DLL Demo ESP 9

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Region I
DIVISION OF LA UNION
Castor Z. Concepcion Memorial National High School
Balaoan, La Union 2517
Tel. No. (072) 607-0597 “Touching Lives, Nurturing Minds, Pursuing Excellence”
Email Address: [email protected]

MODIFIED LESSON PLAN IN ESP 9-Mangga


MODYUL 2: Lipunang Pulitikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa
July 10, 2019 (Wednesday)

I. Kasanayang Pampagkatuto:
2.3. Napatutunayan na:
a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na makakamit niya
lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultural, at pangkapayapaan.
II. Pamantayang Pangnilalaman:
a. Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa kung bakit may lipunang pulitikal at ang Prinsipyo
ng Subsidiarity at Pagkakaisa.
III. Pamantayan sa Pagganap:
a.Nakapagtataya o nakapaghuhusga ang magaaral kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity
at Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa
gamit ang case study.
CODE: EsP9PLId-2.3
II. Nilalaman:
Paksa: Bakit may Lipunang Pulitikal at Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa.
Mga Batayan: Batayang Aklat ng mga Mag-aaral
http://www.inquisition.ca/en/polit/artic/solidarite.htm
http://www.federalunion.org.uk/subsidiarity-man/

Mga kagamitan: laptop, TV, pictures, glass board, meta strips, pentel pen, manila paper, masking tape

III. Pamamaraan:

Teacher’s Activity Students’ Activity


Paunang Gawain:
1. Manalangin muna tayo. 1. Aawitin ng mga mag-aaral ang awit panalangin.
2. Magandang umaga sa inyong lahat! 2. Magandang umaga po Maam!
3. Meron bang lumiban sa klase? 3. Wala po Maam.
4. Sa nakaraan nating pag-aaral ay natalakay 4. Ito po ang kabutihang panlahat.
natin ang layunin ng lipunan. Ano ba ang
layunin ng lipunan?

Para makamit natin ang kabutihang panlahat ay


kailangan nating isaalang-alang ang kabutihan ng
lahat at hindi ng nakararami. Bilang bahagi ng ating
pagsusulong sa kabutihang panlahat ay mahalaga na
maunawaan natin ang mga konsepto at maisagawa
ang mga gawain sa susunod na aralin.
A. GAWAIN:
Share mo lang!
1. Ano- anu ang mga larawan na nakikita ninyo? 1. Isa-isahin ng mga piling mag-aaral ang kanilang
mga nakikita.
2. Kung pagdudugtungin mo ang mga larawan, ano 2. Ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pakikiisa
kaya ang mabubuo mong ideya na nais ipabatid ng sa lipunang ating ginagalawan.
mga larawan na ito?

B. PAG-ANALISA:
BAHAGI MO, BAHAGI KO, MAGKAISA
TAYO!

Pangkatang Gawain:
Magpangkat sa apat at talakayin ang mga tulong na Magpapangkat ang klase at tatalakayin ang mga ito
nagagawa ng gobyerno para sa mamamayan, at ibabahagi sa klase.
suporta ng mamamayan sa gobyerno at tulong ng
mamamayan sa kanyang kapwa. Maghanda para sa Pagbabahagi ng awtput ng bawat pangkat sa klase.
pagbabahagi ng pangkat sa klase.
Mga pamprosesong katanungan:
1. Batay sa mga sagot ng mga pangkat, anong uri Ang mga tagapamuno ay nararapat na ipagkaloob
ng ugnayan ang nararapat sa pagitan ng pinuno ang mga serbisyo na nararapat para sa kanyang
ng pamahalaan at ng mamamayan? Anong uri mamamayan. Ang mga mamamayan ay dapat na
nagtututlungan at nagkakaisa.
ng ugnayan naman ang nararapat sa pagitan ng
mamamayan sa kapwa mamamayan?Bakit?

2. Sa unang hanay, bakit mahalagang tulungan ng


Dahil responsibilidad ng pamahalaan na ipagkaloob
pamahalaan ang mga mamamayan nito? ang pangangailangan o tulong para sa mga
mamamayan.
3. Sa ikalawang hanay, bakit mahalaga na Dahil naisasagawa lamang ng pamahalaan ang
suportahan ng mamamayan ang mga programa ng paglilingkod sa mamamayan kung ang bawat
pamahalaan? hangarin nito ay may suporta na galing sa kanyang
mamamayan.

4. Sa huling hanay, bakit mahalaga ang Dahil kailangan ng bawat mamamayan ang suporta
pagtutulungan ng mamamayan sa kapwa ng kanyang kapwa para makamit ang kanyang mga
mamamayan? layunin.

TALAKAYAN:
Sa pamamagitan ng paggamit ng powerpoint
presentation ay maaring punan ng guro ang mga
kakulangan sa kaalaman ng mga mag-aaral.

1. Kung babalikan mo ang kasaysayan ng inyong Isang mahiwagang paraan at natagpuan ang mga
pagkakaibigan, naalala mo pa ba kung paano ka sarili na mayroon kaming parehong prinsipyo, hilig,
nagkaroon ng mga kaibigan ng tumuntong ka sa interes, pangarap at iba pa.
Junior High School? O kung bakit mo sila naging [Maaring magkaroon ng iba-ibang kasagutan ang
barkada o kaibigan? mga mag-aaral]

2. Gaano na katagal ang inyong pagkakaibigan?


Ilang panahon na ang inyong ginugol para Tatlong taon na po Maam.
mapatatag ang pagkakaibigan na iyan?

3. Ang pamayanan ay katulad ng isang barkadahan,


iba ibang tao na nagsama-sama sa iisang lugar.

4. Sa paglipas ng panahon ay may mga kuwentong


nililikha ang mga tao sa pamayanan at may mga
pagkilos na ginagawa upang ingatan at paunlarin
Kultura ang tawag sa nabuong gawi ng pamayanan.
ang kanilang pamayanan at ito ay kilos sa pagbuo
ng kultura.Sa asignatura ninyong Mapeh, ano ba Ito ang mga tradisyon, nakasanayan, mga
ang tinatawag na kultura? pamamaraan ng pagpapasya at mga hangarin na
kanilang pinagbabahanginan sa paglipas ng
panahon. Iniukit ito sa sining, awit at ritwal.

Magbigay nga kayo ng mga halimbawa ng Ang pagpapasyon sa panahon ng Mahal na Araw,
kinagisnan nating kultura na natalakay ninyo sa Ang pamamanhikan ng lalake sa tahanan ng isang
asignatura ninyong Filipino. babae bago sila magpakasal at iba pa.

5. Balikan natin ang pagkakaibigan, alin ang mas Mas mahirap po ang barkadahan dahil mas malaki
mahirap panatilihin ang katiwasayan, ang dalawa po ang pangkat na bumubuo po dito. Dahil
lang kayong magkaibigan o ang kayo bilang magkakaiba po kami ng mga nakasanayan,
barkadahan? Bakit? paniniwala at maging prinsipyo at
pananampalataya.

6. Kung ganoon, paano ninyo napapapanatili ang Nagtatakda po kami ng mga alituntunin sa loob ng
inyong maayos na ugnayan sa isat isa, anong barkadahan na kailangan po naming sundin at
pormula o proseso ang kinakailangan ninyong isakilos.
gawin?

7. Tama. Ang lipunan ay parang isang malaking Sa pamamagitan ng pamamaraang pampolitika, ito
pangkat ng barkadahan. Sa lawak ng saklaw nito, sa iyong pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na
dami ng interes na kailangang pansinin at ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos
pakinggan, sa dami ng nagkakaibang pananaw, na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin
Paano makagagawa at maging produktibo ang isang sabay ang kabutihang panlahat.
lipunan sa harap ng maraming kulturang bumubuo
nito? Paanong magiging isa pa rin ang direksiyon
ng bayan sa dami ng tinig at direksiyong gustong
tunguhan ng mga tao?

Sino ang mangunguna sa gawaing ito? Sa anong Ang pamahalaan po.


mga kaparaanan? Una, tungkulin ng pamahalaan na isatitik sa batas
ang mga pagpapahalaga at adhikain ng
mamamayan.
Ikalawa, magtatatag ang pamahalaan ng mga
estruktura na maninigurong nakakamit ng mga tao
ang kanilang batayang pangangailangan.
Mag-iipon, mag-iingat at magbabahagi ng yaman
ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbubuwis at
pagbibigay serbisyo.
Ikatlo, sa ugnayang pangmundo, ang pamahalaan
ang mukha ng estado sa internasyonal na larangan.
Ang pamahalaan ang magpapatupad ng batas upang
matiyak ang soberanya at mapanatili ang seguridad
at kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan sa
pagiging produktibo ng lipunan.

Sa inyong asignaturang Science partikular na ang


biology, may mga iba’t ibang bahagi ang katawan
ng tao. Iba-iba man ang tungkuling ginagampanan
ay binubuo pa rin nito ang iisang katawan.
C. PAGLILINANG: Para matugunan ang mga pangangailangan ng tao
1. Bakit mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na
lipunan ng isang indibiduwal? makakamit niya lamang sa pamahalaan o
organisadong pangkat tulad ng mga
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan.

D. APLIKASYON. Isasagawa ng mga mag-aaral ang pagsasagawa ng


STATUE CHALLENGE! tableau
Pangkatang Gawain.
Magsagawa ng isang tableau na kung saan ay
ipinapakita ang mga paraan kung paano
natutugunan ang mga pangangailangan ng isang tao
sa aspetong pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan sa pamamagitan ng pampulitikang
pamamaraan.

IV. PAGTATAYA:
MAKE ME SMILE!
1. Basahin ang mga sitwasyon at tukuyin kung ang mga ito ay nagpapatunay na natutugunan ng
pamahalaan ang mga pangangailangan ng mamamayan.
Iguhit ang larawang nakangiti kung nagpapatunay at nakasimangot kung hindi naman nagpapatunay.

% of Mastery

V. Iba pang gawain: (RRE)


Gawain 1
Magsaliksik sa internet o newspaper; Sumipi ng mga artikulo ng mga isyung kinakaharap
ng bansa sa usaping pangkapayapaan. Gumawa ng maikling “reaction paper” tungkol dito.
I-encode at ilagay sa short bond paper.
Gawain 2
Kapanayamin ang ilang mga manggagawa, propesyonal at mga negosyante sa iyong lugar
kung anu-anong mga tulong ang naipagkaloob ng pamahalaan sa kanilang pagtatagumpay
sa larangan na kanilang napili. Ilagay ang mga kasagutan sa kuwaderno.
Gawain 3
Tayahin ang sariling sitwasyon sa inyong barangay. Ilahad ang mga tulong na nagawa na ng
mga tagapamuno sa inyong barangay para sa mga residente ng inyong barangay.
Ilagay sa kuwaderno ang sagot.

Inihanda ni: Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

LEAH MARIE C. ORILLOS MARICEL L. VALDEZ JOEL B. NAVA


Teacher III HT-I, TLE & EsP Department School Principal III

You might also like