Lesson Plans (Tocmo)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

GINGOOG CITY COLLEGES

GINGOOG CITY
Banghay-Aralin sa Filipino 9
(PANITIKAN)

Kasanayang Pampagkatuto: (F7PS-lh-i-5) - Naipaliliwanag ang nabuong patalastas


tungkol sa napanood na dulang panlansangan.

I. MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, 80% sa mga mag-aaral ay


inaasahang:

A. Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga kalahok sa napanood na


dulang
Panlansangan.

B. Naipaliliwanag ang nabuong patalastas tungkol sa napanood


na dulang panlansangan. (F7PS-Ih-i-5)

C. Nalilinang ang pagtitiwala sa sarili sa pamamagitan ng aktibong


pakikilahok sa klase.

II. NILALAMAN
PAKSA: Dulang Panlansangan

KAGAMITAN: Larawan, laptop, projector, whiteboard marker, video clip sa youtube

SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagpuna sa kalinisan at kaayusan ng silid-aralan.
 Pagbabalik Aral

B. .Pagaganyak
Hahatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral.
Magpapakita ang guro ng mga larawan at huhulaan ang termino para sa
mga larawang ito sa tulong ng configuaration. Unahan sa kung sinong grupo ang unang
makakahula.
1. Magbigay ng sariling opinyon na makapagpapaliwanag sa mga larawan.
2. Pag- uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.
3. Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.
“Paano isinasagawa ang mga dulang panlansangan”

C. Presentasyon ng Paksa : Bibigyan ng kopya sa paksang tatalakayin ang


mga mag-aaral. Tatawag ng mga piling mag-aaral na nais bumasa at
magpaliwanag tungkol sa kanilang binasa at palalalimin ng guro ang
talakayan.

 Ang dula  ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
 Dulang Panlansangan
Ang dulang panlansangan ay isa sa uri ng dula na kung ating mapapansin mayroong
salitang lansangan. Ibig sabihin ang dula ay ginaganap sa lansangan.

MGA URI NG DULANG PANLANSANGAN

1. Panunuluyan- Ito ay ang pag-balik tanaw sa buhay ni Hesus noong manganak si


Maria sa bayan ng Betlehem ngunit wala silang matuluyan dahil puno na ang mga
tahanan doon kaya minabuti ng mag-asawa na Jose at Maria na tumuloy na lamang sa
isang sabsaban at doon ipinanganak si Jesus na siyang tagapagligtas ng sanlibutan.
Ang dula ay ginaganap uwing besperas ng pasko.

• Halimbawa: Sa tuwing bisperas ng pasko o kaya sa araw ng pasko at isinasadula ang


kapanganakan ni Hesus hanggang sa tatlong hari.

2. Salubong-  Ito ay ginaganap sa araw ng lingo ng pagkabuhay. Nagpoprosisyon ang


mga tao sa madaling araw at kanilang dinudula ang araw lingo ng pagkabuhay ni
Hesukristo.

• Halimbawa: Ang salubong ay ginaganap tuwing lingo ng pagkabuhay na kung saan


isinasadula ang nangyari sa buhay ni Hesus.
3. Tibag- Ito  din ay isang dula na kung saan hinahanap ng mga tauhan ng dula ang
krus na pinagpakuan kay kristo.

 Halimbawa: Isinasadula tuwing biyernes santo na isinasadula ng mga tao ang


paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Hesukristo.

4. Senakulo- Ito ay ginagawa tuwing biyernes santo na kung saan ay isinasadula ang
mga

pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago siya namatay at pagkaraang


ipako siya sa krus.

 Halimbawa:  Isinasadula ang mga pangyayari na dinanas ni Hesus hanggang sa


kanyang pagkamatay sa krus.

5. Moriones - ito ay dulang panrelihiyong ginaganap sa mga lansangan sa lalawigan


ng Mindoro at Marinduque tuwing Mahal na Araw.

Gabay ng Tanong:

1. Anong kultura, paniniwala at kaugalian ng mga Pilipino ang


masasalamin sa
mga dulang tinalakay?
2. Masasabi mo bang isang uri ng dula ang mga ritwal na itinatanghal ng mga
sinaunang Pilipino? Patunayan.
3. Ano ang kahulugan ng dula bilang akdang pampanitikan?
4. Paano ito naiiba sa ibang anyo ng panitikan?
5. May maganda bang naidudulot ang dula/ dulang panlansangan sa buhay ng
tao lalo na ng kabataang Filipino?

D. Pangkatang Gawain:
1. Hahatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral. Bibigyan lamang ng
tatlong (3) minuto sa paghahanda at (3) tatlong minuto sa presentasyon.

Panuto :Gumawa ng isang patalastas na maaaring pasulat o pasalita tungkol


sa kahalagahan ng pagtangkilik sa mga dulang panlansangan. At Ipaliwanag
ang nabuong gawain.
PAMANTAYAN :

E.
F. Paglalahat :

 Ano ang kahalagahan ng dula at dulang panlansangan sa ating pagka Pilipino?

V. EBALWASYON
A. Isulat sa kalahating papel.
TAMA O MALI : Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M naman
kung ang pangungusap ay mali.

1. Ang dula  ay isang uri ng panitikan.

2. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay


tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.
3. Ang Senakulo ay tungkol sa paghahanap ni Santa Elena sa krus na
pinagpakuan kay Kristo.

4. Ang Panunuluyan Inilalarawan dito ang simula ng lahat (pagsilang hanggang


sa muling pagkabuhay)

5. Ang dulang panlansangan ay ginaganap sa isang tanghalan lamang.

B. Ipaliwanag: Bakit mahalaga ang mga dulang panlansangan sa ating


pagkatao? Isulat sa dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang. (5pts)

IV. TAKDANG ARALIN

Isulat sa isang buong papel.

1. Magsaliksik ng isang dulang panlansangang ipinagdiriwang sa inyong


lugar at ilarawan kung paano ito isinasagawa.
Pamantayan:
Kalinisan 2 pts.
Kaangkopan 5 pts.
Gramatika 3pts.
Kabuuan 10pts
GINGOOG CITY COLLEGES
GINGOOG CITY
Banghay-Aralin sa Filipino 9
(PANITIKAN)

Kasanayang Pampagkatuto :
(F9EP-IId-17) Naisasaliksik ang ibat ibang halimbawa ng talumpati.

I. MGA LAYUNIN :
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, 80% sa mga mag-aaral ay
inaasahang :

A. Napapalawak ang kaalaman sa pagtatalumpati.


B. Nagbibigay ng mga kasanayan sa pamumuno sa bawat miyembro ng klase.
C. Naisasaliksik ang ibat ibang halimbawa ng talumpati. (F9EP-IId-17)

II. NILALAMAN :
Paksa : Talumpati
Sanggunian: Internet
Estratihiyang Ginamit: Walking Tour
Kagamitan: Kagamitang biswal at PPT
Pagpapahalagang Moral: nahahasa at napapalawak ang sariling kakayahan ng mga mag-
aaral.

III. PAMAMARAAN :

A. Panimulang Gawain :
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng lumban
 Pagbabalik-aral

B. Pannganyak :
Pagpapakita ng larawan.
Pagtatanong:

1. Sa tingin nyo klas ano ang ginagawa niya? 


2. Sino sa inyo dito ang nakaranas na magtalumpati? 
3. Ano ang ginagawa kapag nagtatalumpati?

C.PRESENTASYON NG PAKSA

 Ipapangkat sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral. Ang gagawin nila ay


hahanapin nila sa silid na ito ang mga papel na kung saan dito ay nakapaloob
ang bawat kahulugan. At ang bawat miyembro ay magbibigay ng sariling
pagpapakahulugan o ideya at pagkatapos pagsamahin o isummarize ninyo ang
lahat ng inyong mga sagot at pumili ng isang maglalahad nito sa gitna. Bawal
gayahin ang kung ano ang nakasulat o ang kahulugan sa bawat papel.
 Pagkatapos ng tour sa loob ng klasrum ay ilalahad ng mga mag-aaral ang
kanilang mga nakuhang impormasyon sa loob ng klase.
 Ngayon naman ating talakayin ang tungkol sa inyong mga nakalap na mga
impormasyon.

TALUMPATI :
 Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang
tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa
harap ng publiko o grupo ng mga tao.
 Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang
tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado.
 

BAHAGI NG TALUMPATI :

Nahahati ito sa tatlong (3) bahagi; ang simula, katawan at katapusan.

Simula

Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang makuha
sa simula pa lang ang atensyon ng tagapakinig.

Katawan o Gitna

Dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati.

Katapusan o Wakas
Ito naman ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati. Nakalahad dito ang
pinakamalakas na katibayan, katwiran at paniniwala para makahikayat ng pagkilos mula
sa mga tagapakinig ayon sa paksa ng talumpati.

lathala ng guro ang mga


layunin ng pagtatalumpati
(tatawag
siya ng mag-aaral na
babasa ng nakasulat sa
manila paper) ,
magtatanong siya para
makuha ang atensyon ng
mga mag-aaral
MGA DAPAT ISA-ALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI :
1. Tinig:
Dalisay, hindi matining, hindi magaralgal. Malamig, bilog at malakas.

2. Tikas:
Pagtayo, pagkilos, o pagkumpas. Anyo ng mukha.

3. Hikayat:
Paningin, salitang ginamit.

4. Galaw/ Kilos :
Pagkakaugnay ng pagkilos sa pagbigkas. Kaisipan at damdamin ay maihatid.

5. Kumpas:
Naaayon sa sinasabi at limitahan

Mga Katanungan:

1. Ano ang Talumpati sa iyong personal na pag-unawa?


2. Ibigay ang mga bahagi ng isang Talumpati.
3. Magbigay ng isa sa mga dapat isa-alang-alang sa pagatalumpati at ipaliwanag
kung bakit ito mahalaga.
4. Sa iyong sariling opiyon ibigay ang kahalagahan ng pagtatalumpati.
5. Paano kaya maisasakatuparan ang isang mahusay na pagtatalumpati?

D.PANGKATANG GAWAIN
Hahatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral. At bibigyan ng paksa upang gawan ng
isang talumpati. At mayroong representante ang bawat isa na siyang magtatalumpati sa
gitna.

Unang Pangkat ; Kahalagahan ng Edukasyon


Pangalawang Pangkat : Ang isang mabuting mag-aaral
Pangatlong Pangkat : Kahalagahan ng Wikang Pambansa
Pag-apat na pangkat : Ang paningibabaw ng katotohanan

PAMANTAYAN :

20 15 10 5
PAGLALAHA Maayos, Maayos ngunit Di gaanong Mahina at hindi
D Malinaw hindi masyado maayos ngunit maayos.
at malinaw at malakas.
Malakas malakas.
NILALAMAN Malaman Medyo kulang ang Kulang ang Malabo ang
at pagpapakahulugan pagkakahuluga pagpapakahuluga
natumbo . n at medyo n at lumayo sa
k ang lumihis konti sa paksa.
paksa. paksa.

lathala ng guro ang mga


layunin ng pagtatalumpati
(tatawag
siya ng mag-aaral na
babasa ng nakasulat sa
manila paper) ,
magtatanong siya para
makuha ang atensyon ng
mga mag-aaral Ang talumpati ay isang sining ng
pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na
ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Mananalumpati
ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo
ng mga tao
E.PAGLALAHAT :
Pagtatanong ng guro sa
mga mag-aaral kung ano
ang pagtatalumpati,
paano maisakatuparan ang
isang mahusay na
talumpati at kung ano
ang mga hakbang sa
mahusay na pagtatalumpati
Pagtatanong ng guro sa
mga mag-aaral kung ano
ang pagtatalumpati,
paano maisakatuparan ang
isang mahusay na
talumpati at kung ano
ang mga hakbang sa
mahusay na pagtatalumpati
Ano ang pagtatalumpati?
Paano maisasakatuparan ang isang mahusay na Talumpati?

V.EBALWASYON
Isulat sa isang buong papel. Sumulat ng isang talumpating may kaugnay sa paksang “
Edukasyon tungo sa pag-unlad ng bayan. “ Sa ibaba nito ay gumuhit ng isang simbolo
na nagpapakita ng iyong layunin.
VI.TAKDANG ARALIN :
Isulat sa kwaderno.
Magsaliksik ng ibat-ibang uri ng talumpati at magbigay ng halimbawa sa bawat isa.

Kalinisan : 5 puntos
Oras ng pag-pasa : 5 puntos
Nilalaman : 10 Puntos
Kabuuan: 20 Puntos.
 

GINGOOG CITY COLLEGES


GINGOOG CITY
Banghay-Aralin sa Filipino 10
(PANITIKAN)

Kasanayang Pampagkatuto :
(F10PD-IIe-71) – Naipapahayag nang malinaw ang sariling opinion sa
paksang tinalakay.

I. MGA LAYUNIN :
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, 80% sa mga mag-aaral ay
inaasahang :

A. Nasusuri ang mga pangunahing tauhan ayon sa kilos, paniniwala at ugali.


B. Naipapahayag nang malinaw ang sariling opinion sa paksang tinalakay.
(F10PD-IIe-71)
C. Naitatanghal ang ibat-ibang pangkatang Gawain.

II. NILALAMAN :
Paksa : Ang lalaking Buffalo (Mitolohiya)
Sanggunian: Gantimpala ( Pingsanib na wika at gramatika) Baitang 10, Pp.
83-84
Estratihiyang Ginamit: Pangkatang Gawain,
Kagamitan: Kagamitang biswal at PPT
Pagpapahalagang Moral: Kahalagahan ng isang pangako.

III. PAMAMARAAN :

A. Panimulang Gawain :
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng lumban
 Pagbabalik-aral
B. Pangganyak/Motibasyon :
Magtala ng pangako na inyong natupad at hindi natupad sa buhay. Pipili
lamang ng piling mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang
karanasan.

PANGAKO SA BUHAY
NATUPAD DI NATUPAD

C. PRESENTASYON NG PAKSA
 Alamin ang kaugnayan ng ginawang Gawain sa paksang
tatalakayin.
 Bibigyan ng kopya ang bawat mag-aaral tungkol sa kwentong
Mitolohiya na pinamagatang “ Ang lalaking Buffalo “

 Ang mitolohiya ay isang koleksyon ng mga alamat o


kuwento tungkol sa isang partikular na tao, kultura, relihiyon, o
anumang grupo na may mga ibinahaging paniniwala.  Ang
isang mitolohiya ay isang kuwento tungkol sa mga lumang
panahon, madalas na nagtatampok ng mga sobrenatural na mga
character, at mga alamat na may kaugnayan sa bawat isa.

Ang Lalaking Buffalo

Sa isang malayong lugar ay may mahirap na matandang mag-asawa

Hindi sila makakuha ng pagkain at hindi makaanak.

Lumabas ang matandang lalaki upang maghanap ng pagkain.

May nakita siyang bakas ng kawan ng buffalo.

Sinundan niya ito, sa bandang huli ang nakita niya lamang ay ang namuong dugo.

Binalot niya ito sa kamisetang suot niya.

Nang gabi, pinakuluan ito ng tubig ng matandang babae at inihulog ang namuong dugo
sa kaldero.

Kinalaunan nakarinig sila ng iyak ng isang sanggol na lalaki mula sa kaldero. Kinuha
nila ito at pinatuyo at inari bilang tunay na anak.

Mabilis ang paglaki ng bata, naging mahusay sa pagpana ang bata at bihasang
mangaso.

Inutusan ng matandang lalaki ang batang mangaso. Hindi naglaon ay may dala-dala
itong hayop. Niluto at kinain nila ito kagyat.

Lumipas ang araw at naging ganap na binata na ang bata. Makalipas ang ilang araw ng
paglalakbay, napadpad siya sa isang tribu.

Hinanap niya nag kanyang kalahi, ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula.

Kinupkop siya ng pinuno ng tribu. Umibig siya sa anak na dalaga ng pinuno at dahil sa
kagalingan sa pangangaso, pinahintulutan siya na ikasal sa anak.

Isang gabi, sinabi ng lalaki na may malaking bagyong paparating. Sinabi niya na itali ng
mahigpit ang lahat ng tepee. Pagkagising nila ay nakakakita sila ng patay na buffalo sa bawat
tepee.

Napagtanto ng lalaki na siya ay bahagi ng tribu ng buffalo ngunit sa labis niyang


pagmamahal sa asawa ay binilin niya na huwag na huwag babanggitin o isigaw ang
“bisirong buffalo” upang manatili siya sa piling nito.
Habang naghahanda ang lahat sa panghuhuli ng buffalo, dahil sa kasabikan
nakalimutan ng asawa ang tagubilin. Malakas nitong sinigaw ang katagang “Patayin
ang bisirong buffalo”
Tumalilis agad ang lalaki palayo sa tribu, nagpapalit-anyong buffalo. Tinawag siya ng
asawa ngunit hindi niya na ito nilingon.
Namuhay na lamang siya sa nalalabing araw kapiling ang kanyang kauri – ang mga
buffalo.

Mga Katanungan:

1. Ilarawan ang buhay ng mag-asawa.


2. Bakit kaya hindi nagdalawang-isip ang mga-asawa na ampunin ang batang
lalaki?
3. Paano nakatulong ang batang lalaki sa buhay ng mag-asawa?
4. Ano ang maituturing na kulang sa batang lalaki?
5. Bakit kaya nagging madali ang pag-ampon sa kanya ng mga taong
nakakasalamuha?

D.PANGKATANG GAWAIN

Hahatiin sa apat na pangkat ang mag-aaral. Ang bawat pangkat ay may ibat-ibang
gawaing nakaatasa. Bibigyan nga tatlong minuto sa paghahanda at tatlong minuto sa
pagtatanghal.

Unang Pangkat :

Buuin ang H-Chart. Itala ang iyong opinion tungkol sa paksang Tama ba o Mali ang
ginawang pang-iiwan ng batang lalaki sa mga umampon sa kaniya.

TAMA Mali

Pag-iwan ng
batang lalaki sa
Pangalawang
mga umampon Pangkat:
sa kanya.
Kung kayo ang nasa kalagayan ng batang lalaki, paano mo maipapakita
ang pagtanaw mo ng utang na loob at pagpapasalamat sa mga taong
umampon sa iyo? Magbigay ng limang sagot.

1.

2.

3.
4.

5.

Pangatlong Pangkat:

Gumawa ng isang pagsasadula tungkol sa isa sa mga mabuting ginawa ng lalaki para
sa kaniyang mga kinagisnang mga magulang.

Pang-apat na Pangkat:

Bumuo ng isang malayang tula na mayroong dalawang taludtod at sabay-sabay na


basahin sa gitna.

F.PAGLALAHAT

Magbahagi sa klase ng iyong mga saloobin o puna tungkol sa binasang Mitolohiya.

V.EBALWASYON

TAMA O MALI. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI kung
mali ang pahayag.

1. Ang lalaking buffalo ay nagmula sa natagpuang namumuong dugo na pinulot ng


matandang lalaki.
2. Lumabas ang matandang lalaki upang magmasakali na makakita ng makakain.
3. Walang anak ang mag-asawa na maaring makatulong sa kanila sa paghahanap
ng pagkain.
4. Ang namuong dugo ay nagging bata.
5. Mabilis ang paglaki ng batang lalaki.
6. Mahusay sa pamamana at pangangaso ang batang lalaki.
7. Iniwan ng batang lalaki ang mga magulang na walang anumang makakain.
8. Umibig ang lalaki sa anak na dalaga ng pinuno.
9. Hindi nagustuhan ng mga katribu ang lalaki.
10. Dahil sa katagang “patayin ang bisirong lalaki” tumalilis ng takbo ang lalaki
papalayo sa tribu.

VI. TAKDANG ARALIN

Panuto : Basahin ng pauna ang tulang ‘’Desiderata” sa Pahina 97-98

You might also like