Ap 6 To Print
Ap 6 To Print
Ap 6 To Print
ARALING PANLIPUNAN 6
(Ikatlong Markahan, Unang Linggo)
Mga Pangunahing Suliranin at Hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972 (Unang Bahagi)
PANIMULA/BATAYANG IMPORMASYON:
Aralin 1: Mga Pangunahing Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972 (Unang Bahagi)
• Pangulong Roxas (Mayo 1946 – Abril 1948)
• Pangulong Quirino (Abril 1948 – Disyembre 1953)
Pangunahing Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1953
Sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Manuel Roxas, ang unang pangulo ng Ikatlong Republika noon (Mayo 1946 –
Abril 1948) ay dinanas ng Pilipinas ang matinding hagupit ng digmaan. Walang pondo o salapi ang gobyerno kaya’t unti –
unting isinulong ang mga programang makapagpapalago sa ekonomiya. Kulang din ang supply ng pagkain at iba pang
pangangailangan ng mamamayan. Naparalisa ang transportasyon. Halos 80% ng mga paaralan at iba pang imprastraktura
ay nawasak at napilitang isarado.
Naging isyu pa ang kolaborasyon o pagtataksil sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kaaway o kalaban ng bansa.
Lugmok ang moral ng mamamayan dahil sa mga namatay na mahal sa buhay o nawalang kabuhayan dahil sa digmaan.
Buong pagsisikap na hinarap ni Pangulong Roxas ang pagbangon upang magkaroon ng bagong buhay ang Pilipinas.
Inuna niya ang rekonstruksiyon upang muling maisaayos ang mga pasilidad at imprastraktura ng bansa at rehabilitasiyon
naman upang mapanumbalik sa normal ang pamumuhay ng mamamayan na nasira ng digmaan. Nagsumikap siyang lutasin
ang mga suliranin, tulad ng pagsasaayos ng kabuhayan, katiwasayan, kaayusan at mababang moralidad ng lipunan. Ang
Pilipinas ay isa sa mga unang bansa na sumali sa Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations) bunsod ng pakikipag – ugnayang
diplomatiko.
Naging hamon naman sa atin, isang bansang nagsisimulang magsarili, ang mga di – pantay na kasunduan at naging
pagsandal sa Amerika. Lumala rin ang kalagayang panseguridad dahil sa paglakas ng puwersa ng Huk o Hukbong
Mapagpalaya ng Bayan (HMB) at ng Partido Komunista ng Pilipnas (PKP).
Umunlad ng bahagya ang pagsasaka sa paggamit ng mga makinarya at mga siyentipikong paraan ng pagsasaka.
Tinulungan din ang mga tao at pribadong korporasyon ng pagpapautang mula sa Rehabilitation Finance Corporation (RFC)
na ngayon ay Development Bank of the Philippines.
Hindi naging makatarungan ang kasunduang pangkalakalan natin sa Bell Trade Act o Philippine Trade Act dahil hindi
naging pantay ang parity rights o ang Karapatan ng mga Pilipino at Amerikano na linangin ang mga likas na yaman ng bansa
at ang pamamalakad ng mga pambayang paglilingkod.
Ngunit napilitan tayong tanggapin ang kasunduang ito bilang kapalit sa tulong pinansiyal ng Amerika sa bansa. Hindi rin
naging pantay ang Estados Unidos at Pilipinas sa usaping panseguridad. Sa nilagdaang Military Bases Agreement noong
Marso 14, 1947 ay 99 na taon ang karapatan ng Amerika na manatili sa bansa ng libre at aking teritoryo at pag-aari ang mga
base militar.
Nakasaad din sa Military Assistance Agreement noong Marso 21, 1947 ang pahintulot ng Pilipinas na magtustos sa
atin ang Estados Unidos ng armas at kagamitang militar kasabay sa pagbabahagi ng kaalaman sa pamamalakad at
estratehiyang – militar sa Pilipinas. Lalo pang pinaigting ng mga kasunduang ito ang impluwensiya at kontrol ng mga
Amerikano sa ating bansa.
Malaking impluwensiya rin ang Kaisipang Kolonyal sa mga panahong iyon. Ibinunsod nito ang higit na pagtangkilik
natin sa kanilang mga produkto at kaisipang dayuhan. Ang neokolonyalismo ay nakaaapektong lubos sa kahinaan ng
Pilipinas. Naidikta ng Amerika ang mga patakarang pang – ekonomiya at pulitikal sa bansa at nanatiling malakas ang kanilang
impluwensiya kahit tayo ay naturingang malaya. Ang pagkiling na ito sa Amerika ay nagpapatunay na hindi pa rin tayo ganap
na malaya at matindi pa rin ang suliranin ng bansa ukol sa kasarinlan.
Biglaang binawian ng buhay dahil sa atake sa puso si Pangulong Roxas at humalili bilang pangulo si Elpidio Quirino mula Abril
1948 – Disyembre 1953. Sinikap ni Pangulong Quirino na patuloy na maibangon ang bansa at mapagtibay ang kalagayan
natin bilang isang nagsasariling bansa.
Muling hinarap ni Pangulong Quirino ang lumalalang suliranin sa ekonomiya at seguridad. Pinagtibay ang pagtatakda
ng pinakamababang sahod (minimum wage), iniutos ang pagtaas ng sahod ng mga guro at kawani ng pamahalaan, itinatag
ang Agricultural Credit Cooperative Financing Administration (ACCFA) upang matulungan ang mga magsasaka, at bagamat
nakapagsimula ng ilang bagong industriya laganap pa rin ang kahirapan at katiwalian sa pamahalaan. Sinubukan namang
lutasin ang lumalalang ligalig ng Huk at ng pamahalaan sa pagtatatag ni Pangulong Quirino ng President’s Action Committee
on Social Amelioration (PACSA) at pagkakaloob ng amnestiya, hindi siya lubos na nagtagumpay bagkus ay bahagyang
napahina lamang ang puwersa ng Huk (HMB).
LEARNING COMPETENCY: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino
mula 1946 hanggang 1972.
GAWAIN 1
GAWAIN 2
A. Panuto: Isulat sa sagutang papel kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap.
__________ 1. Ang magandang kalagayan ng agrikultura at industriya ng Pilipinas ay napanatili matapos ang digmaan.
__________ 2. Ang Pilipinas ay pumasok sa mga kasunduan kasama ang Estados Unidos bilang paraan ng paglutas sa mga
suliraning dulot ng digmaan.
__________ 3. Matindi ang pinsalang tinamo ng Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
__________ 4. Ang mga di – pantay na kasunduang nilagdaan ng bansa ay nagdulot ng suliranin.
__________ 5. Mas nakinabang ang bansa sa mga kasunduang kasama ang Estados Unidos.
__________ 6. Ang kahirapan ay lumaganap pagkatapos ng digmaan.
__________ 7. Lakas at impluwensiya ang ginamit ng Amerika upang maisulong ang sariling interes sa pakikipag –
ugnayan sa bansa.
__________ 8. Ang renta mula sa base militar ay nakatulong sa Pilipinas.
__________ 9. Ipinagbawal ng Bell Trade Act ang panghihimasok ng mga dayuhan sa ekonomiya ng bansa.
__________ 10. Ang pagpapaunlad ng turismo ay pinagtuunang pansin para mapabilis ang pagbangon ng pambansang
ekonomiya
GAWAIN 3
Panuto: Gamit ang 1-6 pagsunud – sunurin ang mga suliraning sinikap lutasin ng mga naging pangulo ng bansa mula 1946
hanggang 1972 (Panahon ni Pangulong Roxas) at 7-10 (Panahon ni Pangulong Quirino)
Prepared by:
ANALIZA J. ISON
AP TEACHER