Panitikang Pambata

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

Panitikang pambata

Isang batang nagbabasa ng kaniyang tinatangkilik na


panitikang pambata.
Ang panitikang pambata o mga babasahin
para sa mga bata ay isang akdang
pampanitikan na ang mga pangunahing
tagapagtangkilik ay mga bata, bagaman
marami ring mga aklat na nasusulat sa
ganitong anyo na kinawiwilihan din naman
ng ibang mga kabataang mas nakatatanda
at mga taong nasa wastong gulang na.[1]
Sa makabagong panahon, ang isang
halimbawa nito ay ang mga sunud-sunod
na aklat tungkol kay Harry Potter ni J. K.
Rowling.

Mga layunin
Naging pangunahing layunin ng mga
panitikang isinulat para sa mga bata ang
pukawin ang isipan at antigin ang mga
damdamin ng mga bata sa pamamagitan
ng mga paksang nagtuturo ng mga bagay-
bagay hinggil sa pananampalataya,
araling-pangwika, pakikipagsapalaran ng
mga bayaning mula sa mga kuwentong-
bayan, alamat, mitolohiya. Karaniwang
nagtataglay ang mga aklat-pambata ng
mga larawan at guhit-larawan. Nang
lumaon, pagkalipas ng maraming taon,
naging paksa rin ang mga araling
makatotohanan o batay sa totoong buhay,
katulad ng mga akdang pang-kasaysayan,
heograpiya, buhay sa paaralan,
kabayanihan, at katatawanan. Nasusulat
ang mga panitikang pambata sa
pamamaraang tuwiran at maging sa
patula.[1]

Kasaysayan ng mga
babasahing pambata

Simulain …

Noong isinaunang mga kapanahunan,


nakikinig lamang ang mga bata sa mga
kuwentong sinasali't saling sabi ng mga
matatanda. Subalit, noong ika-7 at ika-8
dantaon, nagsimulang magsulat at
lumimbag ng mga araling pang-kalikasan
para sa mga bata ang ilang mga monghe
at iba pang mga marurunong na
manunulat. Kabilang sa mga nangunang
manunulat pambata sina Aldhelm, Bede,
Egbert, at Anselm. Si Anselm ang unang
gumawa ng isang ensiklopedyang
pambata.[1]

Siglo 1400 …

Noong ika-1400 dantaon, naging adhikain


ni William Caxton ng Inglatera na malinang
ang kaisipang pang-moralidad at mga pag-
uugaling wagas ng mga bata habang
lumalaki ang mga ito, kung kaya't nilimbag
niya ang mga aklat na katulad ng Ang mga
Pabula ni Aesop.[1]

Siglo 1500 …

Larawan ng isang hornbook na tangan ng isang


batang babae.

Noong ika-1500 siglo, nalikha ang mga


hornbook, o isang payat at parihabang
piraso ng kahoy na dinikitan ng
nalimbagang piraso ng papel. Bilang
pananggalang mula sa pagkasira,
nababarnisan ang papel na may limbag ng
nanganganinag na sustansiyang na
nanggaling mula sa mga balat ng mga
hayop katulad ng mga usa at mga baka.
Ang mga usa at baka ay mga hayop na
may sungay, kung kaya't ang salitang
hornbook ay masasabing
nangangahulugang "aklat na gawa mula
sa mga balat ng mga hayop na may
sungay". Karaniwang nagsisimula ang
mga aralin ng hornbook sa pag-aantanda
ng krus na sinundan ng mga abakada,
palabaybayan, at mga dasaling katulad ng
Ama Namin. Pangkaraniwan din na
naikakabit ng isang bata ang aklat pang-
pangunahing pag-aaral na ito sa kaniyang
suot na sinturon, sa pamamagitan ng
isang tali.[1]

Siglo 1600 …

Noong ika-1600 dantaon, humantong


naman sa mga kamay ng mga bata ang
iba pang mga araling
pampananampalataya ang salin sa Ingles
(mula sa Latin ng aklat-pampananalanging
Orbis Sensualium Pictus (The World in
Pictures o Ang Daigdig sa Pamamagitan
ng mga Larawan). Isinulat ito ni John
Amos Comenius noong 1654 at isinalin sa
Ingles ni Charles Hoole noong 1658.
Pagkaraan, lumitaw naman ang Pilgrim's
Progress (Pagsulong ng Peregrino o
Pagsulong ng Manlalakbay) ni John
Bunyan noong 1678, isang akdang nasalin
sa maraming mga wika at diyalekto upang
mabasa ng maraming salin-lahi ng mga
kabataang mahilig magbasa o nahihilig pa
lamang sa pagbabasa.[1]

Siglo 1700 …

Sa pagdating ng ika-1700 dantaon,


nagsimulang maging pambatang mga
babasahin ang ilan sa mga panitikang
unang nasulat para sa matatandang
mambabasa. Subalit naging kaakit-akit
para sa mga bata ang Robin Crusoe (1719)
ni Daniel Defoe at ang Gulliver's Travels
(Mga Paglalakbay ni Gulliver) (1726) ni
Jonathan Swift. Sa kalagitnaan ng ika-
1700 siglo, lumitaw ang isang uri ng
pocket-book: ang A Little Pretty Pocket-
Book (Isang Maliit at Kaakit-akit na Aklat-
Pambulsa) ni John Newberry. Inilalako sa
tarangkahan ang mga aklat-pambulsa ng
mga nagtitinda nito na kasama sa mga
laruang pambata. Isa sa pinakamahalaga
at pinakatanyag na aklat na lumabas
noong 1765 ang Mother Goose's Melody
(Mga Awitin ni Inang Gansa), na
naglalaman ng mga nursery rhyme o mga
tulang pambata. Sumunod din dito ang
tinatawag na battledore, isang aklat-
pambatang yari sa natitiklop na kartulina
at naglalaman lamang ng tatlong pahina
tungkol sa alpabeto, mga payak at
madaling-maintindihang aralin, at mga
larawang nalimbag sa pamamagitan ng
mga woodcut o inukitang mga tabla ng
kahoy. Walang araling panrelihiyon ang
battledore na ito ni Benjamin Collins.
Noong 1762, ipinamahagi naman ni Jean
Jacques Rousseau ang kaisipang
pagkatuto mula sa mga gawa sa
pagkakalimbag ng kaniyang akdang Emile.
Ang aklat na ito ang naging batayan ng
mga kathang nagtuturo na "ang mga
batang masunurin ay nagwawagi,
samantalang ang mga bata namang
masama ay hindi nagtatagumpay". Sa
pagtatapos ng ika-1700 dantaon, tuluyang
humiwalay sa layuning magturo ng mga
paksang pampananampalataya ang mga
gawa ni William Blake, kung kaya't
naibigan din ng mga taong may ganap na
gulang ang kaniyang Songs of Innocence
(Mga Awit Hinggil sa Kawalan Pa ng Malay
Kung Paano Mamuhay) (1789) at Songs of
Experience (Mga Awit Hinggil sa
Pagkakaroon ng mga Karanasan sa
Buhay) (1794).[1]
Siglo 1800 …

Guhit-larawan mula sa isang aklat pambatang Alice in


Wonderland ni Louis Caroll.

Naganap noong ika-1800 dantaon ang


lubos na pagbabago at pagpapalit ng mga
paksa ng panitikang pambata. Sapagkat
sa kapanahunang ito umusbong at lumago
ang pagiging malikhain at pagiging bukod-
tangi ng mga manunulat sa larangang ng
mga aklat na pambata. Ginamit ng mga
may-akdang taga-Estados Unidos,
Inglatera, Denmark, Olanda, at Alemanya
ang mga paksa tungkol sa pag-ibig na may
mga tauhang bayani mula sa tunay na
buhay, at nagpapakita ng kabayanihan at
katapangan. Kabilang dito ang mga
librong isinulat ni Hans Christian Andersen
na batay sa mga kuwentong bayan,
maging ang mga kathang-pampanitikan
nina: Washington Irving (The Legend of
Sleepy Hollow o Ang Alamat ng
Nakaaantok na Libis, {1820}), Lewis Caroll
(Alice's Adventures in Wonderland o
Pakikipagsapalaran ni Alice sa Lupain mga
Katakatakang Bagay, {1865}) at Through
the Looking Glass o Paglagos sa Salaming-
Tinginan, {1872}), Louisa May Alcott (Little
Women, {1868-1869}), (The Merry
Adventures of Robin Hood o Ang Mga
Masasayang Pakikipagsapalaran ni Robin
Hood, {1883}), Robert Lewis Stevenson
(Treasure Island o Pulo ng Kayamanan,
{1883}), at Christina Rosetti (Sing-Song o
Kanta't Awit [mga tulang pambata],
{1872}).[1]

Sa kasalukuyan at sa hinaharap …

Noong mga unang kapanahunan ng 1920,


sumibol ang mga natatanging kagawaran
para sa mga panitikang pambata sa
Amerika. Nagbukod ang mga bahay-
aklatang pampubliko ng mga silid-
basahan para sa mga bata at nagkaroon
ng mga tagapamahalang-pang-aklatan na
bihasa sa pakikitungo sa mga kabataan.
Nanguna sa gawaing ito ang Paaralang
Pang-aklatan ni Carnegie ng Pittsburgh at
Bahay-Aklatang Panlipunan ng New York.
Noong 1919, nagsimula ang pagbibigay ng
mga paligsahan at paggawad ng mga
parangal at medalya sa mga tagapag-
taguyod at manlilikha ng mga aklat na
pambata. Nagkaroon ng bahaging
pambata sa loob ng gusali ng mga
tindahan ng mga libro, kasabay ng
paglitaw ng mga aklat na may mga kaaya-
ayang larawan na nalikha sa pamamagitan
ng mga pamamaraang pang-sining.
Lumabas din mula sa mga palimbagan
ang mga aklat na madaling-basahing para
sa mga bago pa lamang natututong
bumasa, na ginagamitan lamang ng mga
payak na salita at balarila. De-kalidad ang
karamihan sa mga babasahing ito.
Lumitaw din ang mga aklat pambatang
kung saan ibinabahagi ng bawat
manunulat ang kaniyang pananaw at
paniniwala tungkol sa isang bagay o
paksa. Naging layunin na ng mga patnugot
ang paglilimbag ng mga aklat na bunga ng
pagkamalikhain ng may-akda subalit tiyak
na batay sa katotohanan - lalo na ang mga
aklat na nagbibigay ng kaalaman - na
sanhi ng pagdating ng mga kaisipang
pang-agham, pang-kalawakan, teknolohiya,
at mga kasangkapang elektroniko.[1]

Tingnan din
Kuwentong bibit

Mga sanggunian

Mga talababa …

1. The New Book of Knowledge (Ang


Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa
wikang Ingles, Grolier Incorporated,
1977, ISBN 0-7172-0508-8
Bibliograpiya …

Nasa wikang Ingles ang mga sumusunod:

Anderson, Nancy (2006). Elementary


Children's Literature. Boston: Pearson
Education. ISBN 0-205-45229-9.
Chapleau, Sebastien (2004). New Voices
in Children's Literature Criticism.
Lichfield: Pied Piper Publishing. ISBN
978-0-9546384-4-3.
Huck, Charlotte (2001). Children's
Literature in the Elementary School, 7th
ed. New York: McGraw-Hill. ISBN 0-07-
232228-4.
Hunt, Peter (1991). Criticism, Theory, and
Children's Literature. Oxford: Blackwell.
ISBN 0-631-16231-3.
Hunt, Peter (1996). International
Companion Encyclopedia of Children's
Literature. London: Routledge. ISBN 0-
415-08856-9.
Lesnik-Oberstein, Karin (1996). "Defining
Children's Literature and Childhood". Sa
Hunt, Peter (ed.) (ed.). International
Companion Encyclopedia of Children's
Literature. London: Routledge. pp. pp.
17–31. ISBN 0-415-08856-9.
Lesnik-Oberstein, Karin (1994).
Children's Literature: Criticism and the
Fictional Child. Oxford: Clarendon Press.
ISBN 0-19-811998-4.
Lesnik-Oberstein, Karin (2004).
Children's Literature: New Approaches.
Basingstoke: Palgrave. ISBN 1-4039-
1738-8.
Rose, Jacqueline (1993, orig. pub.
1984). The Case of Peter Pan or the
Impossibility of Children's Fiction.
Philadelphia: University of Pennsylvania
Press. ISBN 0-8122-1435-8. Check date
values in: |year= (tulong)

Kinuha mula sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Panitikang_pambata&oldid=1416783"

Last edited 6 years ago by Maskbot

Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC


BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like