EsP3 q2 Mod2 MalasakitSaMayMgaKapansanan v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Malasakit sa May mga Kapansanan

CO_Q2_EsP3_Module2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Malasakit sa May mga Kapansanan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Genelly A. Priagola
Editor: Althea S. Llameg, Arlene U. Lastimoso, Arlene C. Mariano
Tagasuri: Gemma T. Mijares, Rhenan H. Nisperos, Guillesar P. Villarente
Chomadith Loian J. Hechanova, Rolibeth M. Labadia
Tagaguhit: Daryl L. Escobar
Tagalapat: Marco R. Abellon, Emmanuel S. Gimena Jr.
Tagapamahala: Allan G. Farnazo Lorenzo E. Mendoza
Mary Jeanne B. Aldeguer Felix I. Antecristo
Analiza C. Almazan Ernie E. Agsaulio
Ma. Cielo D. Estrada Nelia Q. Madelo
Alirna O. Andoy

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI
Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: [email protected] * [email protected]
3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Malasakit sa May
mga Kapansanan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o
kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga
mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang
masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa
inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng
ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang
makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan
ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan.Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan
agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa
pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating
mga tagapagdaloy
Alamin

Matututuhan mo sa modyul na ito ang isa pang paraan ng


pagpapakita ng malasakit sa kapuwa. Ito ay ang pagpapakita
ng malasakit sa may mga kapansanan na nararapat na taglayin
ng isang batang katulad mo.

Nakapaloob sa modyul na ito ang aralin na may pamagat


na “Mga May Kapansanan: Bigyan ng Tulong at Pagkakataon”.
Pagkatapos mo itong mapag-aralan, inaasahan na magagawa
mong magpakita ng malasakit sa mga may kapansanan sa
pamamagitan ng:

1. pagbibigay ng simpleng tulong sa kanilang


pangangailangan;

2. pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa


mga palaro o larangan ng isport at iba pang programang
pampaaralan; at

3. pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa


mga palaro at iba pang paligsahan sa pamayanan.
(EsP3P-IIc-e-15).

1 CO_Q2_EsP3_Module2
Subukin

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Paano mo maipakikita ang


pagmamalasakit sa mga may kapansanan. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat lamang ang titik sa
sagutang papel.

a. Tulungan ang batang pipi na matawag ang pansin ng


drayber upang makababa siya ng sasakyan.
b. Hangaan ang angking talento at gawing inspirasyon.
c. Suportahan ang kaklase at tulungan sa tuwing
nahihirapan sa pagkilos.
d. Hangaan ang kahusayan ng mga may kapansanan sa
kabila ng kanilang kalagayan.

1. Isinilang na putol ang isang binti ng iyong kaklase. Ngunit sa


kabila nito ay hindi siya nagrereklamo. Isa rin siyang
matalinong bata at palaging nananalo sa paligsahan dahil sa
angkin niyang katalinuhan.

2. Nakasabayan mong sumakay sa traysikel ang batang pipi.


Gusto na niyang bumaba sa nadaanan ninyong simbahan
ngunit hindi naintindihan ng drayber ang ibig niyang sabihin.

3. Nanonood ka ng isang programa sa telebisyon, may isang


kalahok na nagpapakita ng kaniyang talento sa pagsasayaw
kahit nakaupo siya sa wheelchair.

4. May ginanap na paligsahan ng mga may kapansanan sa


inyong paaralan. Kahit nahihirapan ay kinaya nila.

2 CO_Q2_EsP3_Module2
Aralin Mga May Kapansanan:

1 Bigyan ng Tulong at
Pagkakataon

Ang mga taong may kapansanan ay hindi iba sa atin.


Nagiging limitado lang ang kanilang pagkilos dahil sa kanilang
kapansanan. Ito ang dahilan kaya kailangan natin silang bigyan
ng malasakit. Kinakailangan nila ang ating tulong dahil kulang sila
sa pisikal na lakas. Sa kabila ng kanilang kalagayan, mayroon din
silang taglay na mga talento. Kaya ipagkaloob natin sa kanila
ang ating tulong at pagkakataon na maipamalas ang kanilang
natatanging kakayahan.

Balikan
Sa nakaraang modyul, napag-aralan natin ang
pagpapadama ng malasakit sa kapwa na may karamdaman sa
pamamagitan ng mga simpleng gawain na nagbibigay ng tuwa
sa kanila. Nagagawa mo ba ang mga ito? Paano?

Panuto: Sa iyong sagutang papel, gumawa ng graphic organizer


na katulad ng nasa ibaba. Kompletuhin ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga pamamaraan ng pagpapadama ng
malasakit sa iyong kapuwa na may karamdaman. Ilagay din sa
bawat pamamaraan kung ito ay nagawa na, ginagawa na, o
hindi pa nagagawa.

3 CO_Q2_EsP3_Module2
Pamamaraan ng Pagpapadama ng
Malasakit sa Kapuwa na May Karamdaman

Tuklasin
Panuto: Basahin ang salaysay.
Espesyal Mamon si Mon
ni Genelly A. Priagola

4 CO_Q2_EsP3_Module2
Nakagisnan kong espesyal na mamon ang pabuya mula
kina nanay at tatay kung may maganda kaming nagagawa sa
bahay o sa paaralan. Sa tuwing matataas ang marka sa
paaralan, nananalo sa mga paligsahan, o hindi kaya ay naging
mabait lang kaming magkakapatid, tiyak na may masarap na
mamon ang naghihintay pag-uwi sa bahay.

Lagi kong naririnig kina nanay at tatay ang mga katagang


“espesyal mamon si Mon”. Bata pa lang daw si Kuya Mon ay
kakaiba na ang kaniyang itsura. Dikit-dikit ang kaniyang mga
daliri sa dalawang kamay at mga paa. Hirap siyang humawak ng
mga bagay dahil sa kondisyon niya. Nahihirapan din siyang
maglakad kaya lagi siyang nakaupo sa wheelchair.
May kakaibang kondisyon si Kuya Mon. Maging sa
paaralang kaniyang pinapasukan ay kakaiba rin si kuya, dahil
hindi pangkaraniwan ang kaniyang talentong ipinamamalas.
Siya ang pinakamahusay magpinta. Marami na siyang nagawa
na nanalo sa mga paligsahan. Napaisip tuloy ako kung paano
niya nagagawa iyon samantalang hirap siyang humawak ng
mga bagay.
Sa tuwing magpipinta si kuya, ako ang tagahanda ng
kaniyang gagamiting pintura at paint brush. Todo rin ang
suportang ibinibigay ng aming pamilya sa kaniya. Sa kanilang
paaralan ay lubos ang ibinibigay na pagkakataon sa kaniya
upang sumali sa mga paligsahan.
Ipinagmamalaki siya ng kaniyang mga kamag-aral at mga
guro. Isang yaman si Kuya Mon kung ituring naming lahat lalo na
noong nanalo ang kaniyang obra sa Pambansang Paligsahan.
Kakaiba man ang kalagayan ni Kuya Mon, gantimpala
naman siya sa amin, kaya espesyal mamon si Kuya Mon para kina
nanay, tatay, at ng buong pamilya.

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabasang salaysay.


Isulat ang sagot sa papel.
1. Ano ang kakaibang kondisiyon ni Mon?
5 CO_Q2_EsP3_Module2
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.
2. Paano pinakikitunguhan si Mon sa bahay, paaralan, at
pamayanan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.
3. Bakit itinuturing na “Espesyal Mamon” si Mon?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.
4. Kung kaklase mo si Mon, ano ang mararamdaman mo sa
pagiging kakaiba niya?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Suriin

Ang mga taong may kapansanan ay bahagi rin ng ating


lipunan na may mga karapatan tulad natin. Gayunpaman, may
mga bagay na nahihirapan silang gawin dahil sa kanilang
kalagayan. Kung kaya’t nangangailangan sila ng pag-unawa,
tulong, at malasakit.

Ang pagmamalasakit sa mga may kapansanan ay isang


paraan ng pakikipagkapuwa-tao. Maipakikita ito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng simpleng tulong sa kanilang
pangangailangan, at pagbibigay ng pagkakataon na sila ay
makilahok sa mga programang pampaaralan at
pampamayanan.

6 CO_Q2_EsP3_Module2
Pagyamanin
Gawain
Panuto: Basahin at intindihin ang mga sitwasyon. Gumuhit sa
iyong sagutang papel ng puso sa bawat bilang. Kulayan ito ng
pula kung sa iyong pag-unawa ay nagpapakita ito ng
pagmamalasakit sa kapuwa na may kapansanan, at kulay itim
kung hindi.

Nakita mo ang kulay berde sa ilaw-


1.
trapiko. Tumawid na ang lahat na naghihintay
sa gilid ng kalsada. Napansin mo ang isang
matandang nahihirapan sa pagtawid. Inakay
mo siya at sabay kayong tumawid.

Nahihiya kang tumulong sa batang


2.
bulag na nadapa sa labas ng simbahan dahil
gusgusin ito.

Dumaan ka sa eskinita at nakakita ka ng


3. isang lumpo na Ale na nagtitinda ng masarap
at malinis na kakanin. Gusto mo ang kakanin
ngunit mas pinili mong bumili sa mall dahil
ayaw mong lumapit sa aleng lumpo.

Bulag ang kaklase mo kaya alam mong


4. hindi ka niya makikita kung kukunin mo ang
kaniyang baon. Subalit mas pinili mong
huwag itong gawin at bagkus ay tiisin na
lamang ang iyong gutom.

Ginawa mong katuwaan ang


5.
panggagaya ng pagsasalita ng kaklase
mong ngongo.

7 CO_Q2_EsP3_Module2
Isaisip

Paano mo maipakikita ang iyong pagmamalasakit sa mga


taong may kapansanan?

Panuto: Buuin ang pangungusap gamit ang mga salita na


nakalagay sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

Maipakikita ang iyong _____________________ sa mga taong


may kapansanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng simpleng
tulong sa kanilang _______________________, at pagbibigay ng
____________________na makilahok sa mga programang
pampaaralan at pampamayanan.

pangangailangan pagkakataon pagmamalasakit

8 CO_Q2_EsP3_Module2
Isagawa

Panuto: Tingnan at suriin ang mga larawan. Sabihin kung anong


uri ng kapansanan ang ipinapakita ng mga ito. Ibigay ang
saloobin tungkol sa mga ito sa pamamagitan ng pagbuo ng
parilala sa ibaba. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1 2 3

Maipakikita ko ang aking pagmamalasakit sa mga taong


may kapansanan sa pamamagitan ng _________________________
_______________________________________________________________.

9 CO_Q2_EsP3_Module2
Tayahin

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng tamang sagot


sa bawat bilang.

1. Sa paanong paraan makatutulong sa mga may kapansanan


ang pagbibigay mo ng malasakit?
A. Makapagpapagaan ito ng kanilang mga gawain at
hanapbuhay.
B. Makapag-iipon sila ng perang panggastos nila sa kani-
kanilang mga luho.
C. Magkakaroon sila ng malaking halagang pambili ng mga
ari-ariang gusto nila.

2. Kung kapos ka sa pera at gusto mong tumulong, ano ang


maaari mong maibigay sa mga kapuwang may kapansanan?
A. Wala, dahil wala akong pera.
B. Maaari kong ibigay sa kanila ang mga panis naming
pagkain.
C. Maaari kong ibigay ang mga bagay na hindi ko na
ginagamit ngunit maaayos pa.

3. Nakita mong pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang isang


batang pilay. Hindi mo ito kayang ipagtanggol dahil mas
malalaki pa sila sa iyo. Ano ang maaari mong gawin upang
makatulong?
A. Hindi ko na lang sila papansinin.
B. Aalis ako dahil maaari akong madamay.
C. Huwag sumabay sa pagtawa at lalapit sa sinumang guro o
matanda na maaaring makatulong.

10 CO_Q2_EsP3_Module2
4. May paligsahan para sa mga may kapansanang may
kahusayan sa isports. Sang-ayon ka ba na bigyan ito ng
halaga? Bakit?
A. Oo, dahil wala naman akong pakialam sa kanila.
B. Oo, dahil makapagbibigay ito sa kanila ng tiwala sa sarili.
C. Hindi, dahil aksaya lamang ito sa pera at panahon ng mga
tao.

5. Paano mo masasabing nangangailangan ng tulong ang mga


may kapansanan?
A. Kadalasan sa kanila ay tamad.
B. Nanghihingi sila ng tulong sa mga kalye.
C. Nalilimitahan ang kanilang paghahanapbuhay dahil sa
kanilang kapansanan.

11 CO_Q2_EsP3_Module2
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng poster na nagpapahayag ng


pagmamalasakit sa mga may kapansanan. Gawin ito sa bond
paper.

12 CO_Q2_EsP3_Module2
CO_Q2_EsP3_Module2 13
Karagdagang Tuklasin Isagawa Isaisip
Gawain
1. a Magkaiba ang pagmamalasakit
Magkaiba ang 2. c sagot ng mga
pangangailangan
sagot ng mga 3. c bata.
bata. 4. b pagkakataon
5. c
Pagyamanin Tuklasin Balikan Subukin
1. Pula Magkaiba ang Magkaiba ang 1. c
2. Itim sagot ng mga sagot ng mga 2. a
3. Itim bata. bata. 3. b
4. Pula 4. d
5. Itim
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Maria Carla M. Caraan et. al. Edukasyon sa Pagpapakatao -
ikatlong baitang: Kagamitan ng Mag-aaral sa Sinugbuanong
Binisaya. Unang Edisyon. Edited by Erico M. Habijan at Irene
C. De Robles. Pasig City: Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat, 2014, 71-78.

14 CO_Q2_EsP3_Module2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like