SANGKAP

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 53

ELEMENTO

NG TULA
Ang mga popular o gamiting sukat sa tulang
Tagalog ay kinabibilangan ng :

1. Aanimin (6)
2. Pipituhin (7)
3. Wawaluhin (8) at
4. Lalabindalawahing pantig (12)

May sisiyamin (9) at sasampuin (10) ngunit


bihirang gamitin.

- Ayon kay Rizal sa Artikulong “Arte del Metrica


Tagalog”
Halimbawa ng Pipituhin (7)

Tinaga ko sa gubat,
Sa bahay nag-iiyak.

(Isang Bugtong)

Katitibay ka, tulos,


Sa darating na agos,
Ako ay munting lumot
Sa iyo’y pupulupot.

(Tanaga)
Halimbawa ng Pipituhin (7)

O mutya, aking mahal,


Kanina sa paglisan
Mula dampa’t bakuran
Lahat kong aning palay,
Iniwang nakatinggal
Dahil ngayo’y ang pakay,
Higit pa sa palay lang
Butihin kong katuwang
Sa tubiga’t parang man
Kasamang naglalakbay
Kapiling sa higaan!

(Ambahan, Salin)
Halimbawa ng Wawaluhin (8)

Iyong itulot sa amin,


Diyos Amang maawain,
Mangyaring aming dalitin,
Hirap, sakit at hilahil
Ng anak mong ginigiliw.

(Isang Saknong mula sa Pasyong Mahal ni Hesukristong Panginoon


Natin)

Pitong awit, bawat isa


Balahibo’y iniiba
At may kanya-kanyang gandang
Sa tingin ay may gayuma

(Isang saknong mula sa Koridong ibong Adarna)


Halimbawa ng Lalabindalawahin (12)

Kung pagsaulan kong basahin sa isip


Ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
May mahahagilap kayang natititik
liban kay Selyang namugad sa dibdib?

(Isang Saknong ng “Kay Celia,” Florante at Lauura, Balagtas)


Ang sukat na lalabindalawahing pantig ay may
Caesura o sesura (Pahinga at Hati) sa pagitan ng
ikaanim at ikapitong pantig.

Ano ang ibig sabihin?

Ibig sabihin, hindi dapat lumampas sa anim na


pantig ang unang hati, na ang hati ng ganitong
sukat ay anim-anim (6/6)

(Ayon kay Rizal)


Mga Halimbawa:

Literaryong Awit
1. Bernardo Carpio
2. Florante at Laura, etc

Awiting-Bayan Aling pag-ibig pa / ang hihigit kaya


1. Doon Po sa Amin Sa pagkadalisay / at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig / sa sariling lupa?
Kundiman Aling pag-ibig pa? / Wala na nga, wala.
1. Jocelynang Baliwag

Tula
1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa (Andres Bonifacio)
Noong huling dako ng siglo 20 at sa
kontemporaryong panahon,

 ilang pangunahing makata ang


gumamit/gumagamit ng
nasabing sukat na may hati
namang apat-apat-apat (4-4-4)
na pantig. Ang pag-ibig / ay gerilyang /
sakdal-pusok
 Dito walang salitang lumalabas Kapag bawal / may granadang /
sa apat na pantig. ititibok;
Malinlang man / sa pangakong /
marurupok,
 Mapapansin sa tulang “Di na Bumabangong / mas magiting /
Tayo Umiibig Tulad Noon” ni makilahok.
Rio Alma (Virgilio Almario,
Pambansang Alagad ng Sining at
Panitikan)
- Tinatawag na tugma o rima
- Ang pagsisintunugan o pagtutugmaan ng mga
huling pantig ng salita ng dalawa o higit pang
taludtod.
Halimbawa ng panloob at
panlabas:
TUGMAANG PANLABAS O
PANDULO Samantala,
- Tugmaang matatagpuan Tila kayo mga tinggang
sa huling pantig ng tinutunaw;
taludturan Tinutuyo, kinakatha’t
tahimik na nag-iiwan
TUGMAANG PANLOOB Ng masinsin at matiim
- paminsan-minsang na pilat ng kabiguan.
matatagpuan sa loob ng
(Mula sa “Pruweba,” Lamberto E.
taludtod, bukod sa tugmaan Antonio)
sa dulo.
2.
Anong Payo ni Rizal?
Payo ni Rizal
Anong Payo ni Rizal?
 Upang maging madulas, kasiya-siya, at mainam
sa pandinig ang tugmaan, kailangang hindi
magkakatulad ang mga huling katinig at tuldik ng
pantig.
 Maaaring makasawa ang paulit-ulit na tugmaang
panlabas kung pawang mabibilis, pawang
mararagsa at malulumi at pawang malulumay.
 Marapat na iwasan ang isahang tugmaan sa
dalawa o higit pang magkakasunod na saknong.
(sadyang nakasasawa kung lahat ng saknong ay
may tugmaan sa –an)
Anong Payo ni Rizal?
 May mga pagkakataong kailangan ang pag-uulit ng
tugmaan para makalikha ng angkop na indayog, himig, at
bisang estetiko, ngunit ang kawalang baryedad ay di
malayong magbunga ng kabagot-bagot na pahayag.
 Maaaring magkatugma ng huling salita ang isa o
dalawang salita sa loob ng taludturan, ngunit iniiwasan sa
caesura – sa ikaanim na pantig, kung lalabindalawahing
pantig.
 May mga pagkakataong ang lalabindalawahing pantig
na taludtod ay sinasalitan ng magkatugmang dalawang
taludtod na lalabindalawahin o kaya’y magkatugmang
aanimin, o isang aaniming tumutugon sa lalabindalawahin
o lalabingwaluhin.
Halimbawa:
Sa kulungang yaon na dalawang dipang kahong parisukat
sa napakalaking bilangguang hindi malipad ng uwak,
isang dambuhalang bibig ni Satanas,
siya’y nag-iisang sa mundo’y tiwalag.
Waring nabaligtad
ang mundo at siya’y sa ibang lupalop biglang nabalibag;
gayunman, ang kanyang isipa’t pandamdam ay lalong tumalas:
bilang niyang lahat
ang kawil ng oras,
ang panaho’y parang panyolitong itim sa luha magdamag;
magaspang at pangit na nagbukang sugat
ang mga tanawin, anino’t hinagap
sa loob at labas
ng seldang piitan, abot man o lingid sa kanyang pagmamalas –
ang masinsing banig na bakal, ang rehas,
ang kabi-kabila ay moog na batong malamig, matigas
Sangkap ng Tula
Kariktan
SANGKAP
1. Tunog
Sinasabing napakaganda sa tula ang pagkakapare-
pareho ng tunog ng mga huling pantig ng mga
salita, bagama’t bukod diyan, ang tunog ay nagiging
kasangkapan din ng makata upang makapaghatid ng
isang madamdamin, sensuwal at matalinong
karanasan.

Halimbawa:

Iyang kamay na sulak at nagpabulas sa bulto


Iyag kamay na kumatam at kuminis sa anggulo
Iyang kamay na naglapat, nagpako at nagmartilyo
Uri ng Tunog
A. Aliterasyon:
- Ito ay ang pag-uulit ng isang tunog ng isang
katinig na ginagamit sa magkakalapit na salita o
pantig.

Halimbawa:

Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan,


Titik kong masigla ng lumang talindaw

(“Dalampasigan” – Teodoro Agoncillo)


Uri ng Tunog
B. Asonansya
- Ang pag-uulit ng tunog ng isang pantig.

Halimbawa:

Ang buhay ng tao at sa taong palad


Nasa ginagaya ang halaga’t bigat
May mga mayaman na dapat umiyak
At may dukkha namang magalak ang dapat
May mangmang na laging ang mata ay dilat
At mayroong marunong na lagi nang bulag.

(“Ang Buhay ng Tao” – Jose Katindig)


Uri ng Tunog
C. Onomatopeya
- Ang pagkakahawig ng tunog ng salita at ang diwa
dito.

Halimbawa:

Kumaluskos ang dahoon


Sumalpok ang alon
Sa luhang dumaloy
Lumagaslas ang talon
Kulog ay dumagundong
Lumagablab ang apoy

(“Harana ng Kalikasan”)
SANGKAP

2. TALINGHAGA
Higit na mabuti at mabisa kung ang mga salitang ito
ay ihahayag sa iba’t ibang uri ng talinghaga.

Sa panulaang Filipino, pinakagamitin na ang mga ss:


TAYUTAY
- Ito ay isang sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng
mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at
kaakit-akit ang pagpapahayag.

• Pagtutulad
• Pagwawangis
• Pagsasatao
• eksaherasyon
PAGTUTULAD
HALIMBAWA:

Ang tula ay parang bulaklak; may bango!


May bulaklak na walang bango, walang tula!
Ang tula ay parang pintura, may kulay!
May pinturang walang kukay, walang tula!

(Ang Tula, Jose Corazon de Jesus)


SANGKAP

2. TALINGHAGA
SALAWIKAIN/kawikaan (Proverbs)
- Ginagamit sa isang pangungusap o pahayag upang
bigyang-diin ang isang kaisipan o punto. Ito ay isang
maikling pangungusap na makabuluhan at kapaki-
pakinabang kung gagamitin bilang gabay sa ating
pang-araw-araw na buhay.

HAL.
1. Kung walang tiyaga, walang nilaga
2. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
3. Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin
SANGKAP

2. TALINGHAGA
SAWIKAIN (IDIOMS)
- Grupo ng mga salitang patalinghaga at ‘di
tuwirang naglalarawan sa isang bagay, sitwasyon,
o pangyayari.

HAL.
1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Hal: abot-tanaw ko na aking pangarap
SANGKAP

3. LARAWANG – DIWA
- “Imagery”
- Tumutukoy sa mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-
iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa.
- Ang mga salitang ito ang magpapamalas sa panlasa, pang-
amoy, paningin, at iba pang persepsyon ng mambabasa.

Halimbawa:
May paambon-ambon, may tika-tikatik
na sinasabayan ng kulog at lintik;
May unos at bagyong nakatitigatig
Sa lalong payapa’t matimping dibdin
SANGKAP

4. SIMBOLO
- Ito ang salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng
kahulugan sa isipan ng mambabasa.
- Halimbawa, may kahulugan ang bawat kulay:
Puti – kalinisan
Asul – kapayapaan
Pula – katapangan

Iba pang Simbolo


Araw o liwanag -
KONOTASYON
- Ito ay isang pansariling kahulugan ng isa
o grupo ng tao sa isang salita
- Ang kahulugan ng konotasyon ay iba sa
pangkaraniwang kahulugan

HAL.
Ang batang lalaki ay talagang may gintong
kutsara sa bibig.
Gintong kutsara – mayaman o maraming
pera ang pamilya
DENOTASYON
- Ito ay kahulugan ng salita na
metatagpuan sa diksyunaryo
- Literal o totoong kahulugan ng salita

Hal.
Pulang rosas – uri ng rosas na kulay pula
Ginto – isang uri ng metal na kumikinang

-
TULA

ELEMENTO SANGKAP
Lalabingwaluhin
Aanimin Wawauhin Sisiyamin
SUKAT Pipituhin Lalabindalawahin sasampuin
aliterasyon
Quatrain
Couplet TUNOG asonansya
SAKNONG quintet
Tercet
Sestet Onomatopeia
octave
Tugmaang Ganap Tayutay
TUGMA
Tugmaang ‘Di Ganap TALINGHAGA sawikain
TEMA salawikain

TONO/HIMIG
LARAWANG-DIWA
ARMONYA/MUSIKA
konotasyon
DIKSYON
SIMBOLO
denotasyon
KARIKTAN
Salamat po sa Pakikinig!

-titserabe.page

You might also like