F9 Melc-3 12162020

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

9

Learning Activity Sheet


sa Filipino 9
Kuwarter 2 – MELC 3

Pagbibigay-Kahulugan sa Matatalinghagang
Salitang Ginagamit sa Tanka at Haiku

REGION VI-KANLURANG VISAYAS


Kuwarter 2, Linggo 1

Filipino 9
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 3
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang


magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 9

Manunulat: Hezel A. Lopez


Tagaguhit : Jerome Jordan Z. Ponsica
Tagalapat : Eldiardo E. Dela Peña
Division Quality Assurance Team
Diana P. Agupasa Perly M. Mapa Cynthia C. Caspe
Alma J. Villar Angela Mae D. Lim Rosie Cabus
Marie Antoniette M. Villar
Division of Escalante City Management Team:
Clarissa G. Zamora., CESO VI
Ermi V. Miranda, PhD
Ivy Joy A. Torres, PhD
Jason R. Alpay
Alicia M. Geroso
Regional Management Team:
Ma. Gemma M. Ledesma, CESO V
Dr. Josilyn S. Solana, PhD
Dr. Elena P. Gonzaga, PhD
Mr. Donald T. Genine
Mr. Celestino S. Dalumpines, IV

i
Kuwarter 2, Linggo 1

MABUHAY!

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod
Escalante at Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda
ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga
mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon
sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang
ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi
habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang


matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-
kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan


ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

ii
Kuwarter 2, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 3

Pangalan:____________________________Grado at Seksiyon:________________
Petsa: _____________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9

Pagbibigay-Kahulugan sa Matatalinghagang Salitang Ginagamit


sa Tanka at Haiku

I. Kasanayang Pampagkatuto at koda

Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa tanka at


haiku (F9PT-IIa-b-45)

II. Panimula

Ang matalinghagang pahayag ay ang mga ekspresyong may malalalim na


salita o may hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Ang matalinghagang pagpapakahulugan naman ay pagbibigay ng pahiwatig na
kahulugan ng salita o pahayag.

Halimbawa: Ang ulan ay maaaring mangangahulugan ng pighati at biyaya.


Iba pang halimbawa:

Bahag ang buntot- duwag


Alimuom-tsismis, bulungan
Luha ng buwaya- hindi totoo ang pag-iyak
Kabungguang balikat-kaibigan
Naniningalang pugad- nanliligaw

III. Sanggunian

Mga Sariling Katha


Lopez, Hezel A. (2020). Tadhana ang Bahala. Hindi nailathalang Tanka
Lopez, Hezel A. (2020). Pait. Hindi nailathalang Tanka
Lopez, Hezel A. (2020). Bulaklak. Hindi nailathalang Haiku
Lopez, Hezel A. (2020). Ibon. Hindi nailathalang Haiku
Lopez, Hezel A. (2020). Ulan. Hindi nailathalang Haiku
Lopez, Hezel A.(2020). Bagsik. Hindi nailathalang Tanka

1
Kuwarter 2, Linggo 1

IV. Gawain

Gawain 1
Panuto: Basahin ang tanka sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga kasunod na
tanong.
Bagsik
Bagsik ng kalikasan
Ating dinanas,
Nagngangalit na ulan
Hangin ay humagupit
Mundo’y nilunod!

1. Tungkol saan ang tankang nabasa?


2. Paano natin maiiwasan ang bagsik ng kalikasan?
3. Ano-anong mga salita/parirala ang may matatalinghagang kahulugan?
4. Ibigay ang kahulugan ng mga ito.

Matatalinghagang Pahayag Pagpapakahulugan


1. Bagsik ng kalikasan

2. Nagngangalit na ulan

3. Hangin ay humagupit

4. Mundo’y nilunod

Gawain 2
Panuto: Basahin ang sumusunod na tanka at haiku. Ibigay ang kahulugan ng
matalinghagang salitang ginamit. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

Bulaklak

Pulang bulaklak
Sa’yo ay humahanga
Napakaganda

1. Ano ang ibig ipahiwatig ng pulang bulaklak?


A. Makulay na bahagi ng halaman C. Magandang binibini
B. Kabataan D. Magandang hardin

2
Kuwarter 2, Linggo 1

Pait
Buhay ay ibinuwis
Upang mamasdan
Makulay na daigdig
Ngunit anong kapalit?
Dulot mo’y pait

2. Ano ang ipinapahiwatig ng salitang pait sa tanka?


A. Problema C. Pakla
B. Pighati D. Hadlang

Ulan
Hinihintay ka
Pagpatak mo’y biyaya
Ngayong tag-araw

3. Ano ang kahulugan ng may salungguhit?


A. May grasya ang patak ng ulan.
B. Dulot nito’y paglago ng mga pananim.
C. Ang ulan ay nakapagpaginhawa sa pakiramdam.
D. Nagpapalamig ang ulan sa kapaligiran.

Tadhana ang Bahala

Hampas ng alon
Ay nangngangalit
Nawasak na pagibig
Huwag nating ipilit
Tadhana ang bahala

4. Ano ang ibig ipahiwatig ng may salungguhit?


A. Malaking pagsubok C. Hampas ng alon
B. Galit na mga alon D.Gulo sa dalampasigan

Ibon
Taas ng lipad
Ibong walang katulad
Namamayagpag

5. Ano ang ibig ipahiwatig ng may salungguhit?


A. Pagsakay ng eroplano
B. Paglipad ng ibon sa himpapawid
C. Maraming iniisip
D. Malaking pangarap

3
4
1. Ito ay tungkol sa naranasang pag-ulan at
pagbaha.
2. Itapon na
3. ng tama ang mga basura at magtanim ng
maraming punongkahoy.
4. Bagsik ng kalikasan, Hangin ay humagupit,
Nagngangalit na ulan, Mundo’y nilunod
5. Bagsik ng kalikasan- trahedya na likha ng 1. C
kalikasan tulad ng pagbaha 2. B
Nagngangalit na ulan-napakalakas na buhos ng
ulan 3. B
Hangin ay humagupit- napakalakas na hangin 4. A
Mundo’y nilunod- pagbaha
5. D
Gawain 1 Gawain2 2
Gawain
VI. Susi sa pagwawasto
________________________.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________
__ _ _ _ ________________________
Bilang mag-aaral, mahalaga ba para sa iyo ang paksang-araling ito? Bakit?
Repleksiyon V.
Kuwarter 2, Linggo 1

You might also like