Paghahambing Sa Christmas Id NG Abs

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PAGHAHAMBING SA CHRISTMAS ID NG ABS-CBN, GMA AT TV5

IKAW ANG LIWANAG AT LIGAYA - ABS-CBN CHRISTMAS STATION ID


2020

Sa isang iglap mga ngiti’y natakpan.


Mahigpit na yakap, kailangang pakawalan.
Dumaan ang dilim, napuno ng bituin.
Sa iyong lilim, pag-ibig mas nagningning.

Hinahanap ang kahapon sa panibagong ngayon.


Marami ang nagbago, ngunit ‘di ang pagmamahal mo.

Ngayong pasko, magdiriwang ang mundo.


Sa pag-ibig mo’y may himala, may panibagong simula.
Ngayong pasko, babalik ang saya.
Dahil ikaw ang liwanag at ligaya.

Ikaw lang, ikaw lang


Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya

Kami ay may lakas, na harapin ang bukas.


Ikaw ang gabay sa bawat landas.
Gawin kaming liwanag para sa isa’t isa.
Pag-asang sumisinag sa pamilya at sa kapwa.

Ngayong pasko, magdiriwang ang mundo.


Sa pag-ibig mo’y may himala, may panibagong simula.
Ngayong pasko, babalik ang saya.
Dahil ikaw ang liwanag at ligaya.
Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya

Sa mahabang gabi tumigil ang mundo.


Sa pag-asang dala mo, tuloy ang pasko.

Liwanag, ligaya, Light, Joy


Claridad, Alegria, Kasanag, Kasadya
Lamrag, Kalipay, Sahaya, Kakuyagan
Kahayag, Kalipay, Raniag, Ragsak

Liwawa, Liket, Sigay, Lilini


Liwanag, Kaogmahan, Sulu at ing tula
Kibou, Yorokobi ,Illumina, Gioia
YangGuang, XiYue, Lumiere, Joie

Bit, Jeulgeoum, Adwaa’, Farah


‘Or’, Osher, Luz, Alegria

Liwanag at ligaya nagmumula sa’yo


Ikakalat sa mundo.
Ngayong pasko, magdiriwang ang mundo.
Sa pag-ibig mo’y may himala, may panibagong simula.

Ngayong pasko, babalik ang saya.


Dahil ikaw ang liwanag at ligaya.
Ngayong pasko, magdiriwang ang mundo.
Sa pag-ibig mo’y may himala, may panibagong simula.
Ngayong pasko, babalik ang saya.
Dahil ikaw ang liwanag at ligaya.
Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya

GMA Christmas Station ID 2020: Isang Puso Ngayong Pasko

Kailangan muling bumangon


Ang pusong humaharap sa hamon
Patuloy na nananalangin
Umaasang ito'y diringgin

Sugat at sakit ng kahapon


Maghihilom din sa tamang panahon
Hindi mawawala lahat ng tiwala
Sa pag-ibig na nagmula sa kanya

Ang pangako ng puso


Ibahagi ang liwanag ng pasko

Isang puso ikaw at ako magkakasama tayo


Isang puso ngayong pasko
Nagmamahalang totoo
Isang puso ikaw at ako
Nagkakaisa tayo
Isang puso ngayong pasko
Para sa Pilipino
Isang puso ngayong pasko (woah oh)
Isang puso ngayong pasko

Saan man tayo patungo


Mundo man natin ay magbago
Magpapatuloy ang buhay
Kung puso man magsisilbing gabay

Ang pangako ng puso


Ibahagi ang liwanag ng pasko

Isang puso ikaw at ako magkakasama tayo


Isang puso ngayong pasko
Nagmamahalang totoo
Isang puso ikaw at ako
Nagkakaisa tayo
Isang puso ngayong pasko
Para sa Pilipino
Isang puso ngayong pasko (woah oh)
Isang puso ngayong pasko

Walang hindi magagawa


Kung lahat tayo ay sama- sama
Buong pusong nagmamahalan
Para sa Pilipino at buong mundo

Isang puso ikaw at ako magkakasama tayo


Isang puso ngayong pasko
Nagmamahalang totoo
Isang puso ikaw at ako
Nagkakaisa tayo
Isang puso ngayong pasko
Para sa Pilipino
Isang puso ikaw at ako magkakasama tayo
Isang puso ngayong pasko
Nagmamahalang totoo
Isang puso ikaw at ako
Nagkakaisa tayo
Isang puso ngayong pasko
Para sa Pilipino
Isang puso ngayong pasko (woah oh)
Isang puso ngayong pasko

Isang puso ngayong pasko (woah oh)


Isang puso ngayong pasko

Ang Christmas ID naman ng ABS-CBN ay pinamagatang “Ikaw ang Liwanag at


Ligaya”. Ito ay binubuo ng labing-apat na saknong at bawat saknong ay magkakaiba
ang dami ng taludtod. Mayroong saknong na binubuo ng dalawang taludtod, may anim
na taludtod, walong taludtod at ang karamihan sa saknong ay binubuo ng apat na
taludtod. Karamihan o halos lahat ng saknong ay walang tugma at iba-iba ang sukat
nito. Ang kanta na ito ay patungkol sa mga nagyari sa taong ito, ito ay ang pandemya
sa COVID-19, iba’t ibang natural na sakunang naganap at ang pagkakasara ng ABS-
CBN brokast. Nagpapakita ng kaisahan ang kantang ito na dapat hindi mawalang ng
pag-asa sa kahit anumang problema ang nangyari at dumating sa ating buhay at
magpapatuloy ang pasko dahil ang Panginoon ang magbibigay sa atin ng liwanag o
pag- asa ngayong pasko. Ipinapahiwatig rin ng kanta na ang Panginoon ang
pinagmulan ng liwanag at ligaya. Kahit ano pang hamon ang nangyari ay magpapatuloy
parin ang pasko dahil ang Panginoon ang nagdadala ng liwanag at ligaya sa bawat isa.
Ito rin ay patungkol sa pagbangon sa kabila ng lahat ng nangyari sapagkat nandiyan
ang Panginoon at hindi tayo pababayaan. Kahit anumang unos ang dumating ay hindi
dapat mawalan ng pag-asa at magtitiwala lang sa Panginoon na matatapos rin ang
lahat ng ito. Napapalooban ang kantang ito ng matatalinghagang salita katulad ng
linyang “sa isang iglap mga ngiti’y natakpan”, na ang ibig sabihin ay ang pagsusuot ng
mask dahil sa COVID-19, isa pa ay ang linyang “ mahigpit na yakap, kailangang
pakawalan” na ibig sabihin ay hindi pweding magyakapan o makakadikit ang bawat isa
dahil magkahawaan ng mikrobyo at isa rin sa mensahi o kahulugan nito ay ang
mahigpit na pagkakayakap sa ABS-CBN brodkast o kanilang istasyon na kailangan na
nilang pakawalan sapagkat ito ay ipinasara na at sa ang huling nakita naming
matalinghayang salita ay ang salitang “liwanag” na kung saan ito ay nangangahulugang
pag-asa.

Ang Christmas ID ng GMA ay pinamagatang “Isang Puso Ngayong Pasko”. Ito


ay binubuo ng labing-isang saknong at sa bawat saknong ay magkaiba ang dami ng
taludtod. Mayroong saknong na binubuo ng dalawang taludtod, may pitong taludtod,
may siyam na taludtod at ang karamihan ay binubuo ng apat na taludtod. Lahat ng
saknong maliban sa pang-walang saknong ay mayroong tugma ngunit ang kantang ito
ay walang sukat. Nagpapakita ng kaisahan ang kanta ng GMA na kung saan ito ay
patungkol sa pagkakaisa ngayong pasko. Kahit na dumaranas tayo ng pandemya
ngayon ay kailangan nating bumangon at harapin ang lahat ng hamon ng
magkakasama dahil walang hindi kayang gawin at lahat malalampasan kung tao ay
magkakasama. Ang salitang “Isang Puso” ay matalinghagang salita sapagkat ito ay
may maraming kahulugan na ipinapahiwatig sa kanta. Sa salitang “isang puso”, sa
aming palagay ang ibig sabihin nito ay iisa lang an gating hangarin, dalangin at hiling
ngayong pasko yun ay ang maghilom na ang lahat ng sugat dulot ng mga kalamidad na
nangyari katulad ng mga nagdaan mga sakuna at matapos na ang pandemya sa
COVID-19.

Ang panghuli naman ay ang Christmas ID ng TV5 na pinamagatang “Tuloy Pa


Rin ang Pasko, Kapatid”. Ito ay binubuo ng sampung saknong at sa bawat saknong ay
magkakaiba ang bilang ng tuludtod. Mayroong saknong na binubuo ng dalawa at isang
taludtod at ang karamihan ay binubuo ng apat at walong taludtod. Ang kantang ito ay
mayroong tugma sa lahat ng saknong ngunit wala itong sukat. Tuloy pa rin ang pasko
kahit na may mga hamon ang sumubok sa atin ngayong taon. Nagpapakita ng kaisahan
ang kantang ito dahil mula simula hanggang sa huli ang nais nitong iparating ay
magtulungan tayong lahat o ang pagkakaisa ang magbubuklod sa ating lahat sa kabila
ng mga pandemya at itutuloy o tuloy pa rin ang pasko sa kabila ng mga pagsubok. Ang
isa sa nakita kung matatalinghagang salita ay ang “liwanag” na kung saan ito ay
nangangahulugang may pag-asa.

Sa aming palagay ang mas maganda sa tatlong Christmas ID ay ang ABS-CBN


Christmas ID na pinamagatang “Ikaw ang Liwanag at Ligaya”, kahit na wala ito sukat at
tugma. Maganda ang kantang ito dahil sa mensahing ipinahahayag na kung saan ay
tagos sa puso. May kaugnayan ang kanta nila sa kasalukuyang nangyayari sa ating
paligid. Kung titingnan naman ang kanilang opisyal na bidyo nila ay napakaganda ng
pagkakabuo at angkop na angkop sa mensahi ng kanta sa ipinapapakita sa bidyo. Kung
sa liriko naman ang titingnan ay gumamit sila ng iba’t ibang lingguwahi sa salitang
liwanag at ligaya na kung saan para sa amin ito ay kakaiba at parang sumisimbolo ito
ng pagkakaisa.

You might also like