Aho Q3W1 Ap5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ACADEMIC HANDOUTS

ARALING PANLIPUNAN 5
Quarter 3, Week 2

Most Essential Learning Competencies


1. 1.Naipapaliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol(Hal.Pag aalsa,pagtanngap sa kapangyarihang kolonyal/kooperasyon)
Topic/Lesson: Paraan ng pagtugon ng mga Pilipino
Reaksyon ng mga Pilipino sa Pananakop
 Hindi lahat ng Pilipino ay sumangayon sa pananakop. Maarami sa kanila ang tumutol at
nag-alsa sa laban sa mga Kastila.
 Nagkaroon ng mahigit 100 pag-aalsa laban sa mga Kastila, karamihan ay naganap sa
pagitan ng 1565 – 1600.
Kahulugan ng Salitang Pag-aalsa

 Pagtutol sa mga patakarang ipinatutupad


 Paghingi ng mga pagbabago
 Rebelyon
Mga Dahilan ng Pag-aalsa

 Pagbawi sa nawalang kalayaan


 Pang-aabuso at masamang gawain ng mga pinunong Espanyol
 Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol
 Sapilitang paggawa
 Kahigpitan sa relihiyon
 Paniningil ng labis na buwis
Dahilan ng Pagkabigo ng mga Pag-aalsa

 Kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.


 Makabagong armas ng mga Kastila.
 Kawalan ng mga pinunong may sapat na istratehiya at karanasan sa pakikidigma.
Bunga ng Pag-aalsa
 Maraming mga Pilipino ang nasawi sa pakikipaglaban.
 Namulat ang maraming Pilipino sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Kastila.
 Naging dahilan ang mga pag-aalsa upang umusbong ang diwang Nasyonalismo sa mga Pilipino.
Pagtakas o Escape
 Dahil sa sobrang pangungulekta ng buwis at paggamit ng mga Espanyol sa katutubong Pilipino,
napilitan ang iba sa kanila na iwan ang kanilang nakalakhang tahanan at magpakalayo tungo sa
lugar na hindi abot ng kapangyarihan ng mga Espanyol. Sila ang iilan na nagawang maipanatili
ang tunay na kultura ng mga Pilipino na naging dahilan upang sila'y maging kakaiba sa paningin
ng iba.
Pagtanggap o Acceptance
● Dahil sa takot sa maaring gawin sa kanila ng mga Espanyol, napilitang tanggapin ng mga
katutubong Pilipino ang lahat ng mga batas at alituntunin na ipinatutupad ng mga ito. Tinanggap
rin nila ang pwersahang pagseserbisyo, na kilala sa tawag na polo y servicious, kahit
nangangahulugan iyong mawawalay sila sa kanilang pamilya. Tinanggap rin nila ang kulturang
dala ng mga Espanyol: ang pagkakaroon ng mga piyesta at iba pang magastos na selebrasyon,
ang pagbabago ng klase ng kanilang pananamit, at pagpapalit ng kanilang mga katutubong
pangalan sa mga pangalang hango sa mga salitang Espanyol.
Rebolusyong Sumuroy (1649-1650)
● Itinatag ni Juan Ponce Sumuroy, isang Waray-waray. Naganap ito sa Palapag, H. Samar, at unang
sumiklab noong Hunyo 1, 1649.
● Ang naging sanhi ng rebolusyong ito ay ang sistema ng polo na isinagawa sa hilagng parte ng
Samar.
● Ipinag-utos ng gobyerno sa Maynila, na noo'y nasa ilalim ng pamamalakad ng mga Espanyol, na
lahat ng mga katutubong nasa ilalim ng polo sa Samar ay manatili sa kanilang bayan upang doon
gawin ang pagseserbisyo, ngunit biglang nagbago ang desisyon ng Alkalde Mayor at ipinagutos
na ipadala ang mga Samarnon sa Cavite upang dooin magtrabaho. Ito ang naging hudyat upang
sumiklab ang rebolusyong Sumuroy.
● Mabilis na kumalat ang rebolusyong ito patungong Mindanao, Bicol, at iba pang lugar sa Visayas
katulad ng Cebu, Masbate, Camiguin, Zamboanga, Albay at Camarines.
● Noong hunyo 1650, nadakip si Sumuroy at pinatay, ngunit ito'y hindi naging hadlang upang
matigil ang kilusan. Si David Dula ang sumunod na namuno sa rebolusyon. Pagkalipas naman ng
ilang taon, sa kasamaang palad, ay nadakip at pinatay rin si Dula.
● Hindi man nagtagumpay ang ang rebolusyong Sumuroy, nagsilbi naman itong inspirasyon sa iba
pang Pilipino na wakasan ang maling pamumuno ng mga Espanyol.

You might also like