4 EsP LAS Quarter 3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 36

4

LEARNERS’ ACTIVITY SHEET (LAS)


EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 4
QUARTER 3
Development Team of the Module

Authors: Charisma E. Aujero, Charmane B. Dela Ostia,

Zoila M. Dominguez, Emilie A. Sonio

Editor: Sherryl T. Agramon

Reviewer: Jedie A. Mendoza

Management Team: Celedonio B. Balderas Jr., SDS

Gemma G. Cortez, Ed.D., CID - Chief

Leylanie V. Adao, EPS - LR

Cesar Chester O. Relleve, EPS-EsP

SDO Dasmarinas City

Kagamitang Pampagkatuto

Kagamitang pampagkatuto

Layunin ng modyul na ito na tulungan kayo bilang tagapamatnubay ng mga


mag-aaral sa pag-aaral ng inyong mga anak sa tahanan. Hinihiling ang inyong
paggabay at pagtulong sa ating mga mag-aaral. Inaasahan din ang inyong
kooperasyon upang lubos nilang maunawaan at malinang ang kanilang
kakayahan at tiwala sa sarili sa pagtugon sa mga aralin.

Kagamitang pampagkatuto

Ang modyul na ito ay ginawa upang gabayan ka sa iyong pagkatuto gamit ang
iyong sariling kakayahan. Layunin din nito na tulungan ka na matapos ang
mga kompetensiyang itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon sa loob ng iyong
tahanan.

Inaasahan na iyong matatapos ang mga itinakdang gawain sa tamang oras.


Gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong
2 mga kasagutan at ipasa sa iyong
guro.
Aralin 1
I Alamin Natin

Ang araling ito sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ay makatutulong upang


maipakita ng bawat mag-aaral ang kawilihan sa pakikinig at pagbabasa ng mga
pamanang kulturang materyal at di-materyal. Mahalaga na magkaroon ng
pagmamalaki sa ating kulturang kinagisnan ang mga bata dahil iyan ay tatak ng
tunay na pagmamahal sa ating bansang Pilipinas.

Tatalakayin natin ang mga kulturang materyal gaya ng kwentong bayan,


alamat, mga epiko ganun din ang mga kulturang di-materyal tulad ng mga
magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa nakatatanda at iba pa.

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral sa ika-apat na baitang ay


inaasahang;
• Nauunawaan ang kahulugan ng kultura
• Nakikilala ang mga kulturang materyal at di-materyal
• Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga
pamanang kulturang materyal at di-materyal

EsP4PPP-llla-b-19

3
I Tuklasin Natin

Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay na pinagsasaluhan ng isang


pangkat ng mga tao. Ang kultura ay kinabibilangan ng wika, musika, sayaw, sining,
relihiyon, pagkain, mga kaugalian, at mga tradisyon ng isang pamayanan.

Ang kultura ay may malaking papel na ginagampanan sa iyong sariling


pagkakakilanlan. Ito ay tumutulong sa iyong maunawaan kung sino ka at ano ang
iyong paniniwalaan. Ang kultura ay nagtuturo sa iyo ng mga pagpapahalaga at aral
sa buhay na maaaring nakalimutan na ng mga kabataan. Ang isang tunay na
pagpapahalaga sa kulturang Pilipino ay pagpapahayag ng pagmamahal sa bansa.
Upang mapahalagahan ang kultura, simulan mo sa pamamagitan ng pagkilala sa
dalawang aspekto o kategorya ng kultura. Ang mga ito ay ang mga materyal at di-
materyal na kultura.

Ang materyal na kultura ay tumutukoy sa mga pisikal na bagay tulad ng mga


bagay na ginamit tulad ng damit, pagkain, imbensiyon, mga sagisag, at mga
gawang-sining. Samantala, di materyal ang tawag sa mga kaugalian, paniniwala at
mga pagpapahalagang taglay ng mga Pilipino.

Ang pagpapahalaga sa kultura ay kinabibilangan ng pakikinig, pagbabasa at


pag-alam sa mga sumusunod:

1. Kwentong Bayan – mga kathang isip na kwento na kumakatawan sa mga uri


ng tao sa lipunang pinagmulan ng kwento.
Halimbawa: Ang Batik ng Buwan (Bisaya), Ang Diwata ng Karagatan (Ilocos)

2. Alamat – mga kwentong nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, tao o


pook.
Halimbawa: Ang Alamat ng Pilipinas, Ang Alamat ng Pinya

3. Epiko – mahabang tulang pasalaysay na nagkukwento ng katapangan at


mga gawa ng isang maalamat na bayani na kalimitang isinasalin nang
pasalita mula sa isang henerasyon patungo sa sumunod na henerasyon.
Halimbawa: Hudhud ng mga Ifugao - isang mahabang pasalaysay na awit at
paggunita sa mga kabayanihan ng pangunahing tauhan na si Alguyon. Ito ay
tradisyunal na itinatanghal ng pamayanang Ifugao sa mga ritwal ng
pagtatanim, pag-aani, at iba pang mahahalagang okasyon.

4
4. Bugtong – pahayag, parirala, o tanong na may doble o nakatagong
kahulugan.
Halimbawa: Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari (sagot: sampayan)

5. Salawikain – mga maikling pahayag na puno ng kahulugan at naglalayong


gabayan ang mga tao sa pang-araw-araw na buhay.
Halimbawa: Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin. (Ang kahulugan nito ay
kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay babalik at gagawin din sa iyo.)

6. Katutubong Sayaw at Awit – sumasalamin sa mga paraan ng pang-araw-


araw na pamumuhay sa Pilipinas noong mga nakaraang siglo at kung saan
ang galaw o himig mula sa kalikasan ay tinutularan.
Halimbawa: Tinikling, Itik-itik, Kundiman, Dandansoy

7. Mga Kaugaliang Pilipino


• paggalang sa nakatatanda
• mabuting pagtanggap sa mga bisita
• bayanihan
• kababaang-loob
• pananalig sa Diyos
• pagtanaw ng utang na loob
• pagkamatapat
• pagmamahal sa pamilya
• pagkamaaalalahanin
• kawanggawa o pagkamatulungin

GAWAIN 1.1: PAGTUKOY SA ASPEKTO NG KULTURA


Panuto: Isulat ang M sa puwang kung ang halimbawa ay materyal na kultura. Isulat
ang DM kung ito ay di materyal.

_____1. Ang Alamat ng Lansones _____6. Adobo


_____2. Tinikling _____7. Pagmamahal sa Pamilya
_____3. Pananalig sa Diyos _____8. Kawanggawa
_____4. Dandansoy _____9. Barong tagalog
_____5. Patintero _____10. Hudhud

5
D Suriin Natin

Ang sinaunang kulturang Pilipino ay mayaman sa awitin. May awit sa


pagsamba, sa pagtatanim o pangangaso, panliligaw, pagpapakasal, maging sa
pakikipaglaban at paglisan. Narinig mo na ba ng awit na Sa Ugoy ng Duyan? Ito ay
kilalang Awit sa Paghehele ng mga Tagalog. Matapos mapakinggan o kantahin ang
awitin, sagutan ang mga tanong na nasa ibaba.

Sa Ugoy ng Duyan

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

(Ulitin ang una at ikalawa)


Source:https://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/4/4e
/Duyan%2C_Nestor_Leynes.jpg
Coda: Nais kong matulog sa dating duyan ko
inay, o inay ….

GAWAIN 1.2: TAMA O MALI (Sa Ugoy ng Duyan)

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang salitang TAMA kung ang
pahayag ay ayon sa isinasaad ng awit, MALI kung kasalungat ng isinasaad nito.
_____1. Ang awiting Sa Ugoy ng Duyan ay naglalarawan ng masayang damdamin.
_____2. Nais ng umaawit na malimutan niya ang alaala nang siya ay munti pang
bata sa piling ng kaniyang ina.
_____3. Ang katangian ng isang ina na nasa awit ay mapagmahal at mapagkalinga.
_____4. Ayaw na niyang muling matulog sa kaniyang duyan.
_____5. Ang awit ay tumutukoy sa wagas na pagmamahal ng ina sa kaniyang anak.

6
GAWAIN 1.3: NARARAPAT NA PAGPAPAHALAGA
Panuto: Sa bawat sitwasyon na inilahad, anong pagpapahalaga ang nararapat?
Piliin sa Kahon ng Pagpapahalaga ang sagot sa bawat bilang.

Pananalig sa Diyos Kawanggawa

Pagkamatapat Pagmamahal sa pamilya

Pagkamaaalalahanin Paggalang sa nakatatanda

1. Ang bagyong Ulysses ay isa sa


malakas na bagyong nanalasa sa
Pilipinas. Maraming bahay ang
lumubog sa baha at ilang ari-arian
din ang nasira. Marami ring tao ang
binawian ng buhay. Sa kabila nito,
ang mga Pilipino ay nagtiwala na
hindi sila pababayaan ng Diyos.
_____________________________
Source:https://avantministries.org/story- _____________________________
detail/god-at-work-despite-a-typhoon#gallery-
4310-8887-6

2. Para sa mga Pilipino, hindi


kinakailangan maging mayaman
upang makatulong sa kapwa. Sa
panahon ng kalamidad ay
nananawagan ang mga istasyon ng
radio at telebisyon, mapapansin natin
na bumabaha ng tulong mula sa ating
mga kababayan.
_____________________________
Source: http://www.ust.edu.ph/architecture-
student-provides-assistance-to-victims-of-
_____________________________
typhoon-ulysses/

7
3. Hinangaan ang isang batang “parking
boy”, matapos niyang isauli ang
napulot na P7000 sa parking lot ng
isang kainan.
______________________________
______________________________

Source:https://www.gtgoodtimes.com/2019/05/08/
honest-13-yo-boy-returned-lost-wallet-and-
receives-scholarship-worth-7727-and-financial-
aid-in-return/

4. Nalulugod ang marami kay Andrea


dahil siya ay nagmamano sa kaniyang
tatay at nanay at palagi siyang
gumagamit ng po at opo sa tuwing
makikipag-usap sa mga nakatatanda.
______________________________
______________________________

Source: https://steemit.com/hive-
185836/@shelouveloso/artwork-of-the-day-
pagmamano-one-of-the-traditions-of-philippines-
or-miss-lou-s-artworks-shelouveloso

5. Ang pamilya ko ang aking inspirasyon.


Nagpapasalamat ako dahil kahit hindi
kami ganoong kayaman ay masaya
kami. Importante sila sa akin at kaya
kong isakripisyo ang buhay ko para sa
kanila.
______________________________
______________________________

Source: https://creazilla.com/nodes/7220-happy-
family-clipart

8
E Pagyamanin Natin

Likas sa mga tao ang ipahayag ang kanilang obserbasyon, saloobin,


pananaw, at karanasan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang mga kwento, tula,
sanaysay, at mga salawikaing nalikha bago pa man dumating ang mga Espanyol ay
nagpapatunay na ang mga Pilipino ay may mayamang panitikan. Ang mga awiting
Pilipino ay naglalarawan ng mga saloobin ng mg Pilipino sa buhay. Ang mga
bugtong na lubhang mapanghamon sa ating isip ay nagpapatunay na ang ating mga
ninuno ay may malalim na pag-iisip at malikhaing imahinasyon. Ang ating mga
salawikain ay nagpapakita ng pagnanais ng ating mga ninuno na mamuhay ng
matuwid, mapayapa at may kaayusan.

Ang pagkawala ng sariling kultura ay maaaring humantong sa pagkawala ng


pagkakakilanlan o pagkalito sa sariling pagkakakilanlan. Maaari kang makisabay sa
pagbabago subalit panatilihin mo pa rin ang iyong mga kaugalian at pagpapahalaga.
Tandaan na ang isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bansa ay ang
pagpapahalaga sa iyong kultura at hindi ang pagkalimot dito. Maaari mong
ipagmalaki ang iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa iyong
kultura.

Ang mga sumusunod na pamamaraan ay makatutulong sa iyo upang higit na


mapahalagahan mo ang iyong sariling kultura:

1. Dagdagan ang kaalaman tungkol sa kulturang Pilipino. Magbasa tungkol sa mga


kwento, awit, sayaw, sining, at mga kaugalian sa iyong sariling lugar at makilahok sa
mga ito.

2. Kapag bumibisita ka sa ibang lugar sa bansa, pag-aralan ang kanilang mga


kaugalian at tradisyon.

3. Ipagmalaki ang iyong kultura. Huwag mong ikuwento lamang ang tungkol dito
kundi makilahok din at isabuhay ang iyong magagandang pagpapahalagang Pilipino.

4. Bumisita sa mga museo upang mas marami kang malaman tungkol sa iyong
kultura.

5. Alamin ang mga bagong pangyayari sa daigdig ngunit huwag mong kalimutan
ang iyong pagkakakilanlan at kultura. Ang pagiging makabago ay hindi
nangangahulugan na kailangan mong itigil at kalimutan ang pagsasabuhay ng mga
9
positibong pagpapahalagang Pilipino tulad ng pagmamano at paggalang sa
matatanda.

GAWAIN 1.4: WORD TREE


Panuto: Pagyamanin natin ang ating kultura sa pamamagitan ng paggawa ng
WORD TREE tungkol sa isang bahagi ng kultura na iyong mapipili. Pumili ng isa sa
mga sumusunod na bahagi ng kultura at isulat ito sa kahon sa ibaba. Isulat naman
sa mga dahon ng puno ang mga halimbawa ng iyong napiling bahagi ng kultura.

A. Mga Lutuin o pagkaing Pilipino


B. Mga Awiting Pilipino
C. Mga Kwentong Pilipino (Kwentong Bayan, Alamat, Pabula)
D. Mga Katutubong Sayaw sa Pilipinas
E. Mga Larong Pinoy

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa gawain. Ibahagi ito sa iyong
kapamilya.
1.Nakatulong ba ang gawain sa pagpapayaman ng iyong kaalaman sa kultura?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapayaman at pagpapanatili ng


kulturang Pilipino?
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

10
GAWAIN 1.5: Pagmamahal sa Bansa
Panuto: Isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bansa ay sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng kultura nito. Tuklasin kung gaano mo
isinasabuhay ang iyong kulturang Pilipino. Lagyan ng ( ) ang kahon na tumutugma
sa iyong sagot.

Isinasabuhay ko ang mga kulturang Pilipino Hindi Bihira Minsan Lagi

1. Nakakaawit ako ng isang tradisyunal na


awiting Pilipino

2. Kumakain ako ng pagkaing Pilipino.

3. Makapagsasalaysay ako ng isang alamat


na Pilipino

4. May alam at isinasapuso akong salawikain.

5. Gumagamit ako ng po at opo tuwing


nakikipag-usap sa mga nakatatanda.

6. Binabati ko ang mga nakatatanda sa


pamamagitan ng pagmamano.

7. Ipinagmamalaki ko ang aking kultura.

8. Sinasamantala ko ang bawat pagkakataon


upang matuto sa aking kultura.

9. Nakikilahok ako sa kahit anong anyo ng


bayanihan bilang isang paraan ng pagtulong
sa aking mga kapwa Pilipino.

10. Ipinagmamalaki kong ibahagi ang aking


kultura sa isang dayuhan.

11
A Isaisip Natin

Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng ating pagkakakilanlan. Bilang


isang Pilipino, tungkulin nating alamin, alagaan, pagyamanin at ipagpatuloy ang
kultura natin. Masarap sa pakiramdam na alam mo ang iyong pinagmulan, at ang
pamana ng iyong lahi. Dahil alam mo na bahagi ito ng iyong pagka-Pilipino,
panatilihin mong buhay ito. Sa iyong pagtanda, tanungin ka man ng nakababata,
masasagot mo ang anumang may kinalaman sa kulturang Pilipino dahil kilala mo ito
at bahagi ka nito.

GAWAIN 1.6: Mga Dapat Gawin sa Iba’t-ibang Sitwasyon


Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat gawin para sa
bawat sitwasyon. Isulat ang letra na iyong sagot.
1. Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakababatang
kapatid sa pakikipag-usap sa iyong Nanay. Ano ang iyong gagawin?
a. Hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa.
b. Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya.
c. Sasabihin ko sa kaniya na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat na
sumagot siya ng may po at opo.
d. Sasabihan ko si Nanay na paluin siya.

2. May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon. Nagbilin ang iyong


tatay na turuan siya ng larong Pinoy. Ano ang ituturo mo sa kaniya?
a. Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng computer games.
b. Maglalaro kami ng baseball
c. Magkukunwari akong hindI narinig ang Tatay dahil mahihirapan lamang
akong mag-Ingles kapag tinuruan ko siya.
d. Iimbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka.

3. Sinabihan kayo ng inyong guro na magsasayaw ng Tinikling sa pagdiriwang


ng Buwan ng Wika. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na Tinikling.
b. Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo.
c. Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa araw ng
pagtatanghal.
d. Makikiusap ako na Hiphop na lang ang isayaw namin dahil iyon ang uso.

12
4. Sa kabila ng mabibigat na suliraning dulot ng mga bagyo at pandemya, hindi
natitinag ang mga Pilipino. Nagtutulong-tulong ang bawat isa sa pamamagitan
ng pagbibigay ng relief goods at pagdarasal para sa mga naapektuhan. Isa
itong patunay na likas sa bawat Pilipino ang pagiging:
a. magalang
b. matulungin
c. matapat
d. may kababaang loob

5. Bumili ka ng meryenda sa kantina ng paaralan. Labis ang inabot na sukli sa


iyo ng tindera sa kantina. Ano ang gagawin mo?
a. Ibabalik ko sa tindera ang labis na sukli sa akin.
b. Ibibili ko ng candy ang sobrang sukli sa akin.
c. Tatahimik at itatago na lamang ang sobrang sukli sa akin.
d. Ililibre ko ang aking kaibigan gamit ang labis na sukli sa akin.

13
Aralin 2
I Alamin Natin

Maganda ang Pilipinas! Sagana ito sa dinarayong mga likas na kayamanan at


kapaligiran. Bawat rehiyon at pangkat etniko ay lalo pang pinatingkad at pinakulay
ng mga kakaibang kultura tulad ng katutubong kasuotan, sayaw, awit, laro, at iba pa.
Ito ay sariling atin kaya’t mahalin at ipagmalaki natin. Ikaw, kilala mo ba ang iyong
kinabibilangang pangkat etniko?
Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral sa ika-apat na baitang ay
inaasahang;
• Naipagmamalaki/napahahalagahan ang nasuring kultura ng iba’t ibang
pangkat etniko tulad ng kuwentong bayan katutubong sayaw, awit, laro at
iba pa.

Esp4PPP-lllc-d-20

I Tuklasin Natin

Magandang araw sa iyo! Noong nakaraang Linggo ay napag-aralan mo ang


mga katutubong awitin at mga kwentong bayan hindi ba? Nakawilihan mo na bang
makinig ng mga katutubong awitin? Anong katutubong awit ang pinaka nagustuhan
mo? Narinig mo ba ang awit na Dandansoy ng mga Ilonggo? Hindi ba napaka sarap
nitong pakinggan at talaga na makakatulog ang sanggol kapag inawit ito habang
siya ay pinatutulog ng kanyang ina. Sapagkat ang Dandansoy ay isang oyayi o
kanta para sa pagpapatulog sa mga bata. Eh sa mga kwentong bayan nabasa mo
na ba ang kwentong Alamat ng Pinya at kung bakit ito maraming mata?
Ang kwentong pabula naman ni Matsing at ni Pagong, hindi ba’t ito ay
talagang nakakatawa. Marami pang mga awit at kwentong bayan ang ating maaring
mapakinggan at mabasa. Ang isa pang nakaka aliw gawin ay ang mag bugtungan
hindi ba? Narinig mo na ba ang bugtong na ito?

14
Dalawang bolang itim malayo ang nararating? Ano ang iyong sagot?
(mata) Tama ang sagot mo!

Talaga namang nakahahanga at maipagmamalaki natin ang mayaman nating


kultura na mula sa iba’t-ibang pangkat etniko ng ating bansa.

Gawain 2.1: Pakikinig ng Isang Awiting Bayan. Alamat, Pagsagot sa Bugtong


at Pagdugtong sa mga Kasabihan.
Panuto: Maghanap pa ng ibang katulad nito at sabihin kung anong pangkat etniko
ito nanggaling. Isulat ito sa loob ng kahon sa ibaba.

Halimbawa nito ay ang kantang “Leron, Leron Sinta” na isang tradisyunal na kantang
pambata.
“Leron, Leron Sinta”

Leron, leron sinta, Buko ng papaya,


Dala-dala'y buslo, Sisidlan ng bunga,
Pagdating sa dulo'y, Nabali ang sanga
Kapos kapalaran, Humanap ng iba.

Gumising ka, Neneng, Tayo'y manampalok,


Dalhin mo ang buslo, Sisidlan ng hinog.
Pagdating sa dulo'y, Lalamba-lambayog,
Kumapit ka, neneng, Baka ka mahulog.

(Ulitin ang unang saknong)

Ako’y gayahin mo, Lalaking matapang,


Ang baril ko’y pito, Ang sundang ko'y siyam
Ang lalakarin ko’y, Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit, Ang kanyang kalaban.

Isang pinggang pansit, Ang kanyang kalaban…

15
D Suriin Natin

Gawain 2.2: Bugtungan


Panuto: Kasama ang iyong boong pamilya (nanay, tatay, mga kapatid, lolo at lola)
subukan ninyong magbugtungan. Pangkatin mo ang iyong pamilya sa dalawa at
magbugtungan. Itala ang mga bugtong na pinakamahirap ninyong nasagot. Isulat
sa ibaba kung sinong pangkat ang nanalo at sino naman ang natalo.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

“Kung mayroon bang ganitong paglalaro sa ating tahanan mawawala ba ang


ating mayamang sining at panitikan? Hinding hindi! Sapagkat ito ay lalong
makapagpapayaman ng ating kultura.
Kung maririnig ba kayo ng inyong kapitbahay sa inyong pagbubugtungan ito
ba ay dapat mong ikahihiya? Hinding hindi! sapagkat ito ay magbibigay ng
karangalan sa inyong pamilya dahil naipamamalas ninyo sa inyong komunidad ang
inyong pagpapahalaga sa ating kultura.”

Sang-ayon ka ba sa mga nakasaad sa itaas? Isulat sa iyong sagutang


papel ang iyong isipan dito.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
16
E Pagyamanin Natin

Gawain 2.2: Magbigay ng Halimbawa


Panuto: Magbigay ng limang (5) halimbawa ng Bugtong, Alamat at Pabula. Isulat
ang iyong sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

Bugtong Alamat Pabula

17
A Isaisip Natin

Gawain 2.4: Katangian ng Pilipino


Panuto: Pumili ng isang katutubong awit, kuwento, o tula na iyong nabasa. Isulat
kung anong katangian ng mga Pilipino ang ipinakikita nito. Isulat ito sa loob ng
scroll.

Ang napili ko po ay isang (awit, kuwento, tula) na may


pamagat na _____________________________________.
Ito ay tungkol sa ___________________________.
Ipinapakita nito na ang mga Pilipino ay
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Bakit mo ipinagmamalaki ang iyong napili?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

18
Aralin 3
I Alamin Natin

Ang disiplina ay kakambal ng kabutihan. Ang taong may sariling disiplina ay


gumagawa kung ano ang mabuti at mainam para sa lahat. Ang taong may disiplina
ay kahanga-hanga at mayroon ding maayos na kinabukasan. Ang pagkakaroon ng
pansariling disiplina ay bunga ng positibong pagtugon sa kung ano ang magandang
ibinubulong ng sariling konsyensya. Kapag ang lahat ng tao ay may disiplina,
magdudulot ito ng katiwasayan sa lipunan at lubos na kaunlaran ng bansa.

Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral sa ika-apat na baitang ay


inaasahang;
• Nakasusunod sa mga batas/panuntunang pinaiiral tungkol sa
pangangalaga ng kapaligiran kahit walang nakakakita.

EsP4PP-IIIa-b-21

I Tuklasin Natin

Magandang araw! Noong nakaraang Linggo ay napag-aralan mo na kung


paano pahahalagahan ang mga kwentong bayan, awit at kultura ng ating mga
katutubong Pilipino. Naisagawa mo na ba ang mga gawaing ipinagagawa sa iyo?
Magaling ipagpatuloy mo iyan!
Ang ikalawang bahagi ng aralin natin para sa ikatatlong linggo ng Quarter 3
ay ang pagsunod sa mga panuntunan na ipinaiiral upang mapangalagaan ang ating
kapaligiran kahit walang nakakakita sa atin.

19
Gawain 3.1: Kahit Walang Nakakakita, Gumawa ng Tama
Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Kahit Walang Nakakakita, Gumawa ng Tama!

Maaga pa lamang ay gising na si Dante. Kailangan niya kasing maagang


makarating sa paaralan dahil naatasan ang kanilang pangkat na maglinis ng hardin
at magdilig ng mga tanim na gulay na pag-aari ng kanilang baitang. May programa
kasi ang kanilang paaralan na tinawag nilang proyektong “LUNTIAN” na ang ibig
sabihin ay Lupang Napabayaang Taniman, Ingatan, at Alagaan Natin. Ito ay ang
pagtatanim ng mga halamang gulay at pampalamuti sa mga bakanteng lupa na
malapit sa kanilang silid-aralan. Bawat baitang ay may sakop na mga lugar. Pati
ang mga pader ay hitik sa pananim dahil sa mga nakasabit na malalaking lata,
makukulay na galon, pininturahang mga bote ng softdrinks na may halaman. Maging
mga lumang bota tuwing tag-ulan na may iba’t ibang laki at klase ay ginamit at
tinaniman.

Ang mga gulong na pinagpatong-patong ay naging malalaki at makukulay na


paso ng namumulaklak na mga halaman. Isang linggong gagawin ng bawat
naatasang pangkat ang mga nakasaad na tungkulin na nakapaskil sa pader.
Nakasulat din sa pader ang mga tungkulin ng ilang nagpalistang parent volunteers
na siyang gumagabay sa kanila sa tamang pagtatanim, paglilinis, pangangalaga, at
pagdidilig. Natutuwa si Dante dahil hilig niyang magtanim. Magsasaka kasi ang
kaniyang ama na paminsan-minsan ding dumadalaw sa kanilang hardin upang
tingnan ang kalagayan nito. Gusto ni Dante na masiguro na maaga ring
makararating sa paaralan ang mga kasapi sa kaniyang pangkat. Pinag-usapan na
nila ito. Nais nilang matuwa ang kanilang gurong si Gng. Arellano. Ang mga
kasaping babae ang maghihiwa-hiwalay ng mga papel at bote na maaaring ibenta.
Bawat klase ay may ganitong sistema. Iniipon nila ang napaghiwa-hiwalay na mga
bagay sa itinalagang material recovery facilities o MRF para sa bawat baitang.
Tuwing Biyernes ng umaga ay may dumarating na kakalap at bibili ng kanilang mga
basura. Iniipon nila ang mga napagbentahan sa alkansiya ng kanilang klase at ito ay
maaari nilang gamitin sa pangangailangan sa kanilang silid-aralan, para sa kanilang
Christmas party o kung minsan ay sa katapusan ng klase kung saan ay
nagkakaroon sila ng masayang noodle party kasama ang kanilang guro. Tinawag
naman nila ang programang ito na project TACOS o Trash As Cash Once
Segregated. Ganito sila kasipag araw-araw. Awtomatikong kumikilos para sa
dalawang nabanggit na proyekto ng paaralan. Sinimulan nila ang mga proyektong ito
dalawang taon na ang nakararaan mula nang magsimulang mamuno ang kanilang
punongguro.
Masaya si Dante sa ganitong sitwasyon. Alam niyang ang mga proyektong ito
ay may kabuluhan. Bukod sa hilig niya sa pagtatanim ay may pagpapahalaga rin
siya sa kalikasan. Alam niyang ang pagkasira ng kalikasan ay patuloy na nagaganap
kaya’t nais niyang maging bahagi ng pagkasalba nito. Sinasabi rin niya ito sa
20
kaniyang mga kaklase dahil nais din ni Dante na pati sila ay makiisa sa kaniyang
gusto. Naniniwala naman sa kaniya ang kaniyang mga kamag-aral.
Malayo-layo pa lang si Dante ay naririnig na niya na may tao na pala sa loob
ng hardin. Napabulong na lamang siya na baka ang kaklase niya na mas maagang
pumasok sa kaniya ang naroon. Laking gulat niya nang makita niya si Gng.
Arellano. “O, Dante nandiyan ka na pala. Magandang umaga sa iyo,” bati ni Gng.
Arellano. “Opo, ma'am. Magandang umaga rin po,” sagot naman ni Dante. “Mainam
naman at maaga ka. Nais kong ibalita sa iyo na kayo bilang mga lider ng pangkat sa
bawat klase ay pararangalan ng punongguro mamaya sa flag eremony,” dagdag ng
kaniyang guro. “Bakit po kaya, ma'am?” masayang tanong ni Dante. “Kahapon kasi
sa aming pagpupulong pagkatapos ng maghapong klase ay ibinalita niya sa aming
mga guro na ang ating paaralan ay pararangalan dahil tayo ay nagwagi sa buong
rehiyon bilang 2013 Most Sustainable and Ecofriendly School. At iyon ay dahil sa
inyong maaasahang mga lider ng bawat pangkat at sa mga parent volunteers na
tumutulong sa atin,” masayang sagot ng guro habang nakahawak sa magkabilang
balikat ni Dante. “Talaga po? Yeheyyyyy!” masayang sagot ni Dante na nanlalaki
ang mga mata. “Siya, ituloy mo na itong aking pagdidilig at sasabihan ko pa ang
kapuwa mo lider at aabisuhan ko rin ang iba pang mga magulang na pumunta at
maghanda sa isasagawang pagpaparangal,” sagot ng guro habang iniaabot kay
Dante ang hose na pandilig. Habang nagdidilig ay parang nakalutang sa hangin ang
diwa ni Dante. Masaya siya! Masayang-masaya! At alam niyang hindi mababayaran
ninuman ang kasiyahang iyon. Gusto niyang ipagpatuloy pa ang kaniyang
nasimulan. Kahit walang nakakakita ay patuloy niyang isasagawa ang adhikain na
patuloy niyang sinasabi sa kaniyang mga kamag-aral. Kahit walang nakakakita ay
alam niyang may Diyos na nakamasid at siyang nalulugod sa kabutihang ginagawa
ninuman. Kahit walang nakakakita, ang isang tao ay dapat na may disiplina sa sarili
na gumawa ng tama at mabuti para sa kapakanan ng kapuwa, kabutihan ng bansa
at higit sa lahat ng kaligtasan ng kalikasan na mahal na mahal niya.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


1. Anong mabuting asal ang ipinakita ni Dante sa kuwento na nais niyang ipagaya
rin sa kaniyang mga kaklase?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Tulad ni Dante, bakit kailangan nating gumawa ng kabutihan sa kapaligiran kahit


walang nakakakita?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Paano natin magaganyak ang ating mga kamag-aral, mga kapamilya, at mga
kapuwa Pilipino na magkaroon ng disiplina para sa kapaligiran?
___________________________________________________________________
21
___________________________________________________________________
4. Bakit kaya naganyak ang ilang magulang na tumulong at sumuporta sa mga
programa ng paaralan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Kung ikaw ay isang lider ng inyong pamayanan, paano mo mapasusunod ang


mga mamamayan para sa inyong mga proyektong ukol sa kapaligiran?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

D Suriin Natin

Gawain 3.2: Disiplinadong Mamamayan


Panuto: Pagmasdan mabuti ang mga larawan.

22
Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (Kagamitan ng Mag-aaral, Pahina 223-224)

Sumulat ng talata kung ano ang maaari mong gawin bilang disiplinadong
mamamayan para sa sumusunod na larawan. Isulat ang iyong sagot sa kahon sa
ibaba.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

23
E Pagyamanin Natin

Gawain 3.3: Panata Para sa Kapaligiran


Paraan ng Paggawa:

Hand stamping at Panata Para sa Kapaligiran.

1. Gamit ang water color na berde, lagyan ng kulay ang palad na hindi ginagamit sa
pagsusulat.

2. Kapag sigurado ka na at puno na ng kulay ang bawat daliri ay sabay-sabay mong


i-stamp sa isang nakahandang puting bond paper.

3. Hayaan muna itong matuyo.

4. Habang nagpapatuyo ay buuin mo ang ‘Panata para sa Kapaligiran’ na nasa


kabilang pahina. Buuin mo ang pangungusap at kapag sigurado ka na sa iyong
panata ay isulat ito ng may disenyo sa ilalim ng ini-stamp mong daliri sa bond paper

Halimbawa:

Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (Kagamitan ng Mag-aaral, Pahina 226

24
A Isaisip Natin

Gawain: 3.4: Pagpapanatili ng Kalinisan


Panuto: Lagyan ng ( ) kung palaging ginagawa, ( ) kung paminsan-minsan,
at ( ) kung hindi ito ginagawa.

Paminsan-
Mga Gawain Palagi Hindi
minsan
1. Nakikiisa ako sa paglilinis ng silid-aralan kapag
araw na ng paglilinis ng aming pangkat.
2. Hindi ko itinatapon sa bintana ng sasakyan ang
mga balat ng pagkain matapos kumain kapag ako
ay nagbibiyahe.
3. Inilalagay ko muna sa bulsa ang aking basura
kapag nakita kong walang basurahan sa paligid.
4. Nakikiisa ako at tumutulong sa mga
programang pangkalikasan at pangkapaligiran sa
aming paaralan.
5. Pinupulot ko ang mga kalat sa mga pasilyo at
iba pang lugar sa paaralan kahit walang nag-uutos
sa akin.

25
Aralin 4
I Alamin Natin

Ang modyul sa Ikatlong Markahan ay magpapakita nang pag-unawa sa


kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling disiplina para sa bansa tungo sa pan-
daigdigang pagkakaisa.
Naisasabuhay ang patuloy na pagninilay para makapagpasya nang wasto
tungkol sa epekto ng tulong-tulong na pangangalaga ng kapaligiran para sa
kaligtasan ng bansa at daigdig.

Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral sa ika-apat na baitang ay


inaasahang;
• Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran saan
man sa pamamagitan ng:
• segregasyon o pagtapon ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok
sa tamang lagayan
• pag-iwas sa pagsunog ng anumang bagay
• pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong bagay (Recycling)

EsP4PPP-lllg-i-22

26
I Tuklasin Natin

Ang modyul sa Ikatlong Markahan ay magpapakita nang pagunawa sa


kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling disiplina para sa bansa tungo sa
pandaigdigang pagkakaisa.
Naisasabuhay ang patuloy na pagninilay para makapagpasya nang wasto
tungkol sa epekto ng tulong-tulong na pangangalaga ng kapaligiran para sa
kaligtasan ng bansa at daigdig.

Gawain 4.1: Pagmasdan Mo


Panuto: Pagmasdan ng mabuti at isulat sa patlang kung ano ang iyong nakikita sa
larawan.

Source:https://r5.denr.gov.ph/images/RAR/R5/Ang_Ating_Estero.pdf Sourcehttps://www.clipart.email/make-aclipart/?image=7268831

1._________________________ 2._________________________
__________________________ __________________________

Source:https://www.slideshare.net/karenhengfajardo/pangangalaga-sa- Source: https://images.app.goo.gl/zVqMbmwGf92F17JbA


kapaligiran-72053599

3._________________________ 4._________________________
__________________________ __________________________

27
Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Maganda bang pagmasdan ang mga ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Ano ang naidudulot ng pagsusunog ng mga basura?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ano ang idudulot nito kung patuloy nating hindi lilinisin ang ating kapaligiran?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

D Suriin Natin

GAWAIN 4.2: ALAMIN NATIN


Panuto: Basahin ang tula na nasa ibaba at pagnilayan ang nilalaman nito.

Sa ating kapaligiran inyong maoobserbahan


Tambak o bundok ng basura makikita kaliwa’t kanan
Sama-sama ang mga bote, plastik, at papel na
pinaggamitan
Metal, goma, steel, at mga nabubulok na pagkaing
pinagtirhan.

May mga taong tila walang pakialam


Kahit marumi ang paligid, sa kanila ay ayos lang
Tapon dito, tapon doon, kalat dito di napaparam
Dulot ay pagkasira sa kawawang kapaligiran.

Bilang tagapagtaguyod ng kalinisan at kaayusan


Nabubulok at hindi nabubulok segregasyon dapat
isagawa
Ipakita mong ikaw sa disiplina nananahan
Upang maging modelo bawat isa’y masisiyahan.

28
Halika na, aking kapatid, kamag-aral, at kaibigan
Ikampanya natin, segregasyon ay ipaglaban
Kahalagahan nito’y ipaunawa’t iparamdam
Upang ang lahat ay mahimok at maglingkuran

Source: ESP GRADE 4 LEARNER’S MATERIALS


DepEd Central Office. First Edition, 2015. DEPED COPY 240

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang karaniwang nakikita sa kapaligiran na nabanggit sa tula?


a. Tambak o bundok ng basura makikita kaliwa’t kanan
b. Magagandang tanawin
c. Bulubunduking pasyalan
d. Iba’t ibang mga kainan at pasyalan.

2. Bakit kailangang paghiwa-hiwalayin o i-segregate ang mga basura na makikita sa


tahanan, paaralan, pamayanan o maging sa bansa?
a. Upang huwag mapagalitan
b. Upang maging malinis ang ating kapaligiran
c. Upang maging malinis at gayon din ang ibang patapong bagay ay may
pakinabang
d. Upang maging mabait ka sa mga nakakakita sa iyo.

3. Ano ang sumasalamin sa isang bayan o bansa kung parating nakatambak o


nakakalat ang basura rito?
a. Kasiyahan sa mga nakikitang basura sa paligid.
b. Kaligayahan ng mga mamamayang sa pagkakaisa
na mapanatiling marumi ang paligid.
c. Karangyaan ng estado ng buhay.
d. Kawalang disiplina at walang pagmamalasakit sa
kapaligiran.

4. Bakit hindi natin dapat sunugin ang mga basura?


a. nakagaganda ito ng kapaligiran
b. nakakapagpapalinis ito ng kapaligiran
c. nakasasama ito sa ating kalikasan
d. binubuhay nito ang ibang mga puno sa paligid

5. Anong mga pangyayaring pangkapaligiran ang nararanasan natin ngayon na


maaaring dulot din ng maling pagtatapon ng basura?
a. Pagkasira at pagrumi ng ating kapaligiran
b. Paglilinis ng ating kapaligiran.
c. Pagganda ng ating kapaligiran
d. Pagiging tanyag ng kapaligiran

29
E Pagyamanin Natin

Magandang araw! Sa araling ito ay higit na mauunawaan ang mga dapat


gawin upang magkaroon ng isang maayos at malinis na kapaligiran.

MGA PARAAN UPANG MAPANATILI ANG KALIKASAN SA PAMAYANAN


1. Itapon ang basura sa tamang lagayan.
2. Paghiwalayin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok.
3. Gumawa ng compost pit upang ibaon ang nabubulok na basura.
4. Gamiting muli o i-recycle ang mga gamit na puwede pa.

Gawain 4.3: Ibuslo sa Tamang Lalagyan


Panuto: Isulat sa tamang basurahan ang mga sumusunod na bagay sa ibaba.

30
Mga Bagay:

1. papel
2. balat ng mga prutas at gulay
3. lumang bote
4. animal manure
5. electrical wiring
6. disposable face mask
7. tin cans
8. lumang karton
9. 1.5 liter plastic bottles
10. shampoo sachet

Tandaan Natin

Sa mga nakalipas na panahon, ang mga tao ay nagtatapon ng basura sa


tarangkahan upang magkaroon ng malinis, maganda at ligtas na paligid para
maiwasan ang anumang sakit. Sa mga bakuran ng ating mga tahanan, nandoon ang
walis at dust pan na palaging ginagamit sa paglilinis sa ating bakuran. Ang malinis
na paligid ay nagdudulot ng saya sa bawat miyembro ng pamilya.

Mula sa aklat na tumatalakay sa solid waste management na inilimbag ng


Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa tulong ng Miriam
College sa Diliman, Quezon City na ginagamit sa mga paaralan, ang bawat tao ay
dapat na nagbibigayhalaga sa mga simpleng paraan ng pagtatapon ng basura.
Kasabay ng pagtaas ng bilang ng tao sa ating bansa, patuloy din ang pagdami ng
basura na makikita sa ating kapaligiran.

Maraming lugar ang naging tapunan ng basura tulad ng Payatas sa Quezon


City na matatagpuan sa Pambansang Punong Rehiyon (NCR). Sa lugar na ito
makikita ang gabundok na basura kung saan naganap ang isang trahedya noong
1999 nang matabunan ng basura ang maraming tao sa kasagsagan ng napakalakas
na ulan.

Ayon pa rin sa aklat, ang malungkot na trahedya sa Payatas ang isa sa mga
nagbukas ng isipan na ang pangunahing dahilan ng pagkawala ng buhay ng mga
tao ay ang maling praktis o paraan ng pagtatapon ng basura. Dahil dito, sinimulan
ang proyekto na magkaroon ng tamang segregasyon o paghihiwa-hiwalay ng basura
saan mang panig ng ating bansa.

Nagkaroon ng malawakang kampanya sa Oplan Segregasyon. Pinagsama-


sama ang mga bagay na nabubulok o biodegradable tulad ng mga natirang pagkain,
prutas, pinagbalatan ng gulay at mga tuyong papel na puwedeng gamiting muli o i-

31
recycle. Ang mga lata, bote, at iba pang lalagyan na yari sa plastik, metal, goma, at
mga lalagyang babasagin ay mga halimbawa ng hindi nabubulok o non-
biodegradable. Hanggang sa ngayon ay patuloy na hinihimok at tinuturuan ang
bawat mamamayan upang hindi na muling mangyari ang trahedya tulad ng sa
Payatas.

Ang disiplina sa pagtatapon ng basura ay masasalamin kahit saan mang


panig ng daigdig tayo makarating. Ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran sa
pamamagitan ng tamang pamamahala ng basura ay isang adhikain ng lahat ng
bansa upang maisalba ang ating Inang Kalikasan.

Source: DepEd Central Office. First Edition, 2015. DEPED COPY246

Narito naman ang iba’t ibang sitwasyon na nagsusunog ng mga basura.

Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Yunit III Kagamitan ng Mag-aaral.pdf p249

32
A Isaisip Natin

Gawain 4.4: NGAYON AY ALAM KO NA


Panuto: Malaki ang matutulong mo sa iyong sariling paraan. Dahil dito pumili ka ng
alinman sa ibaba ang tatalakay sa Wastong pagtatapon ng basura, pag rerecycle at
pag tigil sa pagsusunog ng mga basura.

a. Poster Making
-Sa isang bond paper iguhit ang iyong isasagawa

b. Jingle Making
-Sumulat ng jingle tungkol sa iyong isasagawa.

Narito ang Kriterya sa pagsasagawa alinman sa mga sumusunod


Orihinal na Konsepto 40%
Kaakmaan sa Aralin 35%
Pagkamalikhain 25%

KABUUAN: 100%

33
Susi sa Pagwawasto

ARALIN 1: KULTURA NG ATING LAHI, ATING PAHALAGAHAN

ARALIN 2: KULTURA NG MGA PANGKAT ETNIKO, MAHALAGANG MALAMAN

34
ARALIN 3: SARILING DISIPLINA SA PAGSUNOD SA BATAS

ARALIN 4: DISIPLINA SA PAGTATAPON NG BASURA: ISANG


PANDAIGDIGANG PANAWAGAN

35
Sanggunian
ARALIN 1: KULTURA NG ATING LAHI, ATING PAHALAGAHAN
Aklat
• Edukasyon Sa Pagpapakatao 4. Kagamitan ng Mag-aaral. Unang Edisyon. Kagawaran ng
Edukasyon.
• Dango, Jose. Seryeng Edukasyon sa Pagpapakatao. Pagpapakatao 4. Phoenix Publishing
House Inc. 2016.
Mga Larawan
• Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (Kagamitan ng Mag-aaral)
• https://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/4/4e/Duyan%2C_Nestor_Leynes.jpg
• https://avantministries.org/story-detail/god-at-work-despite-a-typhoon#gallery-4310-8887-6
• http://www.ust.edu.ph/architecture-student-provides-assistance-to-victims-of-typhoon-ulysses/
• https://www.gtgoodtimes.com/2019/05/08/honest-13-yo-boy-returned-lost-wallet-and-
receives-scholarship-worth-7727-and-financial-aid-in-return/
• https://steemit.com/hive-185836/@shelouveloso/artwork-of-the-day-pagmamano-one-of-the-
traditions-of-philippines-or-miss-lou-s-artworks-shelouveloso
• https://creazilla.com/nodes/7220-happy-family-clipart

ARALIN 2: KULTURA NG MGA PANGKAT ETNIKO, MAHALAGANG MALAMAN


Aklat
• Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (Kagamitan ng Mag-aaral)
• Most Essential Learning Competencies (EsP – 2nd Quarter)

ARALIN 3: SARILING DISIPLINA SA PAGSUNOD SA BATAS


Aklat
• Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (Kagamitan ng Mag-aaral)
• Most Essential Learning Competencies (EsP – 2nd Quarter)
Mga Larawan
• Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (Kagamitan ng Mag-aaral, Pahina 223-224)
• Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (Kagamitan ng Mag-aaral, Pahina 226)

ARALIN 4: DISIPLINA SA PAGTATAPON NG BASURA: ISANG PANDAIGDIGANG PANAWAGAN


Aklat
• Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (Kagamitan ng Mag-aaral)
• Most Essential Learning Competencies (EsP – 2nd Quarter)
• Source: ESP GRADE 4 LEARNER’S MATERIALS
• DepEd Central Office. First Edition, 2015. DEPED COPY 240
• Source: DepEd Central Office. First Edition, 2015. DEPED COPY246
Mga Larawan
• Source: https://r5.denr.gov.ph/images/R-CAR/R5/Ang_Ating_Estero.pdf

• Source: https://www.clipart.email/make-a-clipart/?image=7268831

• Source: https://www.slideshare.net/karenhengfajardo/pangangalaga-sa-kapaligiran-72053599

• Source: https://images.app.goo.gl/zVqMbmwGf92F17JbA

• Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Yunit III Kagamitan ng Mag-aaral.pdf p249

36

You might also like