Cot Filipino 2
Cot Filipino 2
Cot Filipino 2
B. Pamantayan sa Pagganap
F2TA-0a-j-1 Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto
II. Nilalaman
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento
Kagamitang Panturo :
A. Sanggunian:
Mga pahina sa Gabay ng Guro Pahina 223 at MTB-MLE pahina 234-235
Gabay ng kurikulum ng K-12 pahina
Kagamitang Pang Mag-aaaral sa Filipino pahina 223-225,454-455 at MTB-MLE panina 50-
52, 220-221
B. Kagamitang Panturo:
Kuwento “ Dyaryo, Dyaryo!”, Word Map,Prediction Chart, Realia (dyaryo), powerpoint
presentation Drill Board at task Card
Pagpapahalaga: Pagiging laging handa at kasipagan.
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Itanong sa mga bata ang kanilang mga ginagawa bago matulog at bago pumasok sa
paaralan.
B. Paghahabi ng layunin ng aralin.
Paghahawan ng balakid
anunsiyo- sa pamamagitan ng pangungusap
Ang anunsiyo ay balita na nais ipabatid sa lahat ng mambabasa ng dyaryo
at nakikinig sa radyo.
Dyaryo
Isang umaga, maagang nagtinda ng dyaryo si Primo. Marami ang bumili sa kanya ng
dyaryo.Nagtataka si Primo kung bakit lahat ng taong makita niya ay nais bumili ng
dyaryo. Pati ang mga kapitbahay nila na sina Aling Gloria, Mang Placido, at Aling
Trinidad ay bumili rin ng dyaryo. Dumaan si Primo sa bahay ng kanyang mga kaibigan
na sina Brix, Tricia, Troy, at Brando. Nakita niya na ang tatlo ay nagbabasa na rin ng
dyaryo. Pati ang dyanitor nila sa paaralan na si Mang Bruno ay nagbabasa na rin ng
dyaryo. Nagtataka si Primo kung bakit ang lahat ng tao ay abala sa pagbabasa ng dyaryo.
Bahagyang huminto si Primo sa paglalakad at binasa niya ang nilalaman nito.
May anunsiyo sa dyaryo na masama ang klimang mararanasan, may mga paalala na
maghanda lalo na sa malaking pagbaha na may kasamang mga troso mula sa
bulubundukin. Namangha si Primo sa balita. Kaagad siyang umuwi ng bahay at ibinalita
sa magulang ang maaaring mangyari sa maghapon at magdamag. “Mabuti na lamang at
naubos na ang tinda kong dyaryo,” ang sambit ni Primo.
Pangkat STARSTRUCK
Panuto: Basahin ang kwentong “Puno ng Buhay” at isadula ang pagkakasunod-sunod
ng pangyayari nito.
Panuto: Ayusin ang larawan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Isulat sa drill
board ang bilang 1-3
H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang dapat isaalang-alang sa muling pagsasalaysay ng kuwento?
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahin ang kuwento. Ayusin ang larawan batay sa tamang pagkasunod sunod ng
pangyayari sa kuwento. Isulat sa patlang ang numero 1-5.
_______
_______
_______
Mexico West District
ANAO ELEMENTARY SCHOOL
_______ _______
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Inihanda ni:
GISELLE V. DIMAUN
Mexico West District
ANAO ELEMENTARY SCHOOL