Edukasyon Sa Pagpapakatao: Department of Education

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

6 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 5
Kalidad ng Aking Gawain, Kaya Kong Ipagmalaki

Pangalan ng mag-aaral: ___________________________


Baitang at Seksyon: ___________________________
0
Paaralan: ___________________________
Alamin

Nasubukan mo na bang tingnan ang mga kagamitan sa inyong


bahay? Alin sa mga ito ang tumagal ng mga tatlong taon pataas at
nagagamit pa rin ninyo hanggang ngayon? Iyan ang mga produktong may
mataas na kalidad ng pagkakagawa. Ang isang manggagawa ay dapat
makasunod sa pamantayan para sa mataas o de-kalidad na trabaho.
Sa modyul na ito, iyong matutunan ang kahalagahan sa pagsunod sa
pamantayan at kalidad sa ano mang natapos na gawain.
Layunin ng modyul na ito ang gabayan kayo sa pagkamit ng kasanayang
ito:
a. Naipagmamalaki ang anumang natapos sa gawain na nakasusunod
sa pamantayan at kalidad. EsP6PPP-IIIg-38

Subukin

Bilang panimulang gawain, subuking sagutin ang mga sumusunod.


Kung ikaw ay sang-ayon sa sinasabi ng pangungusap, kulayan ng dilaw ang
bilog katumbas sa letrang T (tama) at bughaw naman ang parisukat
para sa letrang M (mali).

_____1. Puwede nang ipasa ang proyekto sa guro kahit mayroon pang

kulang dito.

T M

_____2. Dapat pagbutihin ang ginawa upang maipagmalaki ito.

T M

_____3. Kailangang sumunod sa pamantayan sa paggawa upang maging

de-kalidad ang kalalabasan sa inyong mga gawa.

T M

_____4. Okey lang na maubos ang oras sa paggawa ng proyekto basta

maging maganda at maayos ito.

T M

_____5. Kailangang maging masilan sa pagpili ng mga materyales para sa

isang proyekto.
T M

1
Kalidad ng Aking Gawain, Kaya Kong
Aralin
15
Ipagmalaki

Balikan

Ating balikan ang tamang pagkalinga sa kapaligiran sa pamamagitan


ng pagre-recycle ng mga bagay at ang tamang paggawa nito. Lagyan ng (√ )
kung ang pangungusap ay nagsasaad nga tamang Gawain at ( × ) kung
hindi.

1. Gumawa si Beth ng isang


plorera mula sa plastic na bote.
2. Inayos ng mga bata ang mga
sirang bakod sa paaralan.
3. Inihalo niya ang mga malalanta
sa mga di- malalantang bagay.
4. Tinuruan ni Susan ang kanyang
anak sa pagtatanim ng mga
halaman.
5. Itinapon ni Arman ang mga
sirang upuan sa gilid ng
kalsada.

Tuklasin

Basahin ang kwento at alamin kung nagpapakita ng de-kalidad na


pagganap sa Gawain ang pangunahing tauhan.

2
Ang Matandang Karpintero
Constancia Paloma

May isang matandang karpintero na nagtatrabaho sa isang


contractor sa loob ng 53 taon. Nakapagtayo na siya ng maraming
magagandang bahay, subalit matanda na siya. Nais na niyang tumigil sa
pagtatrabaho at ilaan ang oras para sa kaniyang pamilya, kaya nagpunta
siya sa contractor niya at sinabi ang kanyang balak sa buhay. Nalungkot
ang contractor sa katotohanang mawawalan siya ng isang mahusay na
manggagawa, subalit hindi niya ito pinigilan. Naisip ng contractor na hindi
na nga naman kaya ng matandang karpintero. Subalit bilang huling hiling,
inutusan niya na gumawa siya ng isang bahay. Huling bahay na kanyang
gagawain.

Pumayag naman ang matanda, subalit ang puso niya ay wala sa


kaniyang ginawa. Nawala ang dati niyang gana sa trabaho. Dahil dito, ang
Kaniyang paggawa ay wala sa kalooban at parang napilitan lamang siya.
Nang matapos ang bahay, binisita ng contractor ang huling trabaho ng
matandang karpintero. Matapos inspeksyunin ang bahay, ibinigay niya sa
karpintero ang susi sa harap ng bahay at sinabi, “Ito na ang iyong bagong
bahay. Regalo ko ito sa iyo.” Nagulat ang karpintero at naguluhan.

Kung alam lamang niya na ang kaniyang ginawang bahay ay para


sa kanya, sana ay pinagbubutihan niya ang kaniyang trabaho. Ngayon,
titira siya sa isang bahay na hindi maganda ang pagkakagawa at hindi
pulido.

Ipagpalagay mo na ikaw ang karpintero.Nagtatrabaho ka nag husto,


pero ibinibigay mo ba ang iyong puso dito? Hindi natin binibigyan ng lubos
na init sa pagtatrabaho ang mga gawaing hindi natin gusto, o wala tayong
interes. At sa bandang huli, magugulat tayo sa isang hindi magandang
sitwasyon na tayo rin mismo ang lumikha. Ngayon, nagsisisi tayo kung
bakit hindi natin pinagbubuti ang gawain, kayat sa huli tayo pa rin ang
lugi.

3
Suriin

Sa bahaging ito, mas mapapalalim ang inyong pang-uunawa sa


kahalagahan sa pagsunod sa pamantayan at kalidad sa paggawa upang
maipagmamalaki ang anumang natapos na gawain.

Ayon kay Tan, V.L ang pagsunod sa mga pamantayan sa paggawa


ay isang mahalagang bagay upang maging isang de-kalidad at pulido ito
atmaari mong paipagmalaki sa lahat at ito ay tatagal ng nahabang
panahon. Ito ang ilan sa mga dapat sundin.

a. Maging iba ka. Umiwas sa mga maling gawi sa paggawa,


Kailangan mong paghusayan ang iyong ginawa. Tandaan mo na
bawat isa sa atin ay may angking kakayahan na tayo lamang ang
mayroon

b. Maging pinakamabuti ka, pinakamagaling at pinakamahusay. Ang


gawaing may magandang kalidad ay pinaghuhusayan,
pinagbubutihan at pinagbubuhusan ng kakayahan. Dapat
magkaroon ka ng mataas na pamantayan at pagsikapang abutin
ito at lampasan.

c Maging orihinal ka. Sikaping maging orihinal at hindi manggagaya


kahit na sa iyong paligid ay uso ito.

Palalimin ang iyong pang-unawa sa binasang konsepto sa itaas sa


pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na katanungan.

1. Ano ang kabutihang maidudulot kung ang mga tao ay gumawa ng


kaniyang mga Gawain nang naaayon sa pamantayan?

2. Bakit kailangang paghusayan at pagbubutihan ang isang Gawain?

3. Maipagmamalaki mo ba ang iyong gawa? Bakit?

4
Pagyamanin
Gawain 1

Pumili ng sampu (10) sa mga gawaing nakasulat at itala sa iyong


kuwaderno gamit ang tsart. Ilista sa unang kolum ang paggawa ng
proyekto. Sa ikalawang kolum lagyan ng tsek (√ ) kung nakakasunod ka sa
pamantayan o hindi. Sa ikatlong kolum, lagyan ng ( ) kung mataas ang
uri ng kalidad at ( ) kung mababa ang uri ng kalidad.

1. Pagkukumpuni sa mga sirang bagay


2. Gumawa ng bulaklak gamit ang plastic ribbons.
3. Mag-alaga ng nakakabatang kapatid
4. Gumawa ng flower vase gamit ang diyaryo.
5. Gumawa ng maliit na upuan gamit ang tatlong pirasong kahoy.
6. Pagpintura ng isang lumang gamit ng bahay.
7. Tumulong sa pamamalengke
8. Gumawa ng proyekyong gamit ang drinking straw.
9. Tumulong sa paggawa ng takdang-aralin ng iyong kapatid.
10. Gumawa ng organizer gamit ang karton ng sapatos,.
11. Gumawa ng unan gamit ang pira-pirasong tela.
12. Gumawa ng punda ng unan gamit ang isang metrong tela .
13. Mapunas sa mga basang pinggan.
14. Gumawa ng star gamit ang kawayan.
15. Maglinis ng mga basahan.

Mga Gawain Nakasusunod sa Uri ng Kalidad


Pamantayan
Oo Hindi Mababa Mataas

5
Isaisip

Sagutin ang tanong. Isulat sa mga linya sa ibaba ang sagot

1. Paano mo maipagmalaki ang anumang natapos na gawain?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Isagawa

Gawain 1
Umisip ng isang gawain o proyektong pinakagusto mong gawin.
Isaisip kung paano mo magagamit ang mga pamantayan sa paggawa ng de-
kalidad na gawain. Planuhin ang iyong gagawin sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga aytem na nasa ibaba.

1. Pinakagustong proyektong gawin _________________________________.

2. Mga tiyak na hakbang na gagawin_________________________________

__________________________________________________________________
.
3. Mga paraan sa paggawa ng proyekto ______________________________

__________________________________________________________________
.
4. Sakop na panahon sa paggawa ng proyekto _______________________.

5. Mga panukat sa paggawa ng isang matagumpay at de-kalidad na

proyekto _________________________________________________________

6
Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Piliin at bilugan ang titik


ng tamang sagot.
1. Ano ang mainam na paggamitan ng mga pira-pirasong tela na maaring
pagkakakitaan?
A. paggawa ng cushion o unan C. pagtakip sa mga muwebles

B. pansala sa paggawa ng gata D. paggawa ng damit

2. Sino ang magtatagumpay?

A. Si G. Lopez ay may bisyong pag-iinum ng alak.

B. Si Aling Tina ay gumagawa lamang kung nasa paligid ang kanyang

amo.

C. Hindi iniiwan ni Bb. Vintara ang kanyang trabaho hangga’t hindi

ito natatapos.

D. Lahat ng mganabanggit

3. Bagamat nahihirapan sa umpisa, pinag-aralang mabuti ni Grace ang


pananahi sa makina.Pagdating ng tamang panahon, hindi nahihirapang
humanap ng trabaho si Grace. Ano ang masasabi mo sa kanyang ginawa?

A. pinalawak at pinabuti niya ang kanyang kakayahan bilang

paghahanda sa tamang pagkakataon.

B. sinanay niyang mabuhay ng mahirap

C. siya’y nagkulang ng paniniwala sa sariling kakayahan

D. ginawa niyang libangan ang pananahi

4. Maliit ang kinikita ni Kiko bilang barbero kaya maingat siya sa


paggastos.May budget siyang sinusunod at regular din ang paghulog niya sa
bangko.Di naglaon, nakapagpatayo si Kiko ng sariling barber shop. Anong
katangian ang kanyang ipinamalas?

A. wastong pagtitpid C. kakulangan sa disiplina

B. pagkamaramot D. nagmamadaling umangat sa buhay

7
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang pagsunod sa pamantayan sa
paggawa ng mga gawain?

A. paghusayan ang ginagawa C. pinagbubuhusan ng kakayahan

B. pinagbubutihan ang ginawa D. pagpapabaya sa Gawain

6. Alin ang nagpapatunay na “ Kung may tiyaga, may nilaga”?

A. nagpabaya si Mon sa kanyang pag-aaral

B. nagsusumikap si Carlos sa pag-aaral kung kaya’t nakahanap siya

ng disenteng trabaho

C. lakwatsero si Nestor kaya’t hindi nakapagtapos sa pag-aaral

D. madalas lumiliban sa klase si Marlon.

7. Kung mabigat ang Gawain, nagre-reklamo si Panyong. Siya ay_________?

A. may katwiran C. hindi malayo ang mararating

B. aasenso sa buhay D. madaling mapagod

8. Sino ang dapat tularan? Si Rosita na gumawa lang ng lumang basahan


sa maghapon. Si Ramona na busalsal ang mga gawa. Si Remedios na pinili
ang mga matibay na mga tela at kulay upang gumanda ang yari na
basahan. Si Rose na minsan sa isang lingo lang gumawa ng basahan.

A. Rosita B. Ramona C. Remedios D. Rose

9. Dahil sa sipag at tiyaga, si Henry Sy ay nagging may-ari ng shoemart.


Ang magandang katangian ni Henry Sy, tulad ng pagsisikap at pagtitiyaga
ay ____________?

A. Kaya ko ring tularan. B. di ko kayang tularan.

C. mahirap tularan D. may pinagmanahan

10. Sino ang magtatagumpay?

A. ang taong takot harapin ang mabigat na gawain

B. ang taong mahiyain

C. ang taong nagmamarunong

D. ang taong may pagmamahal, pagtitiyaga, at pagsiskap sa Gawain

8
Karagdagang Gawain

Mangalap sa internet ng kuwento ng mga Pilipino na naging


matagumpay sa buhay dahil sa kanilang pagsusumikap, pagtitiyaga, at
kahusayan sa kanilang Gawain sa kahit anong larangan. Pumili ng isa at
itala ang buod ng kwento. Tiyaking masakot ang katanungan na nasa
ibaba.

Pangalan __________________________________________________

Edad __________________________________________________

Larangan ng Pagtatagumpay _______________________________

____________________________________________________________

Mga Pagpapahalaga sa Buhay

________________________________________________________________

Aral na Natutuhan

________________________________________________________________

________________________________________________________________

9
10
Subukin: Balikan:
1. M 1.√
2. T 2.√ Suriin; Isaisip:
3. T 3.× ( answer ( answer
4. T 4.√ may vary) may vary
5. T 5.×
Isagawa:
(answer
may vary)
Pagyamanin:
Gawain 1
• Pagkukumpuni sa mga sirang bagay
• Gumawa ng bulaklak gamit ang plastic ribbons
Tayahin :
• Pagpintura ng isang lumang gamit sa bahay
1. A
• Gumawa ng proyekto gamit ang dringking straw
2. C
• Gumawa ng maliit na upuan gamit ang tatlong 3. A
pirasong kahoy 4. A
• Gumawa ng organizer gamit ang karton ng 5. D
sapatos 6. B
• Gumawa ng unan gamit ang pira-pirasong tela 7. C
• Gumawa ng punda ng unan gamit ang isang 8. C
metrong tela 9. A
• Gumawa ng flower vase gamit ang diyaryo 10. D
• Gumawa ng star gamit ang kawayan
Karagdagang
Gawain:
Answer may
vary
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian:
Zenaida R. Ylarde, Gloria A. Peralta “UGALING PILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON 6”,
2016, 100-107.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Florita C. Madrid


Teacher - III, Balangasan Central Elementary School
West District, Pagadian City Division

Tagasuri : Metushela Ubas – Salac


Master Teacher – I, Dumagoc Elementary School

Patnugot : Jovita A. Dugenia, Values Education Supervisor

Tagapamahala : Danny V. Cordova, EdD, CESE, - OIC - SDS


Maria Colleen L. Emoricha, EdD, CESE - ASDS
Matt Ranillo O. Singson, EdD, CESE – OIC - ASDS
Isagani B. Cabahug – SGOD Chief
Ma. Diosa Z. Peralta – CID Chief
Ma. Madelene P. Mituda – LR Supervisor

11
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like