Ikalawang Lingguhang Pagsusulit Sa Esp 3
Ikalawang Lingguhang Pagsusulit Sa Esp 3
Ikalawang Lingguhang Pagsusulit Sa Esp 3
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap at MALI naman kung hindi.
__________1. Kailangang gawin ng may pagkukusa ang mga gawain.
__________2. Tama lamang na huwag nating pansinin ang utos ng ating mga magulang.
__________3. Suportahan ang proyekto ng barangay tulad ng paglilinis ng kapaligiran.
__________4. Makiisa sa mga pangkatang gawain sa paaralan.
__________5. Bigyang-halaga at linangin ang sariling kakayahan sa pamamagitan ng pagsali sa mga proyekto
ng paaralan.
7. Sinabihan ka ng iyong guro na magbasa tuwing tanghali upang mapaunlad ang iyong pagbasa. Ano ang
gagawin mo?
a. Susundin ang guro at magbabasa tuwing tanghali
b. Makikipaglaro ng takbuhan sa kamag-aral tuwing tanghali sapagkat masaya ito
c. Makikipagkwentuhan sa iyong mga kaklase tuwing tanghali
d. Sasabihin sa guro na sa bahay ka na lang magbabasa dahil tinatamad ka
8. Pinagsabihan ka ng iyong kaibigan dahil palagi mong kinukuha ang kanyan lapis na hindi ka nagpapaalam.
Ano ang gagasin mo?
a. Magagalit sa kaibigan
b. Hihingi ng paumanhin sa kaibigan at sasabihing hindi na uulitin ang ginagawa
c. Pagsasabihan ang kaibigan na ito ay madamot
d.Ipagpapatuloy ang pagkuha ng lapis dahil kaibigan ko naman siya
9. Kinausap ka ng iyong guro at sinabihan na dapat palaging maligo bago pumasok sa paaralan. Ano ang
mararamdaman mo?
a. Magagalit sa guro dahil pakialamera ito
b. Tatanggapin ang puna ng guro at susundin ang payo nito
c. Hindi na lamang papasok kapag hindi ka naligo
d. Babasain na lamang ang buhok bago pumasok upang magmukhang bagong ligo.
10. Nakita mong tambak ang plato sa inyong lababo pagkadating mo sa inyong bahay isang hapon, ano ang
gagawin mo?
a. Manonood ng TV sapagkat maganda ng palabas
b. Tatawagin mo ang iyong Nanay at sasabihing hugasan ang plato
c. Huhugasan moa ng mga plato sapagkat alam mong pagod si Nanay maghapon
d. Wala sa nabanggit
Lagyan ng tsek (/) ang mga pangungusap na nagsasaad ng tamang gawain at ekis (X) naman kung himdi
_____11. Nagdadabog kapag inutusan ka ng ate mong magwalis
_____12. Tinatanggap ng maluwag sa loob ang puna sa iyo ng ibang tao
_____13. Tumutulong sa gawaing bahay kahit hindi inuutusan
_____14. Binabago ang iyong mga masasamang gawi o asal na napupuna ng ibang tao
_____15. Nagagalit ka kapag pinagsasabihan ka ng iyong guro na huwag masyadong maingay