pa. Ang kultura ay
kaluluwa ng ating lahi na hindi dapat mapahiwalay at makalimutan dahil ito ang
nagpapatunay ng ating pagiging makabansa.

Gawain A: Puzzle

Panuto: Tingnan ang puzzle. Hanapin ang sampung salita na tumutukoy sa kulturang
Pilipino.
M I B P A S S M R I N A O P
R S U B A N O N E S D Q W M
D A Y A N G D A Y A N G T A
B Y O G K E M D C L T R ‘ S
U O R S I M B A N G G A B I
G W A G O N G B M P U E O H
T X W Z Q X S Y D A S A L L
O S A L A W I K A I N H I K
N Z J M L I P A E S T O K I
G T D A N D A N S O Y A N T

3
Tuklasin
Sa bahaging ito, mapag-aaralan mo ang kahalagahan ng sariling disiplina
sa pagsunod sa mga batas.
Basahin ang dayalogo ng mag-ama at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Araw ng Sabado, masayang gumising nang maaga si Abby upang maghanda


sa pagsama niya sa kanyang Tatay para mag-mountaineering sa Mt. Timolan. Siya
ay nasasabik na makita ang kagandahan ng lugar at maranasan ang maligo sa lawa.

Abby: Naku, Tay! Hindi na ako makapaghintay na lumangoy sa lawa.


Totoo ba talaga na maganda ang lugar na pupuntahan natin?
Tatay: Oo, sigurado na magsasaya ka doon. Napakaganda ng tanawin at may mga
ibon at makukulay na bulaklak.
Abby: Ayon, sa aking nabasa doon sa Mt. Timolan matatagpuan
ang napakagandang hugis puso na lawa.
Tatay: Tama, kaya maraming dumarayo sa lugar na iyon. Ang ating lokal na
pamahalaan ay naglagay ng mga babala at tagapangasiwa ng oryentasyon sa
mga turista na pumupunta para mapanatili ang kagandahan ng lugar at
mapangalagaan ang mga nanganganib na hayop at mga halaman.
Abby: Mayroon po ba tayong batas para sa proteksiyon at pangangalaga ng
kalikasan at kapaligiran?
Tatay: Isa sa mga batas ay ang Republic Act 9147 ”Wildlife Resources
Conservation and Protection Act”, ito ang nagbibigay proteksiyon at
pangangalaga sa mga nanganganib na hayop, halaman at ang kanilang
tirahan. Ang Department of Environment and Natural Resources o DENR ay
ahensiya ng gobyerno na tumutulong din na maipatupad ang batas na ito.
Ang Republic Act 9512: Environmental Awareness and Education Act of
2008 ay isa din sa batas na itinataguyod ang kamalayan tungkol sa
kapaligiran sa pamamagitan ng Environmental Education.
Abby: Ganoon po ba? Simula ngayon ay isaisip at isapuso ko po ang pagsunod
sa mga batas na ito.
Tatay: Tama anak, dahil ang pagsunod sa batas o mga babala ay nagpapatunay na
ikaw ay may disiplina sa sarili, mayroon man o walang nakakakita sa lahat
ng inyong ginawa.
Abby: Maraming salamat po sa mga paalala, Tay!

4
Sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang sasama mag-mountaineering?
A. Abby B. Ybba C. Ybboy D. Yobby
2. Saan matatagpuan ang hugis puso na lawa?
A. Mt. Pinukis C. Mt. Timolan
B. Mt. Susong Dalaga D. Mt. Malindang
3. Anong batas ang nagbibigay proteksiyon at pangangalaga sa mga nanganganib
na hayop, halaman at ang kanilang tirahan?
A. R.A. 9147 B. R.A. 9512 C. R.A. 9003 D. R.A. 85
4. Anong batas sa pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kalikasan ang
dapat ipasunod upang mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran?
A. Bawal Manigarilyo Dito C. Iwasan ang Pagtapak sa Damuha
B. Bawal Mamitas ng Bulaklak Dito D. Tumawid sa Tamang Tawiran
5. Paano mo maipapakita ang disiplina sa sarili?
A. Pagsunod sa batas at mga babala upang mapanatili ang kaayusan ng
nakakarami.
B. Balewalain ang mga babalang nakikita sa paligid.
C. Pagsunod sa mga babala kung may nakakakita lamang.
D. Lahat nang nabanggit.

Suriin
Sa bahaging ito, mas mapapalalim ang iyong pang-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng pansariling disiplina na magdudulot ng katiwasayan sa lipunan.

Gawain: Ipahayag Mo!

Panuto: Sumulat ng isang pangungusap kung ano ang dapat mong magawa

bilang disiplinadong mamamayan para sa sumusunod na larawan.

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

5
______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

Palalimin ang iyong pang-unawa sa larawan sa itaas sa pamamagitan ng pagsagot


sa sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang naidudulot ng may disiplina sa sarili ukol sa pag aalaga ng kalikasan?

__________________________________________________________

2. Paano mo magaganyak ang iyong mga kamag-aral, mga kapamilya at mga kapwa
na magkaroon ng disiplina sa sarili para sa kapaligiran?

__________________________________________________________

Pagyamanin
Panuto: Gumawa ng Slogan sa loob ng kahon kung paano mapapangalagaan ang kapaligiran.

Rubrics sa Pagmamarka ng Paggawa ng Slogan


Antas ng Pagmamarka
Mga Batayan
10 7 4
Malinaw na naipahayag Hindi masyadong malinaw Malayo sa paksa
ang ideya sa ginawa na ngunit may punto ang ginawa ang ginawa na
Nilalaman
slogan. Lahat ng salita na slogan. 1-2 sa mga salita na slogan
na ginamit ay malinaw. ginamit ang hindi malinaw
Napakaganda at Maganda ngunit di-gaanong Di maganda at
napakalinaw ng malinaw ang pagkasulat ng Malabo ang
Pagkamalikhain pagkakasulat ng mga titik mga titik. pagkasulat ng mga
titik
May malaking kaugnayan Kaunti lang ang kaugnayan sa Walang kaugnayan
Kaugnayan sa paksang slogan islogan sa paksa sa islogan sa paksa

Malinis na malinis ang Di-gaanong malinis ang Marumi ang


Kalinisan pagkakabuo pagkakabuo pagkakabuo

6
Isaisip
Hand Stamping at Panata sa Kapaligiran

1. Gamit ang water color na berde, lagyan ng kulay ang palad na hindi ginagamit sa
pagsusulat.

2. Kapag sigurado ka na, at puno na ng kulay ang bawat daliri ay sabay-sabay mong ii-
stamp sa isang nakahandang bond paper.

3. Hayaan mo na itong matuyo.

4. Habang nagpapatuyo ay buuin mo ang “Panata para sa Kapaligiran” na nasa ibaba.


Buuin mo ang pangungusap at kapag sigurado ka na sa iyong panata ay isulat ito ng
may disenyo sa ilalim ng ini-stamp mong daliri sa bond paper.

PANATA PARA SA KAPALIGIRAN

Ako ay nilalang ng Diyos katulad din ng kalikasan. Katungkulan ko na


pangangalagaan ang kapaligiran at ang kalikasan.
Para sa ikagaganda ng kapaligiran, ako ay
_____________________________________. Para sa kalinisan nito, ako ay
______________________________________________________. Para
tularan ako ng aking mga kamag-aaral, ako ay
____________________________________ upang matuwa ang aking mga
magulang. Nais ko ring ang buong bansa at ang mundo ay maging ligtas kaya
ako ay susunod sa _____________________________________.
Kasihan nawa ako ng Poong Maykapal.

7
Isagawa

Panuto: Sipiin ang talahanayan at sagutin. Gaano mo kadalas gawin ang


mga sumusunod:
Lagyan ng kung palagi, kung pa minsan-minsan, at kung hindi.

Paminsan-
Gawain Palagi Hindi
minsan
1. Nakikiisa ako sa paglilinis ng silid-aralan kapag
araw na ng paglilinis ng aming pangkat.
2. Hindi ko itinatapon sa bintana ng sasakyan ang
mga balat ng pagkain matapos kumain kapag ako
ay nagbibiyahe.
3. Inilalagay ko muna sa bulsa ang aking basura
kapag nakita kong walang basurahan sa paligid.
4. Nakikiisa ako at tumutulong sa mga programang
pangkalinisan at pangkapaligiran sa aming
paaralan.
5. Pinupulot ko ang mga kalat sa mga pasilyo at iba
pang lugar sa paaralan kahit walang nag-uutos sa
akin.

Tayahin

Panuto: Pag-aralan ang bawat tanong o pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.
1. Anong ahensiya ng gobyerno ang tumutulong na mapangalagaan at maprotektahan
ang mga likas na yaman ng ating bansa?
A. Kagawaran ng Edukasyon
B. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
C. Kagawaran ng Kalusugan
D. Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas

2. Anong batas ang tumataguyod ng kamalayan tungkol sa kapaligiran sa pamamagitan


ng “Environmental Education”?
A. RA 9512 B. RA 9262 C. RA 9344 D. RA 9165

8
3. Ano ang kakambal ng kabutihan at bunga ng positibong pagtugon sa kung ano ang
magandang ibinubulong ng sariling konsensiya?
A. Pansariling disiplina C. Pansariling kakayahan
B. Pansariling interes D. Pansariling kaalaman

4. Ano ang kahulugan ng “recycling”?


A. Paggamit muli ng mga patapong bagay na puwedeng mapakinabangan.
B. Paghiwa-hiwalay ng mga basura.
C. Paglilinis ng mga boteng babasagin at plastic.
D. Pagsusunog ng mga pinagsama-samang basura.

5. Napansin mo na ang basura ng iyong kapitbahay ay pinagbubukod-bukod ngunit hindi


ganito ang iyong nakasanayan. Ano ang gagawin mo?
A. Balewalain ang napansin na kaayusan na pagbubukod-bukod ng basura.
B. Ipabigay alam sa punong barangay ng mabigyan sila ng pabuya.
C. Pagsikapan na gawin ang pagbubukod ng mga basura katulad ng ginawa ng iyong
kapitbahay.
D. Pabayaan ang kapitbahay na siyang magbubukod ng iyong basura.

6. Masaya kayong naglalaro at naghahabulan ng iyong mga kaibigan sa plaza. Sa iyong


paglalaro ay nakaramdam ka ng matinding pag-ihi ngunit malayo naman ang
palikuran. Kung sa likuran ng kahoy ka iihi ay wala namang makakakita sa iyo. Ano
ang gagawin mo?
A. Tatalikod saglit at umihi sa kahoy dahil wala namang makakakita.
B. Magmadaling pumunta sa palikuran kahit na malayo.
C. Kahit saan basta maka-ihi lang.
D. Hindi na ako iihi at pipigilan na lang ito.

7. Nangangamoy na ang inyong mga basura ngunit hindi mo pa ito mailalabas kundi sa
mismong araw ng paghahakot ng basurang nabubulok, ayon sa ordinansa. Ano ang
gagawin mo?
A. Ilalabas ko na ang basura kahit hindi pa araw ng kolekta dahil mabaho at
nangangamoy na.
B. Ilalagay ko sa bakuran ng kapitbahay kapag walang nakakakita.
C. Ibabaon ko sa lupa upang maging pataba.
D. Ipaaanod ko na lang sa ilog para wala nang basurang mangamoy.

8. Ang inyong barangay ay may proyektong Clean and Green. May mga miyembro na
inatasan upang maglinis, magtanim at mangalaga sa halaman at puno na itinanim.
Nakita mo na hindi nadiligan ang puno at halaman na malapit sa inyong bakuran at ito
ay nalalanta na. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatawagin ang kapitan ng barangay upang ipakita na namamatay na ang mga tanim.
B. Hindi mo papansinin at hahayaan na lang na mamatay ang mga tanim.

9
C. Tatawagin ang taong inatasan na mangalaga sa tapat ng inyong bakuran upang
diligan ang mga puno at halaman.
D. Didiligin mo ang mga halaman kahit hindi ikaw ang inatasan na magdilig at
mangalaga dito.

9. Sa inyong bakuran ay nakita mo na maraming tuyong dahon na nakakalat sa paligid.


Naisipan mong magwalis ngunit wala ka nang paglalagyan ng mga ito dahil umaapaw
na ang basurahan ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Itigil ang pagwawalis at pabayaan ang mga tuyong dahon sa paligid.
B. Kumuha ng posporo pagkatapos ay sunugin ang lahat ng tuyong dahon.
C. Humanap ng ibang paglalagyan ng mga tuyong dahon at doon ipunin.
D. Ipaubaya sa iba ang paglilinis sa inyong paligid.

10.Ano ang puwedeng mangyari kung patuloy na walang disiplina ang mga tao sa
pamamahala ng kanilang basura?
A. Magiging malinis pa rin ang paligid dahil may nangongolekta naman ng basura.
B. Tuluyan ng magiging marumi at walang kaayusan ang ating kapaligiran.
C. Maraming tao ang yayaman dahil sa pagbebenta ng mga basurang itinapon.
D. Mag-aaway-away ang mga tao sahil mag-uunahan sa pagkuha ng basura na
puwedeng ibenta.

Karagdagang Gawain

Ano ang kabutihang maidudulot kung isasagawa ang mapanuring pag-iisip sa tamang
pamamaraan ng pag -aalaga sa kalikasan? Isulat ang iyong mga sagot sa isang malinis na
papel.

10
Susi sa Pagwawasto

10. B 5. C 5. A 5.
9. C 4. C 4. B 4.
8. D 3. A. 3. A 3.
7. C 2. A 2. C 2.
6. B 1. B 1. A 1.

Tayahin Tuklasin Balikan Subukin

Sanggunian

• Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao IV , Kagamitan ng Mag-


aaral , ph 219-229

• Kagawaran ng Edukasyon, Edukayon sa Pagpapakatao IV, Patnubay ng Guro, ph


136-142

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: MARISOL V. LAYUGUE
Teacher-III, Poloyagan Elementary School
District 9, Division of Pagadian City

Editors/QA: JUANITO N. CANTILA JR., EdD


OIC-PSDS, District 14
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala:
DANNY B. CORDOVA, EdD, CESO VI
OIC Schools Division Superintendent
MARIA COLLEEN L. EMORICHA, EdD, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
MARIA DIOSA Z. PERALTA
CID, CHIEF
MA. MADELENE P. MITUDA, EdD
EPS-LRMDS
JOVITA S. DUGENIA
EPS-EsP

11
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see A
that I was walking along the beach poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing breast;
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD. A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints. A tree that may in Summer wear A
nest of robins in her hair;
“And I ask the LORD. Why? Why? Why
did you leave me when I am sad and
Upon whose bosom snow has lain;
helpless?”
Who intimately lives with rain.
And the LORD replied “My son, My son,
I have never left you. There was only one Poems are made by fools like me,
(1) set of footprints in the sand, because it But only God can make a tree.
was then that I CARRIED YOU!

You might also like