komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
Dalawang uri ng sanaysay
Pormal …
Ang sanaysay na palana na tinatawag din
na impersonal ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Tinuturing din maanyo sapagkat pinag- aaralan ng maingat ang piniling pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan din ito dahil makahulugan, matalinhaga, at matayutay ang mga pangugusap. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, pang- intelektuwal, at walang halong pagbibiro.
Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang
editoryal ng isang pahayagan. Isa itong sanaysay na may opinyon tungkol sa mga maiinit na mga balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng unang panauhan sa paglalahad.
Di-pormal …
Ang sanaysay na di-palana na tinatawag
din na personal o palagayan ay mapang- aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang personalidad ng may-akda ay maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa sa kanyang pananalita at parang nakikipag-usap lamang ang may- akda sa isang kaibigan, kaya magaan at madaling maintindihan. Personal din ang tawag sa uring ito dahil palakaibigan ang tono nito dahil ang pangunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw. Mga panlabas na link Halimbawa ng sanaysay mula sa Pinoy Blogero.com
Kinuha mula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php? title=Sanaysay&oldid=1724401"