Filipino 3 - ST3 - Q1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

FILIPINO 3

RD
3 SUMMATIVE TEST
1st Quarter

Name: _____________________________________________

Salungguhitan ang panghalip na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Siya ay namasyal sa Luneta Park.


2. Nagbasa kami ng libro sa silid-aklatan.
3. Napadaan ako kahapon sa Museo Pambata.
4. Ang ganda ng Tayabas, nakapunta na ba kayo doon?

Piliin sa kahon ang tamang panghalip upang mabuo ang sumusunod na pangungusap.

siya sa Lungsod
5. Pumunta ______ kahapon kami
ng kayo
Antipolo at doon namin natikman ang
napakasarap na suman.
6. Sa Angono Rizal matatagpuan ang Pinto Art Museum. Nakapunta na ba _____ doon?
7. _____ ay namasyal sa Kamay ni Hesus na makikita sa Lucan, Quezon.

Bilugan ang salitang panghalip panao na angkop na gamit sa pangungusap.


8. (Ako, Akin, Ko, Kanya) ang nagmungkahi na maglinis sa labas habang wala pa si Mam
Jane.
9. Pumunta (tayo, ninyo, niya, atin) sa kanila upang malaman natin ang tunay na pangyayari.
10. (Siya, Mo, Nila, Niya) ba ang may ari ng aklat na ito?

Basahin ang maikling kuwento. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


Isulat ang 1-5 sa sagutang papel.

Pagbisita kay Lola


Dianne Charish A. Cabuyao
Noong nakaraang Linggo, dinalaw ng aming pamilya ang aking Lola
Mercedes sa karatig-bayan. Dinalhan namin siya ng pasalubong gaya ng
yema cake, budin, at nilupak. Hinainan niya kami ng maraming prutas
gaya ng mangga, papaya, at pakwan. Habang kumakain ako ng prutas,
kinuwentuhan ako ni Lola ng mga alamat tungkol sa iba't ibang prutas.
Ipinagluto rin niya ako ng paborito kong kakanin, ang sumang gabi. Hay!
Napakasarap talaga ng suman ng aking lola. Umuwi kami sa aming
tahanan nang busog na busog at masayang-masaya.

_____ 1. Ipinagluto ako ng aking lola ng sumang gabi.


_____ 2. Dinalaw namin ang aking lola sa karatig-bayan.
_____ 3. Kinuwentuhan ako ng aking lola ng mga alamat.
_____ 4. Hinainan kami ng maraming prutas ng aking lola.
_____ 5. Umuwi kaming busog at masaya.

File created by DepEd Click.

You might also like