Via Matris

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

VIA MATRIS (Ang Daan ng Ina)

Mga Pagninilay at Panalangin


ukol sa Pitong Hapis ni Maria
PASIMULA

Magsisimula ang pagdiriwang sa tahimik na pagpurpusisyon ng larawan ng Mahal na Birheng


Nagdadalamhati (Mater Dolorosa) mula sa isang bahay-dalanginan patungo sa bakuran ng Simbahan ng
Parokya. Pagsapit sa itinakdang pook ng pagtitipon, maihaharap sa mga tao ang ipinrusisyong larawan sa
saliw ng nababagay na awit. Matapos nito, babatiin ng pari ang mga tao:

Pari: + Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Bayan: Amen.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


niloob mong ang Mahal na Inang si Maria
ay tumayong nakikipagtiis sa iyong Anak na itinampok sa krus.
Ipagkaloob mong ang iyong Sambayanang kasalo
sa pagpapakasakit ni Kristo kaisa ng Ina niya
ay marapating makapagdiwang sa piging ng muling pagkabuhay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Aanyayahan ang lahat na making at magnilay sa mga pagbasa. Pagkatapog ng bawat pagbasa at
pagninilay ay maglalaan ng sandaling katahimikan at darasalin ang Aba Ginoong Maria sa pangunguna
ng naatasang bumasa na susundan ng pag-awit ng ilang taludtod na kaugnay ng pagbasa mula sa Pasyong
Mahal.
ANG UNANG HAPIS:
Ang Hula ni Simeon tungkol sa Sanggol na si Hesus

PAGBASA (Lucas 2, 34-35)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria,


“Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga
sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel,
isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami
kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip.
Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”

PAGNINILAY

Hindi lamang sakit sa puso ni Maria ang dulot ng mga salita ni Simeon. Nag-alala siya para sa
Panginoon. Sino bang ina ang hindi mag-aalala para sa kanyang anak? Ganoon din si Maria. Nag-aalala
para sa kapakanan ng kanyang anak.

Ngunit dahil sa pagiging masunurin ni Maria, naghahanda siya at naghihintay para sa pagdating ng
araw na iyon. Ang araw kung saan ang kanyang anak – ang Tagapagligtas ng sangkatauhan, ay mag-aalay
ng kanyang sarili sa krus para sa kaligtasan ng marami.

(sandaling katahimikan)

Aba Ginoong Maria...

AWIT (Mula sa Pasyong Mahal)

Nang matapos ang orasyon Sa pagsakop, pakalara, Diyos na poon, aniya


ng banal na si Simeon sa inako niyang sala Panginoon ko, at Ama,
iniabot na ang Sanggol, pawa mo ring makikita, ang bahala po'y ikaw na,
sa Birheng Inang marunong ang kararatnang lahat na dito sa bigay mong bunga
saka nagwika ng gayon: ni Hesus na iyong bunga. na Anak kong sinisinta.

Aniya ay malaki man Nang matanto at malining Yamang loob Mong totoo,
ang dala mong katuwaan ng Inang Mahal na Birhen kaya siya naging tao
nguni't lalong kalumbayan, ang puso't agad na nalaing, ngayo'y ibinibigay ko't,
ang iyong kasasapitan lumuhod at inihain iniaalay sa iyo
kung dumating na ang araw. sa Diyos ang Niñong giliw. itong bugtong na Anak Mo.
ANG IKALAWANG HAPIS:
Ang Pagtakas patungo sa Ehipto

PAGBASA (Mateo 2,13-15)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Pagkaalis ng mga pantas,


napakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon.
Sinabi sa kanya,
“Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag-ina.
At huwag kayong aalis doon
hangga’t hindi ko sinasabi sa iyo,
sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin.”
Kaya dali-daling bumangon si Jose
at nang gabing iyo’y dinala sa Egipto ang mag-ina.
Doon sila tumira hanggang sa mamatay si Herodes.
Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon
sa pamamagitan ng propeta,
“Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto.”

PAGNINILAY

Takot na takot si Maria nang malaman niya, ayon sa anghel ng Panginoon, na ipapapatay ng Haring
Herodes ang sanggol na Hesus. Tumakas sila patungo ng bayang Ehipto. Anong paghihirap para kina Jose,
Maria at Sanggol na Hesus ang malayo sa sariling bayan ng Judea upang manirahan sa isang paganong
bansa.

(sandaling katahimikan)

Aba Ginoong Maria...

AWIT (Mula sa Pasyong Mahal)

Gayong gawa'y nang maisip At doon ng pinatahan Nang matalastas nga ito
niyong haring walang bait; sa Egiptong kaharian ni Hosep dakilang Santo
isang gabi si San Hosep, pagka't ibig papugutan, kumuha ng isang asno,
pinagsabihang umalis niyong haring tampalasan at isinakay na rito
ng isang anghel sa Langit. ang Sanggol na bagong silang. ang Birhen sampu ng Niño.
At di na nga nabukasan At sa paglakad sa bundok Habang daa'y nagaawit
gabing yao'y nagsipanaw ang Birhen ay kung mapagod ang tanang mga angheles
dilim na di ano lamang, sa pagdadala kay Hesus, nagpupuring walang patid,
nguni't ang totoong ilaw agad niyang iaabot dito sa Poong marikit
ang kasama nilang tunay. sa asawang sinta't irog. Hari ng lupa at langit.

ANG IKATLONG HAPIS:


Ang Paghahanap kay Hesus sa Templo ng Jerusalem

PAGBASA (Lucas 2, 41-50)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Taun-taon, tuwing Pista ng Paskuwa,


ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa Jerusalem.
At nang labindalawang taon na siya,
pumaroon sila gaya ng dati nilang ginagawa.
Pagkatapos ng pista, sila’y umuwi na.
Nagpaiwan si Jesus sa Jerusalem
ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang.
Sa pag-aakala ng isa na si Jesus ay kasama ng isa,
nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay.
Nang malaman nilang hindi siya kasama,
siya’y hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at kakilala.
Hindi nila siya matagpuan,
kaya’t bumalik sila sa Jerusalem upang doon hanapin.
At nang ikatlong araw,
natagpuan nila si Jesus sa loob ng templo,
nakaupong kasama ng mga guro.
Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong;
at ang lahat ng nakarinig sa kanya
ay namangha sa kanyang katalinuhan.
Nagtaka rin ang kanyang mga magulang nang siya’y makita.
Sinabi ng kanyang ina,
“Anak, bakit naman ganyan ang ginawa mo sa amin?
Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.”
Sumagot siya, “Bakit po ninyo ako hinahanap?
Hindi ba ninyo alam na ako’y dapat na nasa bahay ng aking Ama?”
Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito.

PAGNINILAY

Anong laking takot at pag-aalala ng puso ni Maria nang hindi nila matagpuan si Hesus, kaya't
bumalik sila sa Herusalem upang doon Siya hanapin. At sa loob ng tatlong araw ay gulong-gulo ang isip
hanggang si Hesus ay matagpuan nila sa Templo.

(sandaling katahimikan)

Aba Ginoong Maria...

AWIT (Mula sa Pasyong Mahal)

Dito na nga itong Berbo Ay ano nga'y ng makita At si Hosep namang Santo
nagpalumagak sa Templo ni Hosep at ni Maria Sindak ay di mamagkano,
walang malay na totoo, doon sa paglakad nila nang di makita ang Berbo,
mag-asawang magkatoto, ay hindi na nga kasama, loob ay sumikdo-sikdo
kasama nilang dumayo. si Hesus na Poong Ama. panimdim ay mago't mago.

Sapagka't ibig maganap Dito'y ang Inang mapalad Ano'y nang kinabukasan
ang tanan bilin at atas ang puso'y agad nasindak na nag-bubukang liwayway
ng Ama Niyang Mataas, tumangis nga at umiyak nagsilakad kapagkuwan,
kaya itong Diyos na Anak ang dibdib halos mawalat sa Herusalem titingnan
sa templo'y nagpalumagak. nang hindi makita ang anak. ang Anak na nahiwalay.

ANG IKAAPAT NA HAPIS:


Ang Pagkikita nina Hesus at Maria sa daan patungong Kalbaryo

PAGBASA (Lucas 23, 27-31)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Sinusundan si Jesus ng maraming tao,


kabilang ang mga babaing nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya.
Nilingon sila ni Jesus at sinabi sa kanila,
“Mga kababaihan ng Jerusalem,
huwag ninyo akong tangisan.
Ang tangisan ninyo’y ang inyong sarili at ang inyong mga anak.
Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin nila,
‘Mapalad ang mga baog,
ang mga sinapupunang hindi nagdalantao,
at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’
Sa mga araw na iyo’y sasabihin ng mga tao sa mga bundok,
‘Gumuho kayo sa amin!’
at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’
Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa,
ano naman kaya ang gagawin sa tuyo?”

PAGNINILAY

Sino bang ina ang hindi malulumbay na makita na ang kanyang anak ay sinasaktan at
pinaparusahan, kahit wala naman siyang ginawang kasalanan? Nagdurugo ang puso ng isang ina na makita
ang kanyang anak ay sinasaktan at pinaparusahan.

(sandaling katahimikan)

Aba Ginoong Maria...

AWIT (Mula sa Pasyong Mahal)

Oh bunso kong sinisinta At ng hindi ko makita Di ko maitulot sa iyo


ngayon ay magdalita ka Hesus iyang pagdurusa Ina ang hinihingi mo
iyang mabigat mong dala, oh ilaw ng aking mata! na ako’y hahalinhan mo
bitiwan at ang kukuha oh buhay nang kaluluwa! at nang mabuhay nga ako
ang nahahabag mong Ina! Diyos kong walang kapara! papapatay kang totoo.

Aking kayang matitiis Ang tugon ni Hesukristo Ina ay wala ngang daan
bunso’t di ko ikahapis sukat na Birheng Ina ko at aking inakong tunay
iyang hirap mo at sakit? pahid na iyang luha mo, ang hirap sa pagkamatay
ngayon ay lalo kong ibig ang aking Amang totoo siyang tubos bili naman
yaring hininga’y mapatid. magkakalinga sa iyo. nang sa taong kasalanan.
ANG IKALIMANG HAPIS:
Si Maria sa paanan ng krus ni Hesus

PAGBASA (Juan 19, 25-27)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina


at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas.
Naroon din si Maria Magdalena.
Nang makita ni Jesus ang kanyang ina,
at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito,
kanyang sinabi,
“Ginang, narito ang iyong anak!”
At sinabi sa alagad,
“Narito ang iyong ina!”
Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

PAGNINILAY

Ito ang pinakamasakit na pangyayari para sa inang si Maria, ang unti-unting pagtulo ng dugo at
pagkamatay sa kanyang harapan ng Panginoon, dumadaloy din ang dugo mula sa puso ng Mahal na Ina.
Labis na tumatangis ang Mahal na Ina sa mga pangyayaring ito-na nakikita niyang namamatay sa kanyang
harap ang anak niyang minamahal. Ngunit kalooban ng Diyos na maligtas ang tao sa pamamagitan ng
kamatayan ni Kristo sa krus. Kaya, si Maria ay tahimik na nagdurusa kasama ni Hesus.

(sandaling katahimikan)

Aba Ginoong Maria...

AWIT (Mula sa Pasyong Mahal)

Tunghan niyang iyong mata Tanggapin mo di man dapat Madla pa at di maisip


ang Inang nangungulila bunso yaring aking habag ang sa Birheng pananangis
ngayo’y tinitingala ka, dati mong natatalastas aling matigas na dibdib,
at ang buong panininata ang pag-irog at pagliyag ang di mahabag mahapis
sa puso’y hindi magbawa. ng Ina mong naghihirap. sa gayong pagkakasakit?
Na ang winika ni Hesus Lumingon at nag-wika na Siya’y iyong iingatan
Mulier, Ecce filius tuus kay Huan Ebanghelista huwag mong pababayaan
babaing timtimang loob, wika’y Ecce Mater tua, suyuin mo gabi’t araw,
iyang anak mo ay kupkop iyan ang siya mong Ina ito ang mana mo lamang
para akong ‘yong inirog. huwag ipagpalamara. sa akin ngayong pagpanaw.

ANG IKAANIM NA HAPIS:


Si Hesus ay ibinaba mula sa krus

PAGBASA (Mateo 27, 57-61)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Bago magtakipsilim,
dumating ang isang mayamang taga-Arimatea, na ang ngala’y Jose.
Siya’y alagad din ni Jesus.
Lumapit siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus.
Iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya.
Kaya’t kinuha ni Jose ang bangkay
at binalot ng bagong kayong lino.
Inilagay niya ito sa sariling libingan
na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato.
Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan nito
ang isang malaking bato, saka umalis.
Naroon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria,
na nakaupo sa tapat ng libingan.

PAGNINILAY

Nais iduyan ng Mahal na Ina ang Panginoon. Nais niyang awitan ang Panginoon. Ngunit ang
katawan ng Panginoon ay wala nang buhay. Wala nang hininga ang Mesiyas. Tahimik siyang nakiisa sa
pagdurusa ng kanyang anak sa Kalbaryo, at ngayon tapos na ang lahat. Dinanas niya ang dalamhati na
makita ang pagkamatay ng kanyang anak.

(sandaling katahimikan)

Aba Ginoong Maria...


AWIT (Mula sa Pasyong Mahal)

Kinalong kapagkaraka Oh maliwanag kong araw Hesus, dili baga ikaw


si Hesus nang Birheng Ina at maalindog kong buwan! mapang-aliw sa may lumbay
lumbay hapis sabihin pa, aba bituing malinaw, bukal ng kaginhawahan!
at pagbubuntong hininga liwanag mo’y nahalinhan ano at pinasakitan
nang kaniyang kaluluwa. nang dilim ng kasakitan! itong mahal mong katawan?

Dibdib ay halos mawalat Ito kaya’y mababata Oh paraluman ng mata


nang sakit at madlang hirap ng Ina mong nagdurusa at mutya niyaring Ina!
luha’y baha ang katulad, oh bunso kong sinisinta! ang buhay ko’y anhin ko pa
nang pagtangis at pag-iyak ano’t hindi mapakali kung baga mangungulila
ito ang ipinangusap: hininga ko’t kaluluwa. sa bunso ko’t aking sinta?

ANG IKAPITONG HAPIS:


Ang Paglilibing kay Hesus

PAGBASA (Juan 19, 41-42)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Kinuha nila ang bangkay ni Jesus,


at nilagyan ng pabango habang binabalot sa kayong lino,
ayon sa kaugalian ng mga Judio.
Sa pinagpakuan kay Jesus ay may isang halamanan,
at dito’y may isang bagong libingang hindi pa napaglilibingan.
Yamang noo’y araw ng Paghahanda ng mga Judio,
at dahil sa malapit naman ang libingang ito,
doon nila inilibing si Jesus.

PAGNINILAY

Hindi nawalan ng pag-asa si Maria. Naniniwala siya na hindi nagtatapos ang lahat sa kamatayan.
Muling mabubuhay sa ikatlong araw ang kanyang anak na si Hesus. Kahit nagdadalamhati sa pagkawala
ng kanyang anak, patuloy pa rin siya sa panananalig sa plano ng Diyos. Magpapahinga ang Panginoon.
Ngunit sa ikatlong araw, Siya’y babangon mula sa libingan. Magkaroon nawa tayong lahat ng pananalig sa
Diyos, katulad ni Maria, na hindi nawalan ng pananalig sa Diyos, kahit mabigat ang pinagdadaanan niya.

(sandaling katahimikan)
Aba Ginoong Maria...

AWIT (Mula sa Pasyong Mahal)

Halos di ibig bitiwan Lumuhod na kapagkuwan Angeles sa kalangitan


ng Inang may hapis lumbay, ang dalawang mga banal nanaog at pumatnubay
ang sa Anak niyang bangkay iniabot nila ang bangkay, sa daang nilalakaran
ninonoynoy nininilay saka naman pinagdalhan kanilang tinatangisan
yaong madlang kahirapan. sa kabaong inilagay. itong Diyos na maalam.

Laking sakit hirap baga Tinakpan namang totoo Marami nama’t madla pa
nang Inang nangungulila ang bangkay ni Hesukristo, babaing nangagsisama
binunot-buntong hininga, nang sabanas at sudario pawang may luha sa mata,
at gayon din ang dalawa bangong hindi mamagkano lumbay na walang kapara
si Huan at si Magdalena! saan man sila patungo. sa puso at ala-ala.

PANALANGIN NG PANGINOON

Pari: Sa patuloy nating pakikiisa sa hapis ni Maria,


sama-sama tayong dumulog kay Hesus na Anak niya
sa panalanging itinuro niya:

Lahat: AMA NAMIN (Aawitin)

PANGWAKAS (PAGBABASBAS)

Pari: Ang Diyos Amang maawain na nagkaloob sa inyo


ng Anak niyang nagpakasakit bilang huwaran ng pag-ibig
ay siya nawang magbasbas sa inyong lahat
pakundangan sa paglilingkod ninyo sa kanya at sa kapwa
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: Pakundangan sa kanyang kamatayan


upang kayo'y huwag dumanas ng walang katapusang pagkamatay
makamtan nawa ninyo ang buhay na walang hanggan.

Bayan: Amen.
Pari: Pakundangan sa pagpapakumbaba niya para sa inyong kapakanan
kayo nawa'y makasalo sa kanyang muling pagkabuhay
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: At pagpalain kayong lahat ng makapangyarihang Diyos,


Ama, + Anak, at Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Iinsensuhuan ng pari ang imahen ng Mahal na Birheng Nagdadalamhati (Mater Dolorosa) sa saliw
ng Salve Regina o anumang nababagay na awit. Matapos nito ay ipapasok sa malaking pintuan ng
simbahan ang karosang kinalululanan ng imahen na nakaharap sa mga tao at matapos ay isasara ang
pintuan. Lilisan ang lahat sa katahimikan.

You might also like