Modyul 1 ANg Kahon Ni Pandora at Pandiwa
Modyul 1 ANg Kahon Ni Pandora at Pandiwa
Modyul 1 ANg Kahon Ni Pandora at Pandiwa
FILIPINO 10
HIGH SCHOOL
MODYUL 1
PANITIKAN: ANG KAHON NI PANDORA
GRAMATIKA: PANDIWA (URI, AT ASPEKTO)
PANGKALAHATANG IDEYA
Ang modyul na ito ay nilikha upang makatutulong sa mga mag-aaral na ipamamalas ang mapanuring pag-
iisip, at pag-unawa at pagpapahalaga sa akda. Magamit ang mga uri ng pandiwa sa angkop na pagpapahayag.
MGA LAYUNIN
1. nasusuri ang mga kaisipang taglay ng akda;
2. naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa nabasa o napakinggan;
3. naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay;
4. natutukoy ang uri, aspekto, at pokus ng pandiwang nagamit sa pangungusap; at
5. nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari, at karanasan.
PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang konteksto ng bawat pangungusap. Hanapin at bilugan sa ikalawang
pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin sa unang pangungusap. Ang sagot ay
isusulat sa inyong SAGUTANG PAPEL.
1. Sumanib ang magkapatid na Titan sa mga Olimpian dahil alam na nila ang mangyayari sa
hinaharap. Sumama sila para sa pansariling kapakanan.
2. Isang ginintuang kahong may kalakip na susi ang ipinadala ni Zeus bilang handog sa kasal nina
Pandora at Epimetheus. Kasama rin sa regalong ito ang babalang huwag bubuksan ang kahon.
3. Hindi mapakali ang babae hangga’t hindi niya nababatid kung ano ang laman ng kahon. Kung
nalalaman niya lamang ay hindi na niya nanaising buksan ito kailanman.
4. Nakamata siya sa kahon at tulad ng dati ay natutukso na namang buksan ito. Ngayon ay
nakatingin naman siya sa susing nakasabit sa dingding.
5. Isa ang paninibugho sa mga bagay na lumalabas mula sa kahon. Ang pagseseloss ay maaaring
makasira ng relasyon lalo kung labis-labis na ito.
POKUS NG ARALIN
Aralin 1.1
Panitikan: ANG KAHON NI PANDORA
Basahin at unawaing mabuti ang kwentong ANG KAHON NI PANDORA sa inyong aklat na PLUMA na matatagpuan
sa pahina 10-13.
ARALIN 1.2
PAGSASAGAWA NG SISTEMATIKONG PANANALIKSIK
ARALIN 1.3
Gramatika: PANDIWA (URI AT ASPEKTO)
PANDIWA
Ang Pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-buhay sa lipon ng mga
salita. Ito ay binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi.
Ang mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.
URI NG PANDIWA
Ang pandiwa ay maaaring mauri sa dalawa: palipat at ang katawanin.
Palipat ang pandiwa kung may tuwirang layong tumatanggap sa kilos. Ang layon at karaniwang kasunod ng
pandiwa ay pinangungunahan ng mga katagang ng, ng mga, sa, sa mga, kay, o kina.
Halimbawa:
Katawanin ang pandiwa kapag hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layong tatanggap ng kilos at
nakatatayo na itong mag-isa.
Halimbawa:
a. Pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain o pangyayari.
Pandiwa Pandiwa
Nabuhay si Pandora Sina Epimetheus at Pandora ay ikinasal.
ASPEKTO NG PANDIWA
Ang Pandiwa ay may tatlong aspektong nagpapakita kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang
kilos na ipinahahayag nito.
1. Aspektong Naganap o Perpektibo- ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo- ito ay nagsasaad na ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring
ginagawa at hindi pa tapos.
Halimbawa: Araw-araw na nagpapaalala si Epithemeus sa kanyang asawa.
SANGGUNIAN:
Marasigan, Emily V. et. al (2015) Pinagyamang Pluma 10 Phoenix Publishing House, Inc.
http://writingcommonc.org/open-text/infornation-literacy/library-and-internet-research/732-library-and-internet-
research
SAGUTANG PAPEL
UNANG MARKAHAN: MODYUL 1
PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang konteksto ng bawat pangungusap. Hanapin at bilugan sa ikalawang
pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin sa unang pangungusap. Ang sagot ay
isusulat sa inyong SAGUTANG PAPEL.
1. Sumanib ang magkapatid na Titan sa mga Olimpian dahil alam na nila ang mangyayari sa
hinaharap. Sumama sila para sa pansariling kapakanan.
2. Isang ginintuang kahong may kalakip na susi ang ipinadala ni Zeus bilang handog sa kasal nina
Pandora at Epimetheus. Kasama rin sa regalong ito ang babalang huwag bubuksan ang kahon.
3. Hindi mapakali ang babae hangga’t hindi niya nababatid kung ano ang laman ng kahon. Kung
nalalaman niya lamang ay hindi na niya nanaising buksan ito kailanman.
4. Nakamata siya sa kahon at tulad ng dati ay natutukso na namang buksan ito. Ngayon ay
nakatingin naman siya sa susing nakasabit sa dingding.
5. Isa ang paninibugho sa mga bagay na lumalabas mula sa kahon. Ang pagseseloss ay maaaring
makasira ng relasyon lalo kung labis-labis na ito.
GAWAIN 1:
PANUTO: Sagutin mula sa inyong aklat na PLUMA ang gawaing SAGUTIN NATIN (Letter B), na matatagpuan sa
pahina 14-15. Magpahayag ng ilang mahahalagang kaisipang taglay ng akda batay sa sumusunod na mga
katangian.
1. Magpahayag ng kaisipan tungkol sa maaaring maging epekto sa buhay ng isang kabataang tulad mo ng
pagiging labis na mausisa o curious (tulad ng nagyari kay Pandora)
3. Magpahayag ng dalawang kaisipan patungkol sa pagiging matulungin at mapagbigay kahit pa mangahulugan ito
ng pagsasakripisyo ng nagbigay (tulad ng nagyari kay Prometheus).
GAWAIN 2:
PANUTO: Sagutin mula sa inyong aklat na PLUMA ang gawaing MADALI LANG ‘YAN na matatagpuan sa pahina 25.
Tukuyin at isulat sa unang kahon ng talahanayan ang pandiwang ginamit sa bawat pangungusap. Pagkatapos ay
kilalanin at isulat naman sa angkop na kahon ang uri at aspekto ng pandiwang isinulat mo.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
PANUTO: Ikaw naman ngayon ang magsalaysay ng isang pangyayari sa iyong buhay o sa buhay ng isa sa mga
kaibigan o mahal mo sa buhay kung saan nakapagbukas ka o sila ng isang “Kahon ni Pandora” sinadya man o hindi
at kung ano ang ibinunga nito. Gumamit ng hindi bababa sa sampung pangungusap na gagamitan ng sampung
pandiwa o higit pa sa paglalahad ng aksiyon, pangyayari at karanasan. Lagyan ito ng angkop na pamagat.
Salungguhitan ang mga pandiwang nagamit sa paglalahad. Isulat ito sa laang espasyo sa ibaba. (30 puntos)