Filipino Mo To

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Proyekto

sa
Filipino

Ipinasa nina :
Monica Legaspi G10 Topaz
Denise Nemea T. Gumabay G10 Sapphire
Redondo B. Lesmoras G10 Onyx

Ipinasa kay :
G. Socrates Lauron Pimentel
Pamagat : Si Ginoong Pasta
Tauhan : Isagani Siya yung napagkaisahan ng
samahan na kausapin si Ginoong Pasta.
Ginoong Pasta Isang abogado ng mga prayle na
ayaw sumali sa isyu ng pagpapagawa ng Akademya
sa Wikang Kastila.
Buod :
Si Isagani ay ang napagkaisahan ng kilusan na
pumunta kay Ginoong Pasta. Malugod na tinanggap
ng manananggol si Isagani ng makilala siya nito. Ito
ang nagbigay ng lakas ng loob sa binata na
maiparating sa abogado ang kanyang pakay. Umaasa
ang kilusan na ang pagsadya kay Ginoong Pasta ay
isang magandang hakbang sa pagsang-ayon ni Don
Custodio. Hinayaan ng manananggol na maipahayag
ni Isagani ang kanyang pakay bilang kinatawan ng
kilusan. Sa simula pa lamang ay ayaw nang
pakialamanan ang usaping may kaugnayan sa
Akademya ng Wikang Kastila dahil ayaw niyang
mabalewala ang kanyang pinaghirapan dahil lang sa
pagsang-ayon sa usaping ito. Gumamit ang
manananggol ng nakalilitong paliwanag upang
malitis ang usapan ngunit hindi siya nagtagumpay na
mailihis ang usapan kaya nagbigay siya ng babala
kay Isagani. Ayon sa manananggol, ang pamahalaan
ay itinatag para mapagbuti ang bayan, hindi
naipatupad ang kanilang kahilingan dahil ipinakita
nitong may kakulangan. Ayon din sa manananggol ay
hindi na kailangan ni Isagani na sumali sa mga
kilusan dahil may sapat na itong kaalaman,
Kailangang magsunog ng kilay ang mga kabataang
salat sa karunungan tulad ng pagsusumikap na
ginawa ni Isagani. Upang mapapayag si Isagani na
umalis ng kilusan ay pinayuhan siya ni Ginoong Pasta
na magdoktor na lamang dahil maraming
nakapagtapos sa kursong ito, Huwag na raw siyang
tumulad sa mga kapusukan ng mga kabataan sa
Madrid na naparatangang Pilibustero dahil sa
paghahangad ng pagbabago. Nasaktan si Isagani ng
marinig ang tugon ng mananaggol. Kahit na may
idinudulog siya ay nagawa niya paring makipagtalo
upang maipagtanggol ang layunin ng kilusan.
Ipinaglaban ni Isagani ang karapatan nila at ang
layunin ng kilusan na magkaroon ng Akademya ng
Wikang Kastila ay para sa lahat. Nang matapos si
Isagani sa kaniyang pahayag ay nilisan niya na ito
nang hindi kinukuha ang sagot ng manananggol.
Naiwan ang manananggol na bagaman humahanga
sa katapangan ni Isagani ay naawa sa huli. Ang
kapusukan at kawalan ng takot ang maghahatid kay
Isagani sa kapahamakan. Tinigil ng manananggol ang
pagmumuni-muni at tinuloy ang mga naiwan na
Gawain.
Mga Gabay na Tanong :
1. Sino si Ginoong Pasta? Bakit siya tanyag?
2. Anong tulong ang hinihingi ng mga kabataan sa
kanya? Sumang-ayon ba siya?
3. Anu-ano ang palagay ni Ginoong Pasta at Isagani?
Ilahad.
4. Ano ang ipinayo ng abogado kay Isagani? Ano
naman ang kanyang tugon?
5. Bakit pinamukhaan ni Isagani ang manananggol?
Tama ba iyon? Bakit?
Mga Sagot :
1. Si Ginoong Pasta ay isang Pilipino at naging
kamagaral ng amain ni Isagani na si Padre
Florentino. Siya ang pinakatanyag na abogado ng
Maynila
2. Humihingi ng tulong ang mga kabataan sa
kanya na maaprubahan ang ipinoprotesta ng
kanilang paaralan na paunlarin ang kaalaman ng
mga kabataan sa pamamagitan ng pagtuturo ng
espanyol.
3. Iminungkahi ni Ginoong Pasta na ibig niyang
tulungan ang mga kabataan subalit may mga
bagay na dapat na ikonsidera na kinakailangan
na masunod. Pilit na ipinaglalaban ni Isagani na
hindi masama kung susuportahan ng pamahalaan
ang kanilang ipinoprotesta sapagkat ito naman ay
makakatulong sa kanilang pag-aaral sa
pagpapaunlad ng kaalaman.
4. Ayon kay Ginoong Pasta, dapat nalamang
nilang respetuhin ang naging desisyon at
magtiwala sa kakayahan ng gobyerno dahil mas
mapanganib kung ipagpipilitan nila ang kanilang
gusto at magsumikap nalamang na mag-aral at
kapag nakatapos ay mag-asawa ng mayaman. Di
sinang-ayunan ni Isagani ang naging payo ng
ginoo, sinabi nito na may karapatan silang
tanungin kung sila ba'y papabor sa itinakdang
plano ng pamahalaan at sinabi rin nito na kapag
nag-asawa siya ng mayaman ay tiyak na
makokonsensya siya at magdurusa sa karalitaan,
kalupitan at kawalan ng katarungan.
5. Ginawa ni Isagani ito upang mapagtanto ni
Ginoong Pasta ang batid niyang ipahiwatig sa
kaniyang palaisipan.

You might also like