Dula Sa Panahon NG Katutubo

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

A.

URI NG AWITING BAYAN

Ang awiting bayang ay ang mga sinaunang awitin ng ating mga ninuno na nabuo bago pa man tayo
sakupin ng mga kastila. Ito ay nasa anyong patula at kadalasang binubuo ng labin-dalawang pantig sa
bawat taludtod. Narito ang mga uri ng awiting bayan:

1. Balitaw- ang awiting bayan na ito ay isang tradisyunal na ginagawa ng mga Cebuano. Ito ay
pinaghalong awit, sayaw at sagutan sa pagitan ng isang babae at lalaki.

2. Kumintang o Tagumpay- ito ay


awiting bayan na tumatalakay sa
pakikidigma.

Halimbawa: Mutya ng Pasig


3. Kundiman- ito ay isa sa pinakatanyag na awiting bayan na tumatalakay sa pag-ibig. Noong unang
panahon ito ang ginagamit ng mga binata upang suyuin ang babae na kanilang nagugustuhan.

4. Kutang-kutang- ito ay isang uri ng awiting bayan sa lansangan.

Halimbawa: Paru- parong bukid


5. Dalit o Imno- ito ay isang uri ng awiting bayan bilang papuri, luwalhati, kaligayahan at pasasalamat sa
Diyos.

Halimbawa:

6. Diona- ito ay awit para sa mga ikinakasal.

Halimbawa:

Aanhin yamang saudi

O yen ng japayuki
Kung wala ka sa tabi

7. Dung-aw - ito ay awit para sa patay.

Halimbawa: Paglisan

8. Maluway - ito ay awit para sa


sama-samang paggawa o "work
songs".

Halimbawa:

9. Oyayi- ito ay awit na ginagamit


sa pagpapatulog ng bata.

Halimbawa:
10. Sambotani - ito ay awit sa tagumpay
sa pakikidigma.

Halimbawa:

11. Soliranin - ito ay


awit ng mga
mangingisda.

12. Talindaw - ito


naman ay awit ng mga
bangkero.
B. UGAT NG MGA ANYO NG DULA SA PILIPINAS

Ang mga dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katutubo bago pa man dumating ang mga
dayuhang mananakop. Ito ay sumasalamin sa mga pangarap ng bansa at dito ipinapakita ang mga
katutubong kultura, paniniwala at tradisyon ng mga Pilipino. Dito rin mamamalas ang iba't ibang anyo ng
kanilang pagmamahalan at uri ng lipunan. At higit sa lahat ito ay nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng
mga mamamayang Pilipino.

Ayon kay Cassanova, ang mga katutubo ay likas na mahilig sa awit , sayaw at tula at mga ritwal na
siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga katutubo ay mayaman sa epikong bayan na
kalimitang isinasalaysay sa pamamagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw at ritwal ay karaniwang
ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan , binyag, pagtutuli,ligawan, kasalan, kamatayan at iba pa.

C. EPIKONG BAYAN

Ang epikong bayan ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng


pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay
pawang kababalaghan at di kapani-paniwala. Ang salitang epiko ay nagsimula sa salitang griyego na
"epos" na nangangahulugang salawikain o awit. Isa itong mahabang sanaysay na anyong patula na
maaaring awitino isatono. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng
nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan.

Mga Anda ng Epiko:

1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa kanyang tahanan.

2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan.

3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa kanyang minamahal.

4. Pakikipaglaban at pakikidigma ng pangunahing tauhan.


5. Mamamagitan ang isang bathala upang matigil ang labanan.

6. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo.

7. Pagkamatay at muling pagkabuhay ng bayani.

8. Pagbabalik ng bayani sa
sariling bayan.

9. Pag-aasawa ng pangunahing
tauhan.

Mga halimbawa:

Biag ni Lam-ang(buhay
ni Lam-ang) - Iloko

Bantugan- Muslim
Maragtas- Visayas

 Darangan(pinakamahabang epiko) -Mindanao

Bikal at Balak- ito ay dalawang uri ng awit.


Bikal- ito ay maaaring awitin ng dalawang babae o dalawang lalaki. Ang mga mang-aawit ay
magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang panig ng silid,habang nasa gitna ang mga manonood. Sa mga
berso ng awit ay nagtatalo ang dalawa at hinahalungkat ang kasiraan o kapangitan ng bawat isa. Sa
ganitong pagkakataon lalong nag-iinit ang pagtatalo dahil ang mga manonood ay may kanya-kanyang
kinakampihan.

Balak- ito naman ay ang pagsusuyuan ng dalaga't binata sa pamamagitan ng awit na maindayog at
matalinghaga. May mga pagkakataong gumagamit ang dalawa ng kudyapi at sa pamamagitan ng
pagtugtog nito ay naipararating ng bawat isa ang kanilang niloloob at damdamin.

Karilyo - maraming mga mananaliksik ang nagsasabk na ang uri ng dulang ito'y dala rito sa ating bansa
ng mga unang nanirahan dito. Ito ay dahil sa pagkakahawig ng karilyo sa Warang Orang at Warang
Purya ng Java. Ang dulang ito ay ginagampanan ng mga ginupit na karton. Ang nagpapagalaw ng mga
anino ng karton ay ang mga mandudula sa likod ng puting tabing.

Hugas Kalawang - Isang tradisyon ng mga taga gitnang Luzon. Isinasagawa ito pagkaraan ng pagtatanim
ng palay, ang mga magsasaka ay gumagawa ng damara sa tumana o sa taniman. Naghahandog ng
premyo ang may-ari ng lupa para sa pinakamabilis magtanim. Pagkatapos magtanim sila ay maghuhugas
ng kamay, susundan ito ng kainan at kasiyahan habang nagkakantahan, nagsasayawan,
nagkukwentuhan at nagtutuksuhan. Ito ay nagtataglay ng mimesis sapagkat ang gumaganap dito ay
pawang mga magsasaka at may-ari ng lupa.
Dalling-Dalling - Ito ay isang tradisyon na anyo ng dula ng mga Tausug sa Sulu. Ang salitang "dalling-
dalling ay nangangahulugang" mahal ko". Ito rin ay isang ritwal na nag-aanyaya sa mga manonood na
umawit habang ang magsing-irog ay sumasayaw. Ang mga babae at lalaki ay nagliligawan sa
pamamagitan ng pag-awit ng kanilang mga niloloob. Kadalasan ang mga manonood ay kumakanta rin ng
may himig ng panunudyo lalo na at bagay na magkapareha ang nagliligawan.

You might also like