Written Report Mk1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KILALANG MANUNULAT at ang kanilang mga OBRA

MAESTRA

DEOGRACIAS A. ROSARIO
Si Deogracias A. Rosario Cruz ng katoliko o kwentas ay isinilang sa Tondo, Maynila
noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917
naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba.
Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at
Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng
Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa
maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang
palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.
Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda,
Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa. Ang pinaka-obra maestra ni
Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista.
Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyembre 26,
1936.
Talambuhay ni Deogracias A. Rosario
Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, si Deogracias A. Rosario ay ang
Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na
Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang
manunulat sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa Ang Mithi, isa sa tatlong naunang
pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.
Karera
Naging manunulat siya ng "Ang Democracia" noong 1915 at nang kinalaunan ay nagsulat
din siya para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang patimpalak para sa tula at maiikling
kwento. Sa Taliba, tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng patnugot at sa huli, ay
naging patnugot. Nagsulat din siya para sa Photo News, Sampaguita at Lipang Kalabaw.
Kasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R. Afan at iba pa, si
Rosario ay isa sa mga pangunahing taga-ambag sa Liwayway.
Naging myembro rin si Rosario ng iba't ibang asosasyon ng mga manunulat. Kabilang
dito ay ang Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan, Katipunan ng mga Dalubhasa at ang

Akademya ng Wikang Tagalog. Nagsilbi siya bilang pangulo ng Ilaw at Panitik, na may mga
prominenteng kasapi tulad nina T.E. Gener, Cirio H. Panganiban, at Jose Corazon de Jesus.

Mga Ilang Akda


Dahil sa Pag-ibig
Ang Anak ng Kanyang Asawa
Ang Manika ni Takeo
Walang Panginoon
Dalawang Larawan
Ang Geisha
Bulaklak ng Inyong Panahon
Mga Rodolfo Valentino
Gumawa rin siya ng mga salin tulad ng:
Ang Puso ng Geisha
Ang Mapaghimagsik
Nagsulat din si Rosario ng mga titik tae sa Tagalog ng ilang mga awit na binuo nina
Nicanor Abelardo at Francisco Santiago. Kabilang sa mga kanta na ito ay ang Mutya ng Pasig,
Dignity of Lobot (tagalog na bersyon), Cancion Filipino, Sakali Man, Alma Mater
Commencement Exercise at The Piece of Night.
Mga Gantimpala
Pinangalanan ni Teodoro A. Agoncillo ang kanyang akda na, Mayroon Akong Isang
Ibon, bilang isa sa pitong pinakamagandang maikling kwento na naisulat sa panahon ng
Amerikano, noong 1932. Isang taon matapos nito, siya ang idineklarang pinakamagaling na
manunulat ng maikling kwento para sa akda niyang Aloha,aloha.

HERNANDO RUIZ OCAMPO


Si Hernando R. Ocampo (Abril 28, 1911 Disyembre 28, 1978) ay isang Pilipinong
manunulat at pintor na nagawaran ng karangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining ng
Pilipinas.
Talambuhay
Si Ocampo ay ipinanganak sa Santa Cruz, Maynila noong 1911. Pagkatapos ng haiskul ay
nahilig na si Hernando sa pagpipinta at pagsusulat kaya hindi na niya naipagpatuloy ang kanyang
pag-aaral sa unibersidad. Nauunawaan niya ang mga suliranin ng karaniwang tao. Ayon kay
Teodoro Agoncillo: "Si Hernando ay nabibilang sa maliliit na pulutong ng mga manunulat sa
Pilipinas na naniniwalang nasa buhay at nag-uugat sa buhay ang sining." Ang kanyang
kuwentong Bakya na nasulat noong 1938 ay nagtataglay ng kakaibang pamamaraan ng pagsulat
na naaayon sa mga pamamaraan ng masining na pagsulatat ang paksa ay nananatiling sariwa
sapagkat nag-uugat sa katotohanan. Kasama ang kuwentong Bakya sa aklat na tinipon ni
Teodoro Agoncillo at pinamagatang Ang Maikling Kuwentong Tagalog: 1886-1948.

ALEJANDRO G. ABADILLA
Si Alejandro G. Abadilla ay makata, sanaysayista, at kuwentista. Nag-aral siya sa
Mababang Paaralan ng Baryo Sapa, at pagkaraan sa Mataas na Paaralan ng Cavite, bago tumulak
pa-Seattle upang magtrabaho sa isang maliit na palimbagan. Inedit niya roon ang seksiyong
Filipino ng Philippine Digest, naging tagapangasiwang editor ng Philippine American Review, at
itinatag ang Kapisanang Balagtas na naglalayong paunlarin ang wikang Tagalog. Pagbalik sa
Filipinas, nakamit niya ang titulong Batsiler sa Sining ng Pilosopiya mula sa Unibersidad ng
Santo Tomas noong 1931. Nagsilbi siyang konsehal sa munisipyo ng Salinas hanggang 1934,
pagkaraan ay naglako ng seguro para sa Philippine-American Life Insurance.
Halaga
Si Abadilla, na tinawag ni Pedro Ricarte na ama ng makabagong tulang Tagalog, ay
sinalungat ang labis na romantisismo sa panitikang Tagalog at de-kahong paggamit ng tugma at
sukat sa tula. Tumulong siya sa pagpupundar ng Kapisanang Panitikan, upang isulong ang
simulaing labanan ang di-lumalagong panitikang Tagalog.

Mga Aklat
Kabilang sa mga aklat ni Abadilla ang sumusunod:
Piniling mga Tula ni AGA (tula, 1965);
Tanagabadilla (tula, 1964; 1965);
Sing-ganda ng Buhay (nobela,1947);
Pagkamulat ni Magdalena (nobela, 1958)
Parnasong Tagalog (antolohiya, 1954)
Mga Kuwentong Ginto (antolohiya na kasamang editor si Clodualdo del Mundo Sr., 1936);
Ang Maikling Kathang Tagalog (antolohiya, 1954);
Maikling Katha ng 20 Pangunahing Awtor (antolohiya na kasamang editor si Ponciana B.P.
Pineda,1957).

CLODUALDO DEL MUNDO


Si Clodualdo Legaspi Del Mundo Sr. ay isang bantog na manunulat, kritikong
pampanitikan, at nobelista ng komiks. Nagsimula siya bilang isang manunulat ng prosang
Tagalog para sa magasin ng Liwayway noong 1930.
Talambuhay
Isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong ika-11 ng Setyembre 1911, siya ay anak nina
Mariano del Mundo, isang manlililok mula sa Bocaue, Bulacan at Remigia Legaspi. Siya ay
nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Mapa High School, nakamit ang kaniyang associate in arts sa
Far Eastern College (ngayon ay Far Eastern University) at Bachelor of Science sa kursong
Education sa National Teachers' College. Siya rin ay kumuha ng kursong Fine Arts sa University
of the Philippines at kursong Law sa Philippine Law School.
Karera at mga Kasapian
Si Del Mundo ay naging co-founder at naging unang presidente ng Panitikan noong 1935.
Ito ang nagsilbing simula upang siya ay sumanib pa sa ibang kalipunan ng mga manunulat at
nobelista ng komiks. Siya rin ang naging presidente ng Ilaw ng Bayan noong 1937, at noong
1938 ay naging miyembero ng Ilaw at Panitik. Sumapi rin siya sa Taliba ng Inang Wika

(TANIW) noong 1955 kung saan siya rin ay naging unang pinuno nito mula 1967 hanggang
1972. Simula naman noong 1930s hanggang 1970s, nagtrabaho siya bilang associate editor ng
mga sikat na mga magasin noong panahon na iyon katulad ng Aliwan, Alitaptap, Orient Digest,
Nautilus, Halakhak, Mabuhay, Paruparo, Daigdig, at Liwayway.
Siya ang naging editorial director ng Liwayway hanggang sa kaniyang pagpanaw noong
1977.
Mga Akda at Obra
Si Del Mundo ang nagsulat ng ilan sa mga klasikong nobela sa panitikang Filipino tulad
ng: Bituing Walang Langit (1938), Sukdulan ng Pagmamahal (1963), Sambutil ng Kanin (1964),
at Nang Magunaw ang Daigdig (1966). Kasama si Gervasio Santiago na noon ay editor ng
Liwayway, inilathala niya ang mga nobelang Ito ang Rebolusyon (1972), Judas Iscariote,
Kontrabidang Superstar (1972), at Inang Mahal (1973).
Naging pamoso si Del Mundo dahil sa kaniyang critical column na pinamagatang Tao sa
Parolang Ginto, na inilathala sa Taliba at Liwayway, kung saan nagsusulat siya ng mga
mapanuring artikulo at komentaryo. Buwan-buwan at taun-taon ding naglalabas ang kaniyang
artikulo ng pagkilala sa mga naiibang akdang pampanitikan. Ang ilan sa mga artikulo mula sa
kaniyang kolum ay pinagsama-sama sa isang libro na pinamagatang, Mula sa Parolang Ginto na
inilimbag noong 1969 sa Liwayway Publications. Noong 1936, kasama si Alejandro G. Abadilla,
naging co-editor siya ng isang aklat na pinamagatang, Mga Kuwentong Ginto na isang kuleksyon
ng pinaka-magagaling na mga maiikling kuwento mula noong 1925 hanggang 1935.
Kasama sina Mars Ravelo, Pablo S. Gomez at Francisco Coching, si Del Mundo ay
itinuturing na kabilang sa mga pinakamagagaling na manunulat noong 1950s. Simula noong
1947, ang mga komiks magasin ng Ace Publications katulad ng Pilipino Komiks, Hiwaga,
Espesyal, at Tagalog Klasiks ang tumulong sa Tagalog komiks hanggang sa golden years nito.
Sa pakikipagtulungan ni Del Mundo kay Fred Carrillo, nagawa nila ang ilan sa mga
pinakamagagandang Filipino komiks na may kategoryang drama katulad ng Malvarosa,
Kadenang Putik, Kapitan Bagwis, at Pitong Sagisag. Nakapaglathala din sila ng mga komiks sa
kategorya ng action stories tulad ng Ripleng de Rapido, Paltik, at Asintado, at gayundin ang mga
komiks na nasa kategoryang science-fiction, kung saan kabilang ang Tuko sa Madre Kakaw, at
Zarex.
Ilan din sa mga obra ni Del Mundo ang naging inspirasyon at materyal sa mga pelikula na
isinalin sa pelikula ng LVN Pictures at Premiere Productions. Kabilang dito ang Kadenang Putik
noong 1960. Binigyan niya rin ng sariling adaptasyon ang klasikong nobela ni Jose Rizal, ang
Noli Me Tangere at isinalin ito sa komiks. Ang kaniya namang pinaka-popular na radio serial,
ang Prinsipe Amante ay napakinggan ng masa noong 1945 hanggang 1953. Ang kuwento ng
nasabing radio serial ay naging isang patok na pelikula ni Lamberto V. Avellana noong 1950.

Mga Parangal
Ang kaniyang kuwento para sa Kadenang Putik ay itinanghal bilang Best Story sa ika-9
na FAMAS Awards noong 1960. Tatlong beses din siyang nanalo ng gantimpala mula sa Don
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature para sa kaniyang maiikling kuwento at mga oneact play: ikalawang gantimpala para sa maikling kuwentong pinamagatang Binhi noong 1961,
ikalawalang gantimpala muli para naman sa one-act play na May Ningning ang Kinabukasan
noong 1955 at ikatlong gantimpala para din sa isang one-act play na may titulong, Mr.
Congressman noong 1960.
Si Clodualdo Del Mundo Sr. ay namatay noong ika-03 ng Oktubre 1977 sa gulang na 66.

AMADO V. HERNANDEZ
Si Amado Vera Hernndez (13 Setyembre 1903 24 Marso 1970) ay isang makata at
manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa",
sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at
pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan.
Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang
punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago
nagwakas.
Talambuhay
Ipinanganak siya sa Sagrada Familia saHagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo,
Maynila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong
Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa
niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Siya ay batang ama at nag ka anak sa
maagang idad. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mga Pambansang Alagad ng Sining si
Hernandez para sa Panitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.
Mga Parangal
Noong 1973, limang taon mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran si
Ka Amado ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Bagamat matagal-tagal na rin mula
nang pumanaw ang manunulat, patuloy na umaalingawngaw sa mga paaralan at sa mga rali sa
lansangan ang kanyang matulaing pagkamakabayan, lalo na ang mga salita ng tulang "Kung
Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan."

Pamana at Paggunita
Bawat taon ay ginugunita at ipinagkakaloob ang Gawad Ka Amado sa mga makata,
manunulat, mandudula, mang-aawit at mga may-akda ng mga likhang-biswal na gumagawa ng
mga sulating tumatalakay sa mga karanasan ng liping manggagawa.
Mga Maikling Kuwento
Wala nang gamot si pepe
Kulang sa Dilig ang cactus
Langaw sa Isang basong Gatas
Dalawang kiloMetro sa Lupang Di-Malipad ng sisiw
Ipinanganak ang Isang daliri sa Sosyaledad
Limang Alas, Tatlong Santo si lord

You might also like