Ang Usa
Ang Usa
Ang Usa
Isang araw si Usa ay nagpunta sa sapa Habang siya ay umiinom nakita niya ang kanyang anino .
Hangang-hanga siya sa kanyang sarili “ang Gwapo ko”, pabulong niya. “ Ang Ganda ng sungay ko at
maskulado ang aking katawan , sana hindi ganito kahaba at kapayat ang binti ko . hindi bagay sa
maskulado kong katawan at napakaganda kong sungay “, malungkot na sabi nito. Walang anu-ano’y
naramdaman niyang may papalapit na mga taong mangangaso , sa isang kisap mata naramdaman
niyang may dumaan na bala sa kanyang ulo tumakbo siya ng napakabilis . Payat at mahaba ang kanyang
binti . madaling ihakbang at ikilos. Nakarating Siya Sa Masukal na gubat . Ang pinipintasan niyang mga
paa ay siya ring nagligtas sa kanya. “Ay salamat” na wika ng usa . Kung hindi sa mga pang ito marahil ay
wala na ako.