Filipino Lesson Plan Cot

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
STA. ROSA I ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino 1


Pangalan ng Guro Angelie R. Enriquez Seksyon Magiliw

Learning Area Filipino with integration Oras 4:00 – 4:45


in MTB, MAPEH, ESP
Baitang 1 Petsa April 11, 2023

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pang nilalaman Natutukoy ang mga salitang kilos.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakakapagbigay ng halimbawa ng


pandiwa

C. Mga kasanayan sa pagkatuto Nakikilala ang mga salitang kilos.


Naipapahayag ang kahulugan ng pandiwa
Naisasagawa ang mga kilos ng tama at may
pag-iingat
D. Integrasyon MTB
ESP
MAPEH
II. NILALAMAN Salitang Kilos (Pandiwa)

A. Kagamitang panturo

a. Mga pahina sa gabay ng guro Most Essential Learning Competencies

b. Mga pahina sa kagamitang pang- Filipino 1 (Quarter 3)


mag-aaral
c. Iba pang kagamitang pangturo video, powerpoint, visual aids, larawan

III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Magandang hapon mga bata.
pagsisimula ng bagong aralin Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtatala ng pagdalo

Balik-Aral
Natatandan niyo ba ang ating aralin
kahapon? (powerpoint presentation)
Magaling! Ito ay ang awit na Mamang
sorbetero. Awitin niyo nga ang una at
pangalawang bahagi.

Mamang sorbetero, ano'ng ngalan mo?


Tinda mong ice cream, gustong-gusto ko
Init ng buhay, pinapawi mo
Sama ng loob, nalilimutan ko

Mamang sorbetero, tayo'y sumayaw


Kalembang mong hawak, muling ikaway
Batang munti, sa 'yo'y naghihintay
Bigyang ligaya ngayong tag-araw

Mayroon bang nabanggit na salitang kilos sa


awitin na Mamang Sorbetero?

Ano-ano ang mga ito?


Sumayaw at ikaway
INDICATOR 8.
- Selected, developed, organized, and used
appropriate teaching and learning
resources, including ICT, to address learning
goals.
B. Paghahabi ng Layunin ng Aralin Magpapanood ang guro ng video.
(Gagayahin ng mga bata.)
“Ang mga ibon na lumilipad”
1. Ano-ano ang mga salitang kilos na
nabanggit?
2. Paano lumipad ang isang ibon at
lumangoy ang isda?
3. Ano pang hayop ang lumilipad? Ang
lumalangoy?
4. Ano ang mangyayari kung walang
hayop sa kapaligiran?

INDICATOR 3
- Applied a range of teaching strategies to
develop critical and creative thinking, as
well as other higher order thinking skills.

Magaling, ang mga ibon at isda ba ay


nagbabanggaan kapag lumilipad at
lumalangoy?
Sila ay maayos na lumilipad at lumilipad.
Tulad natin ay dapat na maging maingat sa
ating mga galaw.

INDICATOR 5
- Managed learner behavior constructively
by applying positive and non-violent
discipline to ensure learning-focused
environments

Mayroon akong kwento. Ang pamagat ay


“Ang pamilyang nagtutulungan”.
Handa na ba kayong makinig?
Araw ng Sabado, maagang nagising ang
pamilya Perez. Abala ang buong mag-anak
upang ipaghanda ang kaarawan ng
kanilang bunso. Si tatay ang nagkatay ng
manok. Si nanay ang nagluluto ng pagkain
para sa handaan. Si ate ang katulong ni
nanay sa kusina. Siya ang tagahugas ng
mga kagamitan sa pagluluto. Si kuya naman
ang taga-igib ng tubig na gagamitin sa
paghuhugas. Habang si bunso ay masaya
lang na naglalaro sa sala. Dahil sa kanilang
pagtutulungan, masayang pinagsaluhan ng
mag-anak ang handaan sa karaawan ni
bunso.

C. Bagong kasanayan Sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang mag-anak na gumising ng
maaga sa araw ng Sabado?
2. Ano ang ginawa ni tatay? Ni Nanay?
Ni ate? Ni kuya? Ni bunso?
3. Sino pa ang maaaring magluto?
Maghugas? Mag-igib?

Mahusay!
Ulitin natin ang mga salitang kilos.
• Nagkakatay
• Nagluluto
• Naghuhugas
• Nag-iigib
• Naglalaro
Sa inyong bahay tumutulong din ba kayo sa
gawaing-bahay?

INDICATOR 7
- Planned, managed and implemented
developmentally sequenced teaching and
learning processes to meet curriculum
requirements and varied teaching contexts

INDICATOR 6
- Used differentiated, developmentally
appropriate learning experiences to address
learners’ gender, needs, strengths, interests
and experiences.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Talakayin ang aralin sa pamamagitan ng
paglalahad ng bagong kasanayan powerpoint presentation at larawan.

Ang salitang kilos ay tinatawag na pandiwa.

Pag-aralan ang mga larawan. Ano ang


ginagawa ng unang bata? Ikalawang bata?
Ikatlong bata?
INDICATOR 8
- Selected, developed, organized, and used
appropriate teaching and learning
resources, including ICT, to address learning
goals.
E. Developing mastery (leads to formative Maglaro tayo ng “Pinoy Henyo” with a twist.
assessment) Magtatawag ako ng dalawang bata.
Huhulaan sa pamamagitan ng paggalaw o
kilos sa loob ng isang minuto.
1. Nagwawalis
2. Lumalangoy
3. Naghihilamos

Magaling mga bata. Ang mga ginawa ng


inyong kaklase ay kilos at ito ay tinatawag
na pandiwa.

Itambal ang salitang kilos sa larawang


nagsasaad.

INDICATOR 1
- Applied knowledge of content within and
across curriculum teaching areas (MAPEH)
F. Finding practical application of concepts Pangkatang-gawain
and skills in daily living Ipangkat ang mga bata sa dalawang
grupo.

Unang grupo – buuin ang puzzle at


sabihin ang ginagawa sa larawan
Ikalawang grupo – bilugan ang mga
salitang kilos

umiinom
ulaklak

araw nagsusulat

nagsusulat
tumatalon

mesa
naglalakad

INDICATOR 4
- Managed classroom structure to engage
learners, individually or in groups, in
meaningful exploration, discovery, and
hands-on activities within a range of physical
learning environments.

G. Making generalizations and abstractions Awitin ang kantang “Ang pandiwa” sa tono
about the lesson ng fruit salad.

Ano ang pandiwa?

Tandaan:
Ang salitang kilos ay tinatawag na pandiwa.

INDICATOR 1
- Applied knowledge of content within and
across curriculum teaching areas. (MAPEH)
IV. PAGTATAYA
Tukuyin ang salitang kilos sa mga
pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Naglalaba ang nanay.
a. Naglalaba b. nanay
2. Si Lina ay nagbabasa.
a. Lina b. nagbabasa
3. Kumakanta ang mga bata.
a. kumakanta b. bata
4. Si ate ay naghuhugas.
a. ate b. naghuhugas
5. Sumasayaw ang bata.
a. sumasayaw b. bata
INDICATOR 9
- Designed, selected, organized and used
diagnostic, formative and summative
assessment strategies consistent with
curriculum requirements

V. KARAGDAGANG GAWAIN Gumupit ng limang larawan na nagpapakita


ng kilos at sumulat ng pangungusap tungkol
dito.
Inihanda ni: Iwinasto ni: Binigayan-pansin ni:

ANGELIE R. ENRIQUEZ PERFIDIA I. VILLAMAR RHEA D. MALABANAN

Teacher I Master Teacher II Principal III

You might also like