Sukat

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

 SUKAT https://image.slidesharecdn.

com/elementongtula-110801043245-
phpapp02/95/elemento-ng-tula-5-728.jpg?cb=1312173288

Sa tula ang isang taludtod ay isang tudling ng mga salitang may sukat at
indayog.

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa loobng isang hati o bahagi ng isang


pangungusap.Ito ang sinasabing tagal o bilang ng bagsak ng tunog sa diin o
bigkas ng mga salita sa taludtod.

Ang bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa


paraan ng pagbasa.
halimbawa: isda – is da – ito ay may dalawang pantig
Is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

Ang Sesura

Ang sesura ay katutubong tigil sa pagtbigkas sa dulong pantig na may isang


pangkat ng mga salitang may iba’t-ibang pantig sa loob ng isang taludtod.

Masasabi pa rin na ang sesura ay bahagyang pagtigil sa gitnang bahagi ng


taludtod na may bilang ng labindalawa at labing walong pantig sa loob ng
taludtod.

Halimbawa ng labindalawang bilang ng pantig.

Quezon, Sa Iyong Paglisan


Milagros Macaraig

Matay kung pagmasdan/ang iyong larawan,


Nakita rito’y/ang anyo mong taglay
Ang dakilang pita’t/mga kasaysayan
Sa aklat na ginto’y/waring mamasdan.

Sa iyong pagyao/ nag ika’y pumanaw


Nagluksa ang lahat/ligaya’y naparam
Lungkot at pighati/ang siyang naiwan
Mga pusong ngayon/ay nangalulumbay.

Halimbawa ng labinwaluhing bilang ng pantig. Pansinin ang cesura ay nasa ika-


anim at ikalabindalawang pantig.

Halika at sabay/na ating pagmasdan/ang ating bukirin,


Samyuin ang bango/ ng gintong uhay/sa bawat pitakin,
Sa pilapil nating/ang bigkis ng palay/ay tumpuk-tumpukin,
Sa pagkakahaya/sa tuklap na tangtkay/ng mga anihin.

Halika at sabay/ma ating tipunin/biyaya ng Diyos,


Ginapos na haya/pagsabayan nating/sa kangga’y lusod;
Pagtulungan nating/sa ating tahanay/tuluyang isugod,
Nang ang hirap nati’y/tuluyang mawala/tapos yaong pagod.

1. Lalabindalawahin
hal. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
2. Lalabing-animin
hal. Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa a paligid
3. Lalabingwaluhin
hal. Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay `Naron din sa
loob ang may bakod pang kahoy na malabay

Ang mga tulang may lalabingdalawa at labingwalo ay may sesura o hati na


nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat
ikaanim na pantig.
Halimbawa: Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw
Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin
Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga panaginip
Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig, Pg-ibig!

Ang Estropa o Saknong

Ang estropa o saknong ng tula ay kalipunan ng mga taludtod na karaniwang


magkakatugma at nagpapahayag ng isang kaisipan o bahagi ng paksang
tinataglay ng buong tula.

1. KOPLA (couplet) – tawag sa estropang may dalawang taludtod.


Hal, Bakit ako ay binuhay mo pang muli
Kung sa iyong palad kikitling dagli
(C.M Vega “Sa Tagpuan ng Araw at Gabi)

2. Terseto (tercet} – tawag sa estropang may tatlong taludtod,


Hal. Aninong maitim sa mukha ng araw
Tabing na pansangga sa ngiti ng buhay
Palagay ko’ygany7an pag may kakulangan
(J.V. Panganiban, “Kalooban”)}

3. KWARTETO (Quatrain) – tawag sa estropang may apat na taludtod.


Hal. Sa yungib na yao’y ibig kong ibalik
Sa hubad na bakas nang ako’y umalis,
Sa yungib na yao’y ibig kong isilid
Ang sugat-sugatang yabag ng daigdig!
(C.C. Marquez , Jr, “Sa Yungib na Yaon”).

4. KINTETO ( Quintet)- estropang lilimahing taludtod.


Hal. “Ikaw ba ay ano?
Ikaw ba’y pag-ibig
Halamang ligaya ng tigang na dibdib?
Bakit nang nupling ka sa puso kong sabik,
Ang mga ugat mo’y pighating hatid?
(A.I. Dizon, “Ikaw Ba’y Ano?”)

5. SENTETO (Sestet) - ang tawag sa may anim na taludtod .


Hal. “Hindina mabilang
Sa buhok ang uban
Sa pangit sa noo ay nakabalatay
Ang guhit na tanda ng pinagdanasan...
Limampu’t tatlo na ang kapanahunang
Lumipas sa kanya, Sapul nang isilang.
(P.A. Dionisio, “Panibugho”)
6. SEPTETO (Septet) – ang tawag sa may pito na taludtod.
.

7. OKTABO (Octave) – tawag sa may walong taludtod


Hal. Sa umaga’y bitbit gulok na maitim
Araro ay sakbat sa bukid patungo
At si Kalakian ay kanyang hilahila
Tataluntuni’y landas ng kinabukasan at pangarap
Pasan sa balikat mga tuyong kahoy
Panggat5ong sa pagkaing lutuin ng pamilya
Sisibakin pang piliy sa kabila ng pagod
Tubig isusunod iigibin sa pampang.

Ang couplets , tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.

You might also like