BASURI Thesis

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN

EPEKTO NG DEPRESYON DULOT NG PAG-AARAL NG PILING MAG-AARAL NG

PILING MAG-AARAL NG COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN – CALAMBA,

TAUNANG PANURUAN 2018-2019

Humanities and Social Sciences

Isang Tesis sa Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Guro: G. Adrian Caparas

Ipinasa nina:

Bundok, Alison G.

Hona, Annabelle J.

Mercene, Destiny O.

Monserrat, Nichole Dominique B.

Tapia, Julia May M.

21 Marso 2019
KABANATA I

Introduksyon

Ayon sa American Psychiatric Association (2017), ang depresyon ay isang karaniwan at

seryosong sakit na negatibo ang epekto sa nararamdaman, iniisip at ikinikilos. Ang depresyon ay

nagbubunsod ng malungkot na damdamin sa isang tao at nawawalan siya ng interes sa mga

aktibidad na dati niyang ikinakasiya. Maaaring magbunga ito ng sari-saring emosyonal at pisikal

na problema at nababawasan ang abilidad ng tao na kumilos sa trabaho o sa bahay. Kadalasan ang

depresyon ay dahil sa matinding kalungkutan. Ang ganitong klase ng sakit ay madalas na napag-

uusapan ng marami, ngunit mayroong mga mag-aaral na lubhang kulang sa ideya kung ano ang

ibig sabihin ng depresyon.

Bakit nga ba napapadalas ang pagkakaroon ng depresyon ng mga mag-aaral? Maraming

mag-aaral ang may pinagkakaabalahan sa paaralan na nagdudulot sa kanila ng matinding tensyon

na maaaring humantong sa depresyon. Dahil sa sobrang gawain at sunod-sunod na takdang aralin,

nakakapresyon ito para sa mga mag-aaral. Ito ay nagdudulot ng dahilan kung bakit ang ilan sa mga

mag-aaral ay napapagod sa pag-aaral. Dahil sa sunod-sunod at dami ng gawain ay nawawalan na

ang mga mag-aaral ng oras upang gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanila. Marahil

ay hindi pa ito masyadong bukas sa pag-iisip ng nakararami. Ang mga mananaliksik ay nag

desisyong magkalap ng impormasyon upang mas mapalawak ang kaalaman ukol sa depresyon.

Layon ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod:

1. Upang mas mabigyan depinisyon ang depresyon para sa mga taong kulang ang

kaalaman ukol dito.


2. Upang mabigyan ng kauukulang pansin ang mga nakararanas ng depresyon at

upang mabigyan sila ng tulong.

3. Upang maiwasan ang paglala ng kalagayan ng mga nakararanas ng depresyon.

4. Upang mas mapaayos ang sistema ng paaralan para sa kalagayan ng mga mag-aaral.

5. Upang mas maging sensitibo ang mga taong nakapaligid sa mga mag-aaral sa

nararamdaman ng bawat isa.

Ang mga layon na ito ay maaaring maging daan upang maliwanagan ang bawat tao na

karamihan sa mga mamamayan ng Pilipinas at iba pang bansa na nakakaranas ng depresyon ay

mga mag-aaral. Ito ay posibleng maging boses ng mga mag-aaral upang mabigyang pansin ang

kanilang kalagayan.

Mga susing salita: Depresyon, Pag-aaral, mga Mag-aaral, Paaralan

Bakgrawnd ng Pag-aaral

Sa panahon ngayon maraming mga kabataan ang mayroong iba't ibang pamamaraan ng

pag-iisip, sumasabay ito sa pagdaan ng pangyayari sa kanilang kapaligiran. Ang depresyon ay

isang karamdaman pang-kaisipan na kung saan ang may ganitong karamdaman ay nawawalan ng

interes sa lahat ng bagay, magagalitin, problema sa pag tulog, hirap sa kontrensasyon o pokus at

kakulangan ng enerhiya sa sarili.

Ayon sa World Health Organization o mas kilala sa pangalang WHO na ang mayroong

sakit na depresyon ay umaabot na sa mahigit na isang daang milyon, ngunit bilang lamang ang

mga mamamayang humingi ng pag gamot. Ulat pa roon ay sa darating na taong 2020 ay itatayag

ang sakit na depresyon bilang pangalawa sa malulubhang sakit na nararanasan ng buong mundo.

Maliban doon, ang depresyon ay isang malubhang uri ng sakit na hindi matukoy-tukoy. Malaking

apekto ang sakit na ito sa pang araw-araw na pamumuhay ng tao.


Maaari itong humantong sa punto ng pagpapakamatay. Ang mabisang pamamaraan sa

depresyon ay ang pagpapagamot at paghingi ng tulong sa mga experto. Patuloy na panghihinaan

ng loob ang kung sino man ang may ganitong sakit, patuloy lamang ang negatibong saloobin na

pumapasok sa kanilang kaisipan. Kadalasan ang sakit na depresyon ay nakukuha sa pamilya,

kaibigan at sa kapaligiran na ginagalawan niya. Karamihan sa sakit na ito ay mataas ang bilang sa

mga kabataan sa kadahilanang tensyon na nagdudulot sakanila upang gumawa ng mga bagay na

hindi kaayaaya para sa isang indibidwal

Tulad nalamang nito ay ang pag gamit ng ipinagbabawal na gamot at pang-aabuso sa

sariling katawan na pwedeng makapag dulot ng trahedya at pahamak sa kanilang buhay. Makikita

natin ang pagbabago ng isang kaugalian ng isang indibidwal kapag ito ay nakakaranas ng

depresyon, ayon sa mga experto matutulungan natin maibsan ang ganitong klase ng karamdaman

sa pamamagitan ng pag unawa at pag bibigay ng pansin sa bawat kilos at sinasambit ng indibwal.

Dumadaan rin sa mahabang proseso ang pag-gamot ng sakit na depresyon sa pamamagitan ng

tinatawag na treatment. Pagkikinig at pag-unawa ang isang susi upang mapigilan at matulungan

ang mamamayang mayroon depresyon.

Teoritikal na Balangkas

Ang mga teoriko ng pag-uugali ng tao ay naglilinang sa paraan ng pag-iisip sa teoritikal na

balangkas. Ayon kay Dr. Aaron Beck, ang negatibong pag-iisip ay nagmumula sa depektong

paniniwala na isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng depresyon. Mayroong koneksyon sa

pagka-lala ng negatibong pag-iisip ng tao sa pagka-lala ng kanilang depresyon. Sa madaling salita,

ang pagkakaroon ng madalas na negatibong pag-iisip ay nagiging resulta sa pagkakaroon ng

depresyon.
Ang teoritikal na balangkas na ito ay maihahalintulad sa sitwasyon ng mga mag-aaral sa

loob ng pamamalakad ng paaralan. Kadalasan, ang ibang mga paaralan ay walang konsiderasyon

sa nararamdaman ng kanilang mga mag-aaral at wala silang pakialam sa kalusugan ng pag-iisip

ng mag-aaral.Ang tingin ng mga namamalakad sa paaralan ay maganda ang nagiging epekto ng

kanilang pamamalakad sa mga mag-aaral ngunit ang hindi magandang karanasan ng mga mag-

aaral sa paaralan ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng mababang tingin

sa kanilang mga sarili ang mga mag-aaral. Ang mababang tingin sa sarili ng mga mag-aaral ay

nagkakaroon ng negatibong epekto sa kanilang grado. Ang pagkakaroon ng mababang grado sa

akademikong pag-aaral at ang hindi magandang pakitungo ng paaralan sa mag-aaral ay

nagreresulta sa pagkakaroon ng negatibong pag-iisip ng mag-aaral na maaring maging dahilan ng

pagkakaroon ng depresyon ng kabataan. Kadalasan, sumosobra na ang mga gawain sa paaralan na

nagiging resulta ng pagkawala ng oras ng mag-aaral sa mga bagay na nagpapasaya sa kanila tulad

ng paglalaro ng sports, paglalaro ng instrumento, pag-pinta, at iba pa.

Saklaw ng Pananaliksik at Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay kahalagahan ukol sa dulot ng epekto ng depresyon sa mga mag-

aaral. Saklaw ng pag-aaral nito ang mga piling mag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran -

Calamba. Isa sa mga karaniwang nabibiktima nito ang mga senior high school. Tatalakayin rin sa

pananaliksik na ito ang mga sanhi at bunga ng pagkakaroon ng depresyon. Bukod dito ay upang

magkaroon din tayo ng ideya kung bakit hindi dapat ipagsawalang-bahala at ang simpleng

pagsasawalang-bahala sa depresyon ay maaaring maging sanhi ng pagpapakamatay.

Ang mga pag-aaral patungkol sa depresyon ay maaaring makatulong upang bigyan tayo ng

kaalaman kung bakit nangyayari ito lalo na sa mga kabataan ngayon at para mapatunayan na ang

depresyon ay isa sa mga dahilan ng kawalan ng mga gana ng estudyante sa pag-aaral. Hindi lamang
mga senior high school ang maaaring maapektuhan ng depresyon kundi edad 10 hanggang sa 18

taon gulang sa iba't ibang lugar sa Pilipinas, mayroon ng 30% ng mga kabataan ang nakakaranas

nito sa Pilipinas.

Paglalahad ng Suliranin

Ito ay isang suliranin sa pananaliksik ng isang tiyak o malinaw na pahayag tungkol sa isang

lugar na pinag-aralan, ito ay kondisyon para mapabuti ang mamamayan at mailayo sa problema o

matulungan sila sa pag-unlad para sa nalalapit na kinabukasan. Isang nakakaalarmang tanong na

umiiral sa teorya o panitikan, kasalukuyan rin itong umiiral sa pagsasanay ng mga punto sa isang

pa hindi malinaw o malawak na panukala, o nagpapakita ng isang halaga na tanong.

Konseptuwal na Balangkas

Ang pananaliksik namin na ito na may paksang “Epekto ng Depresyon Dulot ng Pag-

aaral sa mga Piling Mag-aaral ng Colegio de San Juan de Letran – Calamba ” ay nilaanan sa

konseptuwal na balangkas upang mas maintindihan at higit pang magkaroon ng dagdag kaalaman

sa piling dokumentasyon. Ang awtput na kalalabasan ng nakalap na datos ay mag bibigay daan

upang mabigyan ng solusyon ang kasalukuyang problema.

INPUT PROSESO AWTPUT


1. Anu-ano ang rason Kumuha ang Magkakaroon
bakit nagkakaroon ng mga mananaliksik sa ng kaalaman ang mga
depresyon ang isang internet ng mga tao ukol sa mga
mag-aaral? kaugnay na panitikan dahilan kung bakit
upang mas magkaroon nagkakaroon ng
ng impormasyon ukol depresyon ang mga
2. Anong maaaring sa depresyon dulot ng mag-aaral.
solusyon sa pag-aaral.
Matututong
sitwasyon ng mga
magbalanse ng oras
mag-aaral na
ang mga mag-aaral at
nakakaranas ng Paggawa ng
maiiwasan ang
depresyon dulot ng sarbey sa mga mag-
pagsasayang ng oras sa
pag-aaral? aaral ukol sa kanilang
mga walang
Pigura 1: Konseptuwal na Balangkas

Kahalagahan ng Pag-aaral

Madami ang magkakaroon ng dagdag kaalaman tungkol sa depresyon lalo na sapanahon

ngayon kung saan madalas napag-uusapan ang sakit na ito. Dahil rin sa pag-aaral na ito ay mas

mabubuksan ang kaisipan ng mga mamamayan na magsagawa ng akto upang matulungan ang mga

indibidwal na nakakaranas ng depresyon. Para rin ito sa lahat ng mamamayan upang malaman ang

pwedeng maging epekto nito sa ating mentalidad.

Sa mga mag-aaral. Mahalaga ito sa mga mag-aaral sapagkat ang depresyon ay lubusang

nakaka-apekto sa pang-araw-araw na buhay nila. Makakatulong ito upang maging boses ng mga

mag-aaral o kabataan na nakararanas ng depresyon. Ito ang magiging gabay ng mga tao upang mas

lalong maintindihan ang kondisyon ng mga nakararanas nito. Sa bawat magbabasa ng pag-aaral
na ito ay mas magiging malalim ang pananaw nila sa mga mag-aaral na naghihirap dahil sa

depresyon dulot ng kanilang pag-aaral.

Sa mga guro. Isang malaking tulong ito sa mga guro para gabayan ang mga mag-aaral sa

kanilang pagtuturo. Ang mga damdamin na hindi maipalwanag na magdulot na depresyon ay

maaring maintindihan na ng mga guro dahil sa pag-aaral na ito. Sa pamamagitan nito

makakapagbigay ng impormasyon sa mga guro upang maiwasan ang ganitong karamdaman. Ang

pag-aaral na nito ay maari lamang maging gabay sa mga guro na kung saan ang mga asignatura na

kanilang itinuturo ay hindi maka-apekto sa mga mag-aaral nila.

Sa mga magulang. Importante na may kaalaman ang mga magulang ukol sa depresyon

upang hindi mag-alinlangan ang kanilang mga anak sa paghingi ng tulong sa kanila. Bilang mga

magulang, obligasyon nila na alagaan at siguraduhing nakararanas ng masaya at magandang buhay

ang kanilang mga anak. Hindi dapat magkaroon ng takot ang mga anak na huhusgahan sila ng

kanilang mga magulang kapag sinabi nila ang kanilang dinadamdam sa kanilang mga magulang.

Kapag alam ng anak na maaasahan at mapagkakatiwalaan nila ang kanilang mga magulang,

maiiwasan ang paglala ng depresyon at magkakaroon ng magandang relasyon ang mga anak sa

kanilang mga magulang.

Sa iba pang mamamayan ng bansa. Malaki ang populasyon na nababalita ngayon dahil

sa depresyon, marami ang natatakot dahil ang ibang sintomas nito ay kanila rin na nararanasan.

Malawak na pag-uunawa upang maintindihan ang depresyon. Bawat bansa ay may kanya-kanyang

pamamaraan na maaaring maghatid ng tulong sa kanila upang mailabas ang mga saloobin. Ang

pag-aaral tungkol sa depresyon ay tila malaking solusyon ng bawat mamamayan ng bansa,

maiiwasan nito ang pagiging madamdamin na pwedeng magdulot sa kanila ng ganitong uri ng
sakit. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa bawat mamamayan ng bansa na malaman ang maaring

maging apekto nito hindi lamang para sa sarili kundi rin para sa paligid na ginagalawan niya.

KABANATA II

Dito sa pangalawang kabanata ay matutunghayan natin ang mga kaugnay na panitikan na

banyaga at pampook ukol sa epekto ng depresyon sa mga mag-aaral dulot ng pag-aaral.

Kaugnay na Panitikan

Banyaga (10)

“Students Under Pressure”, isang kwentong pabalat mula sa American Psychological

Association (APA, 2014)

Isang mag-aaral mula sa Eastern Washington University na si Nicole Stearman ang

nakaranas ng panic attack ng 10:30 ng umaga kung kailan patapos na ang kaniyang klase sa

pamamaraan sa pananaliksik. Hindi ito ang unang beses na inatake siya ng ganitong karamdaman

kaya’t naisip niyang humingi agad ng tulong sa tagapag-konsehal at sikolohiyang serbisyo sa

kanilang unibersidad. Pagdating niya sa lugar kung saan nakatayo ang serbisyo, nalaman niyang

walang tagapayo ang maaari niyang makausap kaya’t siya ay lumisan na lamang. “Hindi ko kontrol

ang pagtama ng aking mga panic attacks at hindi ko ito maitatama sa oras kung kailan may mag-

aasikasong tagapayo o doktor sa akin.”, tugon ni Nicole. Si Nicole ay nakaranas na ng depresyon

at social anxiety sa sekondaryang edukasyon. “Magandang mayroong abot-kamay na sebisyo na

handang tumulong sa mga mag-aaral na nangangailangan ng atensyon, ngunit, maaari pang mas

mapabuti at mas mapasaayos ang kalidad ng kanilang serbisyo.”


Si Stearman ay kasama sa bilang ng mga mag-aaral sa kolehiyo at sekondaryang edukasyon

na nahihirapang humingi ng tulong ukol sa kanilang depresyon. Saikatlo ng bilang ng mga mag-

aaral United States ang nahihirapang gumawa ng kanilang mga normal na gawain dahil sa

depresyon.

“Adolescent Depression in Schools”, isang artikulo mula sa Newport Academy (2018)

May iba’t ibang rason kung bakit nakakaramdam ng presyon ang mga teenager. Ang

depresyon sa paaralan ay nakakaapekto dahil sa maraming bagay-bagay. Isa na dito ang, presyon

sa mga gawain sa paaralan. Maraming mga teenager ang nakakaranas ng presyon sa akademikong

pag-aaral. Gayunpaman, dahil sa hindi siguradong ekonomiya at matinding kompetisyon sa

kolehiyo at graduate school mas nagbubunsod ang presyon sa mga mag-aaral.

Isa pang rason ay ang kakulangan sa coping skills ng mga mag-aaral. Ang mga kabataan

ngayon ay mas protektado na kaysa noong unang panahon. Ang mga magulang nila ay

sinusubukan silang protektahan mula sa mga nakakabigong karanasan. Samakatuwid, ang mga

kabataan ay nagkakaroon ng mas maliit na pagkakataon na buoin ang kanilang katatagan dahil sa

kanilang mga magulang. Kaya naman hindi rin natututunan ng kabataan ang pagiging matatag

upang harapin ang mga hamon nila sa buhay. Katulad na lamang ng mga suliranin sa paaralan at

sa pag-aaral. Hirap ang mga kabataang ito na harapin ang mga ito mag-isa kaya nagdudulot ito sa

kanila ng tinatawag na mental breakdown o depresyon.

Ang Nature Deficit Disorder ay isa rin sa mga dahilan ng depresyon sa paaralan. Ayon sa

libro ni Richard Louv na “Last Child in the Woods” (2005), ang Nature Deficit Disorder ay ang

ideya sa tao, madalas sa kabataan, na nagkukulang sa paglalaan ng oras sa labas ng bahay o

outdoors na nagiging dahilan ng malawak na hanay ng mga problema sa asal at mental na


kalusugan, kasama na ang depresyon. Ang mga kabataan ngayon ay masyadong naglalaan ng

maraming oras sa paggawa ng maraming proyekto at takdang-aralin para sa kanilang iba’t ibang

asignatura sa paaralan na nagiging dahilan para hindi sila masyadong makalabas ng kanilang mga

bahay.

“Depression and School”, isang artikulo mula sa Health Experiences from the USA (2019)

Dahil ang paaralan ay isang mahalagang parte ng unang dalawang dekada ng buhay ng tao,

ang mga taong may edad 18-29 pataas na naaalala ang kanilang mga depresyon ay natuklasan na

ito pala ay dulot din ng pag-aaral nila noon. Sa United States, maraming sekondaryang edukasyon

at kolehiyo ang may pinagkukunang impormasyon upang malaman at magamot ang depresyon,

kaya dapat ang paaralan ay maaari ring maging lugar upang makahingi ng tulong. May ilang mga

kabataan na aming tinanong ang nagsalita tungkol sa pagiging konektado sa lunas ng paaralan.

Sinabi rin ng iba na napapabuti at napapasama ng paaralan ang iba’t ibang bagay sa buhay ng mag-

aaral.

Maraming tao ang nagsabi na sila ay may depresyon habang nasa paaralan sila. Para sa iba,

ang mga guro at tagapag-konsehal sa sekondaryang edukasyon ang mga unang nakakapansin at

nauunang lumapit sa mga may depresyon. May isang mag-aaral na nagsulat ng essay na nakasaad

doon kung gaano siya nahihirapan at ang guro na nakabasa ng sulatin na iyon ay tinulungan ang

mag-aaral na kayanin ang pagkakaroon niya ng depresyon. Maraming magulang ng mga mag-aaral

ang lumalapit sa mga tagapag-konsehal o sa mga sikolohista sa paaralan dahil sila ay nag-aalala

sa mga anak nila. Ang depresyon ay nagiging sanhi ng mga kabataan upang hindi makapasok sa

paaralan dahil nahihirapan sila umalis sa kama at maging maayos o produktibo ang kanilang

buhay.
“Depression and Low Mood; School and Studying”, isang artikulo mula sa Health Talk (2017)

Normal ang pagkaranas ng mag-aaral sa kaba o presyon sa pagharap sa maraming tao at tensyon

sa pagsusulit ngunit, para sa mga kabataan na may depresyon, dagdag hirap at tensyon pa ang mga

gawaing ito. Nagkakaroon o lumalala ang depresyon dahil na mismo sa hindi magandang

pagpapalakad sa mga paaralan. Malaki ang epekto ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral

kung paano nila tignan ang kanilang mga sarili. Ang pagkakaroon ng mababang tiwala sa sarili ng

mga mag-aaral ay may negatibong epekto sa kanilang akademikong pag-aaral at magreresulta ito

sa paglala ng kanilang depresyon. Isang babaeng nakapanayam ang nagsabi na sinisisi niya ang

kaniyang sarili sa pagbaba ng kaniyang grado kahit na mayroon siyang dinadamdam na mga sakit

tulad ng dyslexia at depresyon.

“High School and Teen Suicide, A Connection?”, isang artikulo mula sa Mental Help (2019)

Ang karaniwang inaasahan ng mga mag-aaral sa pagtungtong nila sa Sekondaryang

Edukasyon ay masaya at maayos na sistema ng edukasyon, pagkakaroon ng maraming kaibigan,

at paglalaro ng mga paligsahan. Para sa karamihan, ang karanasan nila sa pagtungtong sa

Sekondaryang Edukasyon ay tila isang delubyo. Marami sa mga mag-aaral ang nasasangkot sa

mga gulo, nagpapakamatay, o nakararanas ng depresyon. Sa nakaraang limampung taon, mas

lalong tumatagal ang kahabaan ng pagpasok sa paaralan. Karamihan sa mga paaralan ang

nagsisimula sa buwan ng Agosto at natatapos sa buwan ng Mayo at ang maaaring dahilan nito ay

ang pagbagsak ng mga mag-aaral sa ibang mga asignatura tulad ng matematika, siyensya at

pagbasa. Dalawang propesor na si Benjamin Hansen at Matthew Lang ang nagsuri sa nagiging

sanhi ng depresyon, pagpapakamatay, at pagpatay sa mga kabataan. Napansin ng dalawang

propesor na mas mataas ang bilang ng mga kabataang nagpapakamatay habang may pasok sa
paaralan ang mga mag-aaral kung ikukumpara sa bilang ng mga nagpapakamatay sa panahon ng

bakasyon tulad ng pasko at tag-init.

Malaki ang naiaambag ng mga gawain sa paaralan sa pagtaas ng presyon at paglala ng

depresyon ng mga mag-aaral dahil nahihirapan silang ibalanse ang kanilang oras sa akademikong

pag-aaral at labis na gawain na dalawa sa mga halimbawa ng hindi magandang pamamalakad ng

mga paaralan.

“Earlier School Start Times May Increase Risk of Adolescent Depression and Anxiety, URMC

Study Says”, isang artikulo mula sa University of Rochester Medical Center (2017)

Ayon sa pag-aaral ng URMC, ang mga teenager na may simula ng pag-aaral ng paaralan

bago ang 8:30 ng umaga ay maaaring nasa panganib na maranasan ang depresyon at pagkabalisa

dahil sa nakompromisong pagtulog. Pinapangunahan ng klinikal na lingkod at propesor sa

Saykayatrya sa URMC na si Jack Peltz, Ph.D. ang pag-aaral na ito, na kasalukuyang lamang

nailathala sa Sleep Health, ay hindi lamang nagpapatibay ng koneksyon ng pagtulog at ang

kalusugang pangkaisipan ng mga kabataan ngunit pati na rin nagkakaroon na masamang epekto

ang maagang pagpasok sa paaralan sa dami ng oras ng pagtulog at nakaapekto rin ito sa kaisipan

at pagkilos ng kabataan. Ang mga natuklasan ay nagbibigay ng karagdagang katibayan sa

pambansang debate sa kung paano ang mga oras ng pagsisimula ng paaralan ay may epekto sa

kalusugan ng mga kabataan.

Ang mga resulta ay nagpakita na ang mahusay na baseline ng sleep hygiene ay direktang

nauugnay sa mas mababa sa pangkaraniwan na pang-araw-araw na depresyon o sintomas ng

pagkabalisa sa lahat ng mga mag-aaral, at ang mga antas ay mas mababa pa sa mga mag-aaral na

may mga oras ng pagsisimula ng paaralan pagkatapos ng 8:30.


“Kung hindi tayo matutulog, mamamatay tayo sa huli. Ang mga utak natin ay titigil sa

paggana.”, sabi ni Pletz. “Sa pagtapos ng araw, ang pagtulog ay importante pa rin sa ating buhay.

Ngunit kung kailangan mong magmadali para sa isang pagsubok o magkaroon ng isang

mahalagang papel agad, ito ay isa sa mga unang bagay na isasantabi natin, kahit na hindi dapat.”

“As Teen Suicide Rate Increases, States Look to Schools to Address Crisis”, isang artikulo mula

sa neaToday (2018)

Ayon sa Centers for Disease Control (CDC) noong buwan ng Abril 2018, tumaas ang

bilang ng mga kabataang nagpapakamatay mula edad 10 hanggang 17 ng 70 porsyento mula taong

2006 hanggang taong 2016. Napag-aralan ng mga eksperto kung bakit madalas ang pagkakaroon

ng depresyon ng mga kabataan at isa sa mga nahanap nilang dahilan ay presyon at tensyon mula

sa akademikong pag-aaral.

“Kung tutuusin, ang madalas na nagiging sakit sa isip ng kabataan ay depresyon at

anxiety,” Ayon sa tagapayo sa paaralan na La Plata High School sa Southern Maryland na si Kathy

Reamy. “Maraming nagiging dahilan sa pagkakaroon ng depresyon sa kabataan at ang karamihan

sa mga ito ay ang presyon sa pagkakaroon ng kaibigan, presyon sa pagkakaroon ng mataas na

grado sa akademiko, at presyon mula sa social media. Dagdag pa dito ang kaba sa kaligtasan ng

kabataan.”

Maraming mga paaralan ang tila nagiging pagpapa-presyon na lamang ang nagiging

nagagawa sa mga mag-aaral. Ayon kay Denise Pope mula sa Stanford University “Mayroon akong

nakapanayam na mga mag-aaral na nag-aaral nang mabuti ngunit sinasabihan pa rin sila ng

kanilang mga magulang na mag pagbutihin pa at galingan pa ang pag-aaral.”


“Karamihan sa mga mag-aaral ay ayaw nilang madismaya ang kanilang mga magulang,”

Dagdag ni Reamy. “Mas mahirap ang ganitong sitwasyon, lalo na sa mga kabataang gusto laging

maging perpekto ang kanilang gawain. Maaari itong maging dahilan ng pagkahina ng loob ng mga

mag-aaral na makatungtong sa kolehiyo at makapagtapos ng pag-aaral.” Malaking porsyento na

mga nagpapakamatay na kabataan ay parte ng LGBTQ+ Community.

“Academic Pressure”, isang artiklo mula sa Sutter Health Palo Alto Medical Foundation

(2013)

Ito ay tulad ng isang malaking presyon. Walang duda, ang paaralan ay lubhang mahirap

para sa mga mag-aaral. Para sa ilan, ito ay ang pag-aalala na nakakakuha ng sapat na mga kredito

upang magtapos sa mataas na paaralan, ngunit para sa iba makakakuha ito ng 4.0 GPA at

makapasok sa Stanford. Anuman ang ating mga layunin, lahat tayo ay nagpupumilit na may

matinding halaga ng tensyon at presyon. Sa paaralan ay may iba't ibang akademikong presyon na

nararamdaman, nagmula sa isang pangangailangan para sa pagiging perpekto, mag-alala sa mga

grado, presyon ng magulang, kumpetisyon, sports, o isang mahigpit na uri ng pagdadala. Ang

akademikong presyon ay hindi nagsisimula sa kolehiyo. Ang mga nervous breakdowns, pag-atake

ng panic, burnouts, at depresyon ay maliwanag din sa maraming mga batang mag-aaral.

Ang parehong sitwasyon ay hindi palaging tensyon para sa lahat ng mga tao, at ang lahat

ng mga tao ay hindi dumaranas ng parehong mga damdamin o isinasantabi ng mga saloobin kapag

tensyonado. Ang pagkakaroon ng isang malakas na network ng suporta upang bumalik sa oras na

makakuha ng paaralan ay kritikal upang manatiling pagtaas at pagpapanatili ng isang malaking

pananaw ng larawan. Ang mga kaibigan ay maaaring ang pinakamahusay na mga tao upang

mapawi ang iyong tensyon, ngunit maaari rin itong maging dahilan sa likod ng pagiging
tensyonado. Piliin ang mga kaibigan na laging positibo at sumusuporta kapag ikaw ay nasa

kailaliman na ng iyong pagdaramdam. Ang pagkakaroon ng isang mahusay na pangkat ng mga

kaibiganay isang paraan upang matulungan and sarili na mapanatili ang isang malusog at kasiya-

siyang pamumuhay.

“Social and behavioral factors associated with depressive symptoms among university

students”, isang artikulo mula sa PubReader (2018)

May ilang mga pag-aaral na iminungkahi na ang mga aspeto ng kalusugan ng isip sa mga

mag-aaral sa unibersidad ay mas mahirap kaysa sa kanilang mga kapantay sa pangkalahatang

populasyon. Ang depresyon ay isa sa mga pinakakalat na problema sa kalusugan ng isip sa mga

mag-aaral sa unibersidad, at ang paglaganap ay lumalaki. Mayroong iba't ibang mga pagtatantya

ng pagkalat ng mga sintomas ng depresyon sa mga mag-aaral sa unibersidad, mula sa lugar na

10% hanggang sa rehiyon na 20% at hanggang 40% at 80%. Ang mga mag-aaral sa unibersidad

ay nasa isang kritikal na panahon ng buhay dahil lumipat sila mula sa pagbibinata hanggang sa

pagtanda, na nangangailangan ng mga ito upang gumawa ng maraming mga pangunahing

desisyon.

Sa panahong ito, nakatagpo sila ng matinding presyon, higit sa lahat mula sa pang-

ekonomiyang pagkapagod, pang-akademikong pangangailangan, interpersonal na relasyon at

pakikibaka sa paggawa ng mga napakahalagang desisyon. isang pag-aaral sa 1943 na ang mga

mag-aaral sa sekondaryang edukasyon natagpuan na ang pagkakalantad sa karahasan sa mga

miyembro ng komunidad, mga kapantay o pamilya ay isang tagahula para sa mga sintomas ng

depresyon sa mga mag-aaral.


“Mental Health In Schools: A Hidden Crisis Affecting Millions Of Students”, isang artikulo

mula sa nprED (2016)

Bahagi sa isang serye ng NPR Ed sa kalusugan ng isip sa mga paaralan. Maaari mong

tawagin itong isang tahimik na epidemya. Hanggang sa isa sa limang bata na naninirahan sa U.S.

ay nagpapakita ng mga palatandaan o sintomas ng isang sakit sa pangkaisipan sa isang taon.

Kaya sa isang silid-aralan na mayroog 25 na mag-aaral, ang lima sa kanila ay maaaring

nakikipag punyagi sa parehong mga isyu na napapaharap na may mga edad na, depresyon,

pagkabalisa, pang-aabuso sa karamihan. Gayun pa man karamihan sa mga bata 80 porsiyento na

nangangailangan ng mga serbisyong pangkaisipang kalusugan ay hindi makakakuha ng mga ito,

ang talamak na pagkawala sa pag-iisip, mababang tagumpay, nakakagulo na pag-uugali at

pagbaba sa sarili.

Sinasabi ng mga eksperto na ang mga paaralan ay maaaring maglaro ng papel sa

pagtukoy ng mga mag-aaral na may mga problema at pagtulong sa kanila na magtagumpay.

Ngunit isang papel na ginagampanan ng maraming paaralan ay hindi handa. Ang mga nagtuturo

ay nakaharap sa simpleng katotohanan, kadalasan dahil sa kakulangan ng mga mapagkukunan,

mayroon lamang hindi sapat na mga tao upang matugunan ang trabaho. At ang mga nagtatrabaho

sa mga ito ay madalas na nalulunod sa malaking mga kaso. Ang mga batang nangangailangan ay

maaaring mahulog sa paanganib.

Pampook (4)

“Depresyon ng mga Estudyante, Ano ang Dahilan?”, isang artikulo mula sa Dok

Alternatibo (2016)
Ang depresyon ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang mga mag-aaral ang

nagda-drop out lalo na sa kolehiyo. Ang malalang epekto nito sa kanila ay ang pagkitil nila

kanilang mga sarili upang matapos ang mga problema at pagod na kanilang kinakaharap. Ayon

sa healtline.com ang mga senyales ng depresyon sa mga mag-aaral ay kakulangan sa tulog, pag-

kain at walang pisikal na aktibidad. Nakararamdam din ng tensyon ang mga mag-aaral lalo na

kung sila ay nakararamdam ng presyon na makamit ang matataas na marka dulot ng matataas na

ekspektasyon ng pamilya. Isa din sa sanhi nito ang problemang pinansyal.

Ayon sa statistics, isa sa bawat mag-aaral na kolehiyo ay may nakararanas ng depresyon.

Halos ang 75% ng mga mag-aaral na nakararanas nito ay hindi humuhingi o sumasangguni sa

mga espesyalista kagaaya ng psychologist at psychiatrist. Ang mga mag-aaral ay may malaking

posibilidad na magpakamatay lalo na kung hindi na makayanan ang pagod na dulot ng

depresyon.

“Depresyon - Isang Anyo ng Kapaguran na Sumisikil sa Kabataan”, isang artikulo galing

kay Maryam Tubio (2016)

Maraming tao ang nakararanas ng depresyon sa ating mundong ibababaw. Isa sa mga

suliranin ng kabataan sa kasalukuyan ay kung papaano nila masusulusyunan ang mga suliranin na

kanilang kinakaharap. Bilang isang indibidwal na kumakatawan sa tugatog ng pagharap sa ilang

problema na tungkol sa pamilya at pag-aaral, ang mga kabataan daw ngayon ay maihahalintulad

sa mga taong nasa “asylum” noong panahon ng 1920’s. Mayroong naitalang ebidensya na nag-

hahayag sa pagpapakamatay ng mga mag-aaral dahil sa labis na kapaguran at kawalan ng pag-asa.

Ayon sa mga talaan may mahigit na 65% ang mga kabatan ang dedesisyon na tapusin na lamang

ang kanilang mga buhay kaysa harapin ito.


Sa makabagong panahon ngayon kung saan nailunsad na ang maraming imbensyon

hinggil sa teknolohiya, hindi maitatangging nakikisunod ang ilan sa makabagong sibilisasyon.

Nakakaapekto ito sa isipan ng mga kabataan kung saan mas pinipili nila ang kanilang mga luho

kaysa sa realidad. Kung sa pag-aaral naman ang susuriin, maraming sitwasyon kung saan mas

pinipili nalang nila ang mga pasang awing grado at madami ang pinag kakaabalahan kaysa sa pag-

aaral. Pag –uwi naman nila sa kanikanilang mga tahanan ay kung ano-anong bagay ang mga

inaatupag bagkus ay umaabot ito sa puntong hindi sa nila alam kung anong bagay ba ang dapat na

unahin. Naghalo-halo na ang pagod sa kanilang isipan at naaantala ang kapasidad na tumingin sa

lawak ng mga oportinidad o di kaya’y boses ng pag-asa. Ang lahat naman ng nilalang sa mundo

ay may mga kaakibat na mga potensiyal ngunit hindi nila ito napapansin dahil sa epekto ng

minsanang kawalan ng loob. Sa gayon, ang kanilang utak ay punong puno ng boses ng kahinaan,

sa pagiging talunan at kahihiyan; ang anyo ng depresyon ay nag papakita bilang isang mag-aaral.

“Depression in late teens linked to high school drop out”, artikulo mula sa UNTV News

(2017)

Ang mga kabataan na nakikipaglaban sa depresyon ay higit sa dalawang beses na

malamang na umalis sa mataas na paaralan bilang mga kapantay na walang sakit sa isip o mga

nakuhang muli mula sa isang labanan ng depresyon sa mas maaga sa buhay, ang sabi ng mga

mananaliksik sa Canada. Ang pag-unawa sa kasalukuyang o kamakailang depresyon ay

nagpapataas ng panganib sa pag-drop ay maaaring hikayatin ang mga paaralan na magkaroon ng

mas mataas na priyoridad sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip, ang kopya ng pag-aaral ay

nagsusulat sa Journal of Adolescent Health. "Ito ang unang pag-aaral ng uri nito upang tingnan

ang mga sintomas ng depresyon sa taon bago mag-drop," ang pinuno ng may-akda na si Dr.

Veronique Dupere, na propesor ng propesor sa paaralan ng psycho-education sa University of


Montreal, ay nagsabi sa telepono ng Reuters Health."Ang papel na ginagampanan ng depresyon

sa pagpapasya na mag-drop out ay minamaliit sa nakaraang pag-aaral dahil ang tiyempo ay hindi

maayos na isinasaalang-alang.

Ang depresyon ay hindi matatag. Ito ay may kaugaliang dumating at pumunta, "sabi niya.

Para sa bagong pagtatasa, ang mga mananaliksik ay nagtanong sa 6,773 mga mag-aaral sa 12

disadvantaged high school na may mataas na dropout rate sa at sa paligid ng Montreal upang

makumpleto ang isang screening questionnaire sa simula ng taon ng paaralan. Ang maikling

pagtatasa, na isinasagawa mula 2012 hanggang 2015, sinusukat ang panganib ng mga mag-aaral

para sa pag-drop, at hiniling din ang kanilang sociodemographic na impormasyon at trabaho,

edukasyon at istraktura ng kanilang pamilya. Sa isang ikalawang yugto ng mga panayam

pagkalipas ng isang taon, isang subset ng mga mag-aaral ang hiniling na lumahok sa mga pulong

na nakaharap sa isang mag-aaral na nagtapos na nagsusuri sa kanilang kalusugan sa isip.

“A Cry for Help: Mental Illness Suicide Cases Rising Among Youth”, isang artikulo mula

kay Sofia Tomacruz (2018)

Ang psychiatrist ng bata na si Dr. Norieta Balderrama mula sa PGH Child Protection

Unit ay nagsabi na siya at halos 80 bata psychiatrists sa bansa ay nagbahagi ng mga anecdotes

mula sa kanilang pagsasanay na nagpapahiwatig ng pagtaas sa mga kabataang pasyente na may

mga saloobing paniwala o sinubukang magpakamatay. Marami sa kanila ay nakaranas ng

depresyon. Napansin ni Balderrama at ng iba pang mga psychiatrist ng bata na ito bilang ilang

mga paaralan ay sumangguni sa mga mag-aaral na pinapapasok sa pagharap sa mga isyu sa

kalusugan ng isip.
"Mayroon kaming isa sa mga tagapayo na sinabi na siya ay may limang mga bata na

pagpapakamatay sa isang araw ng klinika, kaya maaari itong mapunta sa mataas na bilang na

higit sa dalawa o tatlo sa isang araw-araw.”, sabi niya. Para sa life coach na si Myke Celis,

maliwanag ang pag-aararo sa mga naghanap sa kanyang tulong - mula sa mga may edad na 25 o

mas matanda pa, sinabi ni Celis na karamihan sa mga coaches niya ay nasa edad na 13 hanggang

25 taong gulang. Marami sa kanila ang nakaranas ng depresyon at pagkabalisa at may ilan rin na

nakakaaliw ang mga saloobin ng paniniwala.

KABANATA III

Ang bilang ng tantiyahin na mag-aaral na nakararanas ng depresyon ay 600. Ang lebel ng

kumpyansa kung saan nasusukat ang kasiguraduhan ang resulta ng pananaliksik ay 1.96 at ang

marginal error kung saan ipinapakita ang saklaw na maaaring magkamali ng resulta na nakabase

sa lebel ng kumpyansa na 5%. Sa unang prosesong kukunin ang initial sample size sa pamamagitan

ng formula na Z 2 multiply sa P, multiply sa sagot ng 1 subtracted sa P, divide sa E 2 . Ang Z ang

tumutukoy sa marka base sa lebel ng kumpyansa. Ito ay katumbas ng 1.96 . Ang P ay tumutukoy

sa population proportion ito ay may katumbas na 600 . Ang E ay tumutukoy sa marginal error na

5% na kailangang maging decimal kaya ito dapat i-multiply sa 100, kung saan makukuha ang 0.05

at ito ay ang magiging katumbas ng E. Upang makuha ang initial sample size sa pamamagitan na

nasabing formula, unang gagawin papalitan ang mga level sa formula ayon sa mga na sabing

nabigay na numero. Ito’y magiging 1.962 multiply sa 0.5 , multiply sa sagot ng 1 subtracted sa 0.5,

divide sa 0.052. pangalawa uumpisahin ng sagutin ang unang prosesong pagsasagot. kailangan

makuha ang sagot sa 1.962 at ang magiging sagot ay 3.84 pagkatapos i-multiply ito sa 0.5 ang

magiging sagot ay 1.92 at i-multiply ito sa difference ng 1 - 0.5 at nagreresulta sa 0.5 . Bago i-
divide kailangan munang makuha ang 0.052 at ang sagot ay 0.0025 . Ang 1.92 ay i-multiply sa 0.5

na magreresulta sa 0.96 , pagkatapos i-divide ito sa 0.0025 , ang sagot sa initial sample size ay 384

Ikalawa , pagkatapos hanapin ang initial size gagamitin pa ito sa actual sample size sa

pamamagitan ng formula na n multiply N divide n plus multiply N - 1 . ang n ay tumutukoy sa

initial sample size na katumbas 384. ang N ay tumutukoy sa populasyon na katumbas na 600. ayon

sa nasabing formula maari nang sagutin ang actual sample size papalitan lang ng level ang mga

nakasaad sa formula kaya ito ay magiging 384 multiply 600 divide 384 plus multiply 600 - 1 . una

i-multiply ang 384 at 600 kaya ang resulta ay 230,400 pagkatapos ang 384 plus multiply 600-1 ang

sagot ay 983 at ang 230,400 divide sa 983 ang sagot ay 234.38 ito ang resulta sa actual sample size

You might also like