Filipino Lesson Plan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ESP V

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kAsanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng
iba’t ibang uri ng panitikan
B. Pamantayan sa Pagaganap

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)


a. Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga katanungan.
b. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay tungkol sa mahahalagang
pangyayari. (F5WG-II-5.3)
c. Naibabahagi ang isang pagyayaring nagpapakita ng paghingi ng paumanhin dahil sa hindi
sinasadyang nagawa o nasabi.

II. NILALAMAN
Pagpapaumanhin, Pagpapahalaga sa Damdamin

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro:

2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

B. Iba pang Kagamitang Panturo

C. Istratihiya:

D. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Ano ang tatlong panuman ng pandiwa?
Ang tatlong panahunan ng pandiwa ay:
Naganap o perpektibo (pandiwa) - ay mga bagay o salitang kilos na naganap o nangyari na.
Nagaganap o imperpektibo (pandiwa) - ay ang mga bagay o salitang kilos na ginaganap o nangyayari
palang.
Magaganap o kontemplatibo (pandiwa) - mga bagay o salitang kilos na mangyayari o gaganapin
palang.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Bawat pangungusap ay may isang salita na nagpapakita ng kilos o galaw o pandiwa. Bilugan ang
pandiwa sa bawat pangungusap at suriin ang mga pandiwa ayon sa panahunan o aspekto ng mga
ito.
1. Si Nanay ay nagluluto ng hapunan.
2. Tapos na ako maghugas ng mga pinggan.
3. Binabasa ni Tatay ang bagong diyaryo.
4. Si Amelia ay nag-aaral sa kanyang silid.
5. Naglalaro ang mga bata sa bakuran.
6. Ang pusa ay humiga sa ilalim ng mesa.
7. Bumuhos ang malakas na ulan.
8. Agad na pumasok ng bahay ang mga bata.
9. Kinuha ni Kuya Bert ang payong sa sala.
10. Si Mateo ay bibili ng meryenda sa tindahan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


"PAUMANHIN" isang salitang tagalog na nagpapahayag ng pabatid na may panggalang dahil sa hindi
sinasadyang nagawa o nasabi.
“ANG paghingi ng paumanhin ay makapangyarihan. Nilulutas nito ang mga alitan nang walang
karahasan, inaayos ang mga di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa, pinahihintulutan ang mga
pamahalaan na kilalanin ang pagdurusa ng kanilang mga mamamayan, at isinasauli ang pagkakatimbang
ng personal na mga kaugnayan.” Iyan ang isinulat ni Deborah Tannen, isang tanyag na awtor at
sociolinguist sa Georgetown University sa Washington, D.C.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Magbigay ng sitwasyon kung saan ikaw ay madaling magalit o mawalan ng pasensya. Ano ang maaari
mong gawin upang maging mas mapagpaumanhin sa sitwasyong ito? Isulat ang iyong sagot sa isang
talata na binubuo ng limang pangungusap. Gumamit ng mga pandiwang nasa panahunang kagaganap pa
lang. Salungguhitan ang mga ito.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

F. Paglinang sa Kabihasan
Pagkatin sa apat ang klase.
Pagtanghalin ang bawat pangkat na nagpapakita ng pahingi ng paumanhin sa pamamagitan ng iba’t
ibang sitwasyon.
Pangkat 1 – Sa pagitan ng magulang at anak
Pangkat 2 – Sa pagitan ng dalawang magkapatid
Pangkat 3 – Sa pagitan ng mag-asawa
Pangkat 4 – Sa pagitan ng magkaibigan

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ilagay ang titik ng iyong pinaniniwalaan na sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel:
A. Palagi B. Paminsan- minsan C. Hindi ko Ginagawa
1. Humihingi ako ng tawad kapag nagkakamali ako
2. Nakagagawa ako ng pagkakamali sa aking kapuwa kahit hindi ko sinasadya.
3. Nagpapatawad ako sa taong nagkasala sa akin.
4. Ginagamit ko ang salitang sorry nang bukal sa aking kalooban.
5. Inaayos ko agad ang tampuhan naming magkaibigan.
6. Tinatanggap ko ang aking pagkakamali at hinaharap ang bunga ng aking ginawa.
7. Itinutuwid ko ang aking pagkakamali sa pamamagitan ng pag- amin sa aking nagawang kasalanan.
8. Iniiwasan kong makasakit ng aking kapuwa.
9. Kinakausap ko ang isang tao kahit may nagawa siyang kamalian sa akain.
10. Humihingi ako ng paumanhin sa aking kaklase kahit hindi ko sinasadya ang aking pagkakamali.

H. Paglalahat ng Arallin
Ano ang ibig sabihin ng Paumanhin?
 Isang salitang tagalog na nagpapahayag ng pabatid na may panggalang dahil sa hindi
sinasadyang nagawa o nasabi.

I. Pagtataya ng Aralin
Bakit kailangang humingi ng paumanhin sa tuwing makakagawa tayo ng kamalian?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Inihanda ni:

RICA MAE TAPIA


GURO I

You might also like