Epekto NG Pamamaraang Komiks Sa Antas NG PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 128

EPEKTO NG PAMAMARAANG KOMIKS SA ANTAS

NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA

____________________

Isang Tesis
Isinumiti sa Fakulti ng Paaralang Gradwado
Bataan Peninsula State University
Lungsod ng Balanga, Bataan

____________________

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Titulong


Master ng Sining sa Pagtuturo ng Filipino

____________________

ni:

MARITES MANRIQUE RAVAGO


Marso 2015
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang bahagi ng pagtugon sa mga pangangailangan sa titulong Master sa Sining

ng Edukasyon, sa Pagtuturo ng Filipino, ang tesis na ito ay pinamagatang “EPEKTO

NG PAMAMARAANG KOMIKS SA ANTAS NG KOMPREHENSYON SA

PAGBASA” na inihanda at iniharap ni MARITES MANRIQUE RAVAGO ay nasuri

at itinagubiling tanggapin at pagtibayin sa pasalitang pagsusulit.

ELIZABETH A. JOSON, Ed.D.


Tagapayo

Pinagtibay bilang bahagi ng pagtugon sa mga gawaing kinakailangan sa

pagtatamo ng titulong Master sa Sining ng Edukasyon, sa Pagtuturo ng Filipino ng Lupon

ng Pasalitang Pagsusulit.

ROLANDO P. MANALIGOD, Ph.D.


Tagapangulo

VONHOEPPER N. FERRER, MAF JENNIFER S. DOMINGUEZ, MAEd.


Kritiko/ Kagawad Kagawad

JESSELYN C. MORTEJO, Ed.D.


Kagawad

Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng mga pangangailangan sa titulong

Master sa Sining ng Edukasyon, sa Pagtuturo ng Filipino.

ROLANDO P. MANALIGOD, Ph.D.


Dekano

Marso 2015
PAGKILALA

Ang mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga sumusunod na walang

sawang sumuporta at nagbigay inspirasyon upang matapos ang tesis na ito:

Dr. Rolando P. Manaligod, Dekano ng Paaralang Gradwado ng Bataan Peninsula

State University, sa kanyang pagpapaalaala at pagbibigay pag-asa na pagpunyagiang

matapos ang pananaliksik na ito;

Dr. Elizabeth A. Joson, tagapayo ng mananaliksik, sa kanyang walang sawang

pagsubaybay sa lahat ng mga hakbang at pagmumungkahi ng mga bagay na makabubuti

sa pananaliksik na ito;

Ma’am Mariza Dulce C. Cruz na naging kaagapay ng mananaliksik at sa lahat ng

mga propesor at sa mga taong bumubuo ng Paaralang Gradwado ng Bataan Peninsula

State University, na nagbigay ng tiwala, kaalaman at inspirasyon sa mananaliksik upang

tapusin ang pagpapakadalubhasang ito;

Sa aking naging pangalawang pamilya, Colegio de San Juan de Letran- Dr. Jose

M. Rapsing at St. Catherine of Siena Academy, sa kanilang pagbibigay ng tiwala sa iba’t

ibang aspeto na humubog sa mananaliksik upang magkaroon ng lakas ng loob na

pagpursigehang matapos ang pananaliksik na ito at sa kanilang pagpanday upang maging

mabuting guro, maraming salamat;

Norma N. Mariano, punungguro, Elizabeth C. Evangelista, ulung guro ng Luakan

National High School, sa kanilang pagpapaalala at pagbibigay tiwala na matapos ng

mananaliksik ang pag-aaral na ito;

Sa aking kasamahan sa fakulti, mag-aaral at mabubuting kaibigan sa Luakan


National High School lalo na sina Ma’am Eva, Ma’am Joyce, Ma’am Carol,

Ma’am Grace, Ma’am Precy, Sir Efren at Sir Edgar, sa kanilang suporta;

Sa lahat ng mahahalagang tao na dumating, lumisan at naging bahagi ng kanyang

buhay, sa mga kaibigan at ka-guro sa pangkat ng Grade-9ners, sa pagbibigay ng

inspirasyon, maraming salamat;

Gng. Jann B. Juan at Gng. Rina Buenviaje, sa kanilang panghabambuhay na

pakikipagkaibigan, walang pag-iimbot na pagmamahal at walang sawang pagtulong sa

anumang paraan;

Sa buong angkan ng aking pamilya, sa aking nanay, biyenan, mga kapatid at sa

aking mga anak- Sam, Dicsie at lalo’t higit kay Jamie na naging katuwang sa pagtitipon

ng mga datos;

G. Randy C Ravago, sa kanyang walang kapantay na pagmamahal, pagsuporta at

pag-unawa sa mga naging pagkukulang ng mananaliksik sa panahon ng kanyang

pagsusulat ng tesis na ito;

Higit sa lahat, sa Poong Maykapal na may lalang ng langit at lupa, ang tagahatol

ng daigdig, sa kanyang labis-labis na biyaya, pagmamahal at pagkalinga upang ang mga

unos at pagsubok na dumating ay mapagtagumpayan. Ang walang sawang pasasalamat at

panalangin ay inilalaan sa Kanya.

MMR
DEDIKASYON

Ang tesis na ito ay buong puso kong inihahandog

sa aking minamahal na mga ina na sina

Benita Medina at Milagros Ravago;

Sa aking mga minamahal at pinahahalagahang mga kapatid-

Lorie, Edna, Benjie, Che, Jennifer at Ann;

Sa aking nag-iisa at lubos na minanamahal na asawa Randy C. Ravago;

Sa aking mapagmahal na mga anak-Sam, Jamie at Dicsie. Higit sa lahat sa

PANGINOON

Na patuloy nating sandigan, gabay at lakas upang maisagawa ang pag-aaral na ito.
ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa Pamamaraang Komiks sa Antas ng

Komprehensyon sa Pagbasa sa asignaturang Filipino sa mga piling mag-aaral sa Grade 7-

Science, Technology, and Engineering Program (STEP) sa Luakan National High

School, Taong Panuruan 2014-2015.

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay nasa sa Grade 7- STEP na binubuo

ng tatlumpu (30) na hinati sa dalawang grupo sa paraang random sampling teknik.

Mayroong walong (8) lalaki at pitong (7) babae sa bawat grupo. Sumailalim sa

tradisyunal na pamamaraan ang labinlima (15) at ang isang grupo naman ay nasa

eksperimental.

Sa pangangalap ng mga datos, ang mananaliksik ay gumamit ng Curriculum

Module Guide ng K to 12 na sinipi ang akdang pampanitikan ng mga Bisaya na may

pamagat na Si Amomongo at si Iput-iput. Naghanda ang guro ng pagsusulit para sa

pretest at posttest na may 35 aytem. Ang pagsusulit ay pinasagutan bago at pagkatapos

isagawa ang tradisyunal at eksperimental na pamamaraan. Nagsagawa rin ng tatlong

beses na balidasyon sa pagsusulit. Bumuo rin ng instruksiyonal modyul na naglalaman

ng mga gawain na nakabatay sa aralin.

Batay sa mga findings ng pag-aaral, nabatid na ang hinuha na walang pagkakaiba

sa mag-aaral ang tradisyunal at pamamaraang komiks sa pagtuturo sa resulta ng

performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay di tinatanggap sapagkat batay

sa konklusyon ng pag-aaral, ang kahusayan ng mag-aaral sa parehong pamamaraan ng

pagtuturo ay kasiya-siya, bagaman may kaunting pagtaas ang pag-unlad ng mag-aaral na

sumailalim sa pamamaraang komiks. Inirerekomenda na pataasin ang antas ng


komprehensyon sa pagbasa sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan na

napapalooban ng mga gawain tulad ng paglalapat ng akmang diyalogo sa mga lobo upang

mabuo ang isang komiks. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng kakayahang makasunod,

makapasa at masusubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

Kinakailangang ang mga paaralan ay makahanap ng mga pamamaraan upang mas

maging madali ang pagsasakatuparan ng pamamaraang ito para sa panig ng mga mag-

aaral, sa gayo’y mas mapaunlad pa ang kanilang pagkatuto lalo na sa asignaturang

Filipino. Sa ganitong pamamaraan ay magiging kawili-wili sa pagtalakay sa mga aralin

lalo na’t kung ang bawat mag-aaral ay matutuklasan at mahahasa ang kanilang kasanayan

sa paglalapat ng diyalogo sa mga lobo. Ang mga gurong gumagamit ng tradisyunal na

pamamaraan ay mas magiging bihasa lalo na’t kung sila mismo ay mapapaunlad nila ang

kanilang kasanayan at magiging malikhain sa pagsusulat. Iminumungkahi na magkaroon

pa ng masusing pag-aaral upang magkaroon ng higit na oras upang isagawa ang

eksperimentong katulad nito, sa gayo’y magiging makabuluhan ang pagsukat sa

kakayahan ng mga mag-aaral.

Upang masukat at mapataas pa ang antas ng komprehensyon sa pagbasa ng mga

mag-aaral batay sa mga akdang pampanitikan, ang mananaliksik ay may mungkahi na

gumamit ng pamamaraang komiks. Dahil sa pamamaraang ito nalilinang ang kasanayan

ng mga mag-aaral sa pagbasa at ang pakikipag-ugnayan nila sa kanilang kamag-aral sa

pamamagitan ng pangkatang gawaing iniatas sa kanila ng guro. Higit na kasiya-siya ang

pag-aaral ng mga mag-aaral sa Filipino lalo na ngayong panahon ng modernisasyon sa

pamamagitan ng komiks.
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

PAMAGAT NA PAHINA i

DAHON NG PAGPAPATIBAY ii

PAGKILALA iii

DEDIKASYON v

ABSTRAK vi

TALAAN NG NILALAMAN viii

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN x

LISTAHAN NG MGA APENDIKS xi

KABANATA

I ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula 1

Paglalahad ng Suliranin 3

Kahalagahan ng Pag-aaral 4

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 5

Mga Tala sa Kabanata I 7

II TEORETIKAL NA BALANGKAS

Kaugnay na Teorya 8

Kaugnay na Literatura 10

Kaugnay na Pag-aaral 27

Balangkas Konseptwal 45
Hinuha 46

Katuturan ng Talakay 46

Talasanggunian sa Kabanata II 48

III PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Pamamaraan at Teknik ng Pananaliksik 52

Mga Respondente ng Pag-aaral 53

Mga Instrumentong Ginamit 54

Pagbuo at Pagbabalido ng mga Instrumentong Gagamitin 55

Pagbibigay – halaga sa mga Datos 56

Istadistikang Ginamit 57

Talasanggunian sa Kabanata III 59

IV PAGLALAHAD, PAGSUSUSURI AT INTERPRETASYON 60


NG MGA DATOS

V BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod 84

Konklusyon 88

Rekomendasyon 88

TALASANGGUNIAN 90

APENDIKS 95

CURRICULUM VITAE 116


LISTAHAN NG MGA FIGURA AT TALAHANAYAN

Figura Pamagat Pahina

1 Paradigma ng Pag-aaral 45

Talahanayan

1 Kabuuan at Bahagdang Distribusyon ng mga 53


Kalahok

2 Distribusyon ng Nakuha ng tamang Sagot 61


sa Bawat Aytem

3 Puntos ng Pretest ng mga Mag-aaral sa 63


Grupong Kontrolado at Eksperimental

4 Puntos ng mga Mag-aaral sa Posttest ng 65


Grupong Eksperimental

5 Puntos ng mga Mag-aaral sa Pretest at Posttest 67


ng Kontrolado at Eksperimental na Grupo

6 Puntos ng Kontrolado at Eksperimental sa 72


Antas ng Performans at Pag-unlad
LISTAHAN NG MGA APENDIKS

Apendiks Pamagat Pahina

A Liham para sa Punongguro ng Mataas 95


na Paaralan

B Liham para sa Ulong-guro ng Mataas 96


na Paaralan

C Talatanungan Ukol sa Balidasyon ng 97


Nilalaman ng Pagsusulit sa Filipino

D Modyul sa Pamamaraang Komiks 98

E Pagsusulit sa Filipino Grade 7 107

F Talahanayan ng Ispesipikasyon 112


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula

Ang pagbabasa ay likas sa mga Pilipino dahil sa mabubuting dulot nito. Isa na rito

ang magbigay aliw mula sa mga kuwento at kasaysayan ng lahat ng bagay at nilalang sa

mundo, totoo man o kathang-isip lamang. Sa mga kuwento ring ito nagmumula ang mga

kaalaman na kailangan ng tao dahil sa taglay nitong impormasyon at ang kaisipan naman

ay nagiging gabay sa pakikihamon sa buhay. Sa buhay ng bawat tauhan, sa papel na

ginagampanan at kung saan naganap ang kuwento nakasalalay kung paano naiuugnay ng

mambabasa ang mga pangyayari sa kanilang pagkatao at sa kasalakuyang panahon.

Ayon kay Snow (2003), ang komprehensyon ay isang proseso nang magkasabay

na paghalaw at pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon at pakikipag-

ugnayan sa lenggwaheng nakasulat. Ginamit ang mga salitang paghalaw at pagbuo upang

bigyang-diin ang parehas na kahalagahan at kakapusan ng teksto bilang resulta ng pag-

unawa sa binasa. Ayon pa rin sa kanya, na hindi lamang nakasalalay sa teksto, o sa mga

aklat ang paglinang ng kasanayan sa pagbabasa kundi sa karanasan ng mambabasa.

Kahit pa nasa bagong henerasyon na ang mga mambabasa, mayroon pa rin ang

nahihirapan magbasa. Nahihirapan silang tumuklas at magproseso ng mga kahulugang

kinakatawan ng mga simbolong nakalimbag sa bawat pahina ng aklat. Bunga ng

reyalidad na ito, ang gawaing pagbabasa ay tinatawag na isang proseso na

napakumplikado. Ayon pa rin sa kanya, mula sa inisyal na karanasan ng pagkilala sa mga

graphemes hanggang sa pagdalaw ng mga imaheng nananatili sa ating kamalayan, ang


salita ay nararamdaman ng sinumang mambabasa bilang sosyal, sikolohikal, pisyolohikal,

perseptwal, linggwistik, at intelektwal na aktibong pakikisangkot. Ito ay

nangangahulugang, buong pagkatao ng mambabasa ang laging kasangkot sa proseso ng

pagbasa. Hindi lamang sapat, na marinig ang tamang pagkakabigkas ng mga mag-aaral sa

mga titik at mga salitang ipinababasa sa kanila kundi mahalaga rin ang pag-unawa sa

kahulugan at mensaheng hatid ng mga katagang kanilang binasa. Sa ibang salita,

nangangailangan ng komprehensyon.

Para kay Buban (2005), ang proseso ng pagbabasa at pag-unawa na nakapaloob sa

akdang pampanitikan ay may tatlong elementong kasangkot. Una, mambabasa na siyang

umuunawa sa binasa, kasama dito ang lahat ng kanyang kakayahan, kaalaman at

karanasan. Ikalawa, ang teksto na inuunawa ang anumang nakalimbag o electronic texts

at ang ikatlo ay ang pantulong na gawain na bahagi ng komprehensyon na tumutukoy sa

layunin ng may-akda, mga prosesong kanyang ginamit, at maaaring kahihinatnan ng

gawaing kaugnay ng pagbabasa. Ang tatlong dimensyong ito ay naglalatag ng isang

penomenong sosyo-kultural at ang kontekstong ito ay maituturing na siyang nagsisilbing

daan upang magkaroon ng pag-uugnayan ng mga karanasan ng mag-aaral sa tekstong

binasa. Nangangahulugan na hindi maaaring maihiwalay ng mambabasa sa katotohanan

ng kanyang tunay na karanasan sa kapaligiran at sa kontekstong ito. Ibig sabihin nito,

walang mabubuong pagpapakahulugan sa isang pagbabasang hindi abot ng karanasan.

Dahil sa pangyayaring ito, may pangunahing layunin ang edukasyon na masukat

ang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral mula sa mga akdang pampanitikan na

nakapaloob sa mga aralin sa pamamagitan ng epektibong pamamaraang pampagtuturo na


siyang lilinang din sa kanilang pinakamataas na katalinuhan at kakayahan.

Binanggit ni Pagkalinawan (2010) na ang pagtuturo at pagkatuto na isang proseso

ay nangyayari sa pagitan ng guro, mag-aaral at kapwa mag-aaral. Ang guro ay lumilikha

ng mga makabagong pamamaraan pampagtuturo at kapaligiran para sa kanyang mga

mag-aaral. Ang kapaligirang ito na siyang mahusay na klasrum na pangwika ay yaong

may aktibong interaksiyon sa pagitan ng guro at sa kanyang mag-aaral at mag-aaral sa

kanyang kapwa mag-aaral.

Dahil dito, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging tulay upang matukoy ang

lebel at mapataas pa ang antas ng komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral tungo sa

higit na ikatututo sa pag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing suliranin sa pag-aaral na ito ay: Ano ang epekto ng

pamamaraang Komiks sa antas ng komprehensyon sa pagbasa sa asignaturang Filipino ng

mga mag-aaral sa Grade 7, Science, Technology, and Engineering Program (STEP) sa

Luakan National High School, Taong Panuruan 2014-2015?

Tiyak na sasagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang antas ng komprehensyon sa pagbasa bago at pagkatapos ang

pamamaraang tradisyunal at eksperimental?

2. Ano ang antas ng performans ng mag-aaral sa kontrolado at eksperimental

na grupo bago gamitin ang pamamaraang tradisyunal at eksperimental?

3. Ano ang antas ng performans ng mag-aaral sa kontrolado at eksperimental

na grupo pagkatapos gamitin ang pamamaraang tradisyunal at komiks?


4. Ano ang kaantasan ng mag-aaral sa kontrolado at eksperimental na grupo

bago at pagkatapos gamitin ang pamamaraang tradisyunal at komiks?

5. Paano maihahambing ang antas ng performans at pag-unlad ng mga mag-

aaral sa eksperimental at kontroladong grupo?

6. Ano ang implikasyon ng pag-aaral na ito sa epektibong pagtuturo ng

pamamararaang komiks sa antas ng komprehensyon sa pagbasa?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ipinapalagay na pahahalagahan ng mga sumusunod:

Mag-aaral sa Filipino. Para sa mga mag-aaral ng Grade 7, ang kalalabasan ng

pag-aaral na ito ay makapagpauunlad sa kanilang kasanayan sa pagbasa at sa paglalapat

ng tamang diyalogo sa angkop na lobo sa komiks.

Guro sa Filipino. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging gabay at

patnubay sa mga guro bilang kagamitang pampagtuturo sa paghahasa ng mga kasanayan

na makalilinang ng kritikal na pag–iisip ng mga mag-aaral. Makapagbibigay ito ng

malaki at panibagong ideya kung paano ituturo at paiigtingin ang kampanya sa pagkatuto

ng wika gayundin sa panitikang Filipino. Mabubuksan ang kamalayan ng guro sa mga

babasahing kinagigiliwan ng mga mag-aaral at mapataas pa lalo ang antas ng

komprehensyon upang maiwasan ang pagkabagot ng mga mag-aaral, sapagkat makikita

ng guro na may interes ang lahat na matuto at mapataas ang mga marka nito. Kasabay sa

pagsibol ng mas bagong bunga ng teknolohiya ay makakayanan ng guro na

makipagsabayan kung ano ang nararapat gawin upang maging abala ang mga mag-aaral

sa pagbabasa at paglinang ng mga kasanayan lalo na sa panahon ng modernisasyon.


Administrador ng Paaralan. Sa mga administrador, ang pag-aaral na ito ang

magiging daan upang higit nilang maunawaan ang mga pangangailangan

pampropesyunal ng guro at mabigyan ng tamang lunas ang kalalabasan ng pag-aaral na

ito na tutugon sa pagpapabuti ng mga kakayahan sa pagtuturo at makapag–iisip ng mga

tamang hakbangin upang lalong malinang ang antas na komprehensyon ng mga mag-

aaral sa pamamagitan ng pagbabasa. Isang pamamaraan din ito upang maipatupad sa

kanilang paaran ang ganitong uri ng estratehiya lalo na sa asignaturang Filipino. Isang

pamukaw pansin sa mga nais mag-aral sa kanilang paaralan ang magkaroon ng hilig sa

pagbabasa sa asignaturang Filipino, na sa pagtingin ng mga mag-aaral ay basta-basta

lamang na asignatura. Ang gawaing ito ay makapagpapataas sa lahat ng mga mag-aaral at

guro sa mga kongkretong gamit at kahandaan. Ang mga babasahin ay magdudulot ng

mga kamulatan sa mga guro sa kanilang paraan sa pagtuturo tungo sa mataas na lebel ng

pag-iisip na tutugon sa mga pangangailangan ng mga kabataan hanggang sa paglabas ng

paaralan. Dagdag pa rito, ang kaangkupan ng paghahanda ng mga babasahin bilang

kagamitang pampagtuturo para sa motibasyon na lalapat sa kakayahan ng mga mag-aaral.

Mananaliksik. Ang pagkalap sa kaalaman ng isang tao ay walang katapusan at

marahil ay madaragdagan pa ang bilang ng mga mananaliksik sa darating na panahon.

Magagamit ang pag-aaral na ito bilang panimula sa mga susunod pang pananaliksik lalo

na sa paghahangad nila na magkaroon ng mataas na pagtingin sa mga akdang

pampanitikan at sa Wikang Filipino.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa Epekto ng Pamamaraang Komiks sa


Antas ng Komprehensyon sa Pagbasa sa asignaturang Filipino sa mag-aaral sa Grade 7-

Science, Technology, and Engineering Program (STEP), ikalawang markahan sa Luakan

National High School, Taong Panuruan 2014-2015.

Ang mga respondente ng pag-aaral ay mga mag-aaral ng Grade 7 ng Luakan

National High School na may bilang na tatlumpo (30) at hinati sa dalawang pangkat sa

paraang random sampling teknik na may tiglalabinlimang (15) mag-aaral sa grupong

eksperimental at kontrolado. Mayroong 8 lalaki at 7 babae sa bawat pangkat. Ang

paksang tinalakay ay isang pabula na may pamagat na “Si Amomongo at Iput-iput”, isang

akdang pampanitikan na nagmula pa sa Bisayas. Sila ay sumailalim sa disenyong quasi-

eksperimental at tradisyunal.

Ang pretest ay isinagawa bago pasimulan ang eksperimento at tradisyunal na

pamamaraan at pagkatapos, ay isinagawa naman ang post-test upang sukatin ang

performans ng mga respondente sa parehong pangkat.

Ang istadistikang ginamit ay frequency, percentage, mean, standard deviation,

independent at paired sample t-test upang ilarawan ang performans ng mga mag-aaral sa

kontrolado at eksperimental na grupo.


Mga Tala sa Kabanata I

Catherine Snow. (2002). Toward an R&D Program in Reading


Comprehension. Sta Monica: CA 90407-2138

Raquel E. Sison-Buban. (2005). Mga Antas ng Komprehensyon sa Pagbasa.

Leticia Cantal Pagkalinawan (January 2010). Paper presented at the 2nd


International Conference on Filipino as a Global Language. San Diego California.
KABANATA II

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Sa kabanatang ito, tinalakay ang mahahalagang teorya ng pag-aaral, kaugnay na

literatura at pag-aaral na isinagawa ng dalubhasang manunulat, ang balangkas na

konseptuwal, hinuha at mga katuturan ng mga katawagang ginamit sa pag-aaral.

Kaugnay na Teorya

Ang saligan ng pag-aaral na ito ay nakabatay sa teorya ni Vygotsky (1978) ng

Teorya ng Social Development, Social Learning ni Bandura (1977) at Aptitude-

Treatment Interaction ni L. Cronbach at R. Snow (1977).

Ang teorya ng Social Development ni Vygotsky (1978) ay nakapokus sa Social

Interaction’s Fundamental Role in the Development of Cognition na kung saan ang mga

mag-aaral ay interesado sa mga gawaing napapalooban ng pagtuklas ng mga bagong

kaalaman sa gabay ng guro sa kanyang makabuluhang pagtalakay ng kanyang mga aralin

na nagreresulta ng masiglang interaksiyon ng mga mag-aaral. Tinukoy din niya na sa

kolaboratibong gawain na tutugunan ng mga mag-aaral ang instruksiyon na ibinigay at

isasagawa sa ilalim ng pamantayan na batay sa kanilang performans. Ang dalawang

pamantayang ito ay The More Knowlegeable Other (MKO) at The Zone of Proximal

Development (ZPD).
Ang The More Knowlegeable Other (MKO) ay isa sa pamantayan na ang guro at

mga mag-aaral ay maaaring mag-anyaya ng ispiker na dalubhasa sa paksa ng aralin

samantalang ang pangalawang pamantayan ay tinatawag na Zone Proximal Development

(ZPD) ay pinaniniwalaang ang matalinong mag-aaral sa loob ng klase na kabilang sa

sampung matatalino ang magiging lider ng pangkatang gawain habang ang guro ay

nagmamasid lamang. Ipinaaalala ng may-akda na ang pamantayang ito ay

nangangailangan ng maingat na paggamit dahil malaya ang mga mag-aaral sa gawain at

titiyaking magreresulta ito sa inaasahang katagumpayan ng pangkatang gawain. May

pananaw din ang teoryang ito na ang interaksiyon sa kapwa ay isang epektibong

estratehiya sa kooperatibong pagtuturo.

Ang teorya ni Vygotsky kaugnay sa Social Development ay mahalaga sa

kasalukuyang pag-aaral upang mabigyang diin ang paggamit ng altenatibong

pamamaraan ng pagtuturo sa mga piling mag-aaral sa Grade 7 upang malinang ang antas

ng komprehensiyon sa pagbasa.

Ang isa pang teoryang makatutulong sa pag-aanalisa ng pag-aaral na ito ay ang

Social Learning Theory ni Albert Bandura (1977). Binibigyang-diin dito ang kahalagahan

ng pagmamasid sa pag-uugali at emosyon habang nagaganap ang pangkatang gawain.

Ipinaliliwanag ng teoryang ito ang ugali sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba at

impluwensiya ng kapaligiran.

Sa teorya ring ito ay mahalaga sa kasalukuyang pag-aaral dahil binibigyang diin

nito ang karunungan ng isang tao ay likas sa kanyang katauhan at patuloy na hahasa o

malilinang kapag ito ay nagagamit nang maayos at wasto. Mahalagang salik ang

pakikisalamuha sa kanyang kapaligiran na ginagalawan tulad ng pangkatang gawain na


kapapalooban ng pagbabasang kondisyon gaya ng motibasyon atensiyon, retensiyon, at

produksiyon. Sa pangkatang gawain tulad ng pagsusulat, nakapaloob dito ang apat na

mahahalagang gampanin upang magkaroon ng sama-samang pagkatuto at malilinang ang

kanilang kakayahang mag-isip na makabuo ng kinakailangang awtput.

Ang Aptitude –Treatment Interaction (ATI) ni L. Cronbach at R. Snow (1977) ay

may kaugnayan sa pangkasalukuyang pag-aaral na binuo ng mananaliksik. Ang kanilang

teorya ay naniniwala na ang tamang paggamit ng epektibong estratehiya sa pagtuturo ay

dapat na aangkop sa iba’t ibang kakayahan ng mga mag-aaral.

Ang Snow’s (1989) Theory of Aptitude of Treatment ay may kinalaman sa

paghihinuha sa kalalabasan ng resulta ng komprehensyon sa pagbasa ng mag-aaral. Ang

konklusyon nilang dalawa ni Cronbach ay ang mga sumusunod: ang Aptitude-Treatment

Interaction ay karaniwan na sa edukasyon at ang kombinasyong ATI ay may kahirapan

upang malinawan ang epekto sa nakagawiang pagtuturo. Karagdagan pa nito, tinukoy ni

Snow na kulang sa pansin ang aspektong sosyal. Sinabi pa niya na ang iba’t ibang istilo

sa pagtuturo ay dapat na iaangkop sa kakayahan ng mag-aaral at sa sitwasyon. Ang

kanilang teoryang ATI ay sumakop sa pangkalahatang kakayahan ng mag-aaral,

estratehiyang gagamitin at disenyo ng kurikulum sa pagbasa.

Masasabing ang mga teorya nina Vygotsky, Albert Bandura, L. Cronbach at R.

Snow ay mahalaga sa kasalukuyang pag-aaral dahil nasukat nito ang antas ng

komprehensyon sa pagbasa sa pamamagitan ng pag-aaral ng akdang pampanitikan sa

asignaturang Filipino na kinapapalooban ng kolaboratibong gawain tulad paglalapat ng

tamang diyalogo sa mga lobo sa komiks.


Kaugnay na Literatura

Ang mga sumusunod ay mga kaugnay na literatura na nagbigay linaw sa

kalagayan ng suliraning binigyang katugunan.

Pre-test

Ayon kina Hill at Betz (2005), ang panimulang pagtataya ay isang paraan

upang masukat ang dating kaalaman ng mga mag-aaral. Bagamat itinuturing na tradisyunal

ang ganitong pamamaraan, mabisa naman ito sa pagsukat kung gaano na ang kaalaman

ng mga mag-aaral. Ito’y inirerekomenda upang mapaunlad ang tamang perspektiba sa

disenyo ng pananaliksik. Ang kalakasan ng kaugnayan ng pre-test at post-test ay kapwa

may kinalaman sa dami ng pagkakaiba ng resulta na ipinaliliwanag sa pamamagitan ng

pagsasama ng pre-test sa pag-aanalisa at maging ang istatistikal na kalakasan nito.

Sa pag-aaral ni Sevilla (2013), ang pagkakaiba-iba ng pagtingin sa kaugnayan ng

pre-test at post-test batay sa paghahanap ng performans ng mga mag-aaral ay nakabatay

di lamang sa uri ng pre-test at post-test na pagtatasa, gayundin sa katangian ng pangkat

ng mag-aaral na kumukuha nito. Ang pagtatasang may malaking korelasyon sa kabuuang

populasyon ng mga mag-aaral ay maituturing na maliit na korelasyon para sa

pangalawang grupo ng mag-aaral na may dalawang pangunahing dahilan: una, ang

demonstrasyon ng mga mag-aaaral na nakaguhit sa iba’t ibang distribusyon ng mga

sangay nito ay may pagkakaiba sa dami ng nasukat na kamalian sa nakuhang resulta ng

puntos; ikalawa, ang demonstrasyon ay kadalasang may mababang pagkakaiba-iba ng

populasyon (Minolva, 2008).

Samantala, sa pag-aaral ni Cruz (2009) ukol sa mataas at mababang performans

ng mag-aaral na nakapokus lamang sa kahusayan ng pretest at posttest para sa nag-iisang


lebel na nasa iba-ibang anyo, ang mababang performans sa pretest ay nasusukat dahil sa

iskor nito at nalalaman ang dati o nakaimbak na kaalaman ng isang mag-aaral. Ang iskor

din ang pagbabatayan kung saan dapat ituon ng guro ang pag-aaral upang magkaroon ng

kahalagahan ang pagtuturo. Gayundin ang kahalagahan ng kanyang pag-aaral ay matukoy

ang lawak ng pagpapahambing sa korelasyon ng natukoy na mababang performans ng

mga mag-aaral.

Posttest

Ang mga guro ay hindi miminsang nakalimutang gumawa ng mga tanong batay

pagsusuri ng teksto/pangungusap. Marahil, dulot ito ng kadahilanang mahirap sagutin ng

mga mag-aaral ang mga tanong na nangangailangan pa ng masining na pag-aaral ng

teksto/pangungusap dahil ayon kay Lamb (2005), ang mga tanong na nangangailangan ng

malalim na pagsusuri ay pumupukaw sa kyuryusiti at prosesong mental ng mga mag-

aaral at gumagabay sa pagtutunguhan ng pag–iisip ng mga mag-aaral. Karamihan ng

mga tanong ng guro o 50% lamang o kalahati ang nabibilang sa mababang antas

samantalang ang 20 % ay nasa matatas na lebel ng pag–iisip.

Ganito rin ang palagay ni Wittmen (2004) na 90 % ng mga tanong ng guro ay

nasa mababang antas. Ito ay nangangahulugang karamihan sa mga tanong ay nakatuon

lamang sa kasanayang pangmemorya, pag–uulit sa mga ideyang tuwirang makikita sa

babasahin. Ang direksyon at ang lebel ng pagkatuto ng mga mag–aaral ay

naiimpluwensyahan nang malalim na uri ng mga tanong na ibinabato sa kanila.

mga tanong sa mas mataas na antas na pag-iisip.

Ayon pa kay Davis (2007), dahil alam na ng guro na ang mga mag-aaral ay may

iba’t ibang kaalaman at pagtingin sa isang partikular na asignatura, kailangan niyang


bumuo ng batayang upang masukat ang kanilang kaalaman sa pagkakaunawa sa isang

paksa at upang matukoy na rin ang lawak ng iba’t ibang pagbabago sa kaalaman at pag-

unawa. Ito’y makukuha lamang sa pamamagitan ng posttest. Ang disenyong ito ay

maaaring maging kritikal na katagumpayan sapagkat nakabatay sa uri at gawi ng mag-

aaral ang ikatataas ng kanilang kahusayan sa isang partikular na asignatura. Ang pag-

uulit ng parehong tanong ay hindi mainam na paraan upang makamit ang pag-ugnay

bagkus ito’y magandang ideya upang manatili at pantay ang orihinal na materyal sa

pagsusulit at nararapat na ihalo ito sa mga bagong katanungang inaasahang may

magiging magandang bunga.

Ipinapahiwatig na upang lalong malinang ang sining sa pagtatanong at masanay

naman ang mga mag-aaaral na sumuri ng mga dahilan at eksplanasyon upang masagot ng

tama ang mga tanong. Ang pagtatanong sa herarkiyang mula kaalaman at pag–unawa

tungo sa aplikasyon, pagsusuri, sintesis at ebalwasyon ay nakapagtataguyod ng kritikal na

pag–iisip at nakapagpapanatili ng mga batayang impormasyon sa isipan ng mga mag-

aaral. Dahil dito lalong lumalalim at tumatagal ang retensyon ng kaalaman sa mga bata.

Ang disenyo ng posttest ay maaaring maging kritikal na katagumpayan sapagkat

nakabatay sa uri at gawi ng mga mag-aaral ang ikatataas ng kanilang kahusayan sa isang

partikular na asignatura. Ang pag-uulit ng katulad na tanong ay makikitang hindi mainam

na paraan upang makamit ang pag-ugnay bagkus ito’y isang magandang ideya upang

manatili ang pantay at orihinal na materyal sa pagsusulit at ihalo ito sa mga bagong

katanungang inaasahang may magiging magandang bunga.

Pamamaraan ng Pagtuturo
Sa aklat ni Badayos (2011) isang magandang depinisyon ng pamamaraan na

tinangggap ng maraming guro sa loob ng mahabang panahon. Ang kanyang konsepto ng

pamamaraan ay ikalawa sa tatlong herarkiya ng mga elemento. Ang pamamaraang

gagamitin ng guro ay may malaking epekto sa pagkatuto ng mag-aaral. Ito rin ang

magbibigay ng katugunan sa uhaw na isipan ng mga mag-aaral sa kaalaman at kasanayan

na nais ipabatid ng guro. Inilalapat ang pamamaraan ayon sa pangangailangan ng mag-

aaral na siya naman talagang sentro ng pagtuturo nito. Ang pamamaraan ay mawawalan

ng saysay kung hindi ito lalapat sa layunin ng pagtuturo.

Ipinapahiwatig na ang mga guro ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng estratehiya sa

pagtuturo ng panitikan sa mga mag-aaral. Ang mga pamamaraan ng pagtuturo ay

salaming gagamitin ng guro sa pagtuturo ng mga aralin. Ang mga gurong mapamaraan ay

humahanap ng estratehiya na tutugon sa panagangailangan ng kanyang mga mag-aaral.

Ayon kay Rabonza (2004), ang mga guro ay dapat maging pamilyar sa lahat ng

estratehiya ng pagtuturo at pagkatuto. Mahalagang may sapat na kabatiran at kakayahan

ang mga guro sa anumang paraan ng pagtuturo na kanilang magagamit para sa kaayusan

ng pagtuturo. Ang mga guro sa wika, lalo na sa Filipino, ay kailangang hindi lamang

kontento sa paggamit ng isang paraan ng pagtuturo. Ang mabuting guro ay siyang

makapagsasama at makapagbabagay sa mga paraang nararapat sa kanyang klase at

maging sa mga layunin.

Ayon din kay Pagkalinawan (2010) ang gawaing pagtuturo ay hindi madaling

gawain. Hindi sapat na maituro ng isang guro kung ano ang mga paksang-araling

nakapaloob sa kanyang silabus kundi kung paano niya ito maituturo at matututuhan ng

kanyang estudyante. Kaya nga sinasabi na ang kahusayan ng pagtuturo ay nasusukat


hindi sa dami ng mga naituro kundi bagkus sa dami ng mga natutuhan ng kanyang mga

estudyante.

Ipinapakita lamang na ang mga guro ay nag-eeksperimento sa paggamit ng iba’t

ibang kagamitang panturo sa pagtuturo ng panitikan sa mga mag-aaral. May mga

pagkakataon na ipinapabasa lamang ang akda sa mga mag-aaral at pagkatapos ay

magsasagawa ng tanong-sagot na talakayan. Dahil dito hindi nalilinang sa mga bata ang

kawilihan upang magbasa bagkus ay lalo pa silang tinatamad na mag-aral ng panitikan.

Ang hindi magandang epektong ito dulot ng monotonos na pagtalakay ng mga panitikan.

Lalong hindi nauunawaan ng mga bata ang halaga ng mga akdang binabasa nila dahil

hindi kahali-halina ang metodo ng pagtalakay ng aralin.

Ang implikasyon ay nakatuon sa paglinang ng mga guro sa kanilang kakayahang

tumuklas ng may interes at mahusay na estratehiya sa pagtuturo ng panitikan. Higit na

mabibigyang buhay ang mga tauhan at pangyayari sa akdang nililinang kung gagamit ng

mga paraan upang buhayin ito sa imahinasyon ng mga mag-aaral. Masasabing ang

simpleng pagbasa lamang ay hindi lubos na naghahatid ng sabik sa mga bata. Ngunit

kung hahaluan ito ng mga gawaing tulad ng pagbubuo ng komik istrip ay maghahatid ng

sabik sa mga bata at magpapatingkad sa aralin, magkakaroon ng interes sa pagbabasa na

magdudulot ng retensyon ng kaalaman.

Tradisyunal. Sa Pag-aaral ni Harris (2005), nakapokus ang kanyang paliwanag

tungkol naman sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng guro gamit ang aklat panturo sa

pagbabahagi ng kanyang aralin. Ang ganitong pamamaraan ay hindi makalilikha ng

bagong kaalaman at mahahalagang kasanayan sa mga mag-aaral na titimo sa kanilang

mga isipan sa mahabang panahon. Upang lalong pang mapag-ibayo ang kalidad ng
pagtuturo at pagkatuto sa loob ng klasrum, iminumungkahi ang paggamit ng mga iba’t

ibang pamamaraan, pamamaraang kooperatibo, kolaboratibo at interaktibo. Ang

pamamaraang lektyur na pinaniniwalaang nakapaloob sa tradisyunal ay pinakagamitin sa

presentasyon ng leksiyon. Sa ganitong pamamaraan napag-iibayo ang presentasyon ng

aralin sa pamamaraang lektyur upang makapagbigay ng introduksiyon ng mga bagong

paksa, paglalagom ng mga ideya, pagpapakita ng relasyon sa pagitan ng teorya at

kaugalian, at pagbibigay-diin sa mahahalagang detalye. Ito ay maaaring gamitin sa iba’t

ibang lugar, maaaring maliit o malaking bilang ng tagapakinig. Ang tagapagbigay ng

lektyur ay maaring gamitin ang pamamaraang ito upang ipakilala ang bahagi o kabuuan

ng programa. Sa huli, maaaring pagsamahin ang ganitong paraan at sa iba pang

pamamaraan upang magbigay ng kahulugan at direksiyon.

Isa sa mga uri ng lektyur ay ang “illustrated talk” kung saan ang ispiker ay

gumagamit ng larawan upang maghatid ng ideya sa mga nakikinig. Ang ganitong uri ay

maaaring gamitin sa isang pormal na pagtitipon kung saan ang layunin ng ispiker ay

makapagbigay ng impormasyon, manghikayat at magbigay-aliw. Sa di-pormal na

talakayan ay may mga aktibong mag-aaral na makikibahagi at bubuo ng awtput.

Matatamo lamang ang aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral kung ang di-pormal ay

gagamit ng mga tanong na maaaring mabatid ang mga karanasan at pinagmulan ng mga

mag-aaral, sa gayon magiging angkop ang lektyur sa kanilang pangangailangan,

makadagdag, makahikayat at maiwasto ang kanilang paniniwala. Ganunpaman nasa

responsibilidad ng guro ang magplano, mag-organisa, at maghatid ng mahahalagang

bahagi ng leksiyon.
Maraming magagandang ibubunga ang pamamaraang lektyur. Maaaring ito ay

maging kapaki-pakinabang na paraan upang magbigay panuto sa malakihang tagapakinig.

Ang mga impormasyong matatamo sa pakikinig ay magagamit ng mag-aaral sa mga

pagkakataong wala na silang oras para magsaliksik sa isang pag-aaral at kung wala silang

mga materyales na magagamit. Ang mga lektyur na kapaki-pakinabang ay nagbibigay

tulong o suporta sa iba pang pamamaraang pampagtututro.

Kahit na natutulungan ang guro ng pamamaraang ito, may mga pagkakataon na

hindi pa rin sila nakukuntento. Kadalasan sa pamamaraang ito, napipilitan ang mga mag-

aaral na makilahok at dahil dito marami sa kanila ay ipinagpapabahala sa guro ang lahat

ng gawain. Bilang pamamaraang pagtuturo, ito ay hindi lubusang naaabot ang

kinakailangang pagkatuto. Kilos-lokomotor, halimbawa ay madalang na matutunan sa

pamamagitan lamang ng pakikinig. Ang pinakaepektibong paraan upang matutunan ng

mga mag-aaral ang kasanayan ay sa pamamagitan ng aktibong pagkilos at pakikilahok.

May kaugnayan ang pag-aaral ni Haghighi (2006) gamit ang pamamaraang

lektyur na nagresulta ng kawalan ng kasiglahan ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.

Walang interaksiyon sa pagitan ng guro at mag-aaral. Ang pag-aaral ay nabatay lamang

sa pakikinig ng mga mag-aaral at nakasentro sa gawain ng guro. Nagresulta ito batay sa

kanyang pag-aaral ang kawalan ng interes sa paksa at ang atensiyon ng mag-aaral ay

napunta sa ibang gawain na walang kinalaman sa paksa. Sa ganitong pangyayari,

nasasayang ang mahalagang panahon na dapat ay magresulta sa mas makabuluhang pag-

aaral.

Upang matamo ang ninanais na pagkatuto sa pamamagitan ng pamamaraang

lektyur, ang tagapagturo ay kinakailangang may angkop na kasanayan sa pagsasalita.


Ang antas ng retensiyon ng mga impormasyon sa isipan ay bumababa pagkatapos ng 10-

15 minuto habang nagle-lektyur at muli lamang itong tataas sa bandang huli. Karagdagan

pa nito, ang antas ng retensiyon sa pamamaraang ito ay may limang porsiyento (5%)

lamang pagkatapos dumaan ang 24 na oras. Kung ihahalintulad, ang antas ng retensiyon

sa aktibong pagkatuto ay mas mataas. Bilang guro na hihikayat ng mga mag-aaral na

aktibong makilahok sa kalagitnaan ng pagkaklase, maaaring makapagpataas ng antas ng

retensiyon. Isa sa maraming paraan ng aktibong pag-aaral na matagumpay na ginagamit

ay ang kooperatibo pagtuturo.

Sa ganitong punto, sinabi ni Wikia (2008) na kahit na maraming kritiko ang

pamamaraang lektyur bilang paraan ng pagtuturo, marami pa ring paaralan ang hindi pa

rin nakakahanap ng alternatibong paraan ng pagtuturo para sa maramihang bilang ng

mag-aaral. Ipinalalabas ng mga kritiko sa pamamaraang ito ay nakatuon lamang sa

isahang paraan ng komunikasyon na walang pakikilahok ang nakikinig. Samakatuwid,

ang pamamaraang lektyur ay kabaligtaran sa aktibong pag-aaral. Ngunit ito ay ginagamit

pa rin sa pagtuturo bilang mabilis, mura at episyenteng paraan sa paglalahad sa

pangmalakihang bilang ng mag-aaral tungo sa partikular na larangan ng pag-aaral.

Ang Kooperatibong Pagtuturo

Inilarawan ni Topping (2005) bilang makalumang kaugalian, ang tagapagturo na

mag-aaral ay nagsisilbing guro at modelo sa paglilipat ng kaalaman, mula sa guro tungo

sa mag-aaral na tagapagturo. Para maisakatuparan ang pagtuturong ito, mangangailangan

ng mahabang oras sa pag-oorganisa, pagpili at pagsasama-sama ng mga mag-aaral at

mangangailangan din ito ng mga kagamitan na kakailanganin sa pagsasanay nila sa

pagtuturo tungo sa pagkatuto ng mga kasanayan. Maaari rin naman na ang kooperatibong
pagtuturo ay mangibabaw kaysa sa tradisyunal na pagtuturo na magiging sanhi ng

pagtatalo. Mayroong mga konteksto na matagal ng nakapaloob sa tradisyunal na

kurikulum na nagbibigay at nagtataya sa tradisyunal na paraan. Kasabay ng pagtaas ng

bilang ng mga mag-aaral ay pagdami ng kakailanganing kagamitan kaya iminumungkahi

na sa halip na pamamaraang tradisyunal ay gawin itong maliliit na grupo para sa

intensibong pagtuturo- ibig sabihin, interaktib na pagtuturo at pagkatuto.

Sa ekperimento ni Mallatrat noong 1994 na sinabi ni Topping sa kanyang pag-

aaral ang gamit ng kooperatibong pagtuturo at ang kahalagahan nito. Pinilit niyang

bawasan ang dami ng mga mag-aaral. Kalahati sa bilang ng mga mag-aaral ay gumamit

ng ganitong paraan sa regular na kwarter. Ang mag-aaral na tagapagturo ay napag-

alaman na nagkaroon ng karanasan na nakapagpataas ng kanyang marka kumpara sa

kanyang kamag-aral. Pito sa mga mag-aaral ay nagkaroon ng kritikal na sitwasyon para

hindi na pasukan ang klase at ang iba naman ay hindi naging patas sa mga fidbak.

Sa kooperatibong pagtuturo na isang proseso kung saan ang mga mag-aaral, sa

ilalim ng gabay ng guro o ibang tagapagturo, ay natututo ng kasanayan at konsepto.

Maraming benepisyo ang makakamit ng mag-aaral at kapwa mag-aaral na magiging

tagapagturo sa kooperatibong programa: pagkatuto sa kasanayang pang-akademya, pag-

unlad sa angkop na kasanayang sosyal, at pagpapa-ibayo ng relasyon sa kapwa. Sa

programang ito, maaaring makatulong sa mga mag-aaral na may pare-pareho ngunit

magkakaibang kakayahan at mga mag-aaral na taglay ang maraming kasanayan o

abilidad na makakapagturo sa mga nangangailangan.

Katulad nina Harris at Jhonson (2005), tinukoy nila ang mga pamantayan sa

kooperatibong pagtuturo. Ito ay ang pagsusuri sa konsepto at kritisismo ng mga mag-


aaral na nagpapalagay na makatutulong upang mapataas pa ang lebel ng kognitibong

domeyn. Nakatutulong rin ang kooperatibong pagtuturo sa mga guro na makapagbigay ng

napapanahong isyu na kinasasangkutan ng mga mag-aaral. Sa mga isyung ito mahihimok

ang mga mag-aaral na makilahok, makatuklas, magmanipula, at magsaliksik. Sila rin ang

magsisilbing kritiko kung may pag-unlad na nagaganap sa pagsusulat at pagbabasa.

Natuklasan nila na nakatutulong ang mga pamantayan ng kritisismo sa mga mag-aaral sa

anumang asignatura dahil pinapalaganap nito ang pang-unawa at pag-aanalisa sa

pamamagitan ng pagtatakda ng mga mag-aaral ng aktibiti/awtput ng kapwa mag-aaral.

Ang pag-alam kung ang awtput ay hindi layunin ng kritismo kundi ang pag-aanalisa ng

mag-aaral sa awtput at ang ipinakitang pang-unawa sa paksang-aralin ang pokus ng

estratehiyang ito.

Ang estratehiyang pagmamasid at pagbibigay ng fidbak ay mahalaga dito.

Marahil ang kooperatibong pagtuturo ay taliwas sa isang kultura na kung saan natututo

ang mag-aaral sa unang tingin at pagkakataon pa lang. Sa pagmamasid, isasantabi muna

ang pagsasariling kagustuhan. Natuklasan din niya na nakararamdam ang mga mag-aaral

sa tagapagturong kapwa mag-aaral na mas mainam kaysa iba ang magiging tagapagturo

at ang pang-unawa sa suliraning nararanasan nila sa kanilang buhay ay higit silang

responsable. Sa kabila noon ay higit silang nakapokus sa aralin at magkakaroon ng

pagtataya kung may natutunan sila. Ang ekonomiya ay maaari ring may kinalaman sa

epektibong pagtuturo upang magkaroon ng panahon pa sa ibang mahahalagang gawain.

Sa pulitikang pagtingin, ang kooperatibong pagtuturo ay nagtatalaga nang maayos na

pagtuturo sa mga mag-aaral sa demokratikong paraan. Binibigyan ng kapangyarihan ang


mga mag-aaral upang hindi lamang sila aasa sa kanilang nakikita at gagayahin lamang

nila ito na maaaring makabawas sa kanilang performans at interes.

Ang kooperatibong pagtuturo ay naging matagumpay na naisakatuparan sa

maraming paaralan sa buong mundo upang palaganapin ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang tagapagturong mag-aaral ay natutulungan ang nakababatang mag-aaral na matuto sa

talakayan sa pamamagitan ng grupong pag-aaral. Ang layunin ng ganitong sistema, ay

hindi makapagbigay ng mga sagot sa teksbuk, makabuo ng problemang ireresolba o

makapagdulot ng tulong sa pagtuturo kundi ang papel ng tagapagturo ay maging pokus sa

grupong tinuturuan. Ang grupo ay dapat na magkaroon ng suporta sa mga bagong mag-

aaral upang masuri ang kanilang pang-unawa sa mga konseptong may kahirapan na

nakapaloob sa leksiyon, magkaroon ng tiwala sa sarili sa mga nararanasang masalimuot

na bagay; magkaroon ng responsibilidad para sa kanilang pagkatuto; makiisa sa

pagbibigay ng solusyon sa problema; at ipalaganap sa mas malalim na paraan ang pag-

aaral.

Ang Relasyong Interpersonal

Binigyang diin ni Ambrocio (2007) na ang interpersonal na relasyon ay

nakapaloob sa komponent ng Emotional Intelligence (EQ). Ito ay inilarawan sa

pamamagitan ng pagkakaroon at pagpapanatili ng kooperasyon, konstruksiyon at

mabuting relasyon. Kung ang tao ay may isa sa mga katangiang nabanggit, maituturing

siyang may matalinong pakikisalamuha sa kapwa. Sa kabila ng mga pag-aaral na ang

pakikisalamuha sa kapwa ay isang aspeto na nakakaapekto sa pang-akademikong

performans ng bata. Ang mga taong nakapalibot sa mag-aaral ay may mahalagang papel

na ginagampanan sa aspetong sosyal at mental na pagbabago.


Para kina Amadeus at Hakelind (2007), ang kamag-aral ay may importanteng

papel na ginagampanan sa pag-unlad ng isang kabataan mula pagkabata hanggang sa

pagtanda. Sa pagsapit nila sa pagiging kabataan, ang kamag-aral ay nagiging mas

mahalaga kaysa sa mga magulang kung aspetong emosyonal ang pagbabatayan. Sa grupo

ng mga mag-aaral, ang isang kabataan ay nagsisimulang humiwalay sa kanilang mga

magulang hanggang sa kanilang pagtanda. Ang relasyon ng magkamag-aral ay mahalaga

para sa kanilang sikolohikal na kalusugan at para sa pagbabagong nagaganap. At ang

positibong relasyon ng mga kamag-aral ay nagdudulot nang maayos na relasyon sa kabila

ng negatibong pagsasama ng magulang at ng kabataan.

Para kay Johnson et al. (2006), nagkaroon ng pagkakataon na hindi sinang-ayunan

ng mga guro ang pakikipagkaibigan sa pagitan ng mga mag-aaral sa loob ng klase dahil

sa pag-aalala na maapektuhan nito ang pag-aaral at maibaling ang atensiyon sa

pagliliwaliw at pagkakaroon ng hindi magandang ugali. Sa bandang huli, ang mga

kaibigan ay dapat na hindi magkakatabi-tabi dahil sila ay maituturing na isang tukso na

umaagaw sa atensiyon sa guro gayundin sa mga takdang-aralin. Maaaring mabaling ang

atensiyon sa kaibigan imbes na sa guro. Ito ay nangyayari sa mga pagkakataong

nagtuturo at nagbibigay ng isahang-gawain ang guro.

May iba’t ibang pananaw ang gumagamit ng kooperatibong pagtuturo. Ang mga

karanasan ng mga mag-aaral sa sama-samang paggawa sa iisang layunin ay nagreresulta

sa mas positibong relasyon nila kahit na nagkakaiba sila ng kultura, pangkat etniko, antas

ng pamumuhay, at pangkalusugang kondisyon. Sa positibong relasyong ito, napag-iibayo

ng bawat miyembro ng grupo ang pagiging sensitibo sa samahan na makapagdudulot ng

mas maraming karangalan.


Ang mga mag-aaral ay naghahanap ng positibong ugnayan anuman ang

sitwasyon. Naniniwala sila sa kagustuhang maging kabahagi ng bawat relasyon. Sa

gayong pagkakataon, ang mga mag-aaral ay nanaising makahanap ng isang matatag na

relasyong sa kabila ng sitwasyon nila sa buhay. Ang relasyong ito ay mula sa pakikitungo

nila sa kapwa.

Ang Paggamit ng Komiks

Ang paggamit ng komiks sa edukasyon ay base sa konsepto ng paglikha at

motibasyon sa mag-aaral. Ang epektibong paggamit ng komiks bilang midyum para sa

epektibong pagtuturo at pagkatuto ay naging paksa sa mga debate mula pa noong

magsimula ang komiks.

Makahihikayat ng komiks ang atensisyon at matutulungan ang mga mag-aaral na

matandaan ang kanilang natutunan. Sa Amerika, gumagamit ng komiks sa edukasyon,

gamit ang internet. Webkomiks ang tawag sa komiks gamit ang internet. Karamihan ng

gumagamit nito ay sa internet na nila nilalathala ang kanilang komiks.

Ang edukasyonal na potensyal ng komiks ay di pa gaanong natatanto kaya

inilunsad ni Caparas (2007) ang ilang programa na naglalayong ibangong muli ang

namatay na industriya ng komiks. Kasama ang “Komiks Caravan”, isang patimpalak sa

mga gumawa ng komiks, na sinuportahan ng National Commission for Culture and the

Arts, at maging ang gobyerno. Kamakailan lamang ay inilunsad ng ABS-CBN at GMA-7

ang seryeng Komiks sa telebisyon na nagpapalabas ng mga klasikong kuwento ng komiks

na ginagawang maiiksing teleserye. Maging ang internet ay inilalabas na rin ang mga

komiks na gawang-Pinoy. Sa pamamagitan ng telebisyon at internet, mas malawak na

madla ang maabot ng muling pagbangon ng komiks.


Sa pahayag ni Alaguilan (2007), ang komiks bilang libro ay nagpapahayag ng

kabuuan bilang mga Pilipino at upang pahalagahan ito bilang bahagi ng ating kultura.

Ayon pa kanya na ang pormal na pagsasanay sa komiks ay nagpasimula sa mga kolehiyo

at unibersidad sa buong bansa. Siya mismo ay nagsimulang magturo ng komiks sa St.

Benilde mula pa noong Setyembre. Kahit na nagsisimula pa lang ang pagtuturo ng

komiks ay umaasa siya na magpapatuloy ito at posibleng ang mga Pilipino ay matututo sa

paglikha ng komiks sa sarili nilang kaparaanan gamit ang mga materyales na makikita sa

internet at sila mismo ay matututo sa pagbuo ng komiks mula sa pagbabasa ng libro at

magasin. Tiwala sa sarili ang nagbunsod kay Alaguilan na magpursige at dahil sa pagbuo

ng komiks lumawig ang pagkamalikhain niya na isa sa kasanayan na nais na mahasa sa

mga mag-aaral.

Ayon kay Dr. Ali Merc (2013), na ang pamamaraang komiks ay nakapagpataas sa

antas ng komprehensiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral sa lahat ng antas. Ito ay

napatunayan na nagiging epektibo kapag ginamitan ng biswal na materyal tulad ng

komiks. Pati ang mga guro ay makalilikha ng komiks kasabay ng kanyang mga mag-aaral

at maeengganyo na pumasok sa klasrum upang mapaunlad pa ang mataas na lebel ng

kanilang pag-iisip. Karagdagan pa, ang mga mag-aaral na ginagamitan ng komik istrip ay

napagtanto na higit na narerehistro sa isipan ng mga mag-aaral, mababa man o mataas

ang antas ng katalinuhan, ang leksiyon sa panitikan.

Ang mga imahe na may kaakibat na teks ay higit na epektibong aspeto sa

komprehensiyon sa pagbasa dahil habang binabasa ang teks, pinagagalaw nito ang

imahinasyon ng mambabasa sa mga imaheng kanyang nakikita. Samakatuwid,


mauunawan natin ang mga posibleng dahilan kung bakit ang mga mag-aaral na

gumagamit ng komiks ay higit na kaaya-aya ang performans.

Ayon kay Grainger (2004), ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan

ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.

Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita at binubuo ng isa o higit pang

larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang

makaapekto nang higit sa lalim. Kapag naglalaman ng mga imahe at larawan ang

babasahin, ito ay nagiging isang pangunahing midyum sa pagtuturo. Ang mga imahe ay

siya mismo ang nangungusap na may mensahe na itong ipinaaabot kahit wala pa ang teks

nito. Ang mga imahe rin ang nagbibigay-buhay sa paksa.

Binigyan ni Liu (2004) ng kahulugan ang komiks bilang serye ng mga larawan na

nagsasaad ng kuwento. Sa nakalipas na dalawang dekada, may iilang pag-aaral na

nagpapakilala ng mga teknik sa paggamit ng komik istrip sa edukasyon partikular sa

klasrum na lenggwahe ang pinag-aaralan. Sa resulta ng kanyang pag- aaral, napag-

alaman na ang epekto ng komik istrip sa komprehensiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral

ay may benepisyo gamit ang biswal. Sinabi rin niya na nangangailangan ng ibayong pag-

aaral upang lalo pang mapaigting ang paggamit ng komiks bilang bahagi ng asignatura sa

pagpapataas ng antas ng komprehensiyon sa pagbasa.

Ayon kina Avraamidou at Osborne (2008) sa paggamit ng komiks, posibleng mas

mabilis na mauunawaan ang kahulugan ng mga mensahe sa pamamagitan lamang ng

pagtingin at pagpapakahulugan sa mga imahe at ito ay may malaking maitutulong sa pag-

unawa ng istorya. At ang mga istoryang ito ay maiuugnay nila sa pang-araw-araw na

kaganapan sa daigdig.
Ayon naman kay Greg (2005), ang paggamit ng komiks sa literatura ay isang

paraan upang lubusang maunawaan ang nilalaman ng teks kasabay ng pagkaaliw sa mga

larawan at imaheng nakikita. Magagamit rin ang komiks sa mga asignatura tulad ng

Math, Science, Social Studies at Art. Kung Outcome-base Learning ang nais na makamit,

ang paglikha ng komiks ay mahigpit niyang inirerekomenda dahil maraming uri ng

kasanayan ang matututunan.

Sa pahayag naman ni Blanchette (2013), ang mga grapikong nobela tulad ng

komiks na pinagsamang teks at imahe ay isa sa pinakalehitimong kagamitang

pampagtuturo sa panahon ngayon. Hindi lamang ang mga mag-aaral ang nahuhumaling

sa pagbabasa ng mga grapikong nobela kundi pati na rin ang mga guro. Ayon pa rin sa

kanya, sa pagbabasa, para kana rin nanonood ng pelikula dahil sa pagkilos ng mga imahe

ng mga karakter at sa kanilang diyalogo na makikita sa bawat frame gayundin sa lugar na

pinangyarihan ng mga ito. Ang isa pang bentahe ng grapiko ay napatataas ang antas ng

komprehensyon at natututunan ang kritikal na pag-iisip ng mga mambabasa.

Gayundin sa pahayag ni Pardeck (2005) tungkol sa paggamit ng komiks sa

literatura na nakatuon sa mga karakter na nagungusap sa kanilang diyalogo na makikita

sa mga lobo. Sa mga diyalogong nababasa, madaling nauunawaan ang mga pangyayaring

nakapaloob sa istorya. Ayon pa rin kay Pardeck, ang iba pang opisyal ng paaralan tulad

ng librarian at guidance councelor ay sumasang-ayon sa paggamit ng komiks. Ang

paglikha naman ng komiks ay isinasagawa nang pangkatan upang mapag-ibayo nito ang

positibong asal sa pakikisalamuha sa kapwa anuman ang katangian ng bawat isa.

Ayon naman kay Haines (2012), ang susi upang mahikayat ang mga mag-aaral na

gamitin ang kanilang imahinasyon at mapukaw ang interest ay sa pamamagitan ng


pagbabasa ng komiks. Dahil ang komiks ay nagsisilbing daan upang madaling

maunawaan ang teksto mula sa mga imahe nito. Ang mga imaheng ito ay nakatutulong sa

pagpapalawak ng kanilang bokabularyo. Sa katunayan ang komiks ay ginagamit na rin sa

ibang bansa tulad ng Japan, China at Korea bilang bahagi ng kanilang kultura. Ayon

parin kay Haines, upang masabi na ikaw ay magaling magbasa kinakailangang mamaster

ng mambabasa ang 5,000 na mga salita na di-pamilyar na nasa isang konbersasyon. Sa

isang nobela, mayroong 52 beses sa 1,000 na mga salita sa teksto. Sa komiks, mayroong

53 beses sa 1,000 na mga salita na makikita. Kunggayon hindi nakapagpapababa ang

komiks ng bokabularyo taliwas ito sa sinasabi ng mga kritiko.

Ipinapakita lamang na ang mga guro ay nag-eeksperimento sa paggamit ng iba’t

ibang kagamitang panturo sa pagtuturo ng panitikan sa mga mag-aaral. Kadalasan na ang

mga ito ay ipinapabasa lamang ang akda sa mga mag-aaral at pagkatapos ay

magsasagawa ng tanong-sagot na talakayan. Dahil dito hindi nalilinang sa mga bata ang

kawilihan upang magbasa bagkus ay lalo pa silang tinatamad na mag-aral ng panitikan.

Ang hindi magandang epektong ito dulot ng monotonos na atake ng guro sa pagtalakay

ng mga panitikan ay lalong hindi nauunawaan ng mga bata ang halaga ng mga akdang

binabasa nila dahil hindi kahali-halina ang mga tradisyunal na metodo ng pagtalakay ng

aralin na karaniwang ginagamit ng guro.

Ang estratehiyang nabanggit ay naglalayong mapataas pa ang natatamo ng mga

mag-aaral batay sa pagkakaroon ng positibong relasyon sa pagitan ng mga mag-aaral.

Kaugnay na Pag-aaral

Sa pag-aaral ni Mendoza (2008), ang grupong paggawa ay nakahihikayat ng pang-


unawa sa isang suliranin. Dito hinahayaan ang mga mag-aaral na matuto ng mga bagong

kasanayan. Ang maliliit na grupong gawain ay nakapagdudulot din sa mga mag-aaral ng

oportunidad na makapagpahayag ng kanilang saloobin sa kung ano ang kanilang

natutunan. Pinapayagan ng maliliit na grupo na magtanong at sumagot kaysa sila ay nasa

malaking grupo na kakaunting mag-aaral lamang ang nakikisangkot sa talakayan.

Sa pag-aaral ni Xu et al. (2008), ang epekto ng kooperatibong pagtuturo sa

interaksiyon ng mga mag-aaral at ang pag-uugali sa interaksiyong sosyal sa pagitan ng

mga mag-aaral na nasa English Language Learners (ELL) at mga batang na nasa Primary

English Speakers (PES) ay inihalintulad sa Single-subject withdrawal design ay ginamit

sa pag-aaral na ito. Pitong ELL at pitong PES mula sa dalawang silid-aralan ng Early

primary-grade ang pinili bilang mga kalahok. Ang edad ng mga kalahok ay mula anim

hanggang walong taong gulang. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nagpapakita lamang

na ang malawakang paggamit ng kooperatibong pagtuturo ay epektibo para sa ELL at

PES. Ang mga datos ay nagpapakita rin na ang interbensiyon ay mas epektibo para sa

ELL na grupo kaysa sa grupong PES. Sa parehong grupo, kakaunting bata lamang ang

nagpapakita ng negatibong pag-uugali.

Upang malaman nina Roseth et al. (2006) kung aling papanaw ang tama,

kamakailan ay nagsagawa sila ng agarang pag-analisa na nakapokus sa relasyon sa

pagitan ng mga mag-aaral sa grade 6 hanggang grade 9. Ineksamin ng awtor na mahigit

4,000 artikulo sa kooperatibong pag-aaral sa mga mag-aaral sa grade 6 hanggang grade 9;

120 sa kanila ay may sapat datos upang makalkula ang mga epekto nito. Ang agarang

pag-analisa ay nakapokus sa tatlong isyu: ang dating ng Cooperative Learning on


Achievement, Cooperative Learning on Interpersonal Attraction, at Interpersonal

Relationship on Achievement.

Ang resulta, ang pakikipag-ugnayan ay mahalaga para sa kanilang edad dahil sa

nararanasang krisis sa kanilang pagbabago at dahil nahaharap sila sa mga pagsubok sa

kapaligiran mula pa sa kanilang elementarya hanggang umabot ng Grade 9. Tinatayang

sa pagitan ng edad na 10-14, ang kabataan ay kinakailangang makaagapay sa biyolohikal,

kognitiv, at sosyo-emosyonal na pagbabago kung saan nangangailangan ng mas matatag

na relasyon sa mga kamag-aral at sa mga nakatatanda. Samantala, hindi naman lahat ng

kabataang nasa edad 10-14 ay ay nakararanas ng ganitong transisyon sa katawan, pag-

iisip, emosyon, at relasyong-sosyal. Sa maraming pagbabagong ito, maaaring makalikha

ng pagkabalisa, pag-aalala at depresyon, pagiging kakaiba sa mga kamag-aral at hindi

pakikisalamuha. Ito ay mas mataas ang epekto sa pag-uugali.

Sa ganitong pagkakataon, habang nagaganap ang ganitong krisis sa pagbabago,

ang mga kabataan ay nahaharap sa mga pagsubok sa kapaligiran sa kanilang transisyon

mula elementarya hanggang hayskul. Kinakailangang harapin ang ganitong pagbabago sa

paaralan. Sa mga relasyon at ilang pagbabago, marami sa mga bagong relasyong ito ay

kailangang patatagin. Marami sa mga sekondaryang paaralan ay napapalooban ng

pagtuturong pagkalahatang klase, tumataas ang bilang ng pagbubuo ng grupo, at

pagbibigay diin sa mga marka at kompetisyon. Kaya kakaunti ang oportunidad ng mga

mag-aaral na makapamili ng kanilang grupong sasamahan sa loob ng silid-aralan,

kaunting oportunidad upang magkaroon ng kooperasyon sa kamag-aral at kabawasan sa

positibong relasyon sa pagitan ng mag-aaral at guro. Ang kadalasang resulta ay kawalan

ng pagnanais sa akademya, kabawasan sa pakikisangkot na matuto, negatibong


pakikianib sa mga kamag-aral, at pagtaas ng panganib sa pagkakaroon ng hindi

magandang pag-uugali. Upang maresolba ang krisis sa mga pagsubok na nagaganap sa

kapaligiran, ang mga kabataan ay kailangang magkaroon ng positibong ugnayan sa

kanilang kamag-aral sa paniniwalang ang kaibigan ay nagbibigay ng kahalagahan sa

buhay kabataan at tagumpay sa kanilang hinaharap.

Sa pinaghambing na Cooperative Learning at Competitive and Individualistic

Learning, hindi lamang napatataas ang akademikong natatamo ng mga mag-aaral kundi

pati na rin ang resulta sa mas maraming pagsisikap nila na matuto sa maraming

pagkakataon. Sa ganitong punto, ang mga mag-aaral ay mas naglalaan ng oras sa mga

iniatang na gawain, gamit ang mataas na antas ng estratehiyang pangangatwiran,

malikhaing pag-iisip, pangmatagalang pagkatuto, paglilipat ng kanilang natutunan sa

iba’t ibang sitwasyon, at mahikayat na ipagpatuloy ang pag-aaral sa mga asignatura kahit

tapos na ang klase at nakauwi na sa bahay. Sa pakikisangkot ng mga mag-aaral, sila ay

lalong nagpapahalaga sa tagumpay, umaanib sa maraming gawaing nagpapakita ng

mabuting pag-uugali, at nababawasan ang pagkabalisa. Karagdagan pa nito, kinumpirma

sa agarang pag-aanalisa na ang mga kabataang edad 10-14 ay nakikipagkompetisyon sa

mga gawaing kanilang ginagawa, grupo man o isahan. At kung nais na mapataas ang nais

na matamo ng mga mag-aaral, kailangang mas madalas din ang paggamit ng kooperati-

bong pagtuturo.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Madran (2008) na may pamagat na Principles of

Material Development, binanggit nito na natututo ang tao sa pamamagitan ng kanyang

mga pandama. Sinabi niya na 1% ng ating pagkatuto ay dahil sa ating panlasa, 2% sa

ating pandama o pansalat, 4% sa pang-amoy, 10% sa pandinig, at 83 % sa ating nakikita.


Sa mga nakalipas na taon, maraming pag-aaral kung papaano gumagana ang utak

at ang memory sa proseso ng komunikasyon. May mga nabuong teorya na higit na

magagamit upang magkaroon ng ganap na kabatiran o pagpapaliwanag sa kahalagahan sa

paggamit ng mga kagamitang pantulong sa pagtuturo. Sa proseso ng komunikasyon, ang

sensory register ng ating memorya ay nagsisilbing tagasala. Lahat ng impormasyon

nasasagap natin ay sinasala nito. Sa loob lamang ng ilang segundo, anuman ang ating

nasagap na impormasyon, mahalaga o hindi ay dumadaan sa ating memorya kung saan

napoproseso ito na maaaring manatili nang matagal sa ating long term memory. Ito ay

maselang proseso kaya dapat isaalang-alang ang gamit ng kagamitang pampagtuturo

upang bigyang diin ang nais at dapat matutunan ng mag-aaral. Mayroon tayong long at

short term memory . Ang huli ay limitado lamang ang panahon gayundin ang kapasidad.

Kaya naman napakahalaga na ang mga impormasyon ay maayos na napahahatid sa mga

mag-aaral. Maaaring gumamit ang mga guro ng mga kagamitang gaya ng tsarts, graphs,

pictures, higit sa lahat ay komiks bilang kagamitang makatutulong upang manatili sa

memorya ng mga mag-aaral nang pangmatagalan at ang mga impormasyon ay

magagamit sa pang-araw-araw nilang buhay.

Samakatuwid, ipinapakita lamang nito kung gaano kalaki ang epekto sa

pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ang mga bagay na kanyang nakikita at

nagagawang maranasan sa pamamagitan ng paggamit o pagmamanipula ng mga ito. Ang

mga karanasan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng mga gawaing iniatas sa kanila

ng kanilang guro.

Ang Paggamit ng Komiks

Ang komiks ay isang babasahing isinalarawan at maaaring nagsasaad ng kuwento


ng buhay ng tao o pangyayari. Ang salitang komiks ay hango sa salitang Ingles na

“comics”at isinulat lamang na may titik “k” alinsunod sa baybayin ng wikang Filipino.

Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, naglipana ang komiks at naging popular ito

sa buong bansa, dahilan upang maging isa ang Pilipinas sa mga pinakamalaking

tagalimbag ng komiks sa buong mundo. Pero sa mga nagdaang dekada, bumababa ang

popularidad ng komiks dahil sa iba’t ibang salik, kabilang na rito ang iba pang anyo ng

mass-media tulad ng telebisyon at internet.

Habang ang Pilipinas ay dumadaan sa yugto ng rebolusyon, ilang serye ng

Filipino komiks ay lumabas bilang page filler sa mga magasing Tagalog. Sunud-sunod na

lumabas ang mga naging sikat na komiks sa ilalim ng pamamahala ng mga sikat na editor

at dibuhista. Ang Pilipinas ang isa sa pinakamalaking industriya ng komiks sa buong

mundo, kaya noong kalagitnaan ng 1950’s hindi man opisyal ay itinuturing ang komiks

bilang pambansang libro ng mga Pilipino.

Ipinakita ni Martin (2009), na ang komiks ay hindi lamang para sa mga nerd na

bata. Dahil kapag ang isang tao ay hindi nagbabasa ng komiks, siya ay napag-iiwanan ng

panahon. Ang mga palalimbagan tulad ng Jonathan Cape and Faber ay nag-iimprenta ng

mga komiks na napatutungkol sa mga kababalaghan na siyang kinagigiliwan ng mga

bata. Tulad ng nobelang Harry Potter na naisapelikula at ngayon at isasa-komiks ng ilang

ahensiya sa Hollywood na siyang ispesyalista sa grapikong nobela sa mga istudyong

pampelikula. Gayunpaman, nagkaroon ng iba’t ibang opinyon hinggil sa komiks.

Mayroong siyang mga kaibigan na kahit anong nilalaman o paksa ng komiks ay binabasa

basta nakapormang komiks ito. Ganoon ang pagkahilig nila sa komiks. Nagsimula si

Martin sa mga imported na komiks tulad ng MAD na magasin na nabuo noong 200AD,
ang mga Britanyang siyentipiko na ang tema ay kababalaghan ang naiibigan.

Nagpapatunay lamang kung gaano kaimpluwensiya ang komiks sa tao.

Samantala, si Salazar (2014) na nagtuturo ng elementarya sa Detroit, sa

malawakang pagtingin sa komiks ay mas maraming nakikitang kapakinabangan dito. Sa

kasalukuyan, si Salazar ay lumilikom ng pondo upang bigyang buhay ang komiks sa

kanyang klasrum sa layuning mapag-ibayo pa ang mga kasanayan ng kanyang mga mag-

aaral. Sinisikap makapamili ni Salazar ng mga pang-edukasyonal na komiks para sa

kanyang klasrum sa Southwest Detroit Lighthouse Academy. May mga panawagan din sa

internet si Salazar na isulong ang paggamit ng komiks bilang kagamitang pampagtuturo.

Kasama sa panawagan ang makalikom ng pondo sa pagtataguyod ng proyektong komiks.

Si Downey (2014) sa kanyang aklat na Reading for the Love of it, lahat ng

kanyang natutunan ay mula sa komiks. Para sa kanya, hindi ito nakapagtataka dahil sa

bawat sesyon sa pagbuo ng komiks, ini-eksamin nito ang narativ na biswal bilang genre

na dapat pag-aralan. Di lamang ito basta simpleng pagbibigay sa mga mag-aaral ng mga

materyal na mapapadali o madaling gawin kundi bilang isang kabuuan, nilalaman at

historya na magtuturo sa pagiging maparaan, kritikal na mag-isip at makapaghinuha sa

anumang suliraning nararanasan. Ito ay nakapokus sa pagtuturo ng komiks, grapikong

nobela at tulang may grapiks sa pagtuturo ng biswal na narativ. Ang bawat sesyon ng

pagtuturo ay naglalayon ng makabuo ng mga pamagat at seryeng magbibigay ng gawad-

gantimpala na magagamit ng guro sa kanyang mag-aaral kasama na rito ang mga

publikasyon at ang mga komiks na ginagamit para sa klasrum.

Para kay Blake (2013), sa kanyang pag-aaral na ang komiks ay mabisang

kagamitang pampagtuturo kaysa sa mga teksbuk. Dapat na ang mas mabisa ay teksbuk
ngunit sadyang ang realidad ay di maiiwasan. Ito na rin ang senyales para sa mga

publikasyon at edukador na ang pagpapalaganap ng komiks sa paaralan ay tamang

paraan.

Ayon pa rin sa kanya, ang ating utak ay animnapung libong (60,000) beses na mas

mabilis magproseso sa mga imahe kaysa sa mga teksto. Kaya ang pagsasalaysay ng

kwento ay isang mabisang kagamitan. Ang komiks bilang imahe, ay pinagsamang istorya

at impormasyon na epektibo at mahalaga kaysa sa anumang pamamaraan. Kagaya na

lamang ng mga tagapagtangkilik sa mga superhero na nababasa sa komiks kung gaano

nila kabilis nakakabisa ang mga karakter, ang kanilang kapangyarihan, mga sound-

effects, kasuotan at historya nito. Halimbawa nito na sa mas madaling pagsunud-sunurin

ang naging kasuotan ni Cyclopes-karakter sa komiks sa nakalipas na limampung (50)

taon kaysa isa-isahin ang sampung (10) mga naging presidente ng bansa. Sa ganitong

pananaw ni Blake, napagtanto niya na mas makulay ang mga narativ sa komiks kaysa sa

anu pa mang babasahin.

Sa pag-aaral tungkol sa teksto at komiks, natuklasan ni Sones (2004) na ang

kalidad ng biswal ay nakakapagpataas ng antas ng pagkatuto. Hinati niya ang apatnaraan

at anim sa grade 9 na mag-aaral sa dalawang grupo na may parehong parehong

kakayahan at kasanayan. Sa unang grupo ay ginamitan niya ang komiks, may larawan at

teksto, samantalang ang isa pang grupo ay ginamitan ng teksto. Pagkatapos ay binigyan

sila ng pagsusulit ayon sa nilalaman ng istorya. Pagkatapos ng isang linggo, binaligtad

naman, ang unang grupo ng ginamitan ng komiks ay siya namang ginamitan ng teksto at

ang grupong ginamitan ng teksto ay gumamit ng komiks. Pagkatapos ng isang linggo,

parehong binigyan ng pagsusulit.


Sa bandang huli, nagkaroon ng kongklusyon si Sones na ang pag-aaral na

ginamitan ng larawan-komiks ay nakahihigit. Ang unang grupo na ginamitan ng komiks

ay mas mataas ang naging iskor kaysa sa teksto. Sa ikalawang pagsusulit, ang ikalawang

grupo na siya namang gumamit ng komiks ay nakakuha ng mataas na iskor. Sa ganitong

pangyayari, nagkaroon ng kongklusyon si Sones na ang unang grupo na gumamit ng

komiks ay narating ang mas mataas na antas ng komprehensiyon kaysa sa mga grupong

gumamit ng teksto. Samantalang ang ikalawang grupo na gumamit ng teksto na sa

ikalawang pagkakataon ay gumamit ng komiks ay doon pa lamang nila mas higit na

natutunan ang nilalaman ng teksto. Sa ganitong pangyayari nangangahulugan lamang na

mahalaga ang biswal upang matamo ang mas mataas ng antas ng komprehensiyon. Sa

kongklusyon ipinahayag ni Sones sa kanyang pag-aaral, na sa kabuuan, sa pagtuturo,

kinakailangan ang lahat ng mag-aaral ay parehong nakababasa anumang nakaimpretang

babasahin. Ang mga mag-aaral na natututo sa paraang biswal, ang komiks ay isang

epektibong kagamitan.

Sa pag-aaral ni Wilson (2009), ginamit niya ang komiks bilang motibasyon sa

pagtuturo ng akdang pampanitikan sa grade 5 sa Springfield Public School na binubuo ng

10 mag-aaral, walong babae at dalawang lalaki na may edad na 10-12. Naging

pangunahing layunin niya ang pagbabago sa kaasalan ng mga mag-aaral sa pagbabasa

pagkatapos maiparanas sa kanila ang pagbabasang gamit ang komiks o nobelang

ginagamitan ng larawan. Gumamit din siya ng pre at post survey upang agarang malaman

ang resulta. Ang pre-survey ay ibinigay bago pagbasahin ang mga mag-aaral ng

literaturang isina-komiks. Ipinaliwanag ni Wilson ang bawat pamagat at nagbigay ito ng

sinopsis ng istorya. Pinili ng mga mag-aaral ang akdang pampanitikan na isina-komiks.


Dalawang araw sa apat na linggo, ang mga mag-aaral ay kumakain ng kanilang

panaghalian sa loob ng klasrum at pagkatapos ay nagbabasa ng komiks. Sa bawat sesyon

ng pagbabasa, nagkakaroon sila ng grupong talakayan mula sa pamagat hanggang sa

nilalaman ng kanilang nabasa. Pagkatapos ng apat na linggong pag-aaral, binigyan ang

mga mag-aaral ng post-survey. Napatunayan ni Wilson mula sa resulta na may matibay

na koneksiyon ang motibasyon sa pagbabasa at sa pagtuturo ng literatura. Ang mga mag-

aaral ay nagkaroon ng masidhing pagnanais na makapagbasa ng komiks gayundin ang iba

pang babasahin dahil napag-ibayo nito ang gawi sa pagbabasa.

Mula sa pag-aaral ni Van Wyk (2011), ginamit niya ang cartoons bilang

kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Economics. Nilahukan ng 68 mga gurong-

mag-aaral sa kursong Baccalaureus Educationist (Bed) at Post Graduate Education

Certificate (PGCE) sa Fakulti ng Edukasyon. Isinagawa ang pag-aaral sa loob ng 12

linggo na may dalawang sesyon sa bawat linggo ng ikalawang semester ng 2008. Sa

bawat sesyon, ang mga paksa ay ginamitan ng cartoons halaw sa mga pahayagan.

Pagkatapos ng pag-aaral, nagsagawa ng pagsagot sa talatanungan ng mga respondente ng

pag-aaral. Sa kinalabasan ng pag-aaral gamit ng cartoons ng mga gurong-mag-aaral,

nagkaroon sila ng positibong pagtanggap at may 87.5 % na bilang ng gurong-mag-aaral

ang gumamit ng nasabing pamamaraan sa kanilang maykrong-pagtuturo sa klasrum. Sa

konklusyon ni Van Wyk, isa sa pinakamabisang kagamitang pampagtuturo ay ang

cartoon na nakapagpapaibayo ng pagkatutong konstruktib, kooparatib at kolaboratibong

pag-aaral sa asignaturang Economics.

Ang pag-aaral naman ni Arroio (2008) ay sa paggamit ng komiks bilang narativ

sa asignaturang Science. Layunin niya na himukin ang mga guro at mag-aaral na lumikha
ng komiks gamit ang narativ. Napansin din niya na ang komiks bilang kagamitan

pampagtuturo ay nagsisilbing daan tungo sa mga siyentipikong impormasyon na siyang

mahalaga sa pag-aaral. Ang mga guro sa pag-aaral na ito sa University of Sao Paulo ay

pinagpare-pareha upang mangalap ng mga kuwento at lumikha ng komiks. Pinasimulan

nila ang paglikha sa pamamagitan ng pagguhit ng kanilang narativ gamit ang kompyuter.

Ang iba pang detalye tulad ng text, lobo at karakter sa paglikha ng komiks ay maingat na

nailahad. Sa pag-aaral ni Arroio, malaki ang naitulong ng komiks sa paghahatid ng

impormasyon maging sa publiko man. Dahil sa komiks napataas ang komprehensyon ng

mambabasa, at madali nilang naunawaan ang mga simbolo at imahe sa larangan ng

siyensiya.

Sa pag-aaral ni Mitkus (2013) sa kanyang Lithuanian komiks, binanggit niya ang

mga varayti ng komiks sa literatura bilang; una, kakatwa dahil naipapahayag ang

emosyon sa nakatutuwang paraan nang hindi nakasasakit ng kalooban ng sinuman. Dahil

sa ganitong tema, ang mambabasa ay nagdudulot ng positibong pananaw. Ikalawa, sa

mga konseptong satirikal sa komiks, nabibigyang-diin ang maling gawi na di tinatanggap

at hindi dapat tularan. At ang huli ay ironiya na ipinapakita ang iba’t ibang emosyon ng

mga karakters gayundin ang mga di-sinasang-ayunang pangyayari sa mundo. Upang

lalong palakasin ang paggamit ng komiks, nagsagawa ng pag-aaral si Mitkus na

nilahukan ng mga mag-aaral na may edad na11-16 sa University of Lithuania. Ang mga

paksa sa historya, mitolohiya at kultura ay isina-komiks. Sa resulta ng kanyang pag-

aaral, napatunayan na malaki ang naitulong ng pagbabasa ng komiks sa pangangabisa ng

mga impormasyon kaysa sa teks sa kinalabasan ng iskor ng mga mag-aaral sa


isinagawang pagsusulit na naging dahilan upang isalin ang mga akdang pampanitikan sa

komiks.

Sa pag-aaral naman ni Baker (2011), ginamit niya ang komiks sa mga mag-aaral

sa English Language Learners (ELL), upang mapag-ibayo ang kanilang literasi sa

University of Central Missouri. Sa pamamagitan ng makukulay na larawan at mga

pamilyar na karakter, ang komiks ay mas naging kasiya-siyang basahin kaysa teks.

Ipinakita rin ng komiks ang kakaibang mapanghikayat na katangian nito na hindi

nababago ang lugar na pinangyarihan ng kuwento, bokabularyo at iba pang mahalagang

komponent ng komprehensyon. Napatunayan rin sa pag-aaral ni Baker na ang komiks ay

nakatulong sa mga mag-aaral na di-gaanong mahilig magbasa patungo sa pagkahilig lalo

na kung ang tema ay nauukol sa pangkasalukuyang isyu sa lipunan. Ang ikalawang

lenggwaheng Ingles ay napagtutuunan na ng pansin ng mga mag-aaral di tulad ng dati

kaya naman pati ang paglikha ng komiks ay naging bahagi na rin ng kanilang kurikulum.

Ginamit nina Decker at Castro (2012) ang komiks sa kanilang pag-aaral sa

patuturo ng historya sa mga mag-aaral ng Purdue U niversity. Sa unang semester ng pag-

aaral, ang mga mag-aaral ay pinagbasa ng tatlong unang isyu ng paksang Unknown

Soldier na naisa-komiks bago pumasok sa klase. Pagkatapos, nagkaroon ng talakayan.

Sa unang pagkakataon pa lamang ay nakita na ang interes ng mga mag-aaral dahil sa mga

fidbak nito sa mga pangyayari. At dahil sa nilalaman ng komiks na nauukol sa paksa,

masidhing inabangan ng mga mag-aaral ang mga susunod na pangyayari. Ayon pa rin

kina Decker at Casro, ang komiks ay simple ngunit pinakaepektibong estratehiya upang

maabot ang karanasan ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng historya.


Sa pag-aaral ni Marianthi et al. (2010) mula sa digitized comics books hanggang

sa digital hypermedia comic books bilang kagamitan pampagtuturo ay napatunayan na

ang komiks sa edukasyon ay napakahalaga. Sa katunayan nilahukan ito ng 22 gurong-

mag-aaral sa postgraduate e-learning course sa University of Pireaus. Ginamit ang

komiks na may pamagat na “Tales from the Public Domain: BOUND BY LAW?” Nag-

analisa ang mga mag-aaral sa pagkakabuo ng komiks gayundin sa paksang nilalaman

nito. Sa pangkatang gawain, lilikha sila ng web komiks at magbibigay ng fidbak

pagkatapos ng gawain. Upang masukat ang resulta ng pag-aaral, pinasagutan ang

talatanungan sa mga gurong-mag-aaral. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay naging positibo

ang pagtanggap ng mga gurong-mag-aaral sa paglikha ng komiks. Ilan sa mga komento

nila ay madaling unawain, kaaya-aya, mabilis ang resulta, positibong pakikisalamuha sa

kapwa, pagkamalikhain at marami pang iba. Dahil dito nagkaroon ng sila konklusyon na

napakahalaga ng komiks sa edukasyon.

Sa isinagawang pag-aaral nina Millard at Marsh (2011) sa paggamit ng komiks sa

literatura, naging layunin nila ang magkaroon ng literasi at interes sa pagbabasa ang mga

mag-aaral lalong-lalo na ang mga hirap gayundin ang mga walang gaanong interes na

mambabasa. Ang instrumento at disenyong ginamit sa pag-aaral ay Causal Comparative

Study of Students’ Reading Motivation na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Mark

Twain Elementay School na nasa Grade 5, may edad na 10-12 at binubuo ng

labindalawang babae at tatlong lalaki.

Ayon kay Millard at Marsh, ang komiks ay nasa unang tatlong pinagpiliang

babasahin ng mga mag-aaral kaya naman ang kanilang pag-aaral ay nakatuon sa

paggamit ng komiks sa literatura. Ang gawain ay tinawag nilang Lunch-N-Munch kung


saan tuwing oras ng pananghalian, dalawang beses sa isang linggo sa loob ng apat na

linggo ay nagtitipon ang mga mag-aaral upang magbasa ng literaturang komiks. Bago

isinagawa ang pag-aaral, nagkaroon ng pre-survey ang mga mananaliksik. Ang pre-

survey na ito ay naglalaman ng mga katanungan hinggil sa pananaw at gawi ng mga mag-

aaral sa pagbabasa ng literature. Pagkatapos ng pagbabasa ay nagkakaroon ng talakayan

at sinopsis bandang huli. May mga pagkakataon na isahan o magkapareha ang pagbabasa.

Pagkatapos ng apat na linggo, isinagawa ang post-survey na naglalaman ng dalawang

karagdagang katanungan kung naging kawili-wili ang pagbabasa at kung ano ang

nagustuhan nila sa pagbabasa ng literaturang komiks. Sa resulta ng pag-aaral, sa tuwing

nagbabasa ng literaturang komiks ang mga mag-aaral, nagkakaroon sila ng pakiramdam

na ang teksto ay kanilang pag-aari taliwas sa unang pananaw na ang teksto ay nakikita

nila bilang mga abstrak at walang kinalaman sa pang-araw-araw nilang buhay. Lumabas

din sa pag-aaral ang positibong pananaw sa pagbabasa sa nobela at literatura gayundin sa

interes ng mga mag-aaral sa talakayan at pagbibigay ng sinopsis pagkatapos magbasa. Sa

bandang huli, ipinagamit sa mga guro ang literaturang komiks bilang kagamitang

pampagtuturo.

Gayundin sa pag-aaral na isinagawa nina McGrail at Rieger (2013) sa pagiging

mulat ng mga mag-aaral sa mga kayang gawin ng mga taong may kapansanan sa

pamamagitan ng pagbabasa ng literaturang komiks na ginamit bilang isang estratehiya sa

pagtuturo. Pinagbatayan ng mga mananaliksik ang mga taong may kapansanan sa pag-

aaral dahil napansin nila ang pagtaas ng bilang nito. Bilang patunay, ayon sa National

Center for Statistics, tumaas ng 32% hanggang 57% noong 2007-2008 ang kanilang

bilang kaya naman may kahirapan para sa mga guro na lumikha ng isang klasrum para sa
mayroon at walang kapansanan. Ang dalawang kalagayang ito ay nakaaapekto sa

interaksiyon ng bawat isa tungo sa pagkaroon ng positibong pakikipagkaibigan sa loob ng

klasrum gayundin sa kanilang komunidad.

Dahil sa mga pangyayaring ang mga mag-aaral na may kapansanan ay

nakararanas ng diskriminasyon, nagdulot ito ng di-maayos na pakiramdam, nagiging

mahiyain at kawalan ng interes na matutuo. Sila rin ay napatunayang may mataas lebel

ng depresyon at may mababang pagtingin sa sarili. Ang mga mag-aaral naman na walang

kapansanan, hindi sila nagiging mulat sa mga pangangailangan at kayang gawin ng

kanilang kapwa na may kapansanan. Dahil dito, sina McGrail at Rieger ay nagsagawa ng

pag-aaral na pagsamahin ang dalawang kalagayang nabanggit sa iisang gawain—

pagbabasa ng literaturang komiks. Binuo ang pangkat ng mga mag-aaral na may

kapansanan sa Georgia State University at mga piling mag-aaral na walang kapansanan.

Hinati sila sa maliliit na pangkat na magkahalong katangian. Pinagbasa sila ng

literaturang komiks. Pagkatapos ng pag-aaral, may mga tanong na pinasagot sa mga mag-

aaral base sa kaalaman nila sa mga taong may kapansanan, persepsiyon, interaksiyon,

pagtanggap sa mga nakatutuwang pangyayari, at pagpapahalaga at pagtanggap sa mga

taong may kapansanan. Batay sa resulta, napag-alaman na ang interes ng dalawang

kalagayan ay di nalalayo kung pagbabasa ang pag-uusapan at ang pagkakaroon ng

kapansanan na kalimitang nagiging dahilan ng diskriminasyon ay nagbago. Parehong

nagkaroon ng positibong pananaw sa pakikisalamuha ang mga mag-aaral. Mas pinili

nilang basahin ang literaturang komiks dahil sa dulot nitong biswal, drowing na may

nakakawing na diyalogo na ayon sa kanila ay paraang nanonood ng pelikula dahil sa

paggalaw ng mga tauhan sa bawat kahon. Ang mga may kapansanan ay nakaramdam ng
pagpapahalaga at pagtanggap dahil nakahalubilo nila sa gawain ang mga mag-aaral na

walang kapansanan. At ang mga mag-aaral na walang kapansanan naman ay nagkaroon

ng interes na makasama ang mga may kapansanan dahil iisa ang kanilang kinahiligang

gawin—ang magbasa ng literaturang komiks. Dahil sa pangyayaring ito, nakalikha ang

guro ng isang klasrum para sa magkaibang kalagayan at katangian na mga mag-aaral.

Gayundin sa pag-aaral ni Pierson at Glaeser (2007) sa paggamit ng komiks istrip

sa pakikipagtalastasan upang mapataas ang kapanatagan at mabawasan ang kalungkutan

ng mga mag-aaral na may kapansanan na Autism Spectrum Disorder. Ginamit nila ang

komiks bilang interbensiyon sa pagtuturo. Nilahukan ng sampung mag-aaral na may edad

6, 7 at 8 na nagsilbing respondente ng pag-aaral na tumagal ng dalawang linggo. Sa

resulta ng pag-aaral, ang mga mag-aaral ay nagpakita nang maayos na pakikisalamuha,

nabawasan ang kalungkutan, napag-ibayo ang pakikipagtalastasan sa kapwa, mas

maraming ngiti at kagustuhang makilahok sa mga isahan at pangkatang gawain gayundin

sa pakikipaglaro sa kapwa.

Ang isinagawang pag-aaral nina McGrail, Rieger, Pierson at Glaeser ay parehong

may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Bagamat nilahukan ng mga respondenteng

may kapansanan, hinaluan naman ang grupo ng mga walang kapansanan na parehong

komiks ang kagamitang pampagtuturo ang ginamit. Ang bawat grupo ay may mga

nakaatas na babasahing naisa-komiks. At sa huli, may mga katanungan na sasagutin

upang masukat ang performans ng mga mag-aaral. Parehong napag-ibayo ang

pakikisalamuha at kasanayan sa pagbabasa ng mga mag-aaral sa pag-aaral na ito at sa

kasalukuyang pag-aaral.
Katulad sa kasalukuyang pag-aaral na ito, ang ginawang pag-aaral ni Sevilla

(2013) ukol sa epektibong pamamaraang pampagtuturo gamit ang modyul na sarili

niyang likha ay naging epektibo. Bumuo siya ng eksperimental at kontroladong grupo na

sumailalim sa pretest at posttest sa Letran Bataan. Ito ay isinagawa upang maikumpara

ang epekto ng tradisyunal na pagtuturo sa eksperimental. Ayon sa resulta ng pag-aaral,

ang pretest mean na 14.33 at posttest na 21.93 ay nagpapakita ng mean difference na

7.80. Sa t-value na 6.93 na makabuluhan sa antas na 0.0, nagmumungkahing ang

mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng puntos ng pre at posttest mean. Ang mga mag-aaral

na sumailalaim na modular na pagdulog ay nagkaroon ng pag-unlad sa kanilang puntos

matapos ang paggamit nito sa isinagawang eksperimento. Sa kanyang konklusyon, ang

kahusayan ng mga mag-aaral sa parehong pamamaraan ng pagtuturo ay parehong kasiya-

siya, bagaman may kaunting pagtaas ang pag-unlad ng mga mag-aaral na sumailalim sa

eksperimental na pamamaraan.

Gayundin sa ginawang pag-aaral ni Banez (2010) na gumamit siya ng modyul sa

pagtuturo ng Filipino upang malinang ang kasanayan sa pagbabasa ng mga mag-aaral sa

kolehiyo sa Bataan Peninsula State University, kampus ng Dinalupihan. Ang modyul na

kanyang ginamit ay sariling likha. Ito ay kinapapalooban ng mga piling akdang

pampanitikan sa Filipino. Binubuo ito ng mga gawaing makapagpapalinang sa kasanayan

sa pagbasa ng mga mag-aaral sa kolehiyo. May mga survey-questionaire din na

ipinasagot sa mga mag-aaral upang masukat ang impact ng akdang pampanitikan sa

kanilang pang-unawa at panlasa.

Sa ginawang pag-aaral ni Banez at Sevila ay parehong may kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral dahil sa paggamit ng modyul. Ginabayan ng modyul ang mga


mag-aaral upang masagot ang mga gawaing nakapaloob dito sa ilalim ng kontroladong

grupo. Ang tradisyunal at eksperimental na pamamaraan at sa isinagawang pretest at

posttest ni Sevilla ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral dahil sa parehong

pamamaraang ginamit upang masukat ang performance ng mga mag-aaral.

Bilang bahagi ng paghahanda sa pandaigdigang exibit sa siyensiya sa Rijeka,

Croatia, nagsagawa ng pag-aaral si Tatalovic (2009) gamit ang komiks na tinawag niyang

“science comics”. Ito ay naglalayong isa-komiks ang mga siyentipikong impormasyon at

upang malaman din kung may mga pag-aaral nang naganap hinggil sa komiks na may

temang siyensiya. Sa kanyang pag-aaral at pananaliksik, natuklasan niya na maraming

pag-aaral nang naisagawa tungkol sa komiks. Marami na ring teksto ang naisa-komiks na

may temang siyensiya. Ilan dito ay matatagpuan sa mga blogs at websites na libreng

mababasa gamit ang internet. Ang pokus ng mga naging pag-aaral na natuklasan ni

Tatalovic ay ang paggamit ng komiks sa edukasyon ng siyensiya ngunit hindi ang

paggamit nito bilang pangkomunikasyon para sa mga taong wala sa loob ng klasrum—

komunidad. Naniniwala si Tatalovic na magiging makabuluhan ang gamit ng komiks sa

siyensiya kung ang mga mahahalagang impormasyon ay maipapaabot sa komunidad na

hindi lamang sa mga mag-aaral sa loob ng klasrum. Dahil dito, nangalap siya ng mga

komiks na may temang pangsiyensiya at ito ay kanyang ipinalaganap. Lumikha rin siya

ng mga komiks na may parehong tema. Ang mga komiks na kanyang nakalap at nalikha

ay libreng mababasa sa kanyang website. Hindi man tuwirang naipaabot kay Tatalovic

ang fidbak ng kanyang pag-aaral, mababasa naman sa kanyang website ang mga

positibong komento ng mga nakabasa nito.


Ang mga pag-aaral na nabanggit ukol sa paggamit ng komiks sa pagtuturo sa iba’t

ibang kaparaanan at asignatura ay napatunayan na may iisang layunin. Ang layuning ito

ay mapukaw ang interes ng mga mambabasa upang ang anumang impormasyon ay

maipahatid, magdulot ito ng kawilihan at higit sa lahat ay ang positibong interaksiyon sa

kapwa. Ang mga grapiko, imahe at mga diyalogo ang pinakatampok dito kaya naman ang

pagbabasa ay natutulad sa panonood ng pelikula dahil sa pagkilos ng mga larawan sa

bawat kahon. Nagkaroon din ng kritikal na pag-iisip ang mambabasa dahil natalakay nito

ang nilalaman. Ang mga nobela, literatura, at historya, na dati ay sa teks lamang nababasa

na nagiging kabagot-bagot, ngayon ay hindi na bagkus nagsisilbi pa itong motibasyon.

Karagdagan pa, natuklasan ang maraming kasanayan sa paglikha nito mula sa pagsulat ng

iskrip hanggang sa pagdidibuho. At sa huli, ang mga tagapagturong gumagamit ng

komiks ay napadali ang kanilang gawain at kasabay nito ay natututo rin sila. Sa kabuuan,

ang komiks ay isa sa pinakaepektibong pamamaraang pampagtuturo.

Ang pag-aaral na ito’y malaki ang maitutulong ng mga nasabing pag-aaral ukol sa

performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino at sa panig naman ng tagapagturo,

magiging mas madali ang pagpoproseso ng pagkatuto ng kanyang tinuturuan.

Balangkas Konseptwal

Ang huwarang modelo ang siyang gagabay sa pag-aaral na ito: ang saligang

impormasyon (performans), interbensiyon at performans ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino na ipinakikita ng figura I.

Saligang Impormasyon Interbensiyon Performans ng mga


(Performans) Mag-aaral sa Asig-
naturang Filipino

Pretest Tradisyunal Posttest


Pretest Komiks
Posttest

Figura I. Paradigma ng Pag-aaral

Ang unang kahon ay na binubuo ng saligang impormasyon (performans) ng mga

Mag-aaral sa Asignaturang Filipino na tatayain sa pamamagitan ng pre-test.

Ang ikalawang kahon ay kinapapalooban ng interbensiyong tradisyunal na

sumailalim sa lektur na pamamaraan at ang komiks bilang kagamitang pampagtuturo.

Ang ikatlong kahon naman ay binubuo ng Performans ng mga Mag-aaral sa

asignaturang Filipino na tatayain sa pamamagitan ng posttest.

Hinuha

Ang hinuha ng pag-aaral na ito ay: Walang pagkakaiba sa mag-aaral ang

tradisyunal at pamamaraang komiks sa pagtuturo sa resulta ng performans ng mag-aaral

sa asignaturang Filipino.

Katuturan ng Pagtalakay
Upang higit na maging malinaw ang pag-unawa sa pag-aaral na ito, binigyan ng

konseptwal at operasyunal na katuturan ang mga talakay batay sa pagkakagamit sa pag-

aaral.

Komiks. Ayon kay Liu (2004) ito ay isang babasahing isinalalarawan ang mga

nangyayari sa buhay ng tao. Ginamitan ito ng lobo para sa mga diyalogo ng mga tauhan

upang maipagalaw ang imahe sa isipan ng mga mambabasa. Ang terminong kanyang

ginamit sa mga serye ng mga larawan na nakalagay sa kahon na nagsasabi ng istorya.

Kooperatibong Pagtuturo. Isang pamamaraan na kung saan ang mag-aaral na

may taglay na kaalaman at kasanayang kailangan sa aralin ang magsisilbing tagapagturo

sa kanyang kapwa-kamag-aral. Ito ay sistema ng pagtuturo na kung saan ang mga mag-

aaral ay nagtutulungan sa pamamagitan ng pagtuturo. Ito ay napapalooban ng

paggugrupo sa mga mag-aaral na may parehong antas at edad. Ang estratehiyang ito ay

sumusuporta sa teacher-directed instruction sa loob ng klasrum. Ang mga mag-aaral ay

nakategorya bilang tagaturo at tuturuan sa ikalawang kwarter ng kanilang pag-aaral.

Tradisyunal na Pangkat. Ang pangkat na tinatawag na kontroladong pangkat na

sumailalim sa tradisyunal na pamamaraan kung saan may isang kamag-aral na babasa

nang malakas sa harapan nila ng akda bilang aralin at pagkatapos ay magkakaroon ng

talakayan sa pamamagitan ng tanong-sagot. Pasasagutan din ang pagsusulit na pipiliin

lamang nila ang tamang sagot, isusulat ang titik sa nakalaang patlang at lalapatan ng

diyalogo ang mga lobo batay sa mga pangyayari mula sa akdang pampanitikan. Ang

pagbibigay marka ay batay sa tamang sagot sa tatlumpu’t limang aytem.

Eksperimental na Pangkat. Grupo ng mga mag-aaral na hinati sa limang

pangkat na may tatlong miyembro sa ilalim ng isang lider na tagapagturo upang


malapatan ng diyalogo ang komiks na nakapaloob sa modyul. Pasasagutan din ang

pagsusulit na may tatlumpu’t limang aytem.

Pretest. Ang terminong ito ay tumutukoy sa paunang pagsusulit na ibibigay

upang matukoy ang dating kaalaman ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikan na

babasahin. Ito’y binubuo ng tatlumpu’t limang (35) katanungan.

Posttest. Ang terminong ito ay tumutukoy sa pangwakas na pagsususlit na

ibibigay muli pagkatapos na pamamaraang pampagtuturo upang malaman ang mga

pagbabago sa mga resulta ng pretest sa posttest. Ito’y binubuo ng tatlumpu’tlimang (35).

aytem na inihanda ng mananaliksik

Mga Tala sa Kabanata II

Theory into Practice (2005). Social Development Theory. TIP Psychology from
http://tip psychology.org/vygotsky.html Retrieved 4 September 2014.

Theory into Practice (2005). Social Learning Theory. TIP Psychology from
http://tip psychology.org/bandura.html Retrieved 4 September 2014.

Theory into Practice (2005). Aptitude-Treatment. TIP Psychology from


http://tip psychology.org/cronbach.html Retrieved 4 September 2014.

D. Betz and L. Hill (2005). Revisiting the Retrospective Pretest. American


Journal Of Evaluation, Vol. 26. No.4; 501-517.
Erlindo V. Sevilla (2013). Epekto ng Pamamaraang Computer-Aided
Instruction sa Pagtuturo ng Filipino. (Di-Nalathalang Master Tesis, Bataan Peninsula
State University, Balanga City).
Consuelo G. Cruz (2009). Peer Tutoring: Its Effect to Students Performance
in Analytic Geometry. (Unpublished Master’s Thesis, Bataan Peninsula State
University, City of Balanga, Bataan).
T. Lamb (2005).The Retrospective Pretest: An Imperfect but Usefull Tool.
Evaluation Exchange, vol. 11, no. 2.
John Wittmen (2004). The Learning Paradigm College. Boston, MA: Anker
Publishing.

G. Davis (2007). Using Retrospective Pre-Post Questionaire to Determin Program


Impact. Journal of Extension, vol. 41, no. 4.

Paquito Badayos (2007). Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Granwater


Publication and Research Corporation: Makati City.

Felicitas C. Rabonza (2004). Teaching Performance, Professional Qualities


Among Mentors in st. Berndette School of Alabang, Metro Manila: (Di Nailathalang
Tesis. Philippine Normal University).

Leticia Cantal Pagkalinawan (2010). Filipino Language Program. University of


Michigan.

Aliakbar Montazer Haghighi et al. (2006). Reverse-Traditional /Hand-On: An


Alternative Method of Teaching Statatistics from http://pvamu.edu/pages/398/asp
Retrieved 4 September 2014.

Wikia. Lecture Method (2008) from <http://psychology,wikia.com/wikie/


Lecture _ method>. Retrieved 12 September 2014.

Keith J. Topping (2005). Effective Peer Tutoring in Further and Higher


Education from <http.//wwwlondonmet.ac.uk/deliberations/seda-publi-cations/ topping
.efm>. Retrieved 8 September 2014.

Pamela Harris & Ralph Johnson (2005). Non-Traditional Teaching and


Learning Strategies. Teaching and Learning Committee of Montana State University
from www.montana-edu/teachlearn/papers/activelearn2pdf Retrieved 4 September 2014.

Joana M. Ambrocio (2007). Emotional Intelligence and Students’ Achievement


in Science. (Unpublished Master’s Thesis, Bataan Peninsula State University, Balanga
City).

Kerstin Amadeius & Camilla Hakelind (2007). Interpersonal Complementarity


Self- Rated Behavior by Normal and Anticedial Adolescents with a Liked and Disliked
Peer. Interpersona , 99-116.

David W. Johnson, et al. (2006). Do Peer Relationship Affects Achievement?


The Cooperative Link, Vol. 21 (No. 1).

Carlo J.Caparas (2007). KomixPage from http://armankomixpage. blogspot. com


/2010/05/carlo-j-caparas.html. Retrieved 28 August 2014.
Gerry Alanguilan (2007). The Guidon, The Official Student Newspaper of the
Ateneo De Manila University, Vol. LXXV, (No. 3).

Ali Merc (2013). The Effect of Comic Strips on EFL Reading


Comprehension. International Journal. Volume;4 Issue: 1 Article:5 ISSN 1309-6249.

Teresa Grainger (2004). Art, Narrative and Childhood. Literacy 38 (1), 66-67
from <doi:10.1111/j.0034-0472.2004.03801011_2.x>. Retrieved 03 January 2015.

J. Liu (2004). Effects of Comic Strips on L2 Learner’s Reading Comprehension.


TESOL Quarterly, 38(2),225-243.

L. Avraamidou and J. Osborne (2008). Science as Narrative. The planeto forum


home page from www.pantaneto.co.uk/issue31. Retrieved 23 June 2015.

T. Greg (2005). Teachers are Getting Graphic. USA Today from


http://www.usatoday.com/life/books/news/2005. Retrieved 23 June 2015.

Aimee Blanchette (2013). Comic Books have Become Legitimate Teaching


Tools. StarTribune/ lifestyles from <http://www.startribune.com/lifestyles/197512181.
html?page=2&c=y. Retrieved 23 June 2015.

J. T. Pardeck (2005). Using Children’s Books as an Approach to Enhancing our


understanding of disability. Social Work in Disability and Rehabilitation, 4(1-2), 77-
85.
Jennifer Haines (2012) Why Teach with Comics? Published on Diamond
Bookshelf from http://www.readingwithpictures.org/2012/04/why-teach-with-
comics/
Maryjoy Mendoza (2008). The Effects of Cooperative Learning Strategy on
the Performance of Students in Chemistry. (Di-Nalathalang Master Tesis, Bataan
Peninsula State University, Balanga City).

Yaoying Xu, et al. (2008). Effects of Peer Tutoring on Young Children’s Social
Interactions. Informaworld from <http://informaworld.com.smpp/content
db=all?content=10.1080/03004430600857485>.

Cary Roseth, et al. (2006). Promoting Early Adolescents’ Achievement and Peer
Relationships: The Effects of Cooperative, Competitive, and Individualistic Goal
Structures Psychological Bulletin. Vol. 134 (No. 2). 223-226. The American
Psychological Association from http://www.apa.org/journals/releases/bul 1342223.pdf>.
Retrieved 14 September 2014.

Orcun Madran (2008). Principles of Material Development.


T. Martin (2009). How Comic Books Became part of the Literary
Establishment.

Carlos Salazar (2014). The Coolest Activity You Can Do with a Comic Book
from <http://sequart.org/magazine/17204/everything-i-know-i-learned-from-comics-
some-words-of-advice- for-the-inquisitive-child/ >. Retreived 29 August 2014.

W. Sones (2004) The Comics and the Instructional Method. Journal of


Educational Sociology, pp. 18, 232-240 from <http://www.geneyang.com/comicsedu/
history.html>. Retreived 20 August 2014.

Glen Downey (2014). Comics in Education. Reading for the Love of it from
<www.facebook.com/glendowneyfansite >., < www.glendowney.ca>. , <downey.glen@
gmail.com >. Retrieved 29 August 2014.

Cory Blake (2013). The Benefits and Risk of Comics in Education from
<http://comic books, digital comics, education, graphic novels >,
<http://robot6.comicbookresources.com/2013/01/the-benefits-and-risks-of-comics-in-
education/>.

Jack C. Wilson (2009). A Causal Comparative Study of Students’ Reading


Motivation After Reading Comics in the Classroom. Missouri State University.

Micheal M. Van Wyk (2011). The Use of Cartoons as a Teaching Tool to


Enhance Student Learning in Economic Education. University of Free State, South
Africa.

Melinda R. Pierson and Barbara C. Glaeser (2007). Using Comic Strip


Conversation to Increase Social Satisfaction and Decrease Loneliness in Students
with Autism Spectrum Disorder. California State University.

Agnaldo Arroio (2011). Comics as a Narrative in Natural Science Education.


University of Sau Paolo.

T. Mitkus (2013). Lithuanian Comics: Unused Cultural and Educations


Instrument. SANTALKA:Filisofija, Komunikacija from http://www.delfi/pramogus
/kultura/kodel-lietuvoje-nera-komiksu-kulturos.d?id=63014008. Retrived 23 June 2015.

Amy Baker (2011). Using Comiks to Improve Literacy in English Language


Learners. University of Central Missouri.

Alicia C. Decker and Mauricio Castro (2012). Teaching History with Comic
Books: A Case Study of Violence, War, and the Graphic Novel. Purdue University.

Marianthi et al. (2011). From Digitised Comic Books to Digital Hypermedia


Comic Books: Their Use in Education. University of Piraeus.
Millard and Marsh (2011). Comic Literature as Motivation for Struggling and
Reluctant Readers. Journal for Popular Culture 19.4:155-176.

Ewa McGrail and Alicja Rieger (2013). Increasing Disability Awareness through
Comics Literature. Electronic Journal for Inclusive Education. Volume 3. Article 5.

Mico Tatalovic (2009). Science Comics as Tool for Science Education and
Communication: a Brief, Exploratory Study, Jcom 08(04) A02.

KABANATA III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Inilalarawan sa kabanatang ito kung paano isinagawa ang pag-aaral. Inilahad din

dito ang disenyo ng pananaliksik, paraan ng pagpili ng mga mag-aaral na kalahok,

pagbuo, paglalarawan at pagbabalido ng instrumentong ginamit sa pag-aaral at

pangangalap ng mga datos.

Pamamaraan at Teknik ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay tutugon sa paglalarawan ng antas ng performans ng mga

mag-aaral bago at pagkatapos gamitin ang pamamaraang komiks. Ito ang tanging paraan

upang matukoy ang sanhi at bunga ng mga baryabols. Ito rin ang tipo ng pag-aaral na

direktang susubok sa isang baryabol kung ang mananaliksik ay kayang manipulahin ang

isang baryabol.
Karagdagan pa, ang paggamit ng isang grupo sa disenyong pretest-posttest na

kung saan ang isang grupo ay oobserbahan bago at pagkatapos ng paggamit ng

kooperatibong pagtuturo. Ang Pretest at Posttest ay isasagawa bago at pagkatapos ang

tradisyunal at kooperatibong pagtuturo na pamamaraan.

Ang tradisyunal na pamamaraan ay isasagawa ng isang linggo ng ikalawang

kwarter samantalang ang kooperatibong pagtuturo gamit ang komiks ay isasagawa naman

sa kasunod na linggo ng parehong kwarter. Bago at pagkatapos ng dalawang pamamaraan

ay isanagawa ang pretest at posttest ng mga respondente. Ang resulta ng dalawang

pamamaraang ito ay susukatin kung may pagkakaiba sa epektibong gamit ng magkaibang

pamamaraan. Ang pananaliksik na ito’y gugamit ng isang uri ng eksperimental na

tinatawag na quasi-experimental, kung saan ito’y pamamaraang ginamit upang matukoy

ang epekto ng isang partikular na programa o interbensiyon ay epektibo sa mga

respondente. Ito ay kinabibilangan ng tatlong panukat: pre-post-test na dinisenyo;

eksperimental at kontroladong grupo; at random assignment para sa mga partisipant ng

pag-aaral.

Ang mahalagang elemento ng quasi-experiment ay ang sukat ng di-malayang

baryabol gaya ng pretest at posttest, kung saan ay hinahayaang magkaroon ng

pagkukumpara. Sa nasabing pagkakataon, ang quasi-experiment ay kadalasang kasama

ang iba’t-ibang pamamaraan kung saan ay nagkakaroon ng paghahambing, katulad ng

pagsukat ng mga datos, pagsusulit, at pag-aanalisa.

Mga Respondente ng Pag-aaral


Makikita sa talahanayan I ang kabuuan at bahagdang distribusyon ng mga

kalahok sa isinagawang eksperimento. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng random

sampling teknik.

Talahanayan I
Kabuuan at Bahagdang Distribusyon ng mga Kalahok
Antas Populasyon Bilang ng Respodente

Tradisyunal Eksperimental Kabuuan

Grade 7 30 15 15 30

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na nasa Grade 7-

Science, Technology, and Engineering Program (STEP) ng Luakan National High

School, Dinalupihan, Bataan, Taong Panuruan 2014-15.

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na nasa Grade 7-


STEP ng Luakan National High School, Dinalupihan, Bataan, Taong Panuruan 2014-
2015.
Ang mga mag-aaral sa ilalim ng Grade 7- STEP ay binubuo ng tatlumpu (30) na

hinati sa dalawang grupo. Nabuo ang dalawang pangkat na tinatawag na grupong

eksperimental kung saan kinabibilangan ng labinlimang (15) mag-aaral na ginamitan ng

komiks at ang kontroladong grupo naman na binuo din ng labinlimang (15) mag-aaral na

ginamitan ng komiks at ang kontroladong grupo naman na binuo din ng labinlimang (15)

mag-aaral na ginamitan ng tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo gamit ang lektyur.

Mga Instrumentong Ginamit

Sa pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay gumamit ng Curriculum Module Guide

ng K to 12 na sinipi ang akdang pampanitikan ng mga Bisaya na may pamagat na Si


Amomongo at si Iput-iput. Naghanda ang guro ng pagsusulit para sa pre-test at post-test,

at instruksiyonal modyul. Nagsagawa ng tatlong beses na balidasyon sa inihandang

pagsusulit na ginamit upang mabalido ang mga resulta.

Ang tradisyunal na pamamaraan ay ginamitan ng lektyur gamit ang Curriculum

Module Guide ng K to 12 na sinipi ang akdang pampanitikan ng mga Bisaya na may

pamagat na Si Amomongo at si Iput-iput. Ipinabasa nang malakas ng guro sa isang mag-

aaral habang ang mag-aaral ay nakikinig at nakasubaybay lamang ang guro. Pagkatapos

ng pagbabasa ay nagkaroon ng talakayan sa mga gabay na tanong sa curriculum guide.

Isang pangwakas na pagsusulit ang isinagawa ng guro.

Ang eksperimental na grupo naman, nagkaroon ng dugtungang pagbasa ang

mgamag-aaral at pagkatapos nito ay nagkaroon ng malayang talakayan sa mga gabay na

tanong sa curriculum guide habang nakasubaybay ang guro. Dito ang guro ay magbibigay

ng sariling likhang-modyul sa mga mag-aaral kung saan ay kanilang magagamit sa

paglalapat ng akmang diyalogo sa mga loob batay sa bahagi ng kuwentong tinalakay.

Pagsusulit na Inihanda ng guro- Dalawang set ang inihanda ng guro para sa pagsusulit.

Ito ang pretest at posttest bago at pagkatapos isagawa ang tradisyunal at eksperimental na

pamamaraan ng pagtuturo. Ito ay binubuo ng tigtatlumpu’t lima (35) aytem mula sa

akdang pampanitikan. Ito rin ang magsisilbing marka sa ikalawang kwarter.

Instruksiyong Modyul- Ito ay sariling likha ng mananaliksik. Ito ay naglalaman ng sipi

ng akdang pampanitikan at mga gawain bilang pagsasanay. Ang modyul ay para sa mga

mag-aaral ng Grade 7, Taong Panuruan ng 2014-2015.

Ang pamamaraang komiks ay ginamit sa unang pagkakataon bilang isang

Instructional Module para sa Grade 7 para sa eksperimental na grupo gamit ang


pamamaraang interaktibong pagtuturo. Ito ay may layuning masukat ang antas ng

komprehensyon sa pagbasa at mapataas ang kanilang kasanayan sa paglalapat ng akmang

diyalogo sa mga lobo batay sa kuwentong tinalakay.

Balidasyon ng Instrumentong Ginamit

Ang pagsusulit na inihanda ay ipinasiyasat na mabuti sa mga dalubhasa sa

asignaturang Filipino gaya nina Ulong-guro, Gng. Elizabeth C. Evangelista; Gurong-

master Gng. Deogracia M. Sampang at guro sa Grade 7 na si Gng. Nida J. Presto ng

Luakan National High School. Ang pagsusulit ay naaayon sa Talaan ng Ispesipikasyon at

laang oras sa paksang-aralin.

Paraan ng Pagsisipi ng Datos

Sa pagkuha ng mga datos, gumawa ng isang liham ng paghingi ng pahintulot sa

Ulong-guro Gng. Elizabeth C. Evangelista at Punongguro Gng. Norma N. Mariano ng

Luakan National High School, Dinalupihan, Bataan upang maisakatuparan ang nasabing

pag-aaral.

Bago isinagawa ang pag-aaral, ay siniyasat muna ang kalagayan ng mga mag-

aaral. Ang mga mag-aaral ay hinati sa dalawang pangkat: isa para sa tradisyunal at isa

naman para sa eksperimental.

Ang iskor sa pretest at posttest ay may katumbas na deskripsyon.

Iskor Deskripsyon

27-35 Lubhang kasiya-siya


21-26 Kasiya-siya
15-20 Di-gaanong Kasiya-siya
14-17 Di Kasiya-siya
0-6 Mahina
Ang frequency sa mga tamang kasagutan sa bawat aytem at ang pagmamarka sa

bawat kwarter sa asignaturang Filipino ay nakabatay sa K-12 Curriculum Guide sa

Filipino na may deskripsyong:

90-100 A (Advance)
85-89 P (Proficient)
80-84 AP (Approaching Proficiency)
75-79 D (Developing)
71-74 B (Beginning)
Sa resulta ng eksaminasyon, natukoy na kung sino ang nagsilbing tagapagturo o

lider. Ipinaliwanag ng mananaliksik ang daloy ng pag-aaral. Isinagawa ang pretest.

Nagsagawa ng pagtuturo sa pamamaraang tradisyunal. Binigyan sila ng mga

gawain. Ang mga gawaing ito ng tinuturuan ay ginabayan ng kanilang tagapagturo. Ang

tagapagturo at tinuturuan ay parehong nagbigay ng fidbak sa sagutang papel pagkatapos

ng sesyon. Nagsagawa ng posttest pagkatapos ng gawain.

Istadistikang Pagtalakay

Ang mga datos na nakalap mula sa talatanungan bago at pagkatapos isagawa ang

eksperimento ay inilimbag at inihanay gamit ang istadistikang proseso na Special

Package for Social Science (SPSS) version 20, isang istatistical software.

Ang istadistikang ginamit ay frequency, percentage, means at standard deviation

upang ilarawan ang performans ng mga mag-aaral sa kontrolado at eksperimental na

grupo. Upang maihambing ang kakayahan ng mga mag-aaral sa kontrolado at

eksperimental na grupo bago at pagkatapos isagawa ang eksperimento, gumamit ng


independent sample t-test kung saan sa pagtutuos na ito’y makikita ang mahalagang

pagkakaiba ng ginamitan din ng Levene’s test.

Dagdag pa rito’y upang maihambing ang performans ng mga mag-aaral bago ang

pagkatapos ng eksperimento gumamit ng paired T-test, ito’y ginamit ng magkahiwalay sa

Kontrolado at Eksperimental na Grupo.

Higit pa rito’y upang matukoy ang antas ng pag-unlad ng mga mag-aaral

pagkatapos ng eksperimento, ang gain score analysis ay ginamit din. Ito’y sinasamahan

ng pagtutuos ng mga puntos sa pamamagitan ng pagkuha ng pagkakaiba ng puntos sa

pretest at posttest sa parehong pangkat. Ang nakuhang puntos ay kinakailangang gamitan

ng independent sample t-test upang maipaghambing.

Sa kabilang banda, ang SPSS ay nagbibigay ng kasiguruhan o mahalagang values

sa pagtutuos; gayunman, ang mga values na ito ay inihahambing sa 0.05 na antas, kung

saan ito’y isinasaayos bilang makabuluhang antas pagkatapos ng isinagawang

eksperimento. Kung ang t-value o f-value ay mas mababa o kapantay ng 0.05 na antas,

ang maling hinuha ay itatanggi o kaya nama’y hindi dapat na itanggi.


Tala sa Kabanata III

Department of Education (2012). K-12 Curriculum Guide in Filipino (Grade


1-10).
KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay sumaklaw sa pag-aanalisa at pagpapakahulugan sa mga

nakuhang datos hinggil sa pag-aaral ukol sa Epekto ng Pamamaraang Komiks sa Antas

ng Komprehensyon sa Pagbasa sa mga Piling Mag-aaral sa Grade 7-STEP ng Luakan

National High School, Taong Panuruan 2014-2015.

Upang matiyak na maayos at kumpleto ang paglalahad ng resulta ng mga

inanalisang datos, ang kabanatang ito ay hinati sa anim (6) na bahagi alinsunod sa mga

katanungan sa paglalahad ng mga suliranin sa kabanata I.

Ang unang bahagi ay tungkol sa antas ng komprehensyon sa pagbasa bago at

pagkatapos ang pamamaraang tradisyunal at eksperimental.


Ang ikalawang bahagi ay hinggil sa antas ng performans ng mag-aaral bago

gamitin ang pamamaraang tradisyunal at eksperimental.

Ang ikatlong bahagi ay tungkol sa antas ng performans ng mag-aaral pagkatapos

gamitin ang pamamaraang tradisyunal at komiks.

Ang ikaapat na bahagi ay nagpapaliwanag tungkol sa kaantasan ng mga mag-aaral

sa kontrolado at eksperimental na grupo bago at pagkatapos gamitin ang pamamaraang

tradisyunal at komiks.

Ang ikalimang grupo ay tungkol sa naghahambing ang antas ng pag-unlad ng mga

mag-aaral sa eksperimental at kontroladong grupo.

At ang ikaanim ay tungkol sa implikasyon ng pag-aaral na ito sa epektibong

pagtuturo ng pamamararaang komiks sa antas ng komprehensiyon sa pagbasa.

Antas ng Komprehensyon sa Pagbasa Bago at Pagkatapos ang Pamamaraang


Tradisyunal at Eksperimental

Talahanayan 2
Distribusyon ng Nakakuha ng Tamang Sagot sa Bawat Aytem
Pretest Posttest
Aytem
Tradisyonal Eksperimental Tradisyonal Eksperimental
1–5 11 10 12 14
6 – 10 6 5 5 11
11 – 15 9 7 10 14
16 – 20 10 10 11 15
21 – 25 9 10 10 14
26 – 30 4 6 8 14
31 – 35 5 4 7 14
MPS 52.39 50.86 60.57 91.43
Deskripsyon B B B A
Note: Base sa average na bilang ng nakakuha ng tamang sagot.
Iskala:
Iskor Deskripsyon
90 – 100 A - Advanced
85 – 89 P - Proficient
75 – 79 D - Developing
80 – 84 AP - Approaching Proficiency
< 74 B - Beginning
Makikita sa talahanayan, na ang tradisyunal na grupo ay nakakuha ng MPS na

52.39 samantalang 50.86 naman sa eksperimental na grupo para sa pretest. Ang parehong

grupo ay may deskripsiyon na Beginning.

Base naman sa posttest ng tradisyonal na grupo, sila ay nakakuha ng MPS na

60.57 na may deskripsiyon na Beginning samantalang 91.43 naman ang sa eksperimental

na grupo na may katumbas na deskripsiyon na Advanced.

Pinatunayan sa pag-aaral ni Torgesen (2007) sa kanyang Research Related to

Strengthening Instruction in Reading Comprehension, ang mga mag-aaral sa Grade 4-6

ng Florida State University ay sinukat ang antas ng komprehensyon sa pamamagitan ng

makabuluhang diskusyun habang binabasa ang teksto. Binibigyan diin dito ang kritikal na

pag-aanalisa sa teksto. Ang diskusyon din ay pangungunahan ng mga mag-aaral mismo

habang ang guro ay nakamasid lamang. Ang mga mag-aaral na nagpamalas ng

komprehensiyon sa pagbasa ay napatunayang may aktibong pag-iisip na nakabubuo ng

kahulugan. Ang aktibong pag-iisip na ito ay gumagamit ng dating kaalaman,

impormasyon mula sa teksto at matamang pag-iisip upang makatuklas ng bagong

kaalaman at pang-unawa.

Ayon naman kay Lehr at Osborne (2006) napagtanto niya sa kanyang pag-aaral na

ang mahusay na mambabasa ay naaabot ang mataas na antas ng komprehensyon dahil

nagagamit nila ang mga tamang hakbang—pag-uugnay ng mga ideya mula sa teksto at sa

dati na nilang kaalaman; napapanitili kung gaano na ang kaalamang taglay mula sa mga

nabasa; at ang pang-unawang sumusuri sa mga sanhi ng suliranin at kung paano ito

nalapatan ng solusyon.
Sa ginawang pag-aaral naman ni Guthrie et al. (2004), ang mag-aaral sa Grade 3-

6 ay hinati sa dalawang grupo, eksperimental at kontrolado. Ang huli ay ginamitan ng

explicit instruction at ang isa ay motivational na kinapapalooban ng anim na estratehiya

sa komprehensiyon, 1. mga dating kaalaman, 2. Pagtatanong, 3. Pananaliksik sa mga

impormasyon, 4. Pagbubuod, 5. Pagbuo ng mga graph, at 6. Pagtukoy sa istruktura ng

akda. Tinukoy sa pag-aaral na ito ang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral.

Napatunayan na ang grupong eksperimental ay may mas mataas na antas ng

komprehensyon dahil naging mulat sila kung paano magkaroon ng pag-unawa sa

tekstong binabasa at napaunlad nila ang kanilang pang-unawa at pagkatuto mula sa

teksto. Ang patunay ay batay sa resulta ng pagsusulit na naglalaman ng iba’t ibang lebel

upang tunay na masukat ang antas ng pang-unawa ng mga mag-aaral.

Antas ng Performans ng Mag-aaral Bago Gamitin ang Pamamaraang Tradisyunal


at Eksperimental

Sa talahanayan 3, iniulat ang performans ng mga mag-aaral sa pretest sa

kontrolado at eksperimental na grupo. Sa talahanayang ito, ginamit ang mean upang

maihambing ang nakuhang puntos ng mga mag-aaral sa parehong grupo.

Talahanayan 3
Puntos ng Pretest ng mga Mag-aaral sa Grupong Kontrolado at Eksperimental
Kontrolado Eksperimental
Puntos
N % N %
22-28 5 33.33 3 20.00
15-21 7 46.67 9 60.00
8-14 3 20.00 3 20.00
Kabuuan 15 100 15 100
Mean 18.33 17.80
Deskripsiyon Di-Gaanong Kasiya-siya Di-Gaanong Kasiya-siya
Iskala
Iskor Deskripsiyon
29-35 Lubhang Kasiya-siya
22-28 Kasiya-siya
15-21 Di-Gaanong Kasiya-siya
8-14 Di Kasiya-siya
0-7 Mahina
Ang limang respondente sa ilalim ng kontrolado ay nakakuha ng 33.33 na

bahagdan na naglalarawan ng Kasiya-siya at may tatlo na may katumbas na 20 bahagdan

na naglalarawan ng Kasiya-siya mula sa eksperimental na grupo ang nakakuha ng iskor

mula 22-38. Sa kabuuan, ang kontroladong grupo ay nakakuha ng mean score na 18.33

at 17.80 naman para sa eksperimental na parehong may kalakip na deskripsyong Di-

Gaanong Kasiya-siya.

Ayon kina Hill at Betz (2005), napatunayan na ang panimulang pagtataya ay

isang paraan upang masukat ang dating kaalaman ng mag-aaral. Mula sa puntos sa

pretest, natantiya na ng guro kung anong estratehiya ang kanyang gagamitin bagamat

itinuturing na tradisyunal ang ganitong pamamaraan, mabisa naman ito sa pagsukat kung

gaano na ang kaalaman ng mga mag-aaral. Ito’y inirerekomenda upang mapaunlad ang

tamang perspektibo sa disenyo ng pananaliksik. Ang kalakasan ng kaugnayan ng pretest

at posttest ay kapwa may kinalaman sa dami ng pagkakaiba ng resulta na ipinaliliwanag

sa pamamagitan ng pagsasama ng pretest sa pag-aanalisa at maging ang istatistikal na.

kalakasan nito

Ayon din kay Sevilla (2013) sa kanyang pag-aaral, ang pagkakaiba-iba ng

katangian ng mag-aaral sa bawat pangkat sa pretest at posttest batay sa paghahanap ng

performans ng mga mag-aaral na nakabatay di lamang sa uri ng pretest at posttest na

pagtatasa, gayundin sa katangian ng pangkat ng mag-aaral na kumukuha nito. Ang

pagtatasang may malaking korelasyon sa kabuuang populasyon ng mga mag-aaral ay

maituturing na maliit na korelasyon para sa pangalawang grupo ng mag-aaral na may

dalawang pangunahing dahilan: una, ang demonstrasyon ng mga mag-aaaral na nakaguhit


sa iba’t ibang distribusyon ng mga sangay nito ay may pagkakaiba sa dami ng nasukat na

kamalian sa nakuhang resulta ng puntos; ikalawa, ang demonstrasyon ay kadalasang may

mababang pagkakaiba-iba ng populasyon. (Minolva, 2008)

Kaugnay ng pag-aaral ni Cole (2009) tungkol sa mataas at mababang performans

ng mga mag-aaral na nakapokus lamang sa kahusayan ng pretest at posttest. Ang may

mabababang performans sa pretest at iskor nito ay mababatid na ng guro ang alam at di-

alam ng mga mag-aaral. Dahil dito ito ang naging batayan ng paghahanda tungo sa

mabisang pamamaraan na gagamitin sa pagtuturo.

Antas ng Performans ng mga Mag-aaral Pagkatapos Gamitin ang Pamamaraang


Tradisyunal at Komiks.

Ipaakikita sa talahanayan 4, ang puntos ng mga mag-aaral sa posttest sa


kontrolado at eksperimental na grupo. Sa talahanayang ito, ginamit ang mean upang

maihambing ang nakuhang puntos ng mga mag-aaral sa parehong grupo. Ang resulta ng

mean ay may katumbas na deskripsiyon.

Talahanayan 4
Puntos ng mga Mag-aaral sa Post test sa Kontrolado at Eksperimental
Kontrolado Eksperimental
Marka Frekwensi Bahagdan Frekwensi Bahagdan
% %
29-35 14 93.33
22-28 7 46.67 1 6.67
15-21 8 53.33
Kabuuan 15 100 15 100
Mean 21.20 32.00
Deskripsiyon Di-Gaanong Kasiya-siya Lubhang Kasiya-siya
Iskala
Iskor Deskripsiyon
29-35 Lubhang Kasiya-siya
22-28 Kasiya-siya
15-21 Di-Gaanong Kasiya-siya
8-14 Di Kasiya-siya
0-7 Mahina
Base sa talahanayan 3, walong respondente na may katumbas na 53.33 na

bahagdan mula sa kontroladong grupo ang nakakuha ng 15 hanggang 21 samantalang

labing-apat na may katumbas na 93.33 na bahagdan naman ng eksperimental na grupo

ang may iskor mula 29 hanggang 35. Sa kabuuan, ang mean ng iskor ng kontroladong

grupo ay 21.20 na may kalakip na deskripsyong Di-gaanong kasiya-siya. Ang ekspe-

rimental na grupo naman ay may mean na 32 at nagtala ng Lubhang Kasiya-siya na

performans.

Mababatid na ang resulta ng posttest mula sa tradisyunal na pamamaraan, ay di

gaanong nagbago. Karamihan ng mga tanong na may katumbas na 50 bahagdan lamang o

kalahati ang nabibilang sa mababang antas samantalang ang 20 bahagdan ay nasa

mataaas na lebel ng pag–iisip.

Ayon kay Lamb (2005), ang mga tanong na nangangailangan ng malalim na

pagsusuri ay pumupukaw sa kyuryusiti at prosesong mental ng mga mag-aaral at

gumagabay sa pagtutunguhan ng pag–iisip ng mga mag-aaral. Karamihan ng mga tanong

ng guro o 50% lamang o kalahati ang nabibilang sa mababang antas samantalang ang 20

% ay nasa matatas na lebel ng pag–iisip.

Ganito rin ang palagay ni Wittmen (2004) na 90 % ng mga tanong ng guro ay

nasa mababang antas. Ito ay nangangahulugang karamihan sa mga tanong ay nakatuon

lamang sa kasanayang pangmemorya, pag–uulit sa mga ideyang tuwirang makikita sa

babasahin. Ang direksyon at ang lebel ng pagkatuto ng mga mag–aaral ay

naiimpluwensyahan nang malalim na uri ng mga tanong na ibinabato sa kanila.

mga tanong sa mas mataas na antas na pag-iisip.


Ayon pa kay Davis (2007), dahil alam na ng guro na ang mga mag-aaral ay may

iba’t ibang kaalaman at pagtingin sa isang partikular na asignatura, kailangan niyang

bumuo ng batayang upang masukat ang kanilang kaalaman sa pagkakaunawa sa isang

paksa at upang matukoy na rin ang lawak ng iba’t ibang pagbabago sa kaalaman at pag-

unawa. Ito’y makukuha lamang sa pamamagitan ng posttest. Ang disenyong ito ay

maaaring maging kritikal na katagumpayan sapagkat nakabatay sa uri at gawi ng mag-

aaral ang ikatataas ng kanilang kahusayan sa isang partikular na asignatura. Ang pag-

uulit ng parehong tanong ay hindi mainam na paraan upang makamit ang pag-ugnay

bagkus ito’y magandang ideya upang manatili at pantay ang orihinal na materyal sa

pagsusulit at nararapat na ihalo ito sa mga bagong katanungang inaasahang may

magiging magandang bunga.

Ipinapahiwatig na upang lalong malinang ang sining sa pagtatanong at masanay

naman ang mga mag-aaaral na sumuri ng mga dahilan at eksplanasyon upang masagot ng

tama ang mga tanong. Ang pagtatanong sa herarkiyang mula kaalaman at pag–unawa

tungo sa aplikasyon, pagsusuri, sintesis at ebalwasyon ay nakapagtataguyod ng kritikal na

pag–iisip at nakapagpapanatili ng mga batayang impormasyon sa isipan ng mga mag-

aaral. Dahil dito lalong lumalalim at tumatagal ang retensyon ng kaalaman sa mga bata.

Ang disenyo ng posttest ay maaaring maging kritikal na katagumpayan sapagkat

nakabatay sa uri at gawi ng mga mag-aaral ang ikatataas ng kanilang kahusayan sa isang

partikular na asignatura. Ang pag-uulit ng katulad na tanong ay makikitang hindi mainam

na paraan upang makamit ang pag-ugnay bagkus ito’y isang magandang ideya upang

manatili ang pantay at orihinal na materyal sa pagsusulit at ihalo ito sa mga bagong

katanungang inaasahang may magiging magandang bunga.


Kaantasan ng mga Mag-aaral sa Kontrolado at Eksperimental na Grupo Bago at
Pagkatapos Gamitin ang Pamamaraang Tradisyunal at Komiks

Sa talahanayan 5, iniulat na ang performans ng mga mag-aaral sa kontrolado at

eksperimental na grupo pagkatapos gamitin ang pamamaraang tradisyunal at komiks.

Talahanayan 5
Puntos ng mga Mag-aaral sa Pretest at Posttest sa
Grupong Kontrolado at Eksperimental
Paired Samples Paired Samples
Grupo Statistics t-test Puna
Mean N SD |t| Df Sig.
(2-tailed)
Pretest 18.33 15 5.024 May
Kontrolado 21.20 15 3.121 2.717 14 0.017 Makabuluhang
Posttest
Pagkakaiba
Pretest 17.80 15 3.256 May
Eksperimental 32.00 15 2.138 17.492 14 0.000 Makabuluhang
Posttest
Pagkakaiba

Ipinakikita ng talahanayan 5 na may malaking kaibahan sa pagitan ng iskor sa

pretest at posttest na nakuha ng mga mag-aaral na nabibilang sa kontroladong grupo

(t=2.717, p=0.017). Ito ay patunay na malaki ang pinagbago sa kaalaman ng mga mag-

aaral na dumaan sa tradisyunal na pagtuturo.

Sa kabilang banda, makikita rin mula sa talahanayan na may malaking kaibahan

sa pagitan ng iskor sa pretest at posttest na nakuha ng mga mag-aaral na nabibilang sa

eksperimental na grupo (t=17.492, p=0.000). Ito ay patunay na malaki ang pinagbago sa

kaalaman ng mga mag-aaral na dumaan sa interbensyong komik istrip.

Pinatunayan ni Sones (2004) sa kanyang pag-aaral na ang paggamit ng komiks ay

nakakapagpataas ng antas ng pagkatuto. At ang pagkatutong ito ay nagresulta ng

kakayahan at kasanayan sa pagbabasa. Nagkaroon ng kongklusyon si Sones na ang pag-

aaral na ginamitan ng larawan-komiks ay nakahihigit. Bilang pagpapatunay nito na ang

grupo ay nakakuha ng mataas na iskor. Sa kanyang pag-aaral, na sa kabuuan, sa


pagtuturo, kinakailangan ang lahat ng mag-aaral ay nakababasa ng anumang

nakaimpretang babasahin. Ang mga mag-aaral na natututo sa paraang biswal, ang

komiks ay isang epektibong kagamitan.

Sa ilang bahagi ng elementarya at sekundaryang paaralang dinalaw batay sa pag-

aaral na isinagawa ni Moranio (2004) sa mataas na pag-abot sa mag-aaral, ito ay malinaw

na makikita kung saan ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakabatay karaniwan sa mga

pagtataya ng bawat gawaing pang-asignatura gamit ang tradisyunal na pamamaraang

pangwika. Ang mag-aaral ay naggugugol ng nararapat na panahon sa pagpapakita ng

kung anong nararapat na gawin sa pagkakamit ng nakatakdang sukatan sa nasabing

pagtataya, kaysa sa pagpapakilala at paglalahad ng bago at maraming nakapagpapaisip na

materyal na kakayahan. Hindi mapasusubalian ang ugnayan sa mapaghamong lugar ng

nilalaman ng pagtuturo, nilalayon ng pag-aaral na hindi kailanmang makakuha sa klase at

mapaghamong akademiko na kinakailangan upang ilipat sa labas ng mababang antas ng

sa mas mahigpit na pagtuturo.

Pinakita rin ni Martin (2009), na ang komiks ay hindi lamang para sa mga nerd na

bata. Dahil kapag ang isang tao ay hindi nagbabasa ng komiks, siya ay napag-iiwanan ng

panahon. Ang mga palalimbagan tulad ng Jonathan Cape and Faber ay nag-iimprenta ng

mga komiks na napatutungkol sa mga kababalaghan na siyang kinagigiliwan ng mga

bata. Tulad ng nobelang Harry Potter na naisapelikula at ngayon at isasa-komiks ng ilang

ahensiya sa Hollywood na siyang ispesyalista sa grapikong nobela sa mga istudyong

pampelikula. Gayunpaman, nagkaroon ng iba’t ibang opinyon hinggil sa komiks.

Mayroong siyang mga kaibigan na kahit anong nilalaman o paksa ng komiks ay binabasa

basta nakapormang komiks ito. Ganoon ang pagkahilig nila sa komiks. Nagsimula si
Martin sa mga imported na komiks tulad ng MAD na magasin na nabuo noong 200AD,

ang mga Britanyang siyentipiko na ang tema ay kababalaghan ang naiibigan.

Nagpapatunay lamang kung gaano kaimpluwensiya ang komiks sa tao.

Sa naging pag-aaral ni Wilson (2009), napatunayan na sa paggamit niya ng

komiks bilang motibasyon sa pagtuturo ng akdang pampanitikan sa grade 5 sa Springfield

Public School na binubuo ng 10 mag-aaral, walong babae at dalawang lalaki na may edad

na 10-12, nagbago sa kaasalan ang mga mag-aaral sa pagbabasa pagkatapos maiparanas

sa kanila ang pagbabasang gamit ang komiks o nobelang ginagamitan ng larawan. Sa

ginamit niyang pre at post survey ay agarang nalaman ang resulta. Sa konklusyon ni

Wilson mula sa resulta, ito may matibay na koneksiyon ang motibasyon sa pagbabasa at

sa pagtuturo ng literatura. Ang mga mag-aaral ay nagkaroon ng masidhing pagnanais na

makapagbasa ng komiks gayundin ang iba pang babasahin dahil napag-ibayo nito ang

gawi sa pagbabasa.

Gayundin din sa pag-aaral ni Van Wyk (2011) sa paggamit niya ng cartoons

bilang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Economics na nilahukan ng 68 mga

gurong-mag-aaral sa kursong Baccalaureus Educationist (Bed) at Post Graduate

Education Certificate (PGCE) sa Fakulti ng Edukasyon, may 87.5 % na bilang ng

gurong-mag-aaral ang gumamit ng cartoons bilang kagamitang pampagtuturo. Isinagawa

ang pag-aaral na ito sa loob ng 12 linggo na may dalawang sesyon sa bawat linggo ng

ikalawang semester. Sa bawat sesyon, ang mga paksa ay ginamitan ng cartoons halaw sa

mga pahayagan. Pagkatapos ng pag-aaral, nagsagawa ng pagsagot sa talatanungan ng

mga respondente ng pag-aaral. Karagdagan pa sa naging resulta, ang mga gurong-mag-

aaral ay nagkaroon ng positibong pagtanggap at ginamit ang pamamaraang ito sa


kanilang maykrong-pagtuturo sa klasrum. Sa konklusyon ni Van Wyk, isa sa

pinakamabisang kagamitang pampagtuturo ay ang cartoon na nakapagpapaibayo ng

pagkatutong konstruktib, kooparatib at kolaboratibong pag-aaral sa asignaturang

Economics.

Sa pag-aaral nina Pierson at Glaeser (2007), napatunayan na sa paggamit ng

komiks istrip sa pakikipagtalastasan, napataas ang antas kapanatagan at mabawasan ang

kalungkutan ng mga mag-aaral na may kapansanan na Autism Spectrum Disorder.

Ginamit nila ang komiks bilang interbensiyon sa pagtuturo. Nilahukan ng sampung mag-

aaral na may edad 6, 7 at 8 na nagsilbing respondente ng pag-aaral na tumagal ng

dalawang linggo. Sa naging resulta, ang mga mag-aaral ay nagpakita nang maayos na

pakikisalamuha, nabawasan ang kalungkutan, napag-ibayo ang pakikipagtalastasan sa

kapwa, mas maraming ngiti at kagustuhang makilahok sa mga isahan at pangkatang

gawain gayundin sa pakikipaglaro sa kapwa.

Napatunayan naman sa pag-aaral ni Arroio (2008) sa paggamit ng komiks bilang

narativ sa asignaturang Science, nahimok niya ang mga guro at mag-aaral na lumikha ng

komiks gamit ang narativ. Ginamit din niya ang komiks bilang kagamitan pampagtuturo

na nagsisilbing daan tungo sa mga siyentipikong impormasyon na siyang mahalaga sa

pag-aaral. Ang mga guro sa pag-aaral na ito sa University of Sao Paulo ay pinagpare-

pareha upang mangalap ng mga kuwento at lumikha ng komiks. Pinasimulan nila ang

paglikha sa pamamagitan ng pagguhit ng kanilang narativ gamit ang kompyuter. Ang iba

pang detalye tulad ng text, lobo at karakter sa paglikha ng komiks ay maingat na

nailahad. Ayon sa resulta, malaki ang naitulong ng komiks sa paghahatid ng

impormasyon maging sa publiko man. Dahil sa komiks din, napataas ang kompehensyon
ng mambabasa, at madali nilang naunawaan ang mga simbolo at imahe sa larangan ng

siyensiya.

Nangangahulugan lamang na napakahalaga ng komiks bilang kagamitang

pagpagtuturo na makakapagpataas ng antas ng komprehensyon sa mga mag-aaral. Ito

man ay historya, kwento, at narativ o anumang teksto ay mapapadali ang pagkatuto ng

mag-aaral kung may larawan na gagamitin kasabay ng diyalogo. Mas mataas ang tsansa

ng retensiyon sa paggamit ng larawan, bukod pa dito ay mahahasa ang kasanayan ng mga

mag-aaral sa pagsasalaysay at paglalapat ng diyalogo sa lobo ng komiks.

Ang mapaghamong pamamaraan ng mga guro ay mahalaga at ito ay may

natatanging kategorya sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapangkat-pangkat ng

pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa anumang pagtataya, isang mahirap na paghahanap ng

pagkakaiba mula sa magkakaibang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral ay kadalasang

mahirap dahil sa maraming baryabol na kabilang. Gayunpaman, mayroong direktang

ugnayan sa pagitan ng epektibong pamamaraan ng mga mag-aaral. Pagpapatunay na ang

puntos ng pretest at posttest ng kontrolado at eksperimental na grupo ay parehong tumaas

kung saan ito’y mapatutunayan at makikita sa talahanayan 4 at talahanayan 5.

Paghahambing sa Antas ng Performans at Pag-unlad sa Kontrolado at


Eksperimental na Grupo

Ipinakikita sa talahanayan 6 ang pagkakaiba ng puntos sa post-test ng mga mag-

aaral sa ilalim ng Kontrolado at Eksperimental na grupo.

Talahanayan 6
Puntos ng Kontrolado at Eksperimental sa Antas ng Performans at Pag-unlad
Independent Independent
Samples Statistics Samples
Antas Puna
t-test
Mean F SD |t| Df Sig.
(2-tailed)
Antas ng Kontrolado 21.20 15 3.121 11.05 May Mahalagang
28 0.000 Pagkakaiba
Performans Eksperimental 32.00 15 2.138 6
Antas ng Kontrolado 2.87 15 3.144 May Mahalagang
8.514 28 0.000 Pagkakaiba
Pag-unlad Eksperimental 14.20 15 4.086

Makikita sa talahanayan na malaki ang pinagkaiba ng antas ng performans ng

mga mag-aaral mula sa kontrolado at eksperimental na grupo (t=11.056, p=0.000).

Ipinahihiwatig nito na base sa mean scores na mula sa resulta ng posttest ay mas higit ang

antas ng performans ng mga mag-aaral na sumailalim sa interbensyong komiks kaysa sa

mga sumailalaim sa tradisyunal na paraan.

Ipinakikita na ang antas ng pag-unlad ng mga mag-aaral mula sa eksperimental na

grupo ay higit na mataas kaysa sa antas ng pag-unlad ng mga mag-aaral mula sa

kontroladong grupo (t=8.514,p=0.000). Ang nakuhang puntos ay tinuos at inihambing sa

pamamagitan ng paggamit ng independent sample t-test.

Pinatutunayan na ang mga guro ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng estratehiya sa

pagtuturo ng panitikan sa mga mag-aaral. Ang mga pamamaraan ng pagtuturo ay salamin

ng guro sa pagtuturo ng mga aralin. Sa pahayag ni Alaguilan (2007), bilang comics-book

na nagpapahayag ng kabuuang pagkatao bilang mga Pilipino at bahagi ng ating kultura.

Siya mismo ay nagsimulang magturo ng komiks sa mga unibersidad. Kahit na

nagsisimula pa lang ang pagtuturo ng komiks ay umaasa siya na magpapatuloy ang

kasiglahan nito sa mga Pilipino na matututo sa paglikha ng komiks sa sarili nilang

kaparaanan gamit ang mga materyales na makikita sa internet at sila mismo ay matututo

sa pagbuo ng komiks mula sa pagbabasa ng libro at magasin. Tiwala sa sarili ang

nagbunsod kay Alaguilan na magpursige at dahil sa pagbuo ng komiks lumawig ang

pagkamalikhain niya na isa sakasanayan na nais na mahasa sa mga mag-aaral.


Pinatunayan ni Dr. Ali Merc (2013) na ang pamamaraang komiks ay

nakapagpataas ng antas ng komprehensiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral sa lahat ng

antas. Ito ay napatunayan na nagiging epektibo kapag ginamitan ng biswal na materyal

tulad ng komiks. Pati ang mga guro ay makalilikha ng komik istrip kasabay ng kanyang

mga mag-aaral at maeengganyo na pumasok sa klasrum upang mapaunlad pa ang mataas

na lebel ng kanilang pag-iisip. Karagdagan pa, ang mga mag-aaral na ginagamitan ng

komik istrip ay napagtanto na higit na narerehistro sa isipan ng mga mag-aaral, mababa

man o mataas ang antas ng katalinuhan, ang leksiyon sa literatura.

Gayundin si Salazar (2014) na nagtuturo ng elementarya sa Detroit, sa

malawakang pagtingin sa komiks ay mas maraming nakikitang kapakinabangan dito. Sa

kasalukuyan, si Salazar ay lumilikom ng pondo upang bigyang buhay ang komiks sa

kanyang klasrum sa layuning mapag-ibayo pa ang mga kasanayan ng kanyang mga mag-

aaral. Sinisikap makapamili ni Salazar ng mga pang-edukasyonal na komiks para sa

kanyang klasrum sa Southwest Detroit Lighthouse Academy. May mga panawagan din sa

internet si Salazar na isulong ang paggamit ng komiks bilang kagamitang pampagtuturo.

Kasama sa panawagan ang makalikom ng pondo sa pagtataguyod ng proyektong komiks.

Karagdagan pa na ang mga imahe na may kaakibat na teks ay higit na epektibong

aspeto sa komprehensiyon sa pagbasa dahil habang binabasa ang teks, pinagagalaw nito

ang imahinasyon ng mambabasa sa mga imaheng kanyang nakikita. Samakatuwid,

mauunawan natin ang mga posibleng dahilan kung bakit ang mga mag-aaral na

gumagamit ng komik istrip ay higit na kaaya-aya ang performans.

Sa pag-aaral ni Mitkus (2013), pinatunayan niya sa kanyang Lithuanian komiks

ang mga varayti nito sa literatura bilang; una, kakatwa dahil naipapahayag ang emosyon
sa nakatutuwang paraan nang hindi nakasasakit ng kalooban ng sinuman. Dahil sa

ganitong tema, ang mambabasa ay nagdudulot ng positibong pananaw. Ikalawa, sa mga

konseptong satirikal sa komiks, nabibigyang-diin ang maling gawi na di tinatanggap at

hindi dapat tularan. At ang huli ay ironiya na ipinapakita ang iba’t ibang emosyon ng mga

karakters gayundin ang mga di-sinasang-ayunang pangyayari sa mundo. Napalakas niya

ang paggamit ng komiks sa isinagawa niyang pag-aaral na nilahukan ng mga mag-aaral

na may edad na11-16 sa University of Lithuania. Ang mga paksa sa historya, mitolohiya

at kultura ay isina-komiks. Sa resulta ng kanyang pag-aaral, napatunayan na malaki ang

naitulong ng pagbabasa ng komiks sa pangangabisa ng mga impormasyon kaysa sa teks

sa kinalabasan ng iskor ng mga mag-aaral sa isinagawang pagsusulit na naging dahilan

upang isalin ang mga akdang pampanitikan sa komiks.

Pinatunayan din sa pag-aaral ni Baker (2011), na ang paggamit ng komiks sa mga

mag-aaral sa English Language Learners (ELL) ay napag-ibayo ang kanilang literasi sa

University of Central Missouri. Sa pamamagitan ng makukulay na larawan at mga

pamilyar na karakter, ang komiks ay mas naging kasiya-siyang basahin kaysa teks.

Ipinakita rin ng komiks ang kakaibang mapanghikayat na katangian nito na hindi

nababago ang ang lugar na pinangyarihan ng kuwento, bokabularyo at iba pang

mahalagang komponent ng komprehensyon. Napatunayan rin sa pag-aaral ni Baker na

ang komiks ay nakatulong sa mga mag-aaral na di-gaanong mahilig magbasa patungo sa

pagkahilig lalo na kung ang tema ay nauukol sa pangkasalukuyang isyu sa lipunan. Ang

ikalawang lenggwaheng Ingles ay napagtutuunan na ng pansin ng mga mag-aaral di tulad

ng dati kaya naman pati ang paglikha ng komiks ay naging bahagi na rin ng kanilang

kurikulum.
Sa paggamit nina Decker at Castro (2012) sa komiks sa kanilang pag-aaral sa

patuturo ng historya sa mga mag-aaral ng Purdue University sa unang semester ng pag-

aaral, pinagbasa ng tatlong unang isyu ng paksang Unknown Soldier na naisa-komiks

bago pumasok sa klase. Pagkatapos ay nagkaroon ng talakayan. Sa unang pagkakataon pa

lamang ay nakita na ang interes ng mga mag-aaral dahil sa mga fidbak nito sa mga

pangyayari. At dahil sa nilalaman ng komiks na nauukol sa paksa, masidhing inabangan

ng mga mag-aaral ang mga susunod na pangyayari. Dahil sa ganitong resulta nagkaroon

ng konklusyon sina Decker at Casro na ang komiks ay simple ngunit pinakaepektibong

estratehiya upang maabot ang karanasan ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng historya.

Ang pag-aaral ni Marianthi et al. (2010) mula sa digitized comics books hanggang

sa digital hypermedia comic books bilang kagamitan pampagtuturo ay nakapagpatibay na

ang komiks sa edukasyon ay napakahalaga. Sa katunayan nilahukan ng 22 gurong-mag-

aaral sa postgraduate e-learning course sa University of Pireaus. Ginamit ang komiks na

may pamagat na “Tales from the Public Domin: BOUND BY LAW?”. Nag-analisa ang

mga mag-aaral sa pagkakabuo ng komiks gayundin sa paksang nilalaman nito.

Karagdagang pangkatang gawain ay lilikha sila ng web komiks at magbibigay ng fidbak

pagkatapos ng gawain. Napatunayan sa resulta ng pag-aaral mula sa talatanungan sa mga

gurong-mag-aaral, sila ay nagkaroon ng positibong pagtanggap sa paglikha ng komiks.

Ilan sa mga naging komento nila ay madaling unawain, kaaya-aya, mabilis ang resulta

positibong pakikisalamuha sa kapwa, pagkamalikhain at marami pang iba. dahil dito

nagkaroon ng sila konklusyon na napakahalaga ng komiks sa eduksyon.

Pinatunayan sa pag-aaral nina Millard at Marsh, ang komiks ay nasa unang

tatlong pinagpiliang babasahin ng mga mag-aaral kaya naman ang kanilang pag-aaral ay
nakatuon sa paggamit ng komiks sa literatura. Ang pag-aaral ay tinawag nilang Lunch-N-

Munch kung saan tuwing oras ng pananghalian, dalawang beses sa isang linggo sa loob

ng apat na linggo ay nagtitipon ang mga mag-aaral upang magbasa ng literaturang

komiks. Bago isinagawa ang pag-aaral, nagkaroon ng pre-survey ang mga mananaliksik.

Ang pre-survey na ito ay naglalaman ng mga katanungan hinggil sa pananaw at gawi ng

mga mag-aaral sa pagbabasa ng literatura Pagkatapos ng pagbabasa ay nagkakaroon ng

talakayan at synopsis bandang huli. May mga pagkakataon na isahan o magkapareha ang

pagbabasa.. Pagkatapos ng apat na linggo, isinagawa ang post-survey na naglalaman ng

dalawang katanungan kung naging kawili-wili ang pagbabasa at kung ano ang

nagustuhan nila sa pagbabasa ng literaturang komiks. Sa resulta ng pag-aaral, sa tuwing

nagbabasa ng literaturang komiks ang mga mag-aaral, nagkakaroon sila ng pakiramdam

na ang teksto ay kanilang pag-aari taliwas sa unang pananaw na ang teksto ay nakikita

nila bilang mga abstrak at walang kinalaman sa pang-araw-araw nilang buhay. Lumabas

din sa pag-aaral ang positibong pananaw sa pagbabasa sa nobela at literatura gayundin sa

interes ng mga mag-aaral sa talakayan at pagbibigay ng synopsis pagkatapos magbasa. Sa

bandang huli, ipinagamit sa mga guro ang literaturang komiks bilang kagamitang

pampagtuturo.

Gayundin sa resulta ng pag-aaral na isinagawa nina McGrail at Rieger (2013), ang

pagiging mulat ng mga mag-aaral sa mga kayang gawin ng mga taong may kapansanan

sa pamamagitan ng pagbabasa ng literaturang komiks na ginamit bilang isang estratehiya

sa pagtuturo. Pinagbatayan ng mga mananaliksik ang mga taong may kapansanan sa pag-

aaral dahil napansin nila ang pagtaas ng bilang nito. Bilang patunay, ayon sa National

Center for Statistics, tumaas ng 32% hanggang 57% noong 2007-2008 ang kanilang
bilang kaya naman may kahirapan para sa mga guro na lumikha ng isang klasrum para sa

mayroon at walang kapansanan. Ang dalawang kalagayang ito ay nakaaapekto sa

interaksiyon ng bawat isa tungo sa pagkaroon ng positibong pakikipagkaibigan sa loob ng

klasrum gayundin sa kanilang komunidad.

Dahil sa mga pangyayari na ang mga mag-aaral na may kapansanan ay

nakararanas ng diskriminasyon, nagdulot ito ng di-maayos na pakiramdam, nagiging

mahiyain at kawalan ng interes na matutuo. Sila rin ay napatunayang may mataas lebel

ng depresyon at may mababang pagtingin sa sarili dahil sa kanilang kalagayan. Ang mga

mag-aaral naman na walang kapansanan, hindi sila nagiging mulat sa mga

pangangailangan at kayang gawin ng kanilang kapwa na may kapansanan. Dahil sa

pangyayaring ito, sina McGrail at Rieger ay nagsagawa ng pag-aaral na pagsamahin ang

dalawang kalagayang nabanggit sa iisang gawain—pagbabasa ng literaturang komiks.

Binuo ang pangkat ng mga mag-aaral na may kapansanan sa Georgia State University at

mga piling mag-aaral na walang kapansanan. Hinati sila sa maliliit na pangkat na

magkahalong katangian. Pinagbasa sila ng literaturang komiks. Pagkatapos ng pag-aaral,

may mga tanong na pinasagot sa mga mag-aaral tungkol sa kaalaman nila tungkol sa mga

taong may kapansanan, persepsiyon at interaksiyon, pagtanggap sa mga nakatutuwang

pangyayari, at pagpapahalaga at pagtanggap sa mga taong may kapansanan. Batay sa

resulta, napag-alaman na ang interes ng dalawang kalagayan ay di nalalayo kung

pagbabasa ang pag-uusapan. Mas pinili nilang basahin ang literaturang komiks dahil sa

dulot nitong biswal, drowing na may nakakawing na diyalogo na ayon sa kanila ay

paraang nanonood ng pelikula dahil sa paggalaw ng mga tauhan sa bawat kahon. Ang

mga may kapansanan ay nakaramdam ng pagpapahalaga at pagtanggap dahil


nakahalubilo nila sa gawain ang mga mag-aaral na walang kapansanan. At ang mga mag-

aaral na walang kapansanan, nagkaroon sila ng interes na makasama ang mga may

kapansanan dahil iisa ang kanilang kinahiligang gawin—ang magbasa ng literaturang

komiks. Dahil sa pangyayaring ito, nakalikha ang guro ng isang klasrum para sa

magkaibang kalagayan ng mag-aaral.

Sa ginawang paghahanda sa pandaigdigang exibit sa siyensiya, napatunayan ni

Tatalovic (2009) na ang paggamit ng komiks na tinawag niyang “science comics”. Ito ay

naglalayong isa-komiks ang mga siyentipikong impormasyon at upang malaman din kung

may mga pag-aaral nang naganap hinggil sa komiks na may temang siyensiya. Sa

kanyang pag-aaral, natuklasan niya na maraming komiks tungkol sa siyensiya. Ilan dito

ay matatagpuan sa mga blogs at websites na libreng mababasa gamit ang internet. Ang

pokus ng mga naging pag-aaral na natuklasan ni Tatalovic ay ang paggamit ng komiks sa

edukasyon ng siyensiya ngunit hindi ang paggamit nito bilang pangkomunikasyon para sa

mga taong wala sa loob ng klasrum—komunidad. Naniniwala si Tatalovic na magiging

makabuluhan ang gamit ng komiks sa siyensiya kung ang mga mahahalagang

impormasyong pangsiyensiya ay maipapaabot sa komunidad na hindi lamang sa mga

mag-aaral sa loob ng klasrum. Dahil dito, nangalap siya ng mga komiks na may temang

pangsiyensiya at ito ay kanyang ipinalaganap. Lumikha rin siya ng mga komiks na may

parehong tema. Ang mga komiks na kanyang nakalap at nalikha ay libreng mababasa sa

kanyang websites. Hindi man tuwirang naipaabot kay Tatalovic ang fidbak ng kanyang

pag-aaral, mababasa naman sa kanyang website ang mga positibong komento ng mga

nakabasa nito.
Ang Implikasyon ng Pag-aaral na ito sa Epektibong Pagtuturo ng Pamamararaang
Komiks sa Antas ng Komprehensiyon sa Pagbasa

Ang implikasyon ng pag-aaral na ito sa epektibong pagtuturo ng pamamaraang komiks sa

antas ng komprehensiyon sa pagbasa ay nakatuon sa taksonomi ni Bloom sa mataas na

antas ng pag-unawa. Sa pamamagitan ng mga gawaing iniatas sa mga mag-aaral sa

pamamaraang komiks, sila ay napatunayang may mataas na antas ng pag-unawa dahil sila

ay; una, lumilika-napagsasama-sama ang mga ideya at sangkap upang makabuo ng isang

orihinal at bagong ideya na nakahihimok ng malikhaing pag-iisip, nagtataya- nakabubuo

ng matalinong paghuhusga sa kahalagahan ng mga ideya, kagamitan, at metodo sa

pamamagitan ng paglinang at aplikasyon ng mga pamantayan at kraytirya, at nagsusuri-

nahihimay ang mga impormasyon ayon sa mahahalagang elementong bumubuo rito.

Nalinang din ng guro sa kanyang kakayahang tumuklas ng mas kaakit-akit at

mahusay na estratehiya sa pagtuturo ng mga akdang panitikan. Higit na nabigyang-buhay

ang mga tauhan at pangyayari sa akda upang buhayin ito sa imahinasyon ng mga mag-

aaral. Masasabing ang simpleng pagbasa lamang ay hindi lubos na naghatid ng sabik sa

mga bata. Ngunit noong hinaluan ito ng mga gawaing tulad ng paggamit ng komiks ay

naghatid ng sabik sa mga bata at nagpatingkad sa aralin, mas naging interesante ang

pagbabasa na siya namang nagdulot ng mataas na retensyon ng kaalaman.

Ayon kay Grainger (2004), ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan

ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Para

kay Liu (2004), ang kahulugan ng komiks bilang serye ng mga larawan na nagsasaad ng

kuwento at sa resulta ng kanyang pag- aaral, napag-alaman na ang epekto ng komiks sa

komprehensiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral ay may benepisyo gamit ang biswal. Sa

pag-aaral naman tungkol sa teksto at komiks, natuklasan ni Sones (2004) na ang kalidad
ng biswal ay nakakapagpataas ng antas ng pagkatuto. Sa bandang huli, nagkaroon siya ng

kongklusyon na ang pag-aaral na ginamitan ng larawan-komiks ay nakahihigit. Ang mga

mag-aaral na natututo sa paraang biswal, ang komiks ay isang epektibong kagamitan.

Para naman kay Downey (2014), napatunayan sa kanyang aklat na Reading for

the Love of it, lahat ng kanyang natutunan ay mula sa komiks. Para sa kanya, hindi ito

nakapagtataka dahil sa bawat sesyon sa pagbuo ng komiks, ini-eksamin nito ang narativ

na biswal bilang genre na dapat pag-aralan. Di lamang ito basta simpleng pagbibigay sa

mga mag-aaral ng mga materyal na mapapadali o madaling gawin kundi bilang isang

kabuuan, nilalaman at historya na magtuturo sa pagiging maparaan, kritikal na mag-isip

at makapaghinuha sa anumang suliraning nararanasan. Ito ay nakapokus sa pagtuturo ng

komiks, grapikong nobela at tulang may grapiks sa pagtuturo ng biswal na narativ. Ang

bawat sesyon ng pagtuturo ay naglalayon ng makabuo ng mga pamagat at seryeng

magbibigay ng gawad-gantimpala na magagamit ng guro sa kanyang mag-aaral kasama

na rito ang mga publikasyon at ang mga komiks na ginagamit para sa klasrum.

Pinatunayan rin ni Blake (2013) sa kanyang pag-aaral na ang komiks ay mabisang

kagamitang pampagtuturo kaysa sa mga teksbuk. Dapat na ang mas mabisa ay teksbuk

ngunit sadyang ang realidad ay di maiiwasan. Ito na rin ang senyales para sa mga

publikasyon at edukador na ang pagpapalaganap ng komiks sa paaralan ay tamang

paraan.

Ayon pa rin sa kanya, ang ating utak ay animnapung libong (60,000) beses na mas

mabilis magproseso sa mga imahe kaysa sa mga teksto. Kaya ang pagsasalaysay ng

kwento ay isang mabisang kagamitan. Ang komiks bilang imahe, ay pinagsamang istorya

at impormasyon na epektibo at mahalaga kaysa sa anumang pamamaraan. Kagaya na


lamang ng mga tagapagtangkilik sa mga superhero na nababasa sa komiks kung gaano

nila kabilis nakakabisa ang mga karakter, ang kanilang kapangyarihan, mga sound-

effects, kasuotan at historya nito. Halimbawa nito na sa mas madaling pagsunud-sunurin

ang naging kasuotan ni Cyclopes-karakter sa komiks sa nakalipas na limampung (50)

taon kaysa isa-isahin ang sampung (10) mga naging presidente ng bansa. Sa ganitong

pananaw ni Blake, napagtanto niya na mas makulay ang mga narativ sa komiks kaysa sa

anu pa mang babasahin.

Ayon kina Avraamidou at Osborne (2008), sa paggamit ng komiks ay posibleng

mas mabilis na mauunawaan ang kahulugan ng mga mensahe sa pamamagitan lamang ng

pagtingin at pagpapakahulugan sa mga imahe na may malaking maitutulong sa pag-

unawa ng istorya. At ang mga istoryang ito ay naiuugnay sa pang-araw-araw na

Ayon din kay Greg (2005), ang paggamit ng komiks sa literatura ay isang paraan

upang lubusang maunawaan ang nilalaman ng teks kasabay ng pagkaaliw sa mga larawan

at imaheng nakikita. Magagamit rin ang komiks sa mga asignatura tulad ng Math,

Science, Social Studies at Art. Kung Outcome-base Learning ang nais na makamit, ang

paglikha ng komiks ay mahigpit niyang inirerekomenda dahil maraming uri ng kasanayan

ang matututunan.

Sa pananaw naman ni Blanchette (2013), nagpapatunay ng ang mga grapikong

nobela tulad ng komiks ay pinagsamang teks at imahe na ngayon ay isa sa

pinakalehitimong kagamitang pampagtuturo sa panahon ngayon. Hindi lamang ang mga

mag-aaral ang nahuhumaling sa pagbabasa ng mga grapikong nobela kundi pati na rin

ang mga guro. Ayon pa rin sa kanya, sa pagbabasa, para kana rin nanonood ng pelikula

dahil sa pagkilos ng mga imahe ng mga karakter –sa kanilang diyalogo na makikita sa
bawat frame at lugar na pinangyarihan ng mga pangyayari. Ang isa pang bentahe ng

grapiko ay napatataas ang antas ng komprehensyon at natututunan ang kritikal na pag-

iisip ng mga mambabasa.

Pinatutunayan sa pahayag ni Pardeck (2005) tungkol sa paggamit ng komiks sa

literatura na nakatuon sa mga karakter na nagungusap sa kanilang diyalogo na makikita

sa mga lobo. Sa mga diyalogong nababasa, madaling nauunawaan ang mga pangyayaring

nakapaloob sa istorya. Ayon pa rin kay Pardeck, ang iba pang opisyal ng paaralan tulad

ng librarian at guidance councelor ay sumasang-ayon sa paggamit ng komiks. Ang

paglikha naman ng komiks ay isinasagawa ng pangkatan upang mapag-ibayo nito ang

positibong asal sa pakikisalamuha sa kapwa anuman ang katangian ng bawat isa.

Sa pahayag ni Haines (2012), ang susi upang mahikayat ang mga mag-aaral na

gamitin ang kanilang imahinasyon at mapukaw ang interest ay sa pamamagitan ng

pagbabasa ng komiks. Dahil ang komiks ay nagsisilbing daan upang madaling

maunawaan ang teksto sa pamamagitan ng mga imahe. Ang mga imaheng ito ay

nakatutulong sa pagpapalawak ng kanilang bokabularyo. Sa katunayan ang komiks ay

ginagamit na rin sa ibang bansa tulad ng Japan, China at Korea bilang bahagi ng kanilang

kultura. Ayon kay Haines, upang masabi na ikaw ay magaling magbasa kinakailangang

mamaster ng mambabasa ang 5,000 na di-pamilyar na mga salita sa isang konbersasyon.

Sa isang nobela, mayroong 52 beses sa 1,000 na mga salita sa teksto.sa komiks,

mayroong 53 beses sa 1,000 na mga salita na makikita. Kunggayon hindi

nakapagpapababa ang komiks ng bokabularyo taliwas ito sa sinasabi ng mga kritiko.

Ito’y nagpapatunay na sa puntong ito’y ang Pamamaraang Komiks ay hindi

masasabing mas mainam kaysa tradisyunal na pamamaraan hindi man tingnan ang pretest
values. Gayunman, ang pagsisiyasat ng nakuhang puntos ay isinagawa upang

maipaghambing ang pag-unlad ng parehong pangkat pagkatapos isagawa ang

eksperimento. Ang pagkakaiba ng puntos sa pagitan ng pre test at post test ay ginamit

upang masukat ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa parehong pangkat na

kontrolado at eksperimental.

KABANATA V

PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng paglalagom, konklusyon at rekomendasyong

nakalap ng mananaliksik batay sa mga datos na nakuha. Ang mga resultang ito ay

pawang mahalaga upang matukoy ang epekto ng paggamit ng Komiks sa Antas ng

Komprehensyon sa Pagbasa.

Paglalagom

Ang pangunahing suliranin sa pag-aaral na ito: Ano ang epekto ng pamamaraang

komiks sa antas ng komprehensyon sa pagbasa sa asignaturang Filipino ng mga mag-


aaral sa Grade 7, Science, Technology, and Engineering Program (STEP) sa Luakan

National High School, Taong Panuruan 2014-2015?

Tiyak na sasagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang antas ng komprehensiyon sa pagbasa bago at pagkatapos ang

pamamaraang tradisyunal at eksperimental?

2. Ano ang antas ng performans ng mag-aaral sa kontrolado at eksperimental

na grupo bago gamitin ang pamamaraang tradisyunal at eksperimental?

3. Ano ang antas ng performans ng mag-aaral sa kontrolado at eksperimental

na grupo pagkatapos gamitin ang pamamaraang tradisyunal at komiks?

4. Ano ang kaantasan ng mag-aaral sa kontrolado at eksperimental na grupo

bago at pagkatapos gamitin ang pamamaraang tradisyunal at komiks?

5. Paano maihahambing ang antas ng performans at pag-unlad ng mga mag-

aaral sa eksperimental at kontroladong grupo?

6. Ano ang implikasyon ng pag-aaral na ito sa epektibong pagtuturo ng

pamamararaang komiks sa antas ng komprehensyon sa pagbasa?

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa Epekto ng Pamamaraang Komiks sa Antas

ng Komprehensyon sa Pagbasa sa asignaturang Filipino sa mag-aaral sa Grade 7-Science,

Technology, and Engineering Program (STEP), ikalawang markahan sa Luakan National

High School, Taong Panuruan 2014-2015.

Ang mga respondente ng pag-aaral ay mga mag-aaral ng Grade 7 ng Luakan

National High School na may bilang na tatlumpo (30) at hinati sa dalawang pangkat sa

paraang random sampling teknik na may tiglalabinlimang (15) mag-aaral sa grupong

eksperimental at kontrolado. Mayroong 8 lalaki at 7 babae sa bawat pangkat. Ang


paksang tinalakay ay isang pabula na may pamagat na “Si Amomongo at Iput-iput”, isang

akdang pampanitikan na nagmula pa sa Bisayas. Gumamit din ng modyul na sariling

likha ng mananaliksik ang mga mag-aaral sa eksperimental na pangkat. Ang modyul ay

naglalaman ng mga katanungan mula sa pabula at bandang huli ay paglalapat ng diyalogo

sa akmang lobo. Sila ay sumailalim sa disenyong quasi-eksperimental at tradisyunal.

Ang pretest ay isinagawa bago pasimulan ang eksperimento at tradisyunal na

pamamaraan at pagkatapos, ay isinagawa naman ang posttest upang sukatin ang

performans ng mga respondente sa parehong pangkat.

Ang mga istadistikang ginamit ay frequency, percentage, mean, standard

deviation, independent at paired sample t-test upang ilarawan ang performans ng mga

mag-aaral sa kontrolado at eksperimental na grupo.

Mahalagang Findings

Distribusyon ng Eksperimental at Kontroladong Grupo

Ang mga datos ay nagpapakita na ang respondente ng dalawang pangkat na

maayos na hinati sa pamamagitan ng random sampling teknik ay may kabuuang bilang na

tatlumpo at may tiglalabinlimang mag-aaral sa grupong eksperimental at kontrolado.

Mayroong walong lalaki at pitong babae sa bawat pangkat. Bagaman ang mga lalake’y

nasasakop ang nakararaming respondente na labing-anim, ang pagkakaibang ito ay hindi

makakaapekto kumpara sa mga babaeng respondente na labing-apat.

Distribusyon ng Nakuhang Tamang Sagot sa Bawat Aytem ng Pagsusulit na


Nagpapakita ng Antas ng Komprehensyon sa Pagbasa Bago ang Pamamaraang
Tradisyunal at Eksperimental

Sa 35 aytem na pagsusulit sa tradisyunal na pangkat, lumalabas na natamo ng

grupo ay nakakuha ng MPS na limampu’t dalawa at tatlumpu’t siyam samantalang


limampu at walumpu’t anim naman sa eksperimental na grupo para sa pre-test. Ang

parehong grupo ay may deskripsiyon na Beginning.

Base naman sa post-test ng tradisyunal na grupo, sila ay nakakuha ng MPS na

animnapu at limampu’t pito na may deskripsiyon na Beginning samantalang siyamnapu’t

isa at apatnapu’t tatlo naman ang sa eksperimental na grupo na may katumbas na

deskripsiyon na Advanced.

Performans ng mga Respondente sa Grupong Tradisyunal at Kontrolado Bago ang


Pagtuturo ng Piling Paksa sa Filipino

Sa 35 aytem na paunang pagsusulit ng mga mag-aaral sa ilalim ng sa tradisyunal

at kontroladong pangkat, lumalabas na ang natamong puntos ay parehong may

deskripsiyong di-gaanong kasiya-siya.

Performans ng mga Respondente sa Kontroladong grupo at Komiks Pagkatapos ng


Pagtuturo ng Akdang Pampanitikan
Ang posttest ng kontroladong grupo na ginamitan ng lektyur na pamamaraan ay

nagpapakita ng bahagyang pag-unlad na may deskripsiyong Di-gaanong kasiya-siya

samantalang sa grupong komiks ay nakakuha ng mas mataas na Mean na may

deskripsiyong Lubhang kasiya-siya kung saan ipinapakita ang pag-unlad ng nasabing

grupo na nangangahulugang ang komiks ay higit na epektibo kaysa sa tradisyunal na

grupo.

Pagkakaiba sa Pagitan ng Pretest at Posttest sa Tradisyunal at Grupong Komiks

Ang nakuhang t-value sa pagitan ng puntos ng pretest sa tradisyunal na pangkat

kung saan ang resulta ay nagpapahiwatig na walang pagkakaiba sa pagitan ng gain score

ng posttest. Sa kabilang banda, ang nakuhang t-value ng sa pagitan ng puntos sa pretest


sa grupong komiks ay nagpapakita na may mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng gain

score sa posttest.

Implikasyon

Ang implikasyon ng pag-aaral na ito sa epektibong pagtuturo ng pamamaraang

komiks sa antas ng komprehensiyon sa pagbasa ay nakatuon sa taksonomi ni Bloom sa

mataas na antas ng pag-unawa. Sa pamamagitan ng mga gawaing iniatas sa mga mag-

aaral sa pamamaraang komiks, sila ay napatunayang may mataas na antas ng pag-unawa

dahil sila ay; una, lumilika-napagsasama-sama ang mga ideya at sangkap upang makabuo

ng isang orihinal at bagong ideya na nakahihimok ng malikhaing pag-iisip, nagtataya-

nakabubuo ng matalinong paghuhusga sa kahalagahan ng mga ideya, kagamitan, at

metodo sa pamamagitan ng paglinang at aplikasyon ng mga pamantayan at kraytirya, at

nagsusuri-nahihimay ang mga impormasyon ayon sa mahahalagang sangkap o

elementong bumubuo rito.

Nalinang din ng guro sa kanyang kakayahang tumuklas ng mas kaakit-akit at

mahusay na estratehiya sa pagtuturo ng mga akdang panitikan. Higit na nabigyang-buhay

ang mga tauhan at pangyayari sa akda upang buhayin ito sa imahinasyon ng mga mag-

aaral. Masasabing ang simpleng pagbasa lamang ay hindi lubos na naghatid ng sabik sa

mga bata. Ngunit noong hinaluan ito ng mga gawaing tulad ng paggamit ng komiks ay

naghatid ng sabik sa mga bata at nagpatingkad sa aralin, mas naging interesante ang

pagbabasa na siya namang nagdulot ng mataas na retensyon ng kaalaman.

Konklusyon

Ang hinuha ng pag-aaral na walang pagkakaiba sa mag-aaral ang tradisyunal at


pamamaraang komiks sa pagtuturo sa resulta ng performans ng mag-aaral sa asignaturang

Filipino ay tinatanggihan sapagkat ang kahusayan ng mag-aaral sa parehong pamamaraan

ng pagtuturo ay kasiya-siya, bagaman may kaunting pagtaas ang pag-unlad ng mag-aaral

na sumailalim sa pamamaraang komiks.

Rekomendasyon

1. Pataasin pa ang komprehensiyon sa pagbasa sa pamamagitan ng mga akdang

pampanitikan na napapalooban ng mga gawain tulad ng paglalapat ng akmang

diyalogo sa mga lobo upang mabuo ang isang komiks. Sa ganitong paraan,

magkakaroon ng kakayahang makasunod, makapasa at masusubaybayan ang pag-

unlad ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

2. Kinakailangang ang mga paaralan ay makahanap ng mga pamamaraan upang mas

maging madali ang pagsasakatuparan ng pamamaraang ito para sa panig ng mga

mag-aaral, sa gayo’y mas mapaunlad pa ang kanilang pagkatuto lalo na sa

asignaturang Filipino.

3. Sa ganitong pamamaraan ay magiging kawili-wili sa pagtalakay sa mga aralin lalo

na’t kung ang bawat mag-aaral ay matutuklasan ang kasanayan sa paglalapat ng

tamang diyalogo sa akmang lobo sa komiks.

4. Ang mga gurong gumagamit ng tradisyunal na pamamaraan ay mas magiging

bihasa lalo na’t kung sila mismo ay mapapaunlad nila ang kanilang kasanayan sa

pagsusulat.

5. Iminumungkahi na magkaroon pa ng masusing pag-aaral upang magkaroon ng

higit na oras upang isagawa ang eksperimentong katulad nito, sa gayo’y magiging
makabuluhan ang pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral.

TALASANGGUNIAN

A. Aklat

Badayos, Paquito (2007). Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Granwater Publication


and Research Corporation, Makati City.

Department of Education (2012). K-12 Curriculum Guide in Filipino (Grade 1-10).


Garcia, L. (2008). Kalatas: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. (Binagong
Edukasyon) Jimcy Publishing House.

Martin, T. (2009). How Comic Books Became part of the Literary Establishment.

Madran, Orcun (2008). Principles of Material Development.


Buban, Raquel S. (2005). Mga Antas ng Komprehensyon sa Pagbasa. Pamantasang De
Lasalle-Maynila.

Wittmen, John (2004). The Learning Paradigm College. MA: Anker Publishing:Boston
B. Journal

Alanguilan, G. (2007). The Guidon. The Official Student Newspaper of the Ateneo De
Manila University. Volume LXXV, Number 3.

Armelius, Kerstin & Hakelind, Camilla. (2007). Interpersonal Complementarity Self-


Rated Behavior by Normal and Anticedial Adolescents with a Liked and Disliked
Peer. Interpersona, 99-116.
Arroio, Agnaldo (2011). Comics as a Narrative in Natural Science Education.
University of Sau Paolo.

Baker, Amy (2011). Using Comiks to Improve Literacy in English Language


Learners. University of Central Missouri.

Cary Roseth, et al.(2006). Promoting Early Adolescents’ Achievement and Peer


Relationships: The Effects of Cooperative, Competitive, and Individualistic Goal
Structures Psychological Bulletin. Vol. 134 (No. 2). 223-226. The American
Psychological Association.
Decker, Alicia C. and Castro, Mauricio (2012). Teaching History with Comic Books:
A Case Study of Violence, War, and the Graphic Novel. Purdue University.

Hill, L. and Betz, D. (2005). Revisiting the Retrospective Pretest. American Journal Of
Evaluation, Vol. 26. No.4; 501-517
Johnson, David W. et al. (2006).Do Peer Relationship Affects Achievement? The
Cooperative Link, Vol. 21 (No. 1),
Lamb, T. (2005). The Retrospective Pretest: An Imperfect but Usefull Tool. Evaluation
Exchange, vol. 11, no. 2.
Lehr, F. & Osborne, J. (2006). Focus on Comprehension. Pacific Regional
Educational Laboratory from
http://www.prel.org/programs/rel/comprehensionforum.asp>Retrieved 11 March
2015

Liu, J. (2004). Effects of Comic Strips on L2 Learner’s Reading Comprehension.


TESOL Quarterly, 38(2),225-243.
McGrail, Ewa and Rieger, Alicja (2013). Increasing Disability Awareness through
Comics Literature. Electronic Journal for Inclusive Education. Volume 3.
Article 5.
Millard and Marsh (2011). Comic Literature as Motivation for Struggling and Reluctant
Readers. Journal for Popular Culture 19.4:155-176.

Marianthi et al. (2011). From Digitised Comic Books to Digital Hypermedia Comic
Books: Their Use in Education. University of Piraeus.

Merc, Ali. (2013). The Effect of Comic Strips on EFL Reading Comprehension.
International Journal. Volume;4 Issue: 1 Article:5 ISSN 1309-6249.

Pagkalinawan, Leticia C (2010). Filipino Language Program. University of Michigan.

Pardeck, J. T. (2005). Using Children’s Books as an Approach to Enhancing our


understanding of disability. Social Work in Disability and Rehabilitation, 4(1-
2), 77-85.
Pierson, Melinda R. and Glaeser, Barbara C. (2007). Using Comic Strip Conversation
to Increase Social Satisfaction and Decrease Loneliness in Students with
Autism Spectrum Disorder. California State University.

Tatalovic, Mico (2009). Science Comics as Tool for Science Education and
Communication: a Brief, Exploratory Study, Jcom 08(04) A02.

Torgesen, Joseph K. (2007). Research Related to Strengthening Instruction in


Reading Comprehension: Part 2. Comprehension Conference Spring.

Van Wyk, Micheal M. (2011). The Use of Cartoons as a Teaching Tool to Enhance
Student Learning in Economic Education. University of Free State, South
Africa.

Wilson, Jack C. (2009). A Causal Comparative Study of Students’ Reading


Motivation After Reading Comics in the Classroom. Missouri State University.

C. Di-Nalathalang Tesis at Disertasyon

Ambrocio, Joana M. (2007). Emotional Intelligence and Students’ Achievement in


Science. (Unpublished Master’s Thesis, Bataan Peninsula State University,
Balanga City).
Cruz, Consuelo G. (2009). Peer Tutoring: Its Effect to Students Performance in
Analytic Geometry. (Unpublished Master’s Thesis, Bataan Peninsula State
University, City of Balanga, Bataan).
Fontillas, Lemuel.(2010). Interactive English Teaching: Effects on Sudents
Performance. (Di-Nalathalang Master Tesis, Bataan Peninsula State University,
Balanga City).
Mendoza, Maryjoy (2008). The Effects of Cooperative Learning Strategy on the
Performance of Students in Chemistry. . (Di-Nalathalang Master Tesis, Bataan
Peninsula State University, Balanga City).
Rabonza, Felicitas C.(2004). Teaching Performance, Professional Qualities Among
Mentors in st. Berndette School of Alabang, Metro Manila: (Di Nailathalang
Tesis. Philippine Normal University).

Sevilla, Erlindo V. (2013). Epekto ng Pamamaraang Computer-Aided Instruction sa


Pagtuturo ng Filipino. (Di-Nalathalang Master Tesis, Bataan Peninsula State
University, Balanga City).

D. Elektronikong Sanggunian

Blake, Cory (2013). The Benefits and Risk of Comics in Education from <http://comic
books, digital comics, education, graphic novels >.,
<http://robot6.comicbookresources.com/2013/01/the-benefits-and-risks-of-
comics-in-education/ Retrieved 14 September 2014
Caparas, Carlo J. (2010). Komix Page from http://arman-
komixpage.blogspot.com/2010/05/carlo-j-caparas.html. Retrieved 28 August
2014.
Downey, Glen (2014). Comics in Education. Reading for the Love of it from
<www.facebook.com/glendowneyfansite >.,<www.glendowney.ca>. ,<downey.gl
en@ gmail.com >. Retreived 29 August 2014.

Grainger, Teresa (2005). Art, Narrative and Childhood. Literacy 38 (1), 66-67 from
<doi:10.1111/j.0034-0472.2004.03801011_2.x>. Retrieved 03 January 2015

Guthrie et al. (2004). Motivating reading comprehension: Concept-oriented reading


instruction. Mahwah, NJ: Erlbaum from <http://www.geneyang.com/comicsedu/
history.html>. Retreived 20 August 2014.

Haghighi, Aliakbar Montazer et al. (2006). Reverse-Traditional /Hand-On: An


Alternative Method of Teaching Statatistics from
http://pvamu.edu/pages/398/asp Retrieved 4 September 2014.
Haines, Jennifer (2012). Why Teach with Comics? Published on Diamond Bookshelf
from http://www.readingwithpictures.org/2012/04/why-teach-with-
comics/. Retrieved 23 June 2015.
Harris, Pamela & Johnson, Ralph (2005). Non-Traditional Teaching and Learning
Strategies Teaching and Learning Committee of Montana State University from
www.montana-edu/teachlearn/papers/activelearn2pdf Retrieved 4 September
2014.
Mitkus T. (2013). Lithuanian Comics: Unused Cultural and Educations Instrument.
SANTALKA:Filisofija, Komunikacija from http://www.delfi/pramogus
/kultura/kodel-lietuvoje-nera-komiksu-kulturos.d?id=63014008. Retrived 23 June
2015.

Salazar, Carlos (2014). The Coolest Activity You Can Do with a Comic Book from
<http://sequart.org/magazine/17204/everything-i-know-i-learned-from-comics-
some-words-of-advice- for-the-inquisitive-child/ >. Retreived 29 August 2014.

Sones, W. (2004). The Comics and the Instructional Method. Journal of Educational
Sociology, pp. 18, 232-240 from <http://www.geneyang.com/comicsedu/
history.html>. Retreived 20 August 2014.

Theory into Practice (2005). Aptitude-Treatment ( L. Cronbach ). TIP Psychology from


http://tip psychology.org/cronbach.html Retrieved 4 September 2014

Theory into Practice (2005). Social Learning Theory ( A. Bandura ). TIP Psychology
from http://tip psychology.org/bandura.html Retrieved 4 September 2014

Theory into Practice (2005). Social Development Theory ( L. Vygotskey ). TIP


Psychology from http://tip psychology.org/vygotsky.html Retrieved 4 September 2014
Theory into Practice (2005). Aptitude-Treatment ( L. Cronbach ). TIP Psychology from
http://tip psychology.org/cronbach.html Retrieved 4 September 2014
Topping, Keith J.(2005). Effective Peer Tutoring in Further and Higher Education
from <http.//wwwlondonmet.ac.uk/deliberations/seda-publi-cations/topping.efm>.
Retrieved 8 September 2014.
Wikia (2014). Lecture Method from <http://psychology,wikia.com/wikie/Lecture_
method>. Retrieved 12 September 2014.

Xu, et al.( 2008). Effects of Peer Tutoring on Young Children’s Social Interactions.
Informaworldfrom
<http://informaworld.com.smpp/contentdb=all?content=10.1080/0300443060085
7485> Retrieved 12 September 2014.
Apendiks A
Liham para sa Punungguro ng Mataas na Paaralan

Ika-05 ng Enero, 2015

NORMA N. MARIANO
Punungguro Mataas na Paaralan
Luakan National High School
Dinalupihan, Bataan

Gng. Mariano:

Pagbati!

Kasalukuyan po akong nagsasagawa ng aking pananaliksik ukol sa “EPEKTO NG


PAMAMARAANG KOMIKS SA ANTAS NG KOMPREHENSYON SA
PAGBASA” bilang bahagi ng pangangailangan sa titulong Master sa Sining ng
Edukasyon sa Pagtuturo ng Filipino, Bataan Peninsula State University.
Kaugnay po nito’y nais kong humingi sa inyo ng pahintulot na isagawa ang pag-aaral na
ito sa mga mag-aaral na nasa Grade 7, ikalawang kwarter ng Taong Panuruan 2014-2015.

Ang pag-aaral na ito’y kinakailangan ng serye ng pagsusulit upang makakuha ng datos na


kakailanganin sa nasabing pag-aaral. Sinisiguro ko po sa inyo na anumang impormasyon
na makakalap buhat sa ating mag-aaral ay bibigyan ng malaking pagpapahalaga at
pananatilihin ang maingat na pagtatago nito.

Inaasahan ko po ang inyong suporta sa pamamagitan ng walang pasubali ninyong


pagsang-ayon.

Lubos na sumasainyo,

(SGD.) MARITES M. RAVAGO


Mananaliksik

Sinang-ayunan ni:

(SGD.) NORMA N. MARIANO


Punongguro

Apendiks B
Liham para sa Ulong-guro ng Mataas na Paaralan

Ika-05 ng Enero, 2015

ELIZABETH C. EVANGELISTA
Ulong-guro sa Filipino
Luakan National High School
Dinalupihan, Bataan

Gng. Evangelista:

Pagbati!

Kasalukuyan po akong nagsasagawa ng aking pananaliksik ukol sa “EPEKTO NG


PAMAMARAANG KOMIKS SA ANTAS NG KOMPREHENSYON SA
PAGBASA” bilang bahagi ng pangangailangan sa titulong Master sa Sining ng
Edukasyon sa Pagtuturo ng Filipino, Bataan Peninsula State University.
Kaugnay po nito’y nais kong humingi sa inyo ng pahintulot na isagawa ang pag-aaral na
ito sa mga mag-aaral na nasa Grade 7, ikalawang kwarter ng Taong Panuruan 2014-2015.

Ang pag-aaral na ito’y kinakailangan ng serye ng pagsusulit upang makakuha ng datos na


kakailanganin sa nasabing pag-aaral. Sinisiguro ko po sa inyo na anumang impormasyon
na makakalap buhat sa ating mag-aaral ay bibigyan ng malaking pagpapahalaga at
pananatilihin ang maingat na pagtatago nito.

Inaasahan ko po ang inyong suporta sa pamamagitan ng walang pasubali ninyong


pagsang-ayon.

Lubos na sumasainyo,

(SGD.) MARITES M. RAVAGO


Mananaliksik

Sinang-ayunan ni:

(SGD.) ELIZABETH C. EVANGELISTA


Ulong-guro sa Filipino

Apendiks C
TALATANUNGAN UKOL SA BALIDASYON NG NILALAMAN NG
PAGSUSULIT SA FILIPINO

Panuto: Ipakita ang iyong pagsang-ayon o di-pangsang-ayon sa bawat pahayag sa


pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa akmang aytem. Ang sumusunod na panukatan ang
gagamitin:

5 Lubos na Sumasang-ayon
4 Sang-ayon
3 Depende
2 Hindi Sumasang-ayon
1 Lubusang Hindi Sumasang-ayon

Pamantayan 5 4 3 2 1

1. Ipinakikita ng pagsusulit ang malinaw na () () () () ()


layunin ng pagkatuto sa mga tiyak na aralin
sa Filipino.
2. Ipinakikita ng pagsusulit ang pagiging angkop () () () () ()
sa antas ng karunungan at pagkatuto ng mga
mag-aaral sa grade 7.

3. Ipinakikita ng pagsusulit ang pagiging angkop () () () () ()


sa antas ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa
grade 7.

Puna at Mungkahi sa kabuuang pangnilalaman ng


Pagsusulit
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

_______________________________
PANGALAN

_______________________________
KATUNGKULAN

_______________________________
PETSA

Apendiks D
Modyul sa Pamamaraang Komiks

MODYUL SA FILIPINO NG GRADE 7 SA TULONG NG KOMIKS

I. Ang mga Mag-aaral na Gagamit

Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral ng Grade 7-Step ng Luakan
National High School, Dinalupihan, Bataan Taong Panuruan 2014-2015.

Isa sa mga libangang kapaki-pakinabang ay ang pagbabasa. Pinalalawak nito


ang kaalaman ng tao dahil natututo sila ng kultura, kapaligiran at pamumuhay ng mga
tao. May mga pagkakataon na naiuugnay mo ang iyong buhay sa karakter sa kwentong
binabasa. Dahil dito, naiaaplay mo ang kaisipang nakapaloob sa kuwento. Ngunit bakit
may mga pagkakataon na mahirap o hindi mo maintindihan ang iyong binabasa? Bakit
kaya? Alam mo ba ang dahilan at kung paano mo ito masosolusyunan?

II. Lagom-Pananaw
Ang modyul na ito ay ginawa para itaas ang antas ng iyong komprehensiyon sa
pagbasa sa pamamagitan ng komiks sa mga akdang pampanitikan sa asignaturang
Filipino. Ang pagbasa ay isang karaniwang gawain sa inyong paaralan na humuhubog ng
iyong pag-iisip at komprehensiyon. Ang modyul na ito ay magbibigay sa iyo ng
kaalaman sa pagbubuo ng komik istrip batay akdang pampanitikan na tinalakay.

III. Mga Layunin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Matutukoy ang mga pangunahing detalye sa akda.

2. Mabibigyang kahulugan ang mga pahayag.

3. Makapaglalapat ng diyalogo sa mga lobo batay sa akdang nabasa.

Kagamitan: modyul,lapis, marker at bond paper.

IV. Panimulang Gawain

Kumusta kaibigan natatandaan mo pa ba ang huling kuwentuhan natin tungkol


kay Lalapindigowa-i?

Mabuti naman at talagang nagustuhan mo ang pabulang iyon. Sadyang hindi


dapat na maging tamad tayo sa anumang iniatas na gawain.

Ngayon naman ay nais kong makuha ang iyong opinyon sa katanungang ito.Ano
ang maaaring gawin ng isang maliit na tao na di kayang gawin ng isang malaking tao?
May laban ba ang isang maliit na tao sa malaking tao?

Marahil kung pagbabatayan mo ang kwento sa bibliya ni Goliath at ng higante ay


masasabi mong may laban ang maliit sa malaki.

Eh paano naman sa hayop? Ano ang laban ni Iput-put na isa lamang na alitaptap
sa isang gorilyang si Amomongo?

Maaaring ang mga tanong na ito ang naglalaro sa iyong isipan.

V. Mga Kinakailangang Kahandaang Gawi

Sandali lamang, tandaan mo muna ang aking tagubilin nang lubusan mong
maunawaan ang pabulang ito.

Una, talasan mo ang iyong isipan at tandaang mabuti ang mga mahahalagang
pangyayari sa akda.

Ikalawa, suriin ang bawat pangyayari kung ito ay makatotohanan o hindi.


At pangatlo, himayin ang mga elemntong nagpaigting sa ganda ng buong akda.

Mukhang handang-handa ka ng makilala si Amomongo at si Iput-iput.

At para mabilis mong maunawaan at mapahalagahan ang akda magpayaman


muna ng talasalitaan. Madali lamang ito at sinisiguro ko na malaki ang maitutulong nito
upang mapataas pa ang antas ng iyong komprehensyon.

VI. Mga Gawain sa Pagkatuto

Huwag kang matakot sa gawaing ito. Layon lamang nito na masukat ang dati mo
ng kaalaman tungkol sa paksa.

Handa ka na ba?

Magsimula ka na.

A. Panuto: Isulat ang titik ng tamang kasagutan sa nakalaang patlang bago


ang bilang.
Mula 1-2, piliin ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit.

_____1. “Ah, duwag ka pala,” ang pag-uuyam ni Amomongo.


a. pananakot b. pakikiusap c. panlalait

_____2. Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-iput.


a. sinabi b. ginawa d. iniutos

____3. Anong hakbang ang ginawa ni iput-iput upang magapi si Amomongo?


a. dumapo sa ilong
b. gumamit ng pamalo
c. kinagat ang kalaban

____4. Saan naganap ang paglalaban ng dalawang pangunahing tauhan?


a. bahay b. bukid c. plasa

____5. Ano ang laging dala-dala ni Iput-iput?


a. kandila b. ilaw c. kuryente

____6. Ano kaya ang iniisip ni Lamok sa tuwing makikita niya si Iput-iput na
dala ang kanyang ilawan?
a. maaari siyang masunog kung lalapitan siya nito
b. madali siyang makita at mapagkakamalang kaaway
c. madaling tuntunin si Iput-iput ng mga kasamahan kung aatakihin siya
ng mga kaaway

Mula 7-8, tukuyin ang MALI sa mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang
bilang ng tamang kasagutan
____7. Ang parabola ay isang uri ng panitikan na ang mga tauhan ay mga hayop.
1 2 3
Walang Mali
4
____8 . Ang akdang “Si Amomongo at Iput-iput” ay nagmula sa Bisaya.
1 2 3
Walang Mali
4

____9. "Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong


gorilya na mas malalaki pa sa akin." Ano ang nais ipakahulugan ni
Amomongo sa kanyang sinabi?
a. walang kalaban-laban si Iput-iput sa kanya
b. umatras na lamang ang kalaban
c. tinatakot niya ang kalaban

____10. Pagong:Matsing, Amomongo:Iput-iput, Lalapindigowa-i:__________.


a. Odang b. Lamok d. Ensong

B. Mga Gawain sa Pagkatuto

Si Amomongo at si Iput-Iput
(Ang Gorilya at ang Alitaptap)
Ang pabulang ito ay isa lamang sa kalipunan ng mga Bisaya na naglalarawan ng
paglalaban sa pagitan ng maliliit na insekto at malalaking hayop.
"Huwag maliitin ang maliliit dahil may magagawa silang di magagawa ng malalaki"

Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang


kaibigan.Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong
siya nito.
"Hoy, Iput-Iput,bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?"
Sumagot si Iput-Iput. "Dahil natatakot ako sa mga lamok."
"Ah, duwag ka pala," ang pang-uuyam ni Amomongo.
"Hindi ako duwag!", ang nagagalit na sagot ni Iput-Iput.
"Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?", ang pang-aasar ni
Amomongo."Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin
ay makikita ko sila kaagad at nang sa gayo'y maipagtanggol ko ang aking sarili.", ang
tugon ni Iput-Iput.Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga itong
gumising at ipinamalita sa lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si
Iput-Iput ay dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.
Nang mabalitaan ito ni Iput-Iput, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay
ni Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang
ilaw sa mukha nito hanggang sa ito ay magising.
"Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko
sa'yong hindi ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa plasa sa
susunod na Linggo ng hapon."
Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya. "Mayroon ka bang mga kasama?"
"Wala!", ang sigaw ni Iput-Iput. "Pupunta akong mag-isa."
Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili't isang maliit na insekto ang
humahamon sa kanya ng away. Nagpatuloy ang alitaptap. "Hihintayin kita sa plasa sa
susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!"
"Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na
mas malalaki pa sa akin." Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa
pakiwari niya ay nasisiraan ng ulo. Ngunit sumagot si Iput-Iput: "Hindi ko kailangan ng
kakampi. Darating akong mag-isa! Paalam!"
Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang
mga dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay
sa kanila.
"Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon
o pagdarasal. Iminungkahi ni Iput-Iput sa mga gorilya ma magdasal muna sila.
Pagkatapos magdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni
Amomongo ang kanyang mga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang
pagpapakilalang siya ang pinuno ng mga ito.
Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ni Amomongo at inilawan niya ito. Hinampas
ng kasunod na gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng
gorilya ay ang ilong ni Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong
ng pangalawang gorilya. Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad
itong nakalipad, kaya ang nahampas niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay nito.
Muli, inilawan ni Iput-Iput ang ilong ng pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na
gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad. Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa
lakas ng pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sa ilong nito. Nagpatuloy ang ganitong
pangyayari hanggang si Amomongo na lamang ang natirang buhay na gorilya na halos
hindi makagulapay dahil sa tinamong sakit. Nagmakaawa ito kay Iput- Iput na patawarin
na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya ni Iput-Iput, ngunit simula
ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking takot ang mga gorilya sa mga alitaptap.

Napakaganda ng akda! Ngayon naman ay iyo nang ipamamalas ang iyong galing
sa gawain. Ihanda na ang iyong sarili sa susunod na gawain.
VII. Lapatan ng mga tamang diyalogo ang mga lobo upang mabuo ang komiks.
Isaalang-alang ang mga larawan upang maging tumpak ang iyong kasagutan.
Apendiks E
LUAKAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Dinalupihan, Bataan

PAGSUSULIT SA FILIPINO GRADE 7

Pangalan: _________________________________________ Iskor:______________


Grade at Seksyon:__________________________________ Petsa:______________

I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang kasagutan sa nakalaang patlang bago ang
bilang.
Mula 1-2, piliin ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit.

_____1. “Ah, duwag ka pala,” ang pag-uuyam ni Amomongo.


a. pananakot b. pakikiusap c. panlalait

_____2. Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-iput.


a. sinabi b. ginawa d. iniutos

____3. Anong hakbang ang ginawa ni iput-iput upang magapi si Amomongo?


a. dumapo sa ilong
b. gumamit ng pamalo
c. kinagat ang kalaban

____4. Saan naganap ang paglalaban ng dalawang pangunahing tauhan?


a. bahay b. bukid c. plasa

____5. Ano ang laging dala-dala ni Iput-iput?


a. kandila b. ilaw c. kuryente?

____6. Ano kaya ang iniisip ni Lamok sa tuwing makikita niya si Iput-iput na
dala ang kanyang ilawan?
a. maaari siyang masunog kung lalapitan siya nito.
b. madali siyang makita at mapagkakamalang kaaway.
c. madaling tuntunin si Iput-iput ng mga kasamahan kung aatakihin siya
ng mga kaaway.

Mula 7-8, tukuyin ang MALI sa mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang
bilang ng tamang kasagutan

____7. Ang parabola ay isang uri ng panitikan na ang mga tauhan ay mga hayop.
1 2 3
Walang Mali
4
____8 . Ang akdang “Si Amomongo at Iput-iput” ay nagmula sa Bisaya.
1 2 3
Walang Mali
4

____9. "Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong


gorilya na mas malalaki pa sa akin." Ano ang nais ipakahulugan ni
Amomongo sa kanyang sinabi?
a. walang kalaban-laban si Iput-iput sa kanya.
b. umatras na lamang ang kalaban.
c. tinatakot niya ang kalaban.

____10. Pagong:Matsing, Amomongo:Iput-iput, Lalapindigowa-i:__________.


a. Odang b. Lamok d. Ensong

II. PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP (mula 11-13)

Unang Pangungusap: Tinukso ni Amomongo si Iput-iput.


Ikalawang Pangungusap: Tinukso ni Amomongo si Iput-iput kaya hinamon nito ng
away.
Ikatlong pangungusap: Tinukso ni Amomongo si Iput-iput kaya hinamon nito ng
away sa plasa sa darating na araw ng linggo.
____11. Alin sa mga pangungusap ang nasa payak na anyo?
a. una b. ikalawa c. ikatlo

____12. Sa ikalawang pangungusap, ano ang pangatnig na ginamit?


a. tinukso b. kaya c. away

____13. Ang salitang nakasalungguhit sa ikatlong pangungusap ay isang uri ng


halimbawa ng pang-abay na ________.
a. pamaraan b. pamanahon c. panlunan

____14. Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya
ay nasisiraan ng ulo. Anong uri ng tayutay ang pahayag na may
salungguhit?
a. simili b. metapora c. hayperbole

____15. Ano ang mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa kababasang akda?


a. Huwag hamunin ang kapwa para sa isang labanan.
b. Huwag maliitin ang maliliit dahil may magagawa silang di magagawa
ng malalaki.
c. Tanggapin ang pagkakamali at humingi ng tawad.

III. Panuto: Ang mga sumusunod ay mga pangyayari mula sa pabulang iyong
binasa. Ayusin ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod.
Isulat ang bilang 1 hanggang 5 sa bawat bilang sa nakalaang patlang.

_____16. Pinatawad ni Ipt-iput si Amomongo na mula noon ay nagkaroon na ng


takot ang huli.
_____17. Tinawag na duwag ni Amomongo si Iput-iput.
_____18. Hinamon ni Iput-iput si Amomongo ng paglalaban sa plasa.
_____19. Tinanong ni Amomongo si Iput-iput kung bakit laging may dala itong
ilaw.
_____20. Tinipon ni Amomongo ang mga kasamahan upang tulungan siya sa
mangyayaring pakikipaglaban niya kay Iput-iput.

III. Panuto: Pagtambalin ang SANHI at BUNGA ng mga pangyayaring hango sa


akda.
Hanapin sa hanay B ang bunga ng mga sanhi na nakasulat sa hanay A.
Titik lamang ang isulat sa nakalaang patlang.

Hanay A (Sanhi) Hanay B (Bunga)

____21. Ang pang-aasar ni Amomongo kay a. mula noon ay hindi na niya


Iput-iput. inasar si Iput-iput.
____22. Takot si Iput-iput sa lamok b. upang matalo sa Iput-iput.
____23. Pinatunayan ni Iput-iput na hindi siya c. kaya hinamon niya ng
duwag labanan si Amomongo.
____24. Nagsama ng kakampi si Amomongo d. kaya lagi niyang dala ang
sa labanan nila ni Iput-iput. kanyang ilaw.
____25. Natalo ni Iput-iput si Amomongo e. mag-isa niyang hinarap si
sa kanilang paglalaban. Amomongo at ang mga
kasama nito.

IV. Lapatan ng angkop na diyalogo ang mga lobo batay sa sumusunod na tagpo. Isulat
din ang aral ng kwento na iyong natutunan sa bandang huling bahagi.

Habang naglalakad si Iput-iput pauwi sa kanyang tahanan.


Nagkita ang magkaibigang Amomongo at Iput-
iput.

Dahil sa pagkakapahiya ni Iput-iput sa pangyayari,


kinagabihan, habang natutulog si Amomongo……
Araw ng Linggo, naglaban ang dalawa.

Natalo sa labanan si Amomongo.

Wakas ng kuwento at mensahe.


Apendiks F
Pagsusulit sa FILIPINO
(Baitang 7)

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Kasanayang Kaalaman Proseso/ Pag-unawa Paglilipat Kabuuang


Pampagkatuto (15%) Kakayahan (30%) (30%) Blg. ng
(25%) Aytem

Natutukoy ang Aytem 1 at 2


kahulugan ng salita. 2
Napipili ang Aytem 3,4, 3
mahahalagang at 5
detalye.
Nabibigyan ng Aytem 9 Aytem 6 2
kahulugan ang
pahayag.
Natutukoy ang mali Aytem 7 at 2
sa pahayag. 8
Napipili ang salita Aytem 10 1
upang mabuo ang
analohiya.
Natutukoy ang Aytem 5
salitang 11,12,13,14,
nakapagpabago sa at 15
mga pangungusap na
pinalawak.
Napagsusunod- Aytem 5
sunod ang mga 16,17,18,19,
pangyayari. at 20
Natutukoy ang sanhi Aytem 5
at bunga ng mga 21,22,23,24,
pangyayari. at 25
Nailalapat nang tama Aytem 10
ang mga diyalogo sa 26,27,28,
akmang lobo. 29,30,31,
32,33, 34,
at 35

KABUUANG BLG. 5 9 11 10 35
CURRICULUM VITAE

MARITES MANRIQUE RAVAGO


Mailing Address: #62 Bitas Street, West Calaguiman, Samal, Bataan

Cell Phone Number: 09483795770

PROFESSIONAL QUALIFICATION
Licensed Teacher

Certified, Manila, August 1994

Passed the Professional Board Examination for Teachers (PBET)

General Weighted Average: 71.26%

EDUCATIONAL ATTAINMENT
POST GRADUATE STUDY 2015
Master of Arts in Education, major in FILIPINO in Bataan Peninsula State University
Main Campus, Balanga City, Bataan.

TERTIARY 1993
Degree : Bachelor of Science in Secondary Education

General Weighted
Average : 2.01

Major : Filipino

College : Bataan Peninsula State University (Bataan Colleges)

Graduation Date : March, 1993


SECONDARY 1988
School : Samal National High School

Graduation Date : March, 1988

ELEMENTARY 1984
School : Calaguiman Elementary School

Graduation Date : March, 1984

WORK EXPERIENCES
FROM TO POSITION DEPARTMENT/AGENCY/COMPANY
TITLE

2013 PRESENT TEACHER I LUAKAN NATIONAL HIGH SCHOOL

2012 2013 TEACHER COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN


III-B

1998 2012 TEACHER ST. CATHERINE OF SIENA ACADEMY


IV

SEMINARS AND WORKSHOPS


DATE TITLE AGENCY PLACE No. of
Hrs.
27-31 Aug. Activity Chair in CSJL CSJL 40
2012 Buwan ng Wika

14-17 Aug. Application of Statistical CSJL CSJL 32


2012 Tools in the Analysis of
Test Results

15-19 Oct. Resource Speaker CSJL CSJL 40


2012 in the seminar-workshop
entitled "OUTCOME-
BASED LEARNING”

26-28 April 2012 IN-SET Training for DEPED/ Bulacan 24


20 Grade Seven Teache FAPE
02 Feb. Examiner/Evaluator and CSJL CSJL 8
2013 Technical Committee in
SMART Quicellence and
Esscellence

14-20 April Training of Trainers for the Dep Ed Baguio City 56


2013 Mass Training of Grade 8
Teachers

10-14 May TRAINER-Mass Training of Dep Ed Letran Bataan 40


2013 Grade 8 Teachers

11-14 Oct. Training and Workshop of Dep Ed Bulwagan II 32


2013 School Paper Advisers

19 Sept. SPEAKER- Science Feature Luakan Dinalupihan 8


2013 Writing in Filipino National
HS

26-27 Sept. COACH- Division School Dep Ed Orani, Bataan 16


2013 Press Conference

Oct 2013 Teacher-Adviser-Orientation Dep Ed Division 8


of Open High School Office,
Program Balanga City

9 May 2014 Gender and Development Luakan Luakan, 8


National Dinalupihan
HS

01 Aug. Speaker/Facilitator-School Luakan Luakan 8


2014 Level Press Conference National National HS
HS

26-28 Aug. Division Training of School Dep Ed Limay Multi- 24


2014 Paper Advisers Purpose Hall

26-28 Nov. Pansangay Seminar- Dep Ed ONHS-Orani, 24


2014 Workshop sa Filipino Bataan

16-20 Feb. Speaker/ Chairperson LAC LNHS LNHS 5


2015 Session sa Filipino
PERSONAL DATA

Age : 43

Birthday : 14 September 1971

Birth Place : Calaguiman, Samal, Bataan

Nationality : Filipino

Weight : 65 kilos

Height : 5’ 5”

CHARACTER REFERENCES

Elizabeth Joson, Ed. D. Bataan Peninsula State University


Graduate School Faculty City of Balanga, Bataan

Norma N. Mariano Luakan National High School


Principal Dinalupihan, Bataan

You might also like