Module 6

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

SHEPHERDVILLE COLLEGE

Talojongon, Tigaon, Camarines Sur

College of Education Department
Second Semester
AY 2020 – 2021

College of Education

Imahe: Kulturang popular (slideshare.net)

Inihanda ni:

Gng. NELLY CORRE-MAGHOPOY, MAEd.

Guro sa Filipino
MODYUL 6

PATALASTAS/ ADVERTISEMENT

I. INTRODUKSYON

Pagbati sa inyong pagpapatuloy!

Pero bago ka magpatuloy ay maiging basahin muna ang mga sumusunod na

tagubilin sa ibaba.

Narito ang mga panuto sa dapat mong tandaan sa modyul na ito:

1. Basahin at araling mabuti ang mga araling nakapaloob sa modyul,
2. Maging matapat sa pagsagot ng mga gawain. Huwag kumuha ng sagot sa
internet.
3. Isumite ang mga sagot sa itinakdang oras.
4. Magpadala ng mensahe sa guro sa kaniyang gmail
([email protected]) o facebook account (Nelly Corre) kung
may katanungan sa nakalaang oras ng klase.

II. BATAYANG PAGKATUTO BLG. 4

➢ Naiuugnay at naihahambing ang pagkakaiba ng kulturang popular noon at ngayon sa

pamamagitan ng mapanuring paguusisa.

A. MGA LAYUNIN
Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mga mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha
ng asignaturang Lit 102 Kulturang Popular. Sa modyul na ito, inaasahang sa
katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumusunod:
1. Naiisa-isa ang layunin ng advertisement

2. Nakapaghahatol ng wasto sa mga posotibo at negatibong epekto

sa advertisement

3.Nakagagawa ng Advertisement sa pagpapayaman sa kulturang Pilipino.

B. KAHULUGAN NG MGA TERMINO
➢ Patalastas- Ito ay isang paraan ng pag-anunsyo ng produkto o serbisyo sa
pamamagitan ng iba’t-ibang anyo ng komunikasyong pang madla.

C. KONTEKSTO

PATALASTAS

Ang Patalastas ay isang paraan upang maka enganyo, hikayat, at pag anunsyo tungkol
sa isang produkto, pangyayari, tao, at iba pa sa pamamagitan ng iba’t-ibang plataporma.
Kadalasan, ang ginagamit dito ay ang medya.

Ngunit, dahil sa pag-angat ng teknolohiya, ang pinakamainam na paraan ng paggamit

ng patalastas ay ang paggamit nito sa sosyal medya.

Kapag ikaw ay nasa marketing o kasali sa isang kompaniya na mayroong produkto o

serbisyong balak i benta, ang pagkakaroon ng patalastas ang pinakamainam na paraan
para maipa labas ito sa publiko.

Sa pamamagitan ng patalastas, mas marming tao ang makakakita ng iyong produkto at

kung maganda ang paggawa nito, mas maaakit ang mga tao na bilhin ito sa inyo. Ito ang
dahilan kung bakit karamihan sa mga patalastas ay gumagamit ng mga sikat na tao katulad
ng artista.

Para sa mga nasa pulitko, mahalaga rin ang magandang imahe sa publiko. Kaya
naman, milyun-milyon ang binabayad ng ilang mga nasa pulitiko para sa mga patalastas
patungkol sa kanila.

Ating tandaan na ang patalastas ay mahalaga dahil ang pangunahing layunin nito ay
ang pagakit ng mga tao sa mga malikhaing paraan. Dahil dito, mas maraming tao na ang
makakakita ng produkto o serbisyong gusto mong ilahad sa publiko.

KASAYSAYAN NG PATALASTAS

• Ayon kay Nofuente (1976), ito ay maaaring ugatin sa pag-akit ng ahas kina Adan at
Eba.
• Ayon sa mga antropolohista, patalastas nang matatawag ang mga natagpuang
nakaukit sa loob ng mga kuweba.

ANYO NG PATALASTAS

❖ Ang pinaka-unang anyo ng patalastas ay sa pamamagitan ng bibig. Ang

tagasigaw sa daan ay naghihikayat na bilhin ang kaniyang paninda, tulad ng
hayop, pagkain, kasangkapan, at kahit na alipin. Ginagamit pa rin ang anyong
ito sa kasalukuyan ng mga nagtitinda sa gabi, na sumisigaw ng “Balut Penoy!”
(Santos 1979).

❖ Ang ikalawang anyo ay nakalimbag napatalastas na lumalaganap sa anyo ng

poster at karleton matapos maimbento ang imprenta noong siglo 15. Nagpatuloy
ang paglaganap nito kasabay ng pag-unlad ng makabagong teknolohiya.
Tuluyan nang nahasa ang telebisyon. Higit nang malawak ang naabot ng mga
patalastas (Nofeunte 1976).

Ang pag-unlad ng anyo ng patalastas ay kanais nais para sa mga korporasyong

transnasyonal. Ang humihigit kumulang sa 250korporasyong transnasyonal na nasa
bansa ngayon,na mahahati sa halos 356 kompanya, ay namumuhunan sa paggawa ng
mga consumer goods (tulad ng pagkain, sabon,baterya, kotse, goma,gamit at iba pa);
gayundin, namumuhunan sila sa ibang larangan tulad ng bangko, langis, atbp. Ang
paggawa o produksyong ang pinakamalawak ng gawaing saklaw ng mga korporasyong
transnasyonal (Tiglao 1978; Toress 1977).

KAHALAGAHAN NG PATALASTAS AT KORPORASYONG TRANSASYUNAL

Ano ang Korporasyong Transasyunal?

Ang mga korporasyong transnasyonal ay ang mgakorporasyong may malaking

capital na namumuhunan sa Pilipinas, na ang punong sangay ay karaniwang nasa isang
mayamang bansa tulad ng Amerika at Hapon, at mayroong sangay sa iba`t ibang bansa,
lalo na sa bansang kabilang sa Ikatlong Daigdig.

Dahil sa dami ng mga produktong lumalabas, kailangang mag-anunsyo upang

ipakilala ang isang produkto sa madla, o kaya`y higit na magkaroon ng matingkad na
reputasyon ang produkto. Isang karaniwang obserbasyon ng kapag mahusay ang
patalastas, tataas ang benta ng benta ng produkto, bagamat mahirap ang tuwiran
relasyon nito.

Dahil sa kahalagan ng patalastas, malaking salapi ang napupunta sa paggawa

nito. Ang ilang kompanya ay may sariling dibisyong namamahala sa pagpapakilala ng
produkto sa madla sa pamamagitan ng patalastas. Ang iba nama`y nagbabayad na
lamang sa ilang ahensyang pampatalastas upang mapagawa nito. Ang patalastas ang
bumubuhay sa mga programa sa radyo at telebisyon. Nagbabayad din sila ng malaking
halaga upang makasingit sa paitan nito. Gayundin, tumutulong din ito sa pinansya ng
mga dyaryo at magasin (Schultz 1979).
SAQ #1: (10 puntos)

Sa iyong sariling pananaw, anu-ano pa ang mga layunin ng patalastas?

ANG PAGLIKHA NG PATALASTAS

Apat na hakbang sa pagbuo ng isang patalastas ayon kay Morris:

1.Alamin kung sino ang bibili ng produkto. Mayaman ba siya o mahirap? Gaano
siya katanda? Ano kanyang trabaho o hanapbuhay? Saan siya nakatira? Ano ang mga
suliranin at motibasyon niya sa buhay?

2.Alamin ang pangangailangan ng mamimili na maaaring tugunan ng produkto.

3.Suriin kung anong katangian ng produkto ang dapat bigyan ng kahalagahan o

diin.
4.Gawin ang patalastas- Anong kulay ang gagamitin? Gaano ito kahalaga?
Anong migdyum ang pipiliin? Anong ideya ang nilalaman nito?

Consumer Psychologist

Ano ang Consumer Psychologist? Ang isang consumer psychologist ay

interesadong pag-aralan ang mga palagay at kilos ng mga mamimili upang ang
kompanya ng produkto ay makatugon sa pagbabago sa market. Ang pagtugon na ito ay
sa pamamagitan ng pagbabago ng patalastas. Sinusuri ng sikolohista ang mga bagay
na maaaring makaapekto sa pamimili ng produkto ng isang tao.

Ang mga bagay na ito ay maaaring kaugnay ng:

1.Mamimili mismo- ang kanyang nakaugaliang produkto o tatak ng produkto, ang
kanyang pagkatao, katayuan sa buhay at edad;
2.Produkto mismo- pabalat nito, tatak, reputasyong nabuo nitong presyo; 3.
Mensahe ng patalastas- nanghihikayat na bumili, o lumilikha ng magandang
emaheng para sa produkto; nananakot (Negative appeal) o ipinakita ang
positibong resulta sa paggamit ng produkto (Positive appeal) (Schultz 1079).

Apat na kategorya ng pangkalahatang pagnanais ng tao na nakakaimpluwenysa

sa paglikha ng patalastas (Yankelovich)
1. maginhawang pamumuhay;
2.paghahanap ng kasiyahan o kakaibang karanasan;
3. negatibong reaksyon sa mga masisikip na lugar, sa mga komplikadong bilihin,
sa mga antas at institusyon; at
4.mga hiling ng tao na nakakaapekto sa pamimili, halimbawa kaligayahang
maidudulot sa pamilya, pagtatrabaho ng babae sa labas ng tahanan at pagtatakwil sa
mga bagay na hindi natural.
EPEKTO NG PATALASTAS SA MAMIMILING PILIPINO

1. Makikita sa pag-alala ng mga tao sa tatak ng produkto at paggamit nito

bilang pangalan ng produkto mismo, kahit na ito ay ibang tatak.
2. Ang pagkonsumo mismo.
3. Paglala ng kaisipang kolonyal. Batayan sa pagtanggap ng tao.
4. Isa pang epekto ng patalastas na iniulat ni Nofuerte (1976) ay ang ilusyon
ng industriyalisasyon.

Mga “Gimmick” ng Patalastas

Dalawang paraan ng presentasyon ng patalastas. (Schultz, 1979)

1. Positive Appeal – Ipinakikita ang magandang mangyayari kapag ginamit ang
produkto.
2. Negative Appeal – Ipinakikita ang masamang mangyayari kapag hindi gumamit ng
produktong yaon.

PANGANGALAGA SA KAPAKANAN NG MAMIMILI

Kilusan ng Mamimili sa Pilipinas

• Non-stock, non-profit, non-political na samahan na itinatag noong Marso
1971.
• Ang layuning ng samahan ay upang makapagbigay ng edukasyon sa
mga mamimili tungkol sa pagkain at nutrisyon. Ipinaaalam sa mga mimimili ang
resulta ng mga makasiyentipikong pananaliksik tungkol sa produkto ngpagkain, o
kaya’y mahalagang impormasyon tungkol rin sa patalastas, pagtatatak (labeling)
at mga pangkalahatang impormasyon tungkol sa industriya ng pagkain (ASM
1977).

Isang ulat sa Ang Mamimili ang naglahad ng isang patnubay para sa

mamimiling Pilipino tungkol sa pagsuri sa patalastas. Ayon sa artikulo sa Ang
Mamimili 1 (3) (1972)

1. Huwag seryosohin ang patalastas; pinakamagandang katangian lamang ang

ipinapakita sa patalastas;
2. Bigyan ng pansin ang mga bagay na hindi sinasabi;
3. Timbangin mabuti kung ano talaga ang sinasabi;
4. Alamin kung anong damdamin ang nilalayong pukawin ng patalastas;
5. Paghambingin ang patalastas ng iba’t-ibang marka ng isang uri ng produkto;
6. Alamin ang mga bagong pangyayari sa paligid kaugnay ng produkto.

SAQ #2: (10 puntos)

Gamit ang table na nasa ibaba, isulat ang mga positibo at negatibong
epekto ng patalastas.
ANG MGA POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG PATALASTAS.

POSITIBONG EPEKTO NEGATIBONG EPEKTO

III. BUOD

Ang Patalastas ay isang paraan upang maka enganyo, hikayat, at pag anunsyo tungkol
sa isang produkto, pangyayari, tao, at iba pa sa pamamagitan ng iba’t-ibang plataporma.
Kadalasan, ang ginagamit dito ay ang medya.

Ngunit, dahil sa pag-angat ng teknolohiya, ang pinakamainam na paraan ng paggamit

ng patalastas ay ang paggamit nito sa sosyal medya.

Kapag ikaw ay nasa marketing o kasali sa isang kompaniya na mayroong produkto o

serbisyong balak i benta, ang pagkakaroon ng patalastas ang pinakamainam na paraan
para maipa labas ito sa publiko.

Ang pag-unlad ng anyo ng patalastas ay kanais nais para sa mga korporasyong

transnasyonal. Ang humihigit kumulang sa 250korporasyong transnasyonal na nasa bansa
ngayon,na mahahati sa halos 356 kompanya, ay namumuhunan sa paggawa ng mga
consumer goods (tulad ng pagkain, sabon,baterya, kotse, goma,gamit at iba pa); gayundin,
namumuhunan sila sa ibang larangan tulad ng bangko, langis, atbp. Ang paggawa o
produksyong ang pinakamalawak ng gawaing saklaw ng mga korporasyong transnasyonal
(Tiglao 1978; Toress 1977).
IV. EBALWASYON

PAGGAWA NG PATALASTAS
A. Panuto: Gumawa ng patalastas na binubuo ng limang pangungusap tungkol sa
sumusunod na produkto gamit ang iba't ibang bahagi ng pananalita. Gamiting gabay
ang rubrik sa paggawa ng patalastas. Isulat ang mga ito sa iyong sagutang papel.

Pagmamarka:

PUNTOS
Mga Batayan 5- 4- 3- 2- 1-
Pinakamahusay Mahusay Katanggap- Mapaghuhusay Nangangailangan
tanggap pa ng mga

1.
Nakahihikayat
at kaagad na
nakakukuha ng
atensiyon ang
patalastas
pangungusap.

2. Maikli ngunit
malinaw ang
paglalahad ng
mensahe.

3. Nagamit
nang wasto ang
iba't ibang
bahagi ng
pananalita.
Wasto ang
baybay, bantas
at estruktura
ng mga
pangungusap.

4. Matapat at
mahusay na
nailahad ang
impormasyon.
pantulong na
pagsasanay

KABUUAN
V. TALASANGUNIAN

Elektroniko

1. https://www.slideshare.net/romilynh13/ikalimang-bahagi
2. https://philnews.ph/2020/12/15/kahalagahan-ng-patalastas-halimbawa-at-iba-pang-
kaalaman/

Inihanda ni:

Gng. NELLY CORRE-MAGHOPOY, LPT, MAEd.

Profesor sa Kulturang Popular
SHEPHERDVILLE COLLEGE
Talojongon, Tigaon, Camarines Sur
College of Education Department
First Semester
AY 2020 – 2021

PATALASTAS/ ADVERTISEMENT
MODULE 6 SAQ Answer Sheets

Name: ____________________________________Course/Year:_________________
Subject:___________________________________Contact No.:_________________
Teacher:___________________________________Date:_______________________

SAQ #1: (10 puntos)

Sa iyong sariling pananaw, anu-ano pa ang mga layunin ng patalastas?

________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gamit ang table na nasa ibaba, isulat ang mga positibo at negatibong epekto ng
patalastas.

ANG MGA POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG PATALASTAS.

POSITIBONG EPEKTO NEGATIBONG EPEKTO

SHEPHERDVILLE COLLEGE
Talojongon, Tigaon, Camarines Sur
College of Education Department
First Semester
AY 2020 – 2021

MODULE 6 EBALWASYON

Name: ____________________________________Course/Year:_________________
Subject:___________________________________Contact No.:_________________
Teacher:___________________________________Date:_______________________

PAGGAWA NG PATALASTAS
A. Panuto: Gumawa ng patalastas na binubuo ng limang pangungusap tungkol sa
sumusunod na produkto gamit ang iba't ibang bahagi ng pananalita. Gamiting gabay
ang rubrik sa paggawa ng patalastas. Isulat ang mga ito sa iyong sagutang papel.

________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

You might also like