SCRIPT Klase Sa Pisika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SCRIPT – Ang klase sa pisika

Mga tauhan:
1. Placido Penitente
2. Juanito Pelaez
3. Padre Millon
4. Mga lalaking estudyante
Tagpuan: Silid-aralan

Jirah: Natapos na natin ang tunggaliang tao laban sa sarili na


matatagpuan sa kabanata labing-walo: ang mga kadayaan. Ngayon
naman ay tatalakayin natin ang tunggaliang tao laban sa tao na nangyari
sa nobelang El Filibusterismo.
*mag flash ug picture sa classroom, things pang physics, two persons na
nag argue
Jirah: Ano-ano ang mga larawang ipinakita? Ano kaya ang ibig sabihin
ng mga larawang ito? Kung iniisip mo na ito ay silid-aralan, mga bagay
na ginagamit sa pisika, at dalawang taong nag-aaway ay tama ka. Ngunit
ano ang koneksyon nito sa tatalakayin nating kabanata ngayong araw?
Halina’t ating tunghayan ang tunggaliang tao laban sa tao na
matatagpuan sa kabanata labing tatlo: Ang Klase sa Pisika.
*Flash text na nakasasulat – Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika
Narrator Jana (Voice over): Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba
ang sukat. Malalaki rin ang mga bintana na mayroong rehas na bakal. Sa
magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na aabot sa
tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang mga mag-aaral na nakaayos
batay sa titik ng kanilang apelyido.
*while nag istorya ang narrator ipakita ang details sa classroom
Narrator (voice over): Kahit malaki ang silid, makikita namang wala
itong anumang palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa
pag-aaral sa pisika ngunit nakasalansan naman sa isang aparador na
nakakandado.
(ipakita ang mga students na nag istoryahay pa, dayun musulod dayun si
padre millon)
(pagawas ug notebook ug libro ang uban)
Narrator: Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng
San Juan de Letran. Ito ang unang pagkakataon niyang makapagturo ng
Pisika.
(ipakita na ga klase si padre millon)
(musulod si Placido while ga klase si padre millon – confident tas
nilingkod tapad ni juanito)
Padre Millon: Kung ang kapirasong kahoy gaya halimbawa ng
kamagong na pinakinis at nilagyan ng bantis at ito ay magkakaroon ng
repleksiyon sa anumang bagay na ihaharap dito, anong uri ng salamin
ito?
(mutindog si Juanito)
Juanito: Ito’y nauuri sa salaming kahoy!
Padre Millon: (Mukatawa) Nagdudunung-dunungan!
Narrator (voice over): Nagpatuloy si Padre Millon sa kaniyang
diskusyon habang si Juanito Pelaez ay sinisenyasan ang kaniyang mga
kaklase na sumang-ayon sa lahat ng mga sinasabi ng guro.
Padre Millon: Tingnan nga natin kung kaya mo itong ipaliwanag,
Juanito. Ang salamin na nasa ibabaw na ang ibabaw habang pang-
ibabaw o ang pinagkakapitan nito’y isang substansiya na walang
pinagbago at di esensiyal na ibabaw, dahil ang ibabaw ay isang insidente
lamang ng substansiyang katawan nito. Ano ang masasabi mo tungkol
dito?
Juanito: Hindi ako sumasang-ayon.
Padre Millon: kung ganoon ay sinasabi mong anumang bagay na nasa
ilalim ng salamin ay makakaapekto sa ibabaw?
(mulantaw si Juanito ni Placido)
Juanito: Huy, Penitente ano ang sagot?
(dili siya ambaton ni placido)
(tumban dayun ni Juanito ang pa ani penitente)
Placido: Array! Walang hiya ka! (singgit ni kanang nasakitan jud)
(lantawon ni padre millon si penitente)
Padre millon: Ikaw na labis ang pagpapahalaga sa sarili at animo’y
tagapagligtas. Tingnan ko nga kung maililigtas mo ang sarili? Sagutin
mo ang tanong ko.
Narrator: Nagdiwang ang kalooban ni Pelaez at umupo na sapagkat
ligtas na siya.
Padre Millon: Ang sabi sa aklat, ang salamin ay gawa sa tanso o iba
pang metal. Tama ba ito o mali?
Placido: Ganyan nga po ang sinasabi sa aklat, Padre.
Padre Millon: Huwag kang magmarunong.
Narrator: Nalito na rin si Placido sa mga sinasabi ng guro at mga
sumunod pang katanungan tungkol sa salamin, metal, merkuryo at iba
pang kemikal.
Padre Millon: Hindi mo alam ang leksiyon, ano bang pangalan mo?
Placido: Placido po.
Padre Millon: aha! Ikaw ang placido penitente na mahilig bumulong!
May labing limang ulit ka nang hindi pumasok ng klase.
Placido: labing limang ulit, Padre?
Padre millon: oo, hindi mo ba narinig?
Placido: apat na beses lang po akong lumiban sa inyong klase. Kung
isasama ang araw na ito na ako ay nahuli sa pagpasok sa loob ng silid,
bale limang ulit lamang po.
Padre millon: minsan lamang ako magtawag ng pangalan sa talaan kaya
ang sinumang matiyempuhan kong wala ay minamarkahan ko ng
pagliban ng limang ulit. Tatlong beses pa lamang kitang nahuhuli kaya’t
labing lima lamang kaya’t magpasalamat ka. Sige nga, bilangin mo kung
marunong kang magbilang.
Placido: kung limang beses Ninyo akong nahuli, bale dalawampu’t lima
po, padre.
Padre millon: at ngayon ay may isa ka pang marka sapagkat hindi moa
lam ang leksiyon.
Placido: kung lalagyan Ninyo ako ng marka ngayon ay dapat namang
bawasan Ninyo ang aking naging pagliban sa klase, sapagkat ako
nama’y wala sa inyong talaan ngayong araw na ito at imposible
makapag-ulat ang isang taong wala sa klase.
Padre millon: Pilisopo! Hindi mo ba naiintindihan na ang isang mag-
aaral ay maaaring wala sa klase at hindi niya rin alam ang leksiyon?
(nasuko na si placido dayun padabog na gi drop ang libro na gihawidtan)
Placido: tama na padre. Maaari Ninyo akong markahan ng anumang ibig
ninyong marka ngunit wala kayong karapatang alipustain ako! Inyo na
ang klaseng ito sapagkat wala na akong balak mag aral pa.
(mugawas na si placido – padabog kanang nasuko)
Narrator: nabigla ang lahat sa inasal ni placido sapagkat noon lamang
may mag-aaral na lumaban sa guro. Sinundan ng tingin ni padre millon
ang papalabas na si placido penitente at tsaka sinermunan ang mga mag-
aaral tungkol sa kawalan ng paggalang sa mga guro.
(mu ring na bell, hudyat na manguli na)
Narrator: Hindi agad natapos ang pagsesermon ng pari. Naglabasan na
ang mga estudyante na nang pumasok ay walang nalamang leksiyon at
lumabas ng silid ng nasa ganoon pa ring kalagayan.
Jirah: Talaga namang napakatindi ng harapang pag-aaway nina padre
millon at placido penitente. Malinaw na ang tunggalian sa kabanatang
ito ay tao laban sa tao. Ikaw naranasan mo na rin ba ang naranasan ni
placido?
-------------------------------------------end---------------------------------------

You might also like