Paniitikang Filipino
Paniitikang Filipino
Paniitikang Filipino
Talambuhay
Ay manunulat at guro. Nag-aral siya ng pagsulat at pagtatanghal ng dula sa Amerika. Kilalang dula niya
ang Panday Pira, isang dulang makasaysayang may 3 yugto
Ang iba pang sinulat na dula ni Jose Ma. Hernandez ay The Olive Garden, isang dulang hango sa Bibliya;
Night Wind, Sunrise in the Farm, The Empty House, Prelude to Dapitan, at White Sunday.
Panday Pira
Ayon sa kasaysayan, si Panday Pira ay ipinanganak noong 1488. Walang nakakatitiyak ng eksaktong
petsa ng kanyang kapanganakan maliban sa lugar na kanyang pinagmulan, bandang timog ng Luzon.
Buod Ng Kwento
Panday Pira
Ang Panday Pira ay isang dulang pangkasaysayan na itinanghal sa UP’s Rizal Center noong panahon ng
hapon sa bansang Pilipinas. Ito ay tumatalakay sa buhay ni Panday Pira na isang Kapampangang Muslim.
Na nakilala dahil sa angkin niyang galing sa pag gawa ng mga sandata gaya ng pag gawa ng kanyon.
Si Panday Pira ay kinikilalang bayani ng ating bayan. Nakilala siya dahil sa kanyang kontribusyon sa
pagtanggol sa maynila laban sa mga kastila ng ginamit ang kanyang kakayahan ni Rajah Sulayman. Ang
kanyang kakayahan sa pag gawa ng sandata ay kalaunan ay ginamit ng mga kastila ng siya ay inalok ni
Don Miguel Lopez De Legaspi na gumawa ng mga kanyon para sa kastila. Ito ay nakatulong upang
maprotektahan ang mga isla ng bansa Laban sa mga pirata.
Talambuhay
Si Brigido C. Batungbakal ay isang Pilipinong manunulat. Ipinanganak noong 1910 sa Pulilan, Bulacan, si
Batungbakal ay nag-aral sa San Sebastian Primary School at Mabini International School. Unang
nailathala ang kanyang mga kwento sa magasin na Mabuhay Isanin siya sa mga bumuo ng Kapisanang
Panitikan noong 1935.
Ang “Kadakilaan sa Tugatog ng Tagumpay” ni Batungbakal ay isang tula tungkol sa mga taong nangarap
at nagtrabaho upang magtagumpay sa kanilang buhay. Ipinakikita ng tula ang kaginhawahan at
kaligayahan na nararanasan nila sa kanilang tagumpay.
Sa unang saknong ng tula, ipinakilala ni Batungbakal ang konsepto ng tagumpay bilang isang
kabayanihan. Ipinahayag ng tula na ang pagpapakasakit at pagtitiyaga ay kailangang magpakadalubhasa
upang magtagumpay.
Sa pangalawang saknong, ipinakita ng tula ang isang larawan ng isang mandirigma na nakalaban sa
kanyang mga kalaban upang makamit ang kanyang tagumpay. Ipinaliwanag ni Batungbakal na ang mga
mandirigma ay nagsasakripisyo para sa kanilang mga pangarap at tagumpay.
Talambuhay
Ito ay kwento ng isang binatang lalaki na nagngangalang Ruben. Siya ay dating maituturing na
“chickboy” dahil sa magara nitong dating. Subalit isang araw ay bigla na lamang nag-iba ang kanyang
anyo. Hindi na siya ang dating Ruben na maituturing ng kanyang mga kaibigang “chickboy”. Madalas ay
malalim mag-isip ang binatang ito at napapansin iyon ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Madalas
niyang isipin ang sinasabi ng kanyang mga kaibigan na siya ay madamot subalit hindi nalalaman ng
kanyang mga kaibigan na siya ay may isang malaking pamilya na iniwan ng kanyang Ama. Madalas din
siyang pagtawanan ng mga ito sapagkat nagbago na nga ito mula nang yumao ang kanyang Ama.
Madalas niyang nakikita ang kahirapan sa paligid at ang mga taong nilulustay ang pera sa mga walang
kwentang bagay bagamat may mas nangangailangan ng perang iyon.