Argulla Regielyn Ulat

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pagsulat

Ng
Maikling
Kuwento
Ang Kuwenta at Kuwento ng Kuwento
Sa anumang panahon ay may kuwenta(kabuluhan, kahalagahan) ang kuwento.Sa
sinaunang anyo ay gamit nito, Ang kuwento ay isang maikli at payak na
pagbabahagi ng isang naranasan , nadama o naisip . Maaaring ang ibinahagi ng
Nagsasalaysay ay tungkol sa kaniya lamang, maaari ding kaugnay ito ng ibang tao,
hayop, o bagay sa kaniyang paligid. Maaring hindi rin naman ito tungkol sa kaniya,
bagkus ay siya lamang ang nagsasalaysay o nagkukuwento ng karanasan Ng iba.

Laging may mabibingwit na tagapakinig ang isang nagsasalaysay o nagkukuwento.


Mya hatid na iba’t-ibang Kapakibangan ang pakikinig.
1. Paliwanag. Sa pamamagitan ng pakikinig, nakakukuha ang tagapakinig ng
sagot o paliwanag kung Saan nagmula ang gayo’t ganito( hal. Kuwentong-
bayan tulad ng mga mito at alamat).
2. Aral. Nakapupulot ang tagapakinig ng aral sa kuwentong mapakikinggan
( parabola at pabula)
3. Pampalipas-oras/paglilibang. May iba’t-ibang magkakasalungat na
damdaming napupukaw habang Nakikinig sa isang kuwento:ligaya at
lungkot, pagmamahal at pagkasuklam, tagumpay, pagkabigo at iba Pa mula
sa iba’t-ibang kuwento ng pag-ibig, katatawanan, katatakutan,
pakikipagsapalaran at iba pa.

Ang Pagsilang ng Maikling Kuwento sa Pilipinas

Ayon kay Virgilio Almario (Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan), ang


maikling kuwento sa Pilipinas ay May tatlong pinagmulang impluwensya:
Espanya, Latin Amerika at Estados Unidos )
Naging modelo o huwaran ng mag naunang Pilipinong manunulat ang mga
akdang nasusulat sa Espanyol.Nang

Dahil naman sa kolonisasyong Amerikano, nagging kasunod na modelo o


huwaran naman ang mga akdang orihinal na
Nakasulat sa Ingles mula sa Estados Unidos at sa Inglatera, o kaya ay isinalin
sa Ingles mula sa ibang wika sa Europa.
Marami ang nagsasabing ang dagli ang ninuno ng maikling kuwento. Ayon
kay Alamario, ang dagli ay isang Maikling akda o katahang nagsisilbing
pamasak- butas na kadalasan ay tungkol sa pag-ibig at pangangaral.

Si Deogracias A. Rosario ang itinuturing na Ama ng Maikling Kuwentong


Tagalog. Marami siyang sinulat na Dagli sa peryodiko . Ang kaniyang ay
dgali ay patungo sa pagiging maikling Kuwento , ayon sa kritikong si Dr.
Nicanor Tiongson, dahil sa sumusunod na katangian: “ tauhan, banghay at
maikling kathang may sariling buhay Isa s alalong Popular na maikling
kuwentong sinulat ni Rosario ay ang “ Greta Garbo”(1930) , Nailathala ang
kaniyang mga maikling Kuwento sa magasing Photonews na kalaunan ay
nakilala bilang Liwayway.

Ang mga Sangkap o Elemento ng Maikling Kuwento


Ang mga sangkap o element ng maikling kuwento ay katulad din ng mga sangkap
ng mahabang maikling Kuwento( nasa ganitong kategorya ang mga kuwento ni
Ricardo A. Lee tulad ng “ Servando Magdamag”” Kabilang sa Mga Nawawala”, at
iba pa), maikling nobela( novelette) at nobela.Mailalawaran ang maikling kuwento
bilang isang akda na kanyang tapusin sa isang upunan lamang . Ito ay Maikli ,
binubuo ng kaunting mga tauhan at may isang kakintalan(single impression). Ang
mga magasin o pahayagang Naglalathala ng mga maikling kuwento ay isang
malaking salik din sa haba o ogsi ng maikling kuwento (kung gustong Malathala ,
kailangang angkop ang haba ng maikling kuwento sa bilang ng pahina na kayang
ibigay ng magasin.) Hindi Isyu ang haba ng maiklingkiwento kung ito ay kasama sa
isang antalohiya , sariling libro man ito ng awtor o hindi.Samantala, ang novelette
at nobela ay karaniwang hinahati sa mga kabanata. Ang pagkakasunod-sunod ng
mga Kabanata ay hindi lamang para sa naratibong disenyo(narrative design) , ito
rin ay upang alalayan ang mambabasa sa Mahabang tekstong kaniyang tapusin..
Narito ang anim na pangunahing sangkap o elemento ng modernong maikling
kuwento:
1. Tauhan(Character)-Tumutukoy ito sa mga pangunahing tagapagganap sa
kuwento tulad ng bida at Kontrabida.
2. Pananaw o Punto de Bista(Point of View)-Ang kamalayan kung saan
nagdaraan ang agos ng Kuwento.Maaring ito ay direktang kamalayan ng
manunulat o sinumang tauhan sa kuwento.
3. Banghay ( Plot)-Ang mga pangunahing nangyari sa simula, gitna, wakas ng
kuwento.
4. Tunggalian(conflict)-ang malalaking problemang kinakaharap ng
pangunahing tauhan na kailangang Pagpasiyahan at aksiyunan.
5. Tagpuan at Kaligiran (setting and atmosphere)-ipinakikita kung saan at
kalian nagaganap ang kuwento At kung ano ang namamaibabaw na
katangian ng kuwento ( hal: madilim o puno ng pag-asa, nakatatakot At iba
pa)
6. Tema(theme) Ang pangkalahatang punto , pahayag , diin , ideya , o
pananaw daidig(world view) ng kuwento)

You might also like