Lesson Plan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

MASUSING BAHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

UNANG MARKAHAN

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng 45 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang


makamit ang 80 bahagdan na tagumpay sa mga sumusunod:

1. nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng pinagmulan ng


kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga
tauhan;(F7PN-Ia-b-1)
2. naisasagawa ang mga pangyayari sa paraang tableu; at
3. napapahalagahan ang mga nakuhang aral sa akdang napakinggan.

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: “Si Usman, ang Alipin”,muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova


batay sa pagkukwento ni Datu Abdul Sampulan,isang Maguindanaoan
mula sa lungsod ng Cotabato (1983)
Sanggunian: Ikalawang Edisyon Pinagyamang PLUMA (p.9-18)
Alinsunod kina: Ailene Baisa-Julian, Nestor S.Lontoc, Carmela Esguera
Jose at Alma M. Dayag (Awtor-Koordineytor)
Kagamitan: TarpPapel , Manila Paper, Pentel Pen at Scotch Tape
Metodolohiya: Pinaghalong Pagkatoto
Konsepto: Tradisyunal na Dulog
III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

 (Pipili ang guro ng isang mag-aaral upang


manguna sa panalangin.)
Reynold, maari ka bang manguna sa  Maari po, Ma'am.
panalangin.

 Magsitayo ang lahat para sa panalangin.  (Tatayo ang mga mag-aaral at


mananalangin)
 Tayo ay manalangin.
“O Diyos na aking ama na
makapangyarihan sa lahat,
Salamat sa pagbigay ng
bagong buhay sa amin sa mga
biyayang natatamo naming at
sa mabuting kalusugan sa araw
na ito. Patawarin niyo po kami
sa mga kasalanang aming
nagawa. Nawa Panginoon sa
araw na ito ay bigyan niyo po
kami ng gabay lalong-lalong na
sa aming pag-aaral. Ito lamang
ang aming dinadalangin sa
pangalan ni Hesus na aming
tagapagligtas. Amen!
 Maraming salamat sa iyo, Ginoong Reynold.
2. Pagbati

 Magandang Umaga sa lahat!  Magandang Umaga rin Ma’am!

 Maari na kayong umupo lahat.

3. Pagtala ng Lumiban sa klase

 (Tatawag ang guro ng isang mag- aaral upang


itanong kung sino ang lumiban sa klase
ngayong araw.)
Kate, sino ang lumiban sa iyong mga kamag-  Kinanalulugod ko pong sabihin
aral ngayong araw na ito? sa inyo na walang lumiban
ngayong araw.
 Maramimg Salamat,Kate.

4. Pagbabalik-Aral

 Ano nga ang ating mga tinalakay noong  Ikaw po ay nagpakilala sa amin
nakaraang araw? Rosalie? at kami rin po sa iyo.
Inilahad mo ang syllabus ng
ating Sabjek at nagbigay ka ng
mga Panuntunan sa Silid-
Aralan.

 At ano naman ang mga binigay kong mga  Ang mga panuntunan na iyong
panuntunan? Jestoni? binigay ay una, huwag lumiban
sa klase; pangalawa, huwag
maingay sa klase; at pangatlo,
magpapa-alam sa guro kung
kami ay lalabas.
 Maraming Salamat sa inyong dalawa.
5. Pagbasa ng mga Layunin

 Bago tayo magsisimula sa ating klase ay  (Babasahin ng mga mag-aaral


pakibasa ang ating layunin sa araw na ito na ang mga layunin)
nakapaskil sa pisara. 1. nahihinuha ang kaugalian
at kalagayang panlipunan
ng pinagmulan ng
kuwentong-bayan batay
sa mga pangyayari at
usapan ng mga
tauhan;(F7PN-Ia-b-1)
2. naisasagawa ang mga
pangyayari sa paraang
tableu; at
3. napapahalagahan ang
mga nakuhang aral sa
akdang napakinggan.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

 Sa pagsisimula ng ating klase ay mayroon


akong ipapagawa sa inyo, ito ay tinatawag na
“Apat na litrato, Isang Salita”.

 May ipapakita ako sa inyo na mga larawan at  (Huhulaan ng mga mag-aaral


huhulaan ninyo kung anong salita ang ang mga larawan.)
nagrerepresenta sa mga larawan. (Ang mga
larawan ay patungkol sa Kwentong-bayan na
“Ang Alitaptap at Ang mga Unggoy).

 Mga larawan

1. ___ ___ ___ ___ ___ ___ 1. _S_ _U_ _L_ _T_ _A_ _N_

 Sino ang gustong sumagot sa unang mga  (Magsisitaasan ang mga


larawan? kamay ng mag-aaral)
 Oh, sige Kim. Anong salita ang nirerepresenta  Ang unang larawan po ay
ng unang mga larawan? Sultan.

2. ___ ___ ___ ___ ___ ___ 2. _A_ _L_ _I_ _P_ _I_ _N_

 Tama,Sa pangalawang mga litrato, maari mo bang  Alipin po Ma’am.


sagutin Reynold?

3. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ 3. K W E N T O N G


___ ___ ___ ___ ___ BAYAN
 Tama rin,sa pangatlong mga litrato, sino ang  (Nagsisi-taasan ng mga kamay
gustong sumagot? ang mga mag-aaral)

 (Pipili ang guro). Liezel?  Ang nasa larawan po Ma’am ay


Kwentong–bayan.
 Mahusay, Liezel. Maraming Salamat sa inyong
mga kasagutan.

2. Paglalahad

 Klas! Ang inyong ginawa ay may kinalaman sa


ating tatalakayin ngayong araw, ito ay ang
Kwentong-bayan at ang halimbawa nito na
may pamagat na “Si Usman, ang Alipin”.

3. Paghahawan ng Sagabal

 Bago tayo tumungo sa isang kwentong-bayan


ay alamin muna natin ang mga masining na
salita na maririnig niyo mamaya sa kwento.
 Sa paraan ng “Palaisipang Krosword” ay
kikilanin natin ang mga masisining na salita.
 Panuto: Kilalanin ang kahulugan ng mga
salitang nakasulat nang pahilig. Gawing gabay
ang pagkakagamit nito sa pangungusap. Piliin
ang sagot mula sa kahon B at ilagay ang sagot
sa mga kahon ng “Palaisipang Krosword”.
“Palaisipang Krosword”  (Sasagutan ng mga mag-aaral
ang “Palaisipang Krosword”)
1
1

P
4
4
N A M A T A Y
G
3
3
M
G A
A M
2
2
L P A G I Y A K
I K
T A
5
5
N A L A M A N
A W
G A
A
L
I
T

Kahon B

pagmamakaawa pag iyak

galit na galit namatay nalaman

1. Hindi nakinig ang sultan sa pagsusumamo ng


kanyang anak na dalaga
2. Ang panangis ng dalaga ay hindi man lang
pinakinggan ng ama.
3. Nagpupuyos ang sultan dahil sa ginawa ng
kanyang anak.
4. Ang malupit na sultan ay nasawi nang lumidol sa
kaharian.
5. Napagtanto ng lahat na mabuti palang tao ang
kanilang bagong sultan.
 (Pipili ang guro ng limang mag-aaral na sasagot sa
“Palaisipang Krosword”)
 Pipili ako sa inyo ng kung sino ang sasagot at
bibigyan ko kayo ng 30 segundo sap ag-iisip para
sa isasagot niyo.
 Ang mga sasagot ay sa unang pangungusap ay si
Amy; Si Ana sa pangalawa;si Flor sa
pangatlo;pang-apat ay si Mors;at ang Panglima ay
si Glezer.

 Mahusay ang Inyong ginawa. Maraming Salamat!


Maari na kayong umupo.

4. Pagtatalakay
 Bago kayo machining sa tekstong aking babasahin
ay ipapabasa ko muna sa inyo ang bagay na mga
tanong na nakapaskil sa pisara.  (Babasahin ng mga mag-aaral

 Pakibasa ng lahat. ang gabay na tanong)

“Mga Gabay na Tanong”


a. Ano-ano ang katangian ni Usman?
b. Ano-ano naman ang katangian ng sultan bilang
isang pinuno at anong kautusan ang
ipinatupad niya?
c. Ano-ano ang nagbago sa kaharian nang
sinaUsman at Potre Maasita na ang nagging
sultan at sultana?

 (Maglalaan ng 10 minuto sa pagbabasa ng


kwentong-bayan na may pamagat na “Si Usman,
ang Alipin”)
 Opo, Ma’am

 Handa na ba kayong makinig?


 (Magsisimula naring makinig
ang mga mag-aaral sa pabula.
 Mabuti! At ngayon ay sisimulan ko na ang
pagbabasa.
5. Pagsusuri  (Magsisimula ng magtataasan
ang kamay ng mga mag-aaral)
 Sana ay nakinig kayo ng maigi sa akin dahil ngayon
ay sasagutan na natin ang mga gabay na mga
tanong.  Ang mga katangian po ni
Usman ay ang pagiging
 Magsisimula tayo sa unang tanong, matapang, malakas, mataas,
Ano-ano ang katangian ni Usman? Glezer? kayumanggi at matapat.

 Mahusay Glezer, Maraming Salamat!


 (Magsisitaasan ulit ang mga
kamay ng mag-aaral)
 Dumako naman tayo sa pangalawang tanong,
Ano-ano naman ang katangian ng sultan bilang
isang pinuno at anong kautusan ang ipinatupad
niya?  Ang katangian naman po ng
Sultan ay ang may masamang
 Archie? ugali, malupit at pangit ang
hitsura. At ang ipinatupad
niyang kautusan ay ang lahat
ng lalaking nakakahigit sa
kanyang anyo ay hahatulan ng
kamatayan.

 Tama! Maraming Salamat.  Ang nagbago po sa kaharian


nang sina Usman at Potre
 Sa Panghuling tanong, Ano-ano ang nagbago sa Maasita na ang naging sultan
kaharian nang sina Usman at Potre Maasita na ang at sultana ay naging maganda
naging sultan at sultana? Mark? at maunlad ang kaharian.
 Tama! Maraming Salamat sa iyong sagot. At talaga
namang nakinig kayong mabuti sa aking
pagkukuwento.  Ang kwentong bayan ay
6. Paglalahat kuwentong napasalin-saling
 Sa kwentong inyong napakinggan, anong ideya galing sa ating mga ninuno.
ang mahihinuha mo patungkol sa Kwentong-
bayan?Amy?  Sa kwentong-bayan mayroon
kang mapupulutan na
 Tama,May iba pang ideya patungkol sa Kwentong magandang–asal at aral sa
bayan.Edna? buhay.

 Wala na bang sasagot? Maraming Salamat sa


inyong mga ideya.
Ang kwentong bayan ay kwentong napasalin sa
dila ng mga sinauang tao at Ang mga tampok dito
ang mga kwento pattungkol sa mga
diwata,diyos,at iba pa.Ito rin ay nabibigay libang at
aral sa buhay sa mga mambabasa.

7. Paglalapat
Pangkatang Gawain
 At ngayon ay may gagawin tayong Pangkatang
Gawain na tatawagin natin na “Tableu o
Portrait Me”.
 Hahatiin ko kayo sa apat na pangkat.  (Isasagawa ng mga mag-aaral
Magbibigay ako ng mga pangyayari na batay ang gawain.)
sa kwentong bayang inyong napakinggan, ito
ay gagawan niyo ng “Tableau o Portariat Me”
sa loob ng 30 segundo. Ang grupong may
pinakamagandang tableau ay siyang
makakuha ng malaking puntos.
Mga Pangyayari:

1. Nakita si Usman ng mga sundalo at babalak na


mag uulat kay Sultan Zacaria.
2. Lumilindol at nahulugan ng maling bato si
Sultan Zacaria.
3. Ikinasal sina Usman at Potre Maasita at ang
mga mamayanan ay nagdiwang.

8. Pagpapahalaga
 Sa kwentong inyong narinig, anong mensahe ang  Ang mensahe aking nakuha sa
inyong nakuha sa kwento at paano mo ito kwento ay matuto tayong
mapapahalagahan sa inyong pang-araw-araw na makuntento sa anumang
buhay? Kate? mayroon tayo sa kagamitan,
kapangyarihan at pisikal na
pagkatao, kung anong mang
bagay na wala sa akin na
mayroon sa iba ay matuto
akong makunteto sapagkat
mapupunta lamang sa
masamang gawain ang
ganitong pag-uugali at huwag
kong aabusuhin ang aking
kapangyarihan bilang isang
nakakatanda rito sa loob ng
klase, hindi porket ako ang
nakakatanda ay maghaharian
na ako sa loob o labas man ng
paaralan.

 Maraming Salamat sa magandang mong


sagot.Sino pa ang maaring makapagbigay ng
sagot?
 Jacyn?  Ang mensaheng aking nakuha
sa kwento ay matuto tayong
tumulong a ating kapwa
lalong-lalo na sa mga
nangangailangan, tutulungan
ko sila sa paraang alam at kaya
ko. Tulad sa mga pulubing
nanglilimos, magbibigay ako
nang tulong kahit kaunti sa
paraan ng pagbibigay ng pera,
pagkain o gamit.
 Maraming Salamat rin sa iyong magandang sagot.
Kaya ating pakakatandaan tulad nang sinabi nang
dalawang binibini na tayo ay matutong
makuntento sa mga bagay kung anomang mang
mayroon tayo dahil kadalasan sa paghahangad
natin sa mga bagay na dapat hindi naman dapat
hinangad ay mapupunta tayo sa maling landas.
Tayo rin ay huwag maging malupit sa ating
kapwa,bagkos ay ating silang tulungan sa mga
kanilang pangangailangan sa paraang mabuti,dahil
kahit simpleng tulong lang yan sa atin ngunit para
sa kanila ay malaking tulong na iyon. At tayo rin ay
maging mabait at magkaroon ng mabuting
kalooban dahil ang mabuting tao ay pinagpapala
ng Panginoong Diyos. At sabi sa isang kawikaan
“Ang anumang kakulangan o kapintasang taglay
mo, hindi dapat maging hadlang sa iyong pagiging
mabuting tao.”
IV. PAGTATAYA
Panuto: Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari o usapan ng mga
tauhan.

1. Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng sultan.


Mhihinuhang ang lugar ng sultan ay . . .
a. mas maunlad at may mas malaking palengkeng dinarayo ng mga tao.
b. ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao.
c. katatagpuan ng kayaman at mahahalagang pilak.
d. tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman.

2. Dahil hindi matanggap ng sultan ang kanyang itsura,nagsagawa siya ng kautusang


ang lahat ng lalaking nakakahigit sa kanya ang pisikal na anyo ay dapat kitilin at
maglaho. Sinunod lahat at hindi man lang ito tinutulan ng kanyang mga tauhan.
Mahihinuha sa pahayag na ito na . . .
a. malapit sa kanyang tauhan ang sultan.
b. kinatatakutan ang makapangyarihang sultan.
c. mayaman at maraming ari-arian ang sultan
d. masipag at mapagmalaki ang sultan

3. “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang
pagmamakaawa ni Potre Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lamang siya
pinansin. Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay . . .
a. matigas ang kalooban
b. mapaghiganti
c. mapagtimpi
d. matalino
4. Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan
ng lalakingl abis niyang iniibig. Mahihinuha sa ginawang ito ng dalaga na . . .
a. matatakutin siy at madaling sumukosa mga pagsubok
b. matalino siya at laging umiisip ng paraan
c. mapagmalaki siya at hindi basta nakikinig sa magulang
d. malakas ang kanyang loob at hindi basta sumusuko
5. Nang magkaroon ng malakas na lindol sa kanilang lugar ay hindi nagdalawang isip
sina Usman at Potre Maasita na tumulong sa mga kababayang nasalanta. Nang
bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. Mahihinuhang
ang taumbayan ay. .
a. nagagalak sa pagkakaroon ng mabuting pinuno kapalit ng nagdaang
malupit na pinuno
b. nag-aalala nab aka ang susunod ay malupit ding tulad ng nauna
c. namamayani ang kagustuhan para sa mga pininong may magagandang
itsura
d. nagbabasakaling makatagpo na sila ng mga pinunong makatutulong upang
maging mayaman ang bwat isa sa kaharian.

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Magsaliksik ng tekstong kwentong-bayan dito sa atin bansa, alamin ang aral na
makukuha rito at paano mo ito mapapahalagahan sa iyong buhay.

“RUBRIC PARA SA TABLEAU O PORTRAIT ME”


PUNTOS 2 3 4 5
IMAHINASYON NG Ang grupo ay hindi Kinakailangan ng Karaniwan ang Pare-pareho
ISIP sumasang-ayon na grupo sa labas ng grupo ay ang
magpanggap; suporta; bihira na maaaring imahinasyon
hindi tumutugon sa magpang-gap at magpang-gap ng grupo,
mga haka-haka na tumugon sa mga at tumugon sa sumang-ayon
tanawin. haka-haka na mga haka- na magpang-
tanawin. haka na gap at
tanawin. tumugon sa
mga haka-
haka na
tanawin.

KILOS NG KATA Ang grupo ay Ang bihirang Ang grupo ay Ang grupo ay
WAN hindi: grupo ay may karani-wang patuloy na
PANGMUKHANG Nag-iisip sa kakaya-hang: may kakaya- makakapag-:
PAGPAPAHAYAG pananaw ng -Magkun-wari sa hang: -anyo na
madla pananaw ng -Magkun-wari may isip sa
-Pantay-pantay isang madla. sa pananaw pananaw ng
ang kilusan ng -Gamitin ang ng isang madla
katawan dramatikong madla sa isip -Gamitin ang
-Gamitin ang pangmukhang -Gamitin ang dramatikong
anumang pagpapahayag drama-tikong pangmukhan
pangmukhang na angkop sa pangmuk- g pagpapa-
pagpapaha-yag. mga saloobin at hang hayag na
damdamin ng pagpapa- angkop sa
karakter hayag na mga saloobin
angkop sa at damdamin
mga saloobin ng karakter
at dam-damin - Palakasin
ng karakter ang
-Maayos ang pagpapa-
pagpapa- hayag para
hayag para makita ng
madla
makita ng
madla.
POKUS Pangkat: Ang grupo ay Ang grupo ay Ang grupo ay
-Pagiging pokus bihirang may karani patuloy na :
sa loob ng “ freeze kakaya wang may -Makapag
frame” hang: kakaya pokus sa
-Ipinapakita ang -Maging pokus hang: loob ng
mga karakter/ sa loob ng -Maging freeze frame
-Galaw “freeze frame” pokus sa loob -Makapag
- Pananatili sa ng freeze pananatili sa
karakter frame karakter
- Hindi paggalaw -Pananatili sa -Hindi
kapag cued karakter gagalaw
-Pagiging -Hindi kapag cued
tahimik kapag paggalaw -Maging
cued. kapag cued tahimik
-Pagiging kapag cued.
tahimik kapag
cued.

KOOPERASYON Ang mga Kailangan ng Ang grupo ay Ang lahat ng


miyembro ng direksyon sa karaniwang mga
grupo ay hindi labas; Ang grupo may miyembro ng
alam kung ano ay bihirang kakayahang grupo ay
ang gagawin, magtrabaho magtrabaho aktibong
huwag bilang isang bilang isang kasangkot sa
magbahagi ng grupo / koponan. grupo / grupo /
mga ideya, at koponan. koponan
ayaw na lutasin -Ibahagi ang
ang mga hindi mga
pagkakasundo. tungkulin
nang pantay-
pantay
-Ibinabahagi
ang
pamumuno
-Maglabas
ng mga
bagong
ideya
-Pagbigay-
alam sa lahat
ng mga
miyembro.
“Si Usman, ang Alipin”
Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova
batay sapagkukwento ni Datu Abdul Sampulan,isang Maguindanaoan
mula sa
lungsod ng Cotabato (1983)

Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman.


Pinaniniwalaang nananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin.
Matapang, malakas, mataas at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y
matapat.
Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa
palasyo ng namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali
ni Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap
ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking
nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitilin at maglaho.
Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na
nag-ulat ang mga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin
nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo
si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang
kautusan ng sultan.
Nang makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay
nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binata.
Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan at nagmakaawang
patawarin at pakawalan si Usman.
“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang
kasalanan,” ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama.
Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng
kanyang anak.
“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.
“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre
Maasita ngunit hindi siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang
kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang
kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga
mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y ipinaparating nila sa
sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay
na malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa
sina Usman at Potre Maasita. Higit na tumitindi ang pagmamahalan nila sa
isa’t isa.
Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol
ng sultan para sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na
pagbibitayan sa dalawa, biglang lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo
at nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo.
Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng
kanyang biglaang pagkamatay. Isa itong malupit na kamatayan para sa
malupit na tao.
Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalaya mula sa
bilangguan. Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis
pa sa kidlat niyang tinutulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa
kabilang dako, tumutulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga
nangangailangan ng tulong at pagkalinga.
Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan.
“Mabuhay si Potre Maasita!” ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng
mga ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang
matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y may
mabuting kalooban.
Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang
alipin, ay naging sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.
Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng
kaunlaran sa buong kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at
kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang panahon kung saan namayani ang
kapangitan at kalupitan.

You might also like