EsP6 Q3 Week-4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ESP Q3-WEEK 3

Pangalan_________________________ Grado/Seksyon ____________ Petsa________

Paksa: Ipagmamalaki ang anumang natapos na gawain

Kasanayang Pagpakatuto/Code:

Naipagmamalaki ang anumang natapos na gawain na nakasusunod sa


pamantayan at kalidad. ESP6PPP-IIIg-38

Konsepto/Maikling Input: Likas sa ating mga Pilipino ang sipag at tiyaga at ang pagka
malikhain anumang gawain na naiatas sa atin at dahil sa angking mga katangian kaya
nating lumaban sa pandaigdigan na pamatanyan at kalidad.

Gawain I

Basahin at sagutin ng tamang sagot ang mga katanungan.

Pinoy ako Pinoy tayo, Ipakita sa mundo!! Naaliw si Mang Rene sa musikang
bumungad sa kanya. Tandang-tanda pa niya ang mga tropeo na natangggap sa
paggawa ng mga parol. Si Mang Rene ay isang alagad ng sining. Siya ay minsan na
nahirang na number one at pinakabatang gumawa ng parol sa Paniki Tarlac City. Dahil
sa angking pagka malikhain tinanggap at tinangkilik ng iba’t ibang probinsiya ang
kanyang kakaibang paglikha ng parol. Napakahusay ng kanyang kamay na kahit na ang
mga dayuhan ay tumangkilik sa kanyang obra. Tinaguriang siya hari ng parol at
ipinagmalaki ng kanilang bayan. Tunay ka na maipagmalaki ng boung Pilipinas sa
husay at galing.

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alam mo na may angking galing sa paglikha ang iyong kapatid.


a. Pabayaan siya
b. Kausapin sa mga bagay na gusto niyang gawin at gabayan.
c. Nakakapagod tumulong.

2. May takdang-aralin kayo sa TLE na nangangailangan ng mabusising


presentasyon.
a. Pag-aralan para maayos at kakaiba ang presentasyon
b. Ipakita ang presentasyon kahit na hindi napag-aralan
c. Basta may maipakita sapat na
3. Nalaman mo na may paligsahan sa pag-awit alam mo na kaya mong lumahok
at magpakita ng galing.

a. Makisali sa paligsahan.
b. Pabayaan at ipawalang bahala kasi nakakahiya umawit.
c. Mag ensayo at lumahok dahil alam mo may angkin kang galing sa pag-awit.

4. May aralin kayo at ang paksa ay paano ang tamang pag pinta ng larawan gamit
ang oil at charcoal paint. Ano ang gagawin ninyo?

a. Magsaliksik sa mga tamang paraan at sumali


b. Pabayaan kung ano ang makayanan
c. Huwag sumali sa gawain

5. Nais ng iyong guro na tuklasin ninyo ang nakatagong talento sa pagguhit.


a. Walang gagawin
b. Ipagwalang bahala ang natapos na iginuhit.
c. Ipakita ang pinaka magandang nagawa at pagbutihin pa ang pagguhit.

Gawain II

Pagsagot sa mga tanong na Bakit at Paano?

1. Bakit tinaguriang hari ng parol si Mang Rene? 5pts bawat bilang

2. Paano natin mapanatili ang ating mga gawain na nakasususnod sa


pamantayan at kalidad?

Inihanda ni:
NELIA V. BINOYA
DCCES

You might also like