Ang dokumento ay tungkol sa buhay ni Amanda Bartolome at ng kanyang limang anak noong panahon ng Martial Law sa Pilipinas. Ipinakita nito ang mga pagsubok at kinahinatnan ng bawat anak ni Amanda, kabilang ang pagiging komunista ni Jules at pagkamatay ni Jason dahil sa salvage.
Ang dokumento ay tungkol sa buhay ni Amanda Bartolome at ng kanyang limang anak noong panahon ng Martial Law sa Pilipinas. Ipinakita nito ang mga pagsubok at kinahinatnan ng bawat anak ni Amanda, kabilang ang pagiging komunista ni Jules at pagkamatay ni Jason dahil sa salvage.
Ang dokumento ay tungkol sa buhay ni Amanda Bartolome at ng kanyang limang anak noong panahon ng Martial Law sa Pilipinas. Ipinakita nito ang mga pagsubok at kinahinatnan ng bawat anak ni Amanda, kabilang ang pagiging komunista ni Jules at pagkamatay ni Jason dahil sa salvage.
Ang dokumento ay tungkol sa buhay ni Amanda Bartolome at ng kanyang limang anak noong panahon ng Martial Law sa Pilipinas. Ipinakita nito ang mga pagsubok at kinahinatnan ng bawat anak ni Amanda, kabilang ang pagiging komunista ni Jules at pagkamatay ni Jason dahil sa salvage.
Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2
Dekada 70 : Ang Buod
Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng sobrang paghihirap sa
mamamayang Pilipino. Ang pagkakaroon ng isang di-makatao at di- makatarungang pamahalaan na nagbibingi-bingihan sa daing ng mamamayan ay labis na nagpapahirap sa kanila. Sari-saring klase ng krimen ang nararanasan gaya ng rape, kidnapping, murder at iba pa. Laganap din ang mga rally ng mga estudyanten na imbes mag-aral ay isinugal ang sariling kapakanan makatulong lang para makamit ang kalayaan. Ang ganitong sitwasyon ay patuloy ding bumabagabag kay Amanda Bartolome, isang simpleng maybahay at ina ng 5 anak na pulos lalaki. Buong buhay niya ay nauubos sa pagiging ina at asawa at pinilit niyang makontento sa ganito kahit alam niyang may kulang sa kanya. Mayroon siyang mga pangarap ngunit hindi na niya natupad kaya’t bilang ina iniisip na lang niya na ang katuparan ng pangarap ng mga anak ay katuparan din ng sa kanya. Si Jules ang kanyang panganay na mayroong liberal na pag-iisip. Naging isang komunista si Jules at kahit hindi man ito maipagmamalaki ay dito niya nahanap ang pangarap na isang makataong lipunan para sa anak nila ni Mara na s iRev at sa iba pang kabataan naghahangad ng mabuting kinabukasan. Sumunod ay si Gani, maagang nag-asawa’t nagka-anak ngunit mabilis din silang nagkahiwalay ni Evelyn. Siya’y nanirahan na sa labas ng bansa kapiling ng kanyang bagong pamilya. Ang pangatlo si Em, pinakamatalino sa magkakapatid naging isang magaling na manunulat sa isang lingguhang pahayagan na tumutuligsa sa Martial Law. Sumunod ang pinakamalambing na si Jason, ang kakulangan niya bilang estudyande ay matagumpay na napagtatakpan ng katangian niya bilang anak. Isang araw sa di-inaasahang pagkakataon, natagpuan ang kanyang bangkay sa isang basurahan, hubo’t hubad, labimpito ang saksak, tagos sa baga ang iba tuhog pati puso. May marka din ng itinaling alambre sa pulso, talop halos ang siko, tastas pati hita’t, tuhog, basag pati bayag. Malagim at malupit ang pagkamatay ni Jason, salvage dahil kung bakit at kung sino ang maygawa walang makapagsabi. Ang kaso ng pagkamatay ni Jason ay hindi na nagkamit ng hustisya. Ang bunsong si Bingo namulat sa mundong walang katahimikan at walang katiyakan, ngayon ay magtatapos na ng kolehiyo. Iba’t iba ang kinahinatnan ng buhay ng mga anak ni Amanda. Sa loob ng 27 taon ng pagiging asawa at ina, sa kanyang palagay hindi siya ganap na umunlad bilang tao. Nagsilbi na lang siyang bantay sa paghahanap at pagkatagpo ni Julian ng katuparan niya bilang tao, sa paglaki ng kanyang mga anak at pagtuklas ng kanilang kakayahan at kahalagahan. Si Julian naman ay naging manhid at parang walang pakialam sa kakulangan nadarama ng kanyang asawa, naging walang kibo sa mga problemang kinakaharap ng kanilang pamilya. Kaya minsan napag isip-isip ni Amanda na makipaghiwalay na dito, sa kauna-unahang pagkakataon nagawa niyang ipaalam kay Julian ang pagkukulang niya sa kanyang pamilya, lalo na kay Amanda. Pinigilan siya ni Julian at nangakong magbabago at kanya namang tinupad ang pangakong iyon.Paulit-ulit na binabalikan ni Amanda ang masasayang alaala ng kabataan ng kanyang mga anak. Masarap ang maging ina habang maliliit pa ang mga anak mo, habang wala pa silang sinasaktan sa’yo kundi kalingkingan ng paa mo na natatapakan nila sa kasusunod at kapipilit magpakarga pero hintayin mo ang panahong kasintaas mo na sila, iyong panahon ng pagkakaroon niya ng sariling isip at buhay, buhay na hiwalay na sa iyo, at matitikman mo sa kamay niya ang mapapait na kamatayan habang inihahanda mo ang kasal na hindi niya gusto. Habang nagpuputukan sa tapat ng kongreso sa isang pagkakataong hindi pa siya umuuwi. Habang binabasa mo ang balitang nasugatan siya sa isang sagupaan. Habang ibinibigay nila sa’yo ang selyadong kabang ng batang kailanma’y di mo malilimutan hinugot mula sa tiyan mo. Ito ang nadama ni Amanda nang pumunta sila sa burol ni Willy, kaibigan at kasamahan ni Jules sa NPA na napatay sa isang engkwentro.Naging mahirap para kay Amanda na tanggapin ang pagkamatay ni Jason at ang pagsali ni Jules sa NPA, hindi niya mapigilan ang sarili sa pagaalala sa kalagayan nito na minsan pa nga ay nagdadala ng mga kasamahang sugatan sa kanilang tahanan upang ipagamot sa ina. Maging ang pagkasira ng relasyon nila Gani at Evelyn. Ang pagkakamali at mga kabiguan ng kanyang mga anak ay nagagawa niyang isisi sa sarili, iniisip niya na marahil meron siyang pagkakamali sa pagpapalaki sa mga ito.Natamo niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao sa pagtulong na kanyang ginagawa sa mga sugatang kasama na dinadala ni Jules. Pagtulong na bukal sa kanyang puso, tungkulin hindi naman iniatas sa kanya ninuman o isang obligasyon, na kahit gaano man kapanganib ay nagawa pa rin niyang gampanan.Tuloy pa rin ang laban tungo sa kalayaan, nakaalpas man tayo sa pagmamalupit ng diktador, tuloy pa rin ang laban na sinumulan pa ng ating mga ninuno at hindi ito matatapos hanggang may mga taong gahaman sa kapangyarihan. Marami pang buhay na handang ibuwis at marami pang tulad nila Jules at Mara na handang makipaglaban upang makamtan ang kalayaan ng ating bayan. Natutunan niyang pangibabawan, kahinaa’t kahirapan. Sa mga kamay ng kaaway o sa larangan man. Magiting siyang naindigan.