Kasaysayan NG Maikling Kwento
Kasaysayan NG Maikling Kwento
Kasaysayan NG Maikling Kwento
Sa anumang panahon ay may kwenta (kabuluhah,kahalagahan) ang kwento. Sa sinaunang anyo at gamit nito ang
kwento ay isang payak at maikli na pagbabahagi ng isang karanasan, nadama, o naisip. Maaring ang ibinabahagi ng
nagsasalaysay ay tungkol sa kaniya lamang, maaari ding kaugnay ito ng ibang tao, hayop, o bagay sa kaniyang paligid.
Maaaring hindi rin naman ito tungkol sa kanya ngunit siya lamang ang nagsasalaysay o nagkukwento ng karanasan ng iba.
1.Paliwanag...
sa pamamagitan ng pakikinig,nakakukuha tayo ng sagot o paliwanag kung saan nagmula ang gayo't ganito.
2.Aral...
3.Pampalipas-oras/Paglilibang...
may iba't iba at magkakasalungat na damdaming napupukaw habang nakikinig sa nagkukwento.maaaring ligaya at
lungkot,takot,pagmamahal at pagkasuklam.Puede ring tagumpay at kabiguan at marami pang iba.
Ang partikular na porma o anyo ng maikling kwento na nakasulat at hindi lamang isinalin gamit ang bibig at
pinakinggan lamang kundi nabatid ng mga Pilipino sa pamamagitan ng dyaryo.
Ayon kay G.Almario, ang maikling kwento sa Pilipinas ay may 3 pinagmulang impluwensiya: Espanya, Latin Amerika
at Estados Unidos.
Naging modelo ng mga naunang Pilipinong manunulat ang mga akdang nasusulat sa e Espanyol. Nang dahil naman sa
kolonisasyong Amerikano, naging kasunod na modelo ang akdang orihinal na nakasulat sa Ingles mula sa Estados Unidos at
Inglatera o isinalin sa Ingles mula sa ibang wika sa Europa.
Marami ang nagsasabing ang dagli ang ninuno ng maikling kwento. Ayon kay G.Almario, ang dagli ay isang maikling
akda o kathang nagiging pamasak-butas na kadalasan ay tungkol sa pag-ibig at pangangaral.
Si G.Deogracias A. Rosario ang itinuturing na Ama ng Maikling Kwentong Tagalog. Marami syang sinulat ng dagli sa
peryodiko.
Ang kanyang mga dagli ay patungo sa maikling kwento ayon sa kritikong si Dr. Nicanor Tiongson, dahil sa mga
sumusunod na katangian; banghay, tauhan at maikling kathang may sariling buhay. Isa sa lalong popular na maikling
kwentong sinulat ni Rosario ay ang Greta Garbo 1930. Nailathala ang kanyang mga maikling kwento sa magasing Photonees na
kalaunan ay nakilala bilang Liwayway.