Liriko (Tula)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tulang Damdamin o Tulang Liriko

Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin lamang sa damdamin ng makata o


sumusulat ng tula. Walang anumang konsiderasyon sa pagsulat nito ngunit ang
damdamin o emosyon lamang ng sumusulat.

Hindi nito kinakailangan na mayroong tauhan o karakter sa isusulat na tula.


Tumatalakay lamang ang tulang ito sa perspektibo, pagpapahalaga, emosyon, o
iniisip ng makata.

Mayroong iba’t ibang uri ang tulang liriko: Awit, soneto, oda, dalit, elehiya.

Awit
Ito ay isang tula na may tig-aapat na taludtod bawat saknong. Ang bawat
taludtod naman ay binubuo ng labindalawang (12) pantig. Iisa rin ang tugma ng
bawat taludtod. Katumbas nito sa kasalukuyan ang awit o mga kantang
mayroong liriko.

Soneto
Ito ay isang mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Karaniwang tumatalakay
naman ito sa kaisipan, diwa ng makata.

Oda
Nakatuon naman sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o
anumang elemento ang oda.

Elehiya
Isang uri naman ng malungkot at pagdadalamhating babasahin ang elehiya. Ito
ay tulang damdamin na may temang kamatayan o pagluluksa.

Dalit
Tumutukoy naman ito sa isang uri ng tulang damdamin na nagpapakita ng
luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat. Karaniwang para ito sa mga diyos o
pinaniniwalaang panginoon upang magpakita ng pagsamba. Karaniwan din itong
isang saknong lamang.

You might also like