Klase Sa Pisika - Mga Paksin
Klase Sa Pisika - Mga Paksin
Klase Sa Pisika - Mga Paksin
Ang Kadayaan:
*Sound effects: Intense & Suspense*Spotlight: Red & White *Fog Machine*
(Magkakasama sina Ben Zayb, Ginoong Leeds at Padre Camorra sa tent ni Mr. Leeds. May ilang mga tao ang
nasa gilid ng tent at naguusap kasama ang mga prayle. May mga kandila na nakalagay sa baso na nakapaligid sa
tent niya at may nakalagay na mga upuan sa harapan. May isang lamesa na nakatakip sa itim tela sa gitna kung
saan sila nakapalibot.)
Ben Zayb: Ginoo wala naman pa naman ang makakarinig at madaling lokohin na mga tao, pwede bang ipakita
mo sa amin ang kadayaan?
(Nilagay ni Mr. Leeds ang kanyang kama sa kanyang panga na parang nagiisip.)
Mr. Leeds: At bakit hindi? Basta wala kayong sisirain na kahit anuman.
(Itinaas ni Mr. Leeds ang itim na tela.)
Mr. Leeds: Tignan niyo.
(Tinignan ni Ben Zayb at Padre Camorra ang mga paa ng lamesa.)
Padre Camorra: Asan ang salamin?
(Binaba ni Mr. Leeds ang tela pero inangat ulit nito ni Ben Zayb para espeksiyonin ang lamesa.)
Mr. Leeds: May nawawala ba sayo?
Ben Zayb: Ang salamin…nasan ang mga salamin?
(Mapatawang nagsalita si Mr. Leeds)
Mr Leeds: Hindi ko alam kung nasan ang salamin niyo. Pero meron ako sa hotel gusto mo ba makita ng
personal? Parang namumutla kayo…
(Napakamot si Ben Zayb sa ulo niya.)
Mr. Leeds: Nasiyahan kana ba? Pwede na ba ako magsimula?
(Natawa sila at bumalik na sa upuan niya.)
Mr. Leeds: Lahat ay umupo at ihanda ang mga tanong niyo pagtapos ng aking palabas.
(Umupo ang mga tao sa upuan at may ilang kakadating lang. Umalis si Mr. Leeds at bumalik ng may hawak na
lumang kahon na may guhit ng ibon, bulaklak at bungo.)
Mr. Leeds: Mga ginoo at binibini. Minsan akong bumisita sa piramide ni Khufu ang faraon ng ikaapat na
dinastiya ng ehipto. Duon natagpuan ko ang kahong ito na maaari niyong suriin.
(Lumapit siya sa unang hanay ng upuan. Natakot si Padre Camorra habang napangiti si Padre Salvi na tinignan
ang kahon. Sumilip si Don Costudio ng walang takot at Si Ben Zayb naman ay tinitignan ang lamesa para sa
salamin.)
Babae 1: Amoy patay!
(Sabay paypay.)
Babae 2: Amoy ikaapat na siglo.
(Napatawa ang Babae 1.)
Babae 1: Ang galing mo naman naamoy mo kung gaano katagal.
Babae 2: Ako pa, ikaw nga amoy panahon ng hapon saya mo. Maglaba ka din minsan.
(Hinampas ni Babae 1 si Babae 2 at nagtawanan ang mga tao. Bumalik na sa harap si Mr. Leeds)
Padre Camorra: Amoy simbahan!
Mr. Leeds: Ang kahong ito ay naglalaman ng isang abo at isang papel na may sulat. Pwede niyong tignan pero
huwag niyong hingahan dahil ang pagnabawasan ito pwede kayong masiraan ng ulo!
(Nagtinginan sila at tinakpan ang mga bibig at ilong.)
Lalaki 1: Walang hihinga!
(Dahan dahng sinara ang kahon at naglakad sa harap nila si Mr. Leeds.)
Mr. Leeds: Hindi ko alam ang gagawin noon! Sinuri kong Mabuti ang dalawang salitang nakasulat sa papel
pero hindi ko alam ang kahulugan. Sinabi ko ang unang salita at biglang nahulog ang kahon sa sahig galing sa
kamay ko. Nabigla ako. Binuksan ko ang kahon at nakita ko ang ulong nakatitig saakin.
(Napahinto si Mr Leeds sa harap ng kahon.)
Mr. Leeds: Nataranta ako. Nung sinabi ko ang pangalawang salita biglang nagsara ang kahon at bumalik sa abo
ang ulo. Nalaman ko na ang dalawang salitang ito ay kalikasan ng buhay at kamatay.
(Ipinatong niya ang kahon sa lamesa. Nilagyan niya ng takip ang kahon. *Nasa baba: May ilang indio na nasa
baba ng stage.)
Indio 1: Bakit hindi tayo makapasok?
Tagabantay ng palabas: Ginoo, nasa loob ang mga prayle at mataas na pinuno. Pinapanood pa nila ang
bunggo.
Indio 2: Sabik pala manood ang mga prayle. Ayaw pa nilang paalam na naloloko sila. Ano ang espengheng ito?
Kasintahan ng prayle?
Mr. Leeds: Mga binibini at ginoo. Sa isang salita ko bibigyan ko ng buhay ang abong ito na makakapagsabi ng
nakaraan, kasalukuyan at ng hinaharap.
*Lights off -pause sabay kay Mr. Leeds- *Lights on: Red only*
Mr. Leeds: Deremof!
(Tataas ang bungo sa kahon. May ilang babae ang sisigaw at lalapit kay Padre Salvi sa takot.)
Mr. Leeds: Espenge! Magpakilala ka!
Imuthis: Ako si Imuthis, pinanganak sa panahon ni Amasis at napatay noong pamumuno ng mga persyano
habang si Cambyses ay pabalik mula sa ekspediyon sa pagsakop sa Libya. Tapos na ko sa pag-aaral at pauwi
na ko sa bayan ng Gresya, Asirya at Persya nang ako ay ipatawag sa hukuman ni Thot. Dahil iyon nang
dumaan ako sa Babilonya at matuklasan ang kagimbal-gimbal na sekreto ng huwad na Smerdes, ang impostor
na tagapamahala na si Gaumata. Sa takot na ipabatid ko kay Cambyses ang lahat. Ginamit ni Gaumata ang
mga paring ehipsyano para ipahamak ako. Makapang yarihan ang mga paring ito sa aming bayan.May-ari ng
ikatlong bahagi ng mga lupain doon at hawak ang kaalaman ng syensya. Pinagdamutan ng karunungan,
pinanatiling mangmang at itinuring na mga hayop ang mga mamamayang palipat-lipat sa kanilang mga
kamay. Nagpagamit sila kay gaumata dahil sa takot na ibunyag ko angpanlilinlang sa bayan ng mga ito.
Kinasangkapan nila ang isang kabataang pari ng Abydos na inakala ng lahat na isang santo.
Mr. Leeds: Ano ang mga pakana ng prayle sa inyo?
*Sound effects: Sad music
Imuthis: Minahal ko ang isang babaing anak pala ng pari. Pinagnasaan din pala ito ng kabataang pari ng
Abydos. Para isangkot ako. Nagtanghal siya ng isang huwad na pag-aalsa na isinabay sa pagbalik ni
Cambyses at dahil talunan ito ay pinaghaharian ng poot sa kalooban.
*Sound effects: Intense
Imuthis: Binansagan akong rebelede tyaka dinakip at ibinilanggo. Swerteng nakatakas ako pero hinabol at
pinabaril ako sa lawa ng Moeris. Nalaman ko na lamang na nagtagumpay ang sabwatan. Pati ang araw at
gabing pagtatangka ng kabataang pari ng Abydos sa birhen kong kasintahang nagkubli sa templo ni Isis sa isla
ng Philoe. Nakikita ko siya ng kawalang-pag-asa hanggang sa tila isang kaawang-awang kalapating
binabantaan lagi na dagitin ng isang dambuhalang paniki! Ngayong nagbalik ako mula sa kamatayan, pari ng
Abydos. Ilalantad ko ang lahat ng mga kabuktutan mo.
Padre Salvi: Maawa ka…
(Bumagsak bigla ang pari at agada gad siyang pinuntahan ng mga prayle.)
Imuthis: (tumatawa) Mapanirang-puri! Lapastanganan sa Diyos! Mamamatay tao!
(Patulog na maririnig ang nakakatakot na tawa ng espenghe.)
Padre Irene: Pinagbawalan ko siyang kumain ng sopas. Masama iyon sa kanya.
Don Costudio: Para saakin baka nahipnotismo siya ng ulong iyon. Dapat pinagbabawal yung mga ganyang
palabas.
Ben Zayb: Higit sa lahat dahil ito ay nagawa gamit ang salamin.
Mr. Leeds: At doon nagtatapos ang aking palabas. Maraming salamat.
(Agad agad na kinuha ang kahon at umalis si Mr. Leeds.)
*Lights off *Close curtain*
Paglisan:
*Sound effects: Sad *Spotlight: Blue & White*
(Naglalakad si Placido habang nakakamao.) -Inside voice-
Placido: Sabi nila hindi ako marunong maghiganti! Tignan nalang natin kung anong sasabihin nila kapag
tinamaan sila ng kidlat!
(Napaupo siya sa isang sulok.)
Placido: Makikita niyo. Ma —
(Dadating sa Kabesang Andeng na may bitbit na mga bilihin.)
Placido: Magandang araw ina.
(Tumayo siya at nagmano.)
Andeng: Halika pumasok ka. Kung magiging pari anak ko sigurado na ang nanay niya di na magbabayad ng
utang na matagal nang sinisingil sa kanya.
(Napatawa si Andeng. Tahimik lang si Placido.)
Andeng: Nangako ako sa tatay mo na palalakihin kita. Paaralin hanggang sa maging abugado ka.
Nagsakripisyo ako kaya kahit minsan hindi ako nangahas na maglaro ng baraha. Hindi na ako bumili ng bagong
damit. Pag may pera ako binabayad ko sa misa tapos ireregalo kay San Sebastian kahit bago siyang santo.
(Napabunting hininga si Andeng at paiyak na nagsalita.)
Andeng: Ano nalang sasabihin ng tatay mo pagnagkita kami sa langit? Tiisin mo lang anak. Babalik kita sa
unibersidad ng Santo Tomas para maging Abogadong Agustino ka!
Placido: Anong makukuha ko sa pagiging abogado?
Andeng: Anong gusto mo? Ilang beses ko nang sinabi na habaan mo ang pasesnya mo. Hindi ko naman sinabi
halikan mo ang kamay ng mga prayle. Pero anak, alam ko pareho kayo ng tatay mo na mahirap pakibagayan
pero kailangan mo lang magtiis. Lahat ng mga prayle kapag huminde walang magiging mananggol o
manggagamot.
(Nilapitan ang anak at nilagay ang kamay sa balikat nito.)
Andeng: Hindi ako partido sa mga prayle pero anak sana maintindihan mo ko…
Placido: Tatalon nalang ako sa dagat o magiging bandido kesa bumalik sa unbersidad!
(Inalis ni Placido ang kamay ng nanay niya at umalis ng bahay.)
*Close curtain *Lights off* -pause- *Sound effects: Crickets *Spotlight: Blue & Green*
(Naglalakad si Placido nang Makita si Simoun na may kausap na amerikano.)
Placido: Mang simoun! Mang Simoun!
(Maglalakad na sana sila ng amerikano paalis nang lumingon siya. Hinabol siya ni Placido.)
Placido: Pwede ko ba kayo makausap sandali?
(Napakamot sa ulo si Simoun.)
Simooun: Halika sumama ka saakin.
*Close Curtain *Lights off *Projector: Karwahe *Sound effect: Horse steps
Simoun: Pakitigil dito ang karwahe.
*Open curtain *Sound effect: Cultural music *Spotlight: Yellow & White*
(May isang lalaki na nakabihis amerikano ang lalabas.)
Lalaki: Ginoo kayo pala iyan.
Simoun: Meron na ba kayong pulbura?
Lalaki: Nasa sako na. Hinihintay ko na lang ang mga lalagyan.
Simoun: Ang mga bomba?
Lalaki: Handa na lahat.
(Napatungo si Simoun.)
Simoun: Lumakad ka na ngayon gabi. Sabihan mo ang tenyente at corporal. Pumunta ka sa lamayan. Makikita
mo ang isang lalaki sa Bangka. Sisigaw ka ng ‘kabesa‘ at sasagot siya ng ‘tales‘. Kailangan ko na siya bukas.
Hindi dapat tayo magaksaya ng panahon.
(Binigyan niya ng salapi ang lalaki.)
Lalaki: Ano pang balita ginoo?
Simoun: Kailangan magawa ito sa isang linggo.
Lalaki: Isang linggo…pero hindi pa handaang paligid. Hinintay nila iuring ng Heneral ang utos.
(Umiling si Simoun.)
Simoun: Hindi na natin sila kailangan. Sapat na sina kabesang tales, mga dating karabinero at isang rehimento.
Pagnatagalan pa baka mamatay na si Maria Clara. Lumakad na kayo ngayon.
(Tumungo ang lalaki at bago umalis lumingon kay Placido. Naglakad ang dalawa.)
Simoun: Siguro nagtataka kung bakit mahusay ang Indyong umalis sa kastila. Dati siyang maestro pero
nagpilit siyang turuan ng wikang kastila ang mga bata hanggang sa alisin siya. Ipinatapon siya kasi akala nila
nanggugulo siya dahil kaibigan ni si Ibarra. Ibarra. Hinango ko siya bilang tagaputol ng mga punong niyog sa
lugar na pinagtapunan sa kanya at ginawa ko siyang tagapaghanda ng paputok.
(Sumakay na ulit sila sa karwahe.)
*Close curtain *Lights off *Projector: Karwahe *Sound effects: Horse steps*
Placido: Salamat ginoo. Mauuna na ako.
Simoun: Magingat ka.
*Open curtain *Sound effect: Intense *Spotlight: Red & White*
(Naglakad si Simoun patungo sa kanyang upuan at napabuntong hiniga.)
Simoun: IIang araw nalang kapag ang sinumpang lungsod na ito na punong-puno ng mapagmataas at
mapagsamantala sa mahihirap at mangmang ay magliliyab na. Kapag nagkagulo na sa mga karatig at rumagasa
na sa mga lansangan ang bunga ng aking paghihiganti. Dahil sa kasakiman at kasinungalingan.
(Napakamao si Simoun sa upuan.)
Simoun: Wawasakin ko ang mga pader. Aagawin kita. Inagaw ako sa piling mo ng himagsikang hinanda ng
mga taong kasama sa kadiliman at ngayon. Isang himagsikan ang maghahatid sa akin ng mga yakap mo.
Bubuhayin kita! Malayo na ang aking narating at hindi na ako maaaring umurong pa.
*Close curtain *Lights off*
Isang Bangkay:
*Sound effects: Sad/ Depressing *Spotlight: Blue & White*
(Nakahiga si Kapitan Tiago habang nakaupong nagbabasa ng libro si Basilio sa tabi ng kama nya. Dadating si
Simoun.)
Simoun: Kamusta ang may sakit?
Basilio: Lalo siyang nanghina sa mga bangungot at kanyang takot.
Simoun: Parang sa pamahalaan.
(Minasahe ni Basilio ang nanakit na ulo.)
Basilio: Nung isang araw nagising siya sa dilim. Akala niya bulag na siya kaya nagwala siya. Nagsuspetsa
siyang dinukot ko yung mga mata niya. Nung binuksan ko ang ilaw napagkamalan niyang ako si Padre Irene.
Ako daw ang Tagapagligtas niya.
(Tinaas ni Simoun ang kanyang palad para patigilin sa pagsasalita si Basilio.)
*Sound effects: Kampana
Simoun: Making kayo saken. Mahalaga ang bawat sandali. Sa loob ng isang oras sa isang senyas ko.
Magsisismula na ang himagsikan. Magsasara ang unibersidad bukas dahil ang makikita niyo na patayan lang
ang labanan. Handa na lahat. Sigurado akong magtatagumpay! Lahat ng hndi nakatulong ituturing naming
kaaway.
(Nilagay ni Simoun ang kamay sa dalawang braso ni Basilio para nakaharap siya sa kanya.)
Simoun: Basilio! Nandito ako para papiliin ka. Ang kamatayan o ang kinabukasan mo?
Basilio: Ang kamatayan o ang kinabukasan ko?
(Binitawan ni Simoun si Basilio at nagpalakad lakad na nagsabi.)
Simoun: Hawak ko ang lakas na magpapakilos sa pamahalaan! Naglilibang sa teatro ang pinuno nila ngayon
gustong humingi ng isang gabi ng kasiyahan. Hindi nila alam. Na walang sinumang uuwi para matulog
nagayong gabi!
(Tumawa ng parang kontabida si Simoun.)
Simoun: Pinapaniwala ko ang iba na gusto ng Heneral ang himagsikan at pakana ito ng mga prayle. Nabili ko
ang iba gamit ang pera. Maraming sumali dahil gusto nila maghiganti sa pagalipin sa kanila. Kasama ko
hanggang ngayon si Tales. Huling alok ko ito. Sasama ka ba saamin o hahayaan mong mapahamak ka?
Magpasiya kana.
Basilio: Si Maria Clara?
(Naging malumanay si Simoun.)
Simoun: Iligtas niyo siya para saakin. Sinikap kong mabuhay at makabalik para iligtas siya. Kailangang
isagawa ang himagsikang ito na magbubukas ng mga pinto ng kumbento.
(Napabuntong hininga si Basilio.)
Simoun: Bakit?
Basilio: Huli na kayo…
Simoun: Anong ibig mong sabihin?
(Lumapit siya kay Simoun at nilagay ang kamay niya sa balikat nito.)
Basilio: Patay na si Maria Clara.
(Napaatras si Simoun.)
Simoun: Patay na?...
Basilio: Ilang araw na siyang maysakit. Bumisita ako sa kumbento. Alam ko ang nangyari.
(Sumgaw na nagsalita si Simoun.)
Simoun: Kasinungalingan! Hindi totoo yan! Buhay ang aking mahal! Buhay si Maria Clara! Gusto niyo lang
akong linlangin para makaiwas sa paghihimagsik.
(Yuyugyugin niya ang balikat ni Basilio.)
Simoun: Kailangan natin siyang ligtasin o mamatay kayo kinabukasan!
(Kumawala si Basilio kay Simoun na nakayukod ang ulo. Kinuha ang papel na nakaipit sa libro niya.)
Basilio: Basahin mo ang sulat ni Padre Salvi na hatid ni Padre Irene kay Kapitan Tyago. Magdamag na umiyak
ang Kapitan hinahagkan ang larawan ng anak at humihingi ng tawad. Hanggang sa lumakas ang paghithit niya
ng opyo. Ngayong hapon tinugtog ng kampana para sa paglipas ni Maria Clara.
(Napaupo sa sahig si Simoun.)
Simoun: Patay….Namatay ng hindi ko man lang nakita. Namatay ng hindi niya alam na pinilit kong mabuhay
para sa kanya. Bakit hindi mo ko nahantay mahal? Nangako ako na babalikan kita…nangako ako…pero ano
pang babalikan ko Maria?
(Napaiyak si Simoun.)
*Close curtain *Lights off*
Mga Pangarap:
*Sound effects: Love song *Spotlight: Yellow, Green & Red*
(Palakad lakad si Isagani. Inaayos ang kanyang kurbata at pinapagpag ang suot na amerikana. Paulit ulit
tinitignan ang relo niya.)
Isagani: Baka may lakad pa si Paulita kaya wala pa…
(Paulit ulit ginagawa ni Isagani ang una niyang ginagawa.)
*Close curtain *Sound effects: Crickets *Projector: Karwahe
Isagani: Paulita?
*Open curtain *Sound effects: Love song *Spotlight: Yellow, Green & Red
Paulita: Magandang gabi.’
(Napangiti ang dalawang magkasintahan. Lumapit si Isagani para kunin ang kamay ng dalaga ng biglang
sisingit ang tiyahin.)
Donya Victorina: Anong balita sa walang kwenta kong asawa?
(Napakamot sa ulo si Isagani.)
Isagani: Wala pong ni isang estudyante ang nakakaalam kung nasan siya.
(Napabuntong hininga ang Donya at nagpaypay.)
Donya Victorina: Pakisabi sa pilay na asawa ko, ipapaalam ko na ito sa guwardiya sibil.
(Pagalit na nagsalita ang Donya.)
Donya Victorina: Kailangan kong malaman kung nasan siya. Kung buhay pa ba o hindi. Mahirap maghintay
ng sampung taon bago makapag asawa ulit. Ano ang masasabi mo kay Juanito?
(Kinikilig na nagsalita ang Donya.)
Donya Victorina: Si Juanito?
Isagani: Sa palagay ko bagay na bagay kayo ni Juanito. Ang isang makisig at maginoo na lalaki ay nababagay
po sa inyo.
Donya Victorina: Talaga?
(Kinikilig na itinulak si Isagani at dadating ang kaibigan ni Paulita.)
Kaibigan: Nahulog ang pamaypay ni Paulita!
Isagani: Ako na po kukuha.
Paulita: Sasamahan ko lang po siya.
Donya Victorina: Bilisan niyo ha. Sa tingin mo bagay kami ni Juanito?
Kaibigan: Nagugutom po ba kayo?
Donya Victorina: Bastos ka!
(Hahampasin ng pamaypay ang kaibigan ni Paulita. Naglakad lakad ang magkasintahan palayo sa tiyahin niya.)
Isagani: Nakita ko na ata pamaypay mo. Paulita? Parang ang tahimik mo ata.
Paulita: Kagabi hindi mo man lang ako pinansin sa dulaan. Tinitignan kita simula nang magumpisa ang palabas
hanggang sa matapos pero hindi mo man lang ako matignan. Bakit? Dahil manghang mangha sa sa artsistang
pranses.
(Nagtatampong nagsabi ang dalaga. Napakamot sa ulo si Isagani.)
Isagani: Patawarin mo ako Paulita kong mahal. Akala ko kasi kayo ni Juanito ay nagkakaibigan na.
(Napatawa si Paulita.)
Paulita: Ang tiyahin ko ang umiibig sa kanya hindi ako.
Isagani: Sino ba ang iniibig mo?
Paulita: Yung selosong lalaki na magalang sa matanda, gwapo at maganda manumit.
Isagani: Kilala ko ba ang binatang ito?
Paulita: Mukhang hindi ata. Lagi kasing nasa puso ko.
(Natawa ang magkasintahan.)
Isagani: Nasa amin si Don Tiburcio nagtatag. Huwag ka mo nalang sabihin sa iyong tiya… Alam mo ba, yung
bayan ko tahimik at malapit sa inang kalikasan. Nararamdaman ko ang kalayaan kapag nandoon ako sa
kabundukangiyon. Masarap ang simoy ng hangin at sobrang liwanag ng buwan. Hindi ko yun ipagpapalit sa
kahit isang libong syudad o isang libong palasyo at saan mang lugar.
(Napabuntong hininga ang binata.)
Paulita: Ganoon mo kamahal ang lugar na yun?
Juanito: Mahal ko lahat ng nandun iniibigan ko pero nung nakilala kita. Nagbago ang lahat…Naging madilim
at malungkot ang lahat duon kaya kung nadoon ka lang kahit minsan. Ang kagubatang iyon ay magiging
paraiso!
(Nagpaypay ang dalaga.)
Juanito: Malapit ng umunlad ang ating bayan. Tinutulungan na tayo ng espanya nagising na ang mga kabataan
natin ngayon! Mangingibabaw ang kapayapaan! Mawawala na ang pagalipin at pagaalipusta! Aangat ang ating
negosyo, industriya, at agrikultura. Parang sa Inglatera. Susulong ang siyensya sa ilalim ng kalayaan at
matalinong pamumuno. Pantay na batas para saating lahat.
Paulita: Paano kung wala kang mapapala?
Juanito: Alam mo kung gaano kita kamahal. Pero kung hindi naming maisagawa ang sinabi ko sayo
papangarapin ko ang isa pang titig. Mamamatay akong maligaya dahil makikita ko sa kislap ng mga mata mo
ang pagmamalaki mo sa akin sa buong mundo.. .na akong mahal mo nakipaglaban at namatay alang-alang sa
karapatan ng bayan.
(Matatawa ang dalaga.)
Donya Victorina: Umuwi na tayo Paulita! Baka sipunin kapa.
*Close curtain *Lights off*
TAWANAN AT IYAKAN
*Sound Effects: Calm Music Spotlight: Yellow,White*
*Nakaupo ang mga estudyante at nagtatawanan. Dumating si Pelaez*
Tadeo: O, Dumating na pala si Pelaez pwede na nating simulan ang talumpati,
Pelaez: At dahil ikaw ang nag aya, magumpisa ka ng talumpati.
Tadeo: Sige sisimulan ko na. De esta fonda el cabecilla Al public advierte.
Sandoval: Ano ba yan! Kinopya mo lang yan sa isang talumpati sa libro.
Pecson: Tama na yan, ako na lang ang magtatalumpati, Makinig kayo mga kapatid ibaling niyo ang mga
paningin niyo sa magagandang araw ng inyong kabataan, Tignan ninyo ang kasalukuyan, Ano ang nakikita
niyo? Prayle, kundi Prayle at marami pang mga Prayle, Mga Prayle ang una at huli niyong mga guro. Sila ang
kasama ninyo sa paghihingalo at sa huling hininga niyo sa buhay, makakatiyak kayo na hindi kayo iiwan
hangga’t hindi kayo nakikitang patay. Masisiyahan lang sila kapag nasa simbahan na ang bangkay niyo para
mabasbasan. Isa sila sa mga taga sunod sa mga salita ng Diyos pero sila ang nangungunang gumawa ng mali sa
lipunang ito.
Makaraig: (PABULONG NA SABI) Saglit, may nagmamanman sa atin. Nakita ko ang Bise-rector. Magsalita
kayo ng maganda tungkol sa mga prayle.
*Lumangon si Isagani at hinanap kung nasaan*
Isagani: Wala na siguro siya. Umalis na siguro agad pagkakita ni Makaraig.
Makaraig; Mabuti pang itigil na natin to. Baka paghinalaan pa tayong may binabalak na masama laban sa mga
prayle.
Isagani: Tama si Makaraig, baka makita pa tayong ng mga prayle.
Sandoval: (PABIRONG SINABI) Sige halika kana umalis na tayo. Manlilibre daw si Tadeo ngayon.
Tadeo: (PABIRONG SINABI)wala akong sinasabi manahimik ka nga, ako nanaman ang napagtripan mo, wala
akong pera.
Sandoval: (PABIRONG SINABI)Lagi ka namang walang pera.
*CLOSE CURTAIN*
Mga Paskin
*Sound effects: Calm Spotlight: Yellow*
*Nasa opisina si Padre Fernandez at hinihintay si Isagani. Biglang may kumatok.*
Padre Fernandez: Tuloy.
*Pumasok si Isagani*
Isagani: Kamusta Padre? Bat mo ako pinatawag?
Padre Fernandez: Isagani... Maupo ka. Gusto lang sana kita makausap.
Isagani: Tungkol saan Padre?
Padre Fernandez: Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa, alam nating may mga sama ng loob ka at ang mga
kamag-aral sa mga Prayle. Haay, Matanong nga kita ano bang gusto ng mga mag-aaral na Pilipino ang gawin
naming mga prayle?
Isagani: Kung sabihin ko ba sa inyo ang aming hinaing, magagawa niyo ba? May mababago ba? Padre, alam
naman nati na ang mga prayle ang makapangyarihan sa lipunang ito. Ang gusto lang naman naming ay ang
gampanan ninyo ang inyong tungkulin.
Padre Fernandez: Bakit hindi ba naming ito ginagawa?
Isagani: Sasabihin ko ba yan kung nagagawa niyo? Padre alam niyo sa sarili na sa tama at mali. Ang mga
prayle pa rin ang masusunod. Kayong mga prayle ay may tungukulin na turuan ng maayos ang mga mag-aaral
at hubugin ang magagandang asal ng mga Pilipino. Matanong kita Padre nagagawa niyo ba ito?
Padre Fernandez: Oo ginagawa namin.
Isagani: Kung gayon, Bakit hinahadlangan niyo ang pagpapatayo ng akademya? Dahil ba natatakot kayo na
kapag natuto ang mga Indio, kayo naman ang magiging alipin sa lipunan? Natatakot ba kayong mapunta sa
kamay ng isang Indio ang kapangyarihan? Kung talagang alagad kayo ng Diyos, Bakit kayo pa mismo ang
nangungunang lumabag sa kautusan ng Diyos?
*Nabigla ang Padre sa sinabi ni Isagani*
*SPOTLIGHT YELLOW SLOWLY TURNS TO RED* *Sound effect:Intense*
Padre Fernandez: Lumalagpas ka na ata sa hangganan natin Isagani.
Isagani: Hindi Padre. Alam ko pa rin ang ating pinag uusapan.
Padre Fernandez: Ang karunungan at kagandang asal ay ipinagkakaloob lang sa mga karapat-dapat at ang mga
taong walang malinis na kalooban ay walang kwenta lamang.
Isagani: Paano niyo naman nasabi na ang mga taong walang malinis na kalooban ay walang kwenta lamang?
Iyan ay isa sa mga pagkakamali ng mga Prayle, Hinuhusgahan muna ninyo ang mgan Indio imbes na suriin ang
ugali ng bawat isa. Indio lang ba ang nagkakasala sa Diyos? Kaya siguro marami ang nag-aalsa dahil wala
naman kayong pakialam sa mga nararamdaman ng Indio. Para sa inyo, hayop lang kami na sunod-sunuran sa
inyo.
Padre Fernandez: Lumalayo na tayo sa ating pinag-uusapan.
Isagani: Padre Fernandez, sa susunod huwag kayong magtatanong nang mga ganyang klaseng tanungan kung
ayaw niyong masampal sa inyong mukha kung ano ang mga pagkakamali ninyong mga pari.
Padre Fernandez: Hanga ako sa katapangan na iyong taglay. Naiintindihan kita. Huwag kang mag-aalala,
Kakausapin ko ang aking mga kapwa prayle ukol sa ating pinag-usapan.
Isagani: Maraming salamat Padre. Ako’y tutuloy na.
*Tumayo ang dalawa*
Padre Fernandez: Sige. Salamat sa oras na iyong inilaan. Hanggang sa muli nating pagkikita.
Isagani: Maraming Salamat ulit Padre Fernandez.
*Umalis na si Isagani. Napabulong ang Padre sa kanyang sarili*
Padre Fernandez: Hay... Kinaiinggitan ko ang mga Heswitang nagturo sa batang iyon.
*CLOSE CURTAIN*