Esp 9 - 1st Quarter

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Philippine Professional Standard for Teachers (PPST)

Results-Based Performance Management System (RPMS)

Baitang at Pangkat: IX - AGUDO Petsa: Hulyo 16,2019


Asignatura / Markahan: EsP / UNA Oras: 10:00 hanggang 11:00 ng umaga

Banghay – aralin sa Pagtuturo ng EsP sa Ika-siyam na Baitang

I. Kasanayang Pampagkatuto:
 Napatutunayang ang mabuting ekonomiya ay iyong napapaunlad ang lahat at
hindi lang para sa sariling pag-unlad.( EsP9PL-If-3.3)
Mga Layunin:
Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 nakapagbibigay-hinuha sa mga katangian ng mabuting ekonomiya


 nakapagbibigay-patunay sa kaugnayang taglay ng pag-unlad ng sarili at pag-unlad
ng bayan sa lipunang pang-ekonomiya
 natutukoy ang kahalagahan ng pagiging patas sa lipunang pang-ekonomiya

II. Nilalaman:

A. Paksa: Lipunang Pang-ekonomiya

B. Gabay na Tanong:
 Paano makatutulong ang pagiging patas sa pagkakaroon ng isang maunlad na
ekonomiya?

C. Mga Sanggunian:
 Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul ng mga Mag-aaral , pp.36-49 , internet

D. Mga Kagamitan:
 manila paper,marker,scotch tape

E. Mga Estratehiya sa Pagtuturo:


 4a’s,Pangkatang Gawain, Multiple Intelligences

F. Halagang Pangkatauhan:
 Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang kanyang sarili sa bunga ng
kanyang paggawa.

III. Yugto ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin at pagbati
2. Pagpapaayos ng mga upuan at pagpapapulot ng mga dumi (kung kinakailangan) bago
umupo
3. Pagtsek ng attendans
Philippine Professional Standard for Teachers (PPST)
Results-Based Performance Management System (RPMS)

4. Pagbabalik-aral (Fist of Five)


Panuto: Ipakikita ang bilang ng mga daliri ayon sa katumbas nitong antas ng pagkaunawa o
pagkatuto sa nakaraang aralin.5 daliri – alam at kayang ipaliwanag sa iba, 4 daliri – kung nagagawa
nang ipaliwanag mag-isa, 3 daliri – kailangan pa ng tulong sa pagpapaliwanag,2 daliri – kailangan
pang mag-aral,1 daliri – nagsisimula pa lamang matuto.

 Naipaliliwanag ko ang kahulugan ng lipunang politikal

 Natutukoy ko ang kaibahan ng prinsipyong subsidiarity sa prinsipyong solidarity

 Nabibigyang-kahulugan ko ang pamamahala bilang usapin ng pagkakaloob ng


tiwala

 Nasusuri ko ang pananagutan ng pinuno at pananagutan ng mamamayan para


makamit ang kabutihang panlahat

Paglalahad ng mga layunin

- Ipababasa ang mga layunin sa klase.Pipili lamang ng mga mag-aaral na magbabasa sa


bawat layunin.

5. Mga paalala

- Ano ang dapat gawin habang isinasagawa ang talakayan?

B. Pagganyak (Think-Pair-Share)

Panuto: Pumili ng kapareha at pag-usapan ang magiging sagot sa problemang ibibigay


ng guro.Bibigyan lamang ang mga mag-aaral ng dalawang minuto para makapag-usap at
pipili ang guro ng magbabahagi ng kanilang kasagutan.

“Kung mayroon kang isandaang tinapay na dapat ipamigay sa isandaang


tao, ano ang pinakamabisang paraan sa pagbabahagi nito?”

C. Paghawan ng balakid (Pangkatang Gawain)


Panuto: Pumili ng wastong salita na angkop sa patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.Isusulat ang sagot sa cardboard at itataas ayon sa senyas ng guro.Pipiliin
ng mga mag-aaral ang kasagutan sa loob ng kahon.

Tao sino pangangailangan


iba yaman at gamit sa paligid kapwa

 Bahagi ng pagiging _____ ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan.


 Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging _____.
Philippine Professional Standard for Teachers (PPST)
Results-Based Performance Management System (RPMS)

 Ang angkop na pagkakaloob sa isang tao ayon sa kanyang ______ay prinsipyo ng


proportion.
 Una ang halaga ng ____ bago ang tinapay.
 Nariyan ang ____ upang umayon sa layunin ng mga tao.

D. Paglalahad
- Sagutin:
“ Bakit sinasabing ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay?”
E. Pangkatang Gawain: (Pangkatang Gawain)
Panuto: Ibigay ang kaugnay na mga ideya sa pahayag sa pamamagitan ng dalawang
pangungusap lamang.Bibigyan ang bawat pangkat ng tatlong minuto lamang para makapag-isip.

 Unang Pangkat: “Ang tunay na mayaman ay nakikilala ang kanyang sarili sa


bunga ng kanyang paggawa ”

 Ikalawang Pangkat: “Angkop na pagkakaloob ayon sa pangangailangan”

 Ikatlong Pangkat: “Pagtatrabaho upang maging produktibo”

 Ikaapat na Pangkat: “Mahalaga ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan”


F. Pagsusuri
Mga Gabay na Tanong:

 Ano-ano ang mga katangiang taglay ng mabuting ekonomiya?


 Ano ang tamang ugnayan ng tao sa kanyang pag-aari?
 Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman kaysa sa pantay na
pamamahagi?
 Paano nagkakaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan? Patunayan.
G. Paghahalaw

- bibigyang-kahulugan ang ekonomiya


- maikling pagpapaliwanag ng guro ukol sa maunlad na ekonomiya
- epekto at halaga ng maunlad na ekonomiya sa tao
- kahalagahan ng patas na pamamahala ng lipunan at yaman nito
- pagbibigay-linaw sa pagkakaiba ng pagiging pantay-pantay at pagiging patas

H. Paglalapat

Pangkatang Gawain

Panuto: Ang mga mag-aaral ang siyang pipili kung anong uri ng gawain ang isasagawa nila
batay sa iisang paksa na ibibigay ng guro.Gagawin nilang gabay ang mga pamantayang
ibibigay ng guro at ilalahad din niya ang rubrik na siyang magiging batayan sa pagmamarka.

Paksa: “Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa


kolektibong pag-unlad ng bansa”

Mga Pagpipiliang Gawain:


 Buzz session
Philippine Professional Standard for Teachers (PPST)
Results-Based Performance Management System (RPMS)

 Maikling dula-dulaan
 Pag-awit/komposisyon ng kanta
 Pagsasayaw
 Pagbabalita
 Paggawa ng komersiyal

Rubrik sa Pagmamarka:

Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Hindi


(4) (3) Mahusay (2) Mahusay (1)
Orihinalidad
Pagkamalikhain
Kaugnayan sa paksa
Kabuuang Impak ng Pagtatanghal
Kooperasyon
Kabuuang Marka (20 puntos)

 Pagkatapos ng presentasyon ng mga awtput, magbibigay ng puna ang guro.

IV. Pagtataya:
Panuto: Sagutin gamit ang dalawa hanggang tatlong pangungusap.
Tanong: Sa iyong sariling kaparaanan,paano ka makatutulong upang magkaroon ng isang mabuti at
maunlad na ekonomiya ang ating bansa?

V. Takdang-aralin:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita:
1. Sibil
2. Media
3. Simbahan

Inihanda ni:

JUDITH P. CAMPOS
Guro

Iniwasto ni:

ROMULO Q. MORATA
Punong-guro
Philippine Professional Standard for Teachers (PPST)
Results-Based Performance Management System (RPMS)

You might also like