Ang Lobo at Ang Kambing

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Lobo at ang Kambing

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang


tubig. Sinikap niyang tumalon upang maka-
ahong palabas ngunit lubhang malalim ang
balon na kanyang kinahulugan.
Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing.
Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo.
“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito
sa lobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling na
sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong
tumalon sa balon. At nalaman ngang siya’y niloko lamang
ng lobo.

“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang


sabi ng lobo. “Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,”
ang sabi ng kambing.

“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo.


Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating
gagawin iyon.”

“Papaano?”

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng


kambing. “Ako muna ang lalabas. At kapag
nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,”
pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing.
Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan
nito’y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa’y
sinabing, “Walang lobong manloloko kung walang
kambing na magpapaloko.”

Aral
 Maging matalino sa mga desisyong
gagawin mo at huwag basta-basta
maniniwala sa ibang tao lalo na kung
hindi mo pa siya lubusang kakilala.

You might also like