Posisyong Papel
Posisyong Papel
Posisyong Papel
Department of Education
REGION VIII
SCHOOLS DIVISION OF LEYTE
PAWING NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. PAWING, PALO, LEYTE
POSISYONG PAPEL
BUKLOD NA BANYO PARA SA MGA BABAE, LALAKE
AT PARTE NG LGBTQIA+, ISAKATUPARAN
I. PANIMULA
Tayo ay tao, may kapasidad ngunit hindi pare-pareho. May samahan
na tinatawag na LGBTQIA+. Ang mundo ay hindi pa rin tuluyang
tumatanggap ng pagkakaiba-iba. Napapanahon ang isyu tungkol sa
diskriminasyon sa mga LGBTQIA+, particular sa mga transgender. Sila
ay binansagan na salot sa lipunan sa katunayan na wala raw sila sa
bibliya at kasalanan ito sa Diyos.
Sa ating pampublikong banyo ay dalawa lamang ang naroon, para sa
babae at lalake. Ngunit kung ating iisipin, saan lulugar ang mga nasa
LGBTQIA+ kung sila ay pinagbabawalan sa dalawa? Nararapat ba na
ibalewala ang kanilang karapatang indibidwal?
IV. KONGKLUSYON
Dito na papasok ang ideya na magkaroon ng isa pang banyo na
para sa kanila lamang upang maiwasan ang anumang anumalya ng iba
tungkol dito. Sa pagpapatupad ng polisiya na magkaroon ng buklod na
banyo ang mga LGBTQIA+ ay maraming benepisyo para sa lahat.
Maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan, mga pisikal at sekswal na
pananakit at iba pang uri ng diskriminasyon.
Ang paglalagay ng hiwalay na banyo para sa kanila ang
nakikita ring solusyon ng iba para mawala ang takot ng mga nabibilang
sa third sex sa paggamit ng palikuran. Maaaring maliit ang sakop ng
LGBTQIA+ community subalit Pilipino pa rin ang mga ito na may
karapatang dapat protektahan.
REFERENCE
www.dwiz882am.com
https://news.abs-cbn.com/amp/news/08/05/19/angkop-na-
banyo-para-sa-lgbt-tinalakay-sa-senado