Kapwa Ko, Nauunawaan Ko!

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Kapwa Ko, Nauunawaan Ko!

Hindi lahat ng bata ay magkakatulad ang


katayuan sa buhay. May magagawa ka para
sa iba.
Mga Tanong…
1.Nakasalamuha mo na ba ang mga
batang nasa larawan?
2.Ano ang nararamdaman mo kapag
nakikita o nakakasama mo sila?
Mga sitwasyon Dapat Gawin
1. May batas na nagbabawal sa
pamamalimos. Nang pumunta ka sa
palengke, may nakita kang batang
namamalimos?
2. Nakita mo ang isang batang nanghihina
sa gutom.

3. May batang kumakatok sa bintana ng


inyong sasakyan at halos kasing edad mo
lamang. Nag-aalok siya ng sampaguita sa
iyong ama.
4. Nakita mo ang isang batang nakatingin sa
iyo habang kumakain kayo sa restawran.

5. Nakita mong naglalaro ang batang punit-


punit ang kasuotan.
TANDAAN
• Lahat ng bata ay may iba’t ibang kalagayan sa buhay.
Mayroong mayaman at mayroon din namang mahirap.
Mayroong nangangailangan ng tulong at mayroon din
namang may kakayahang magbahagi.
• Hindi tama na husgahan o pakitaan ng masama ang
ating kapuwa kung iba ang kalagayan nila sa buhay. Sa
pang-araw-araw nating pamumuhay, hindi natin
maiiwasang makasalamuha ang iba’t ibang uri ng bata
kung kaya’t nararapat na alam natin kung paano sila
igalang, irespeto, at pakitunguhan nang tama.
• Marapat na isaalang-alang natin ang kalagayan
ng ating kapwa bata. Pakitunguhan natin sila
nang maayos at bilang nararapat na tulong para
sa kanila.
• Ayon nga sa ating Panginoon, tandaan natin,
ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa
kapwa kung ikaw ay may kakayahang ito ay
magawa, gawin mo ito nang mahusay at tama.
Magkaiba man Tayo
Hindi natin maiiwasan na may mga kapuwa
bata tayong nakakasama o nakakasalamuha
na kabilang sa mga pangkat-etniko.
Ang Matulunging Bata

Sa loob ng silid-aralan, tahimik na gumagawa


ang mga bata ng kanilang pagsasanay sa Filipino.
Napansin ni Lita si Lawaan, ang bago nilang
kaklaseng Aeta na hindi mapakali sa upuan. Wala
siyang lapis at papel na gagamitin.
Dali-daling kinuha ni Lita ang iba pa niyang
lapit at papel sa kaniyang bag at ibinigay kay
Lawaan. Laking gulat at pasasalamat ng bata kay
Lita. Masaya niyang tinanggap ang tulong ni Lita at
sila ay naging mabuting magkaibigan.
Tanong
1. Ano ang kaibahan ni Lawaan kay Lita?
2. Bakit hindi mapakali si Lawaan sa kaniyang
upuan?
3. Paano ipinakita ni Lita ang pagmamalasakit sa
bago niyang kaklase?
4. Kung sa iyo ito nangyari, ano ang gagawin
mo? Bakit?
Tandaan Natin
• Lahat tayo ay pantay-pantay anuman ang pangkat-
etnikong ating kinabibilangan. Kung kaya dapat
nating isaalang-alang ito sa pakikitungo sa ating
kapuwa bata.
• Nasasaad sa Deklarasyon ng United Nations sa
Karapatan ng mga Katutubo na ang mga Katutubo
ay kapantay ng lahat ng tao, bagama’t kinikilala ang
karapatan na pagkakaiba ng lahat ng tao,
pagsasaalang-alang sa pagkakaiba, at paggalang sa
kakanyahan.
• Magkakaiba man tayo ng pangkat-etnikong
kinabibilangan, lahat tayo ay nakapag-ambag sa
kasaysayan at kultura ng ating bayan. May iba-iba
man tayong paniniwala, panuntunan, kinagawian,
relihiyon, at kultura, tayo ay iisa pa rin.
• Matagal nang panahon na hindi pantay ang pagtrato
natin sa iba nating kapwa bata. Panahon na para
baguhin natin ito.
• Magkaiba man tayo, dapat natin silang pakitunguhan
nang maayos at tulungan kung kinakailangan.
Gawain A
• Tama o Mali
1. Binibigyan ng pagkain ang batang nagugutom.
2. Pinasasaya ang bata sa lansangan sa pamamagitan ng
pagbigay ng mga pangangailangan tuwing may
okasyon.
3. Sinasarili ang panonood ng telebisyon sa bahay upang
inggitin ang mga kalaro.
4. Hinahatian ng baon ang isang kalaro na walang
makain at nagugutom.
5. Sumasali sa mga outreach program ng barangay,
nagpapadala ng pagkain at mga damit sa mga batang
nasa malalayong lugar.
6. Pinapahiram ni Ben sa kaklsaeng Ita ang lapis at
pambura niya.
7. Ibinahagi ni Mariel ang ilan sa mga paborito niyang
laruan at sapatos sa mga batang Tausug.
8. Masayang sumasama sina Jeric at Miguel sa mga
proyekto ng paaralan paramakatulong sa mga pangkat-
etniko.

You might also like