Mga Elemento NG Kabutihang Panlahat: Edukasyon Sa Pagpapakatao 9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

UNANG MARKAHAN
Quarter 1 Week 1 Day 1 Activity No. 1
Competency : Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat
Objective : Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto
Topic : LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT
Materials : Book,laptop, internet
Reference : Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015 ed

Concept Notes
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
Ang kabutihang panlahat ay binubuo ng tatlong mahahalagang elemento (Compendium of the
Social Doctrine of the Church):
1. Ang paggalang sa indibidwal na tao. Dahil ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa
kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung hindi kikilanin at pahahalagahan ang kaniyang
dignidad. Sa dignidad nakakabit ang iba’t ibang karapatang kailangang igalang at hayaang
gamitin ng tao sa lipunan. Upang maging makatarungan ang isang lipunan, kailangang
nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibidwal ay kinikilala,
iginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan.
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat. Ang pag-unladang
kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mgatao. Karaniwang sinusukat ito
halimbawa sa mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan; epektibong pampublikong
pangkaligtasan atseguridad; kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo;makatarungang
sistemang legal at pampolitika; malinis na kapaligiran atumuunlad na sistemang pang-ekonomiya. 
3. Ang kapayapaan(peace). Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay angpagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ngaspekto ng buhay tulad ng isip, kalooban, pamilya,
lipunang ginagalawan at ibapa, subalit ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng
katahimikan,kapanatagan at kawalang ng kaguluhan. Mayroong kapayapaan kapagiginagalang ang bawat
indibidwal at umiiral ang katarungan. 
Pinapakahulugan ng mga elementong ito na ang kabutihang panlahat ay hindi lamang nangyayari nang kusa. Upang
makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat,nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng mga tao, hindi ng
iilan lamang kundi nglahat. Halimbawa, kahit na anong pagnanais ng pangulo ng isang bansa na matiyak na
hindimananaig ang korapsyon sa pamahalaan, hindi siya magtatagumpay kung hindi ito yayakapin ng lahat ng mga
namumuno sa ilalim ng kaniyang pamamahala. Nakalulungkot nga lang isipingbagama’t nauunawaan ng ilan ang
kahalagahan at kapakinabangan ng pag-ambag sa pagtamo ng kabutihang panlahat, may mga ilan pa ringhindi
nakikisangkot at nakikiisa upang matamo ito. Ang hamon ng dating pangulo
ng Amerika na si John F. Kennedy na: ‘Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa
iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyongbansa”,ay nanatiling totoo maging sa
sitwasyong ito.

Pagsasanay: Sagutin ang mga katanungan ayon sa hinihiling.


1. Sa iyong tingin, anu-ano ang mga katangian ng isang matiwasay na lipunan. Damihan ang sagot.
Isulat ang sagot sa ibaba:

2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan?


Ipaliwanag.

Name:

Para sa mga katanungan: 0949-373-2219

You might also like