Konsepto NG Pananaw Lp1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Mariano, Leri Mae P.

Masusing Banghay Aralin


I.Mga Layunin
Sa loob ng isang oras na talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Nakapagbibigay ng mga pamahiin
b) Nasasabi ang kahalagahan ng pamhiin sa buhay ng mga Pilipino
c) Nakapagbibigay ng komento hinggil sa larawan gamit ang konsepto
ng pananaw;
d) Nakikilahok nang masigasig sa talakayan;
II.Paksa
Gramatika: Konsepto ng Pananaw
III.Kagamitan
Pisara at Panulat
Powerpoint Presentation
Laptop
Mga Larawan
Rubrik
IV.Pamamaraan
Gawaing Guro
A. Panimulang Gawain

Gawaing Mag-aaral

- Magandang Umaga!

-Magandang Umaga rin po!

- Maaari na bang tumayo ang lahat at


pumunta na sa harapan ang
mangunguna sa panalangin?

-(Pagdarasal ng mga mag-aaral)

-Wala munang uupo sapagkat upang


magising ang inyong mga diwa at maging
magana kayo ay magkakaroon tayo ng
energizer.

-(Pagsayaw ng mga mag-aaral)

B. Pagbabalik-Aral
- Bago natin buksan ang ating aralin
ngayong araw na ito ay magkakaroon
muna tayo ng balik-aral sa ating napagaralan noong nakaraang linggo. Ano nga
ulit ang ating napag-aralan?

-Magaling! Ano nga ulit ang kahulugan


nito?

-Mahusay! Sino naman ang


makapagbibigay ng halimbawa ng midya
na maaari nating kunan ng balita?

-Tama! Maliban sa kontemporaryong


programang panradyo ay may dalawang
kaisipan pa tayong napag-aralan, ano
nga ulit ito?
-Magaling! Sino ngayon ang
makapagbibigay ng kahulugan ng
katotohanan?

-Tama! Ano naman ang kahulugan kapag


sinabi nating opinyon?

-Mahusay! Maaari ba natin siyang bigyan


ng tatlong palakpak?
-Kung noong nakaraang linggo ay ang

-Tungkol po sa kontemporaryong
programang panradyo.
- Ang pagbibigay ng oportunidad sa
kabataan na maipahayag ang kanilang
mga opinyon at saloobin kaugnay sa
isang napapanahong isyu, o sa isang
isyung kanilang napiling talakayan at
pagtuunan ng pansin.

-Radyo,Telebisyon,Dyaryo at Cellphone
po Maam.

-Katotohanan at Opinyon po Maam.

-Ang katotohanan po ay isang pahayag


na hindi maaaring pasubalian kahit saang
lupalop ka man ng mundo magpunta,
halimbawa po Lahat ng tao ay
humihinga

-Opinyon, ito po ay ang saloobin ng isang


tao kung saan ito po ay maaaring totoo o
hindi.

makrong kasanayan sa pakikinig ang


binigyan natin ng pansin, sa atin namang
aralin ngayon ay higit nating bibigyang
tuon ang makrong kasanayan sa
pagbasa at pagsulat. Handa na ba kayo?

-Opo, Maam.

C. Pagganyak
-Dahil nasagutan ninyo nang wasto ang
aking mga katanungan sa ating
pagbabalik-aral naniniwala akong lubos
niyong naunawaan ang ating aralin.
Ngayong araw na ito ay magkakaroon
naman tayo ng isang laro. Bubunot ako
ng pangalan dito sa kahon kung sino man
ang mabunot ay kailangan niyang
magsabi ng isang bagay na
pinaniniwalaan niya o superstitious belief.
(LARO)
-Ngayong narinig niyo na ang mga
pamahiin na ibinigay ng inyong mga
kamag-aral ano kaya sa tingin ninyo ang
kahalagahan nito sa buhay ng mga
Pilipino?

-Magaling! Maliban doon mayroon pa ba?

-Para po sa akin ang kahalagahan po ng


pamahiin sa buhay ng mga Pilipino ay
nakatutulong ito na maging ligtas tayo
kahit na wala itong basehan.
-Mahalaga po ang mga pamahiin sa
Pilipino dahil sa paraang ito ay
napagyayaman natin ang ating kultura.

-Mahusay! Bigyan niyo ng tatlong


palakpak at tatlong bagsak ang inyong
mga sarili dahil napagtagumpayan ninyo
ang inyong gawain.
D. Paglalahad
-Batay sa ating ginawa ano kaya ang
magiging aralin natin ngayong araw?
-Maaaring tungkol sa paniniwala dahil

-Tungkol po sa mga pamahiin?

tinanong ko kayo ng mga pinaniniwalaan


ninyo. Sino pa ang may hinuha?
-Upang hindi kayo mahirapan ay narito
ang jumbled word. Sino ang
makakahula?

-Tungkol sa mga paniniwala?

-Konsepto ng Pananaw po?

-Tama! Ngayong araw na ito ang ating


aralin ay iikot sa Konsepto ng Pananaw
-Mayroon tayong dalawang uri ng
konsepto ng pananaw. Narito ang una,
maaari niyo bang hulaan ang salita?
-Tama! Ang una ay ang ekspresyon ng
pananaw. Narito ang mga halimbawa.
Basahin niyo nga.

-EKSPRESYON NG PANANAW po
Maam.

- ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay,
ganoon din sa
paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at
iba pa.

-Mayroon akong ipapakitang larawan sa


inyo dito kung saan kailangan niyong
magbigay ng komento gamit ang
ekspresyon ng pananaw. Pagkatapos
sumagot ng unang matatawag ay siya
namang tatawag ng kaniyang kamag-aral
upang sumagot. Handa na ba?
(Pagpapakita ng larawan)
-Ano ang iyong komento?

-Mahusay! Tumawag ka ngayon ng iyong


kamag-aral.
-Ano naman ang masasabi mo?

-Magaling! Sino sa mga kamag-aral mo


ang pinipili mo?

-Sa pananaw ko ay lubos na nahihirapan


ang mga magulang sa pagpapaaral sa
kanilang anak.

(Tugon ng mag-aaral)
-Batay sa larawan, makikitang ang K12
ang dahilan ng paghihirap.

(Tugon ng mag-aaral)
-Sa paniniwala ko ay nais ng tumakas ng

-Ano ang iyong komento?

bata sa larawan.
-Maraming salamat sa pagbibigay ninyo
ng komento sa larawan. Narito pa ang
ilang halimbawa. Maaari niyo bang
basahin?

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987


Konstitusyon ng Pilipinas, ang
Filipino ang pambansang wika at isa sa
mga opisyal na wika ng
komunikasyon at sistema ng edukasyon.
Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/
tingin/ palagay ni/ ng
Pangulong Quezon, mas mabuti ang
mala-impiyernong bansa na
pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa
makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan.
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong
hindi makabubuti kanino
man ang kanilang plano.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay
ko, wala nang
gaganda pa sa lugar na ito.

-Ang mga ekspresyon ng pananaw ay


nagpapakita ng ekspresyong ito ang
iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang

-Opo Maam.

tao.
-Ano ang pagkakatulad nito sa mga
pamahiin?

-Mahusay!

-Ang mga pamahiin po ay mga


paniniwala rin katulad ng konsepto ng
pananaw.

-Ekspresyon ng pagbabago.

-Narito naman ang ating ikalawang uri.


Sino ang makakahula ng salita?
-Tama! Ekspresyon ng pagbabago! Narito
naman ang mga halimbawa ng
ekspresyon ng pagbabago.

Sa isang banda/ Sa kabilang dako,


Samantala,

-Gamit muli ang larawan kanina maaari


ka bang magbigay ng komento na
ginagamitan ng ekpresyon ng
pagbabago?

-Sa isang banda, hindi naman


maitatanggi maganda ang magiging dulot
ng K12 pagdating ng araw.

-(Tugon ng mag-aaral)
-Mahusay! Sino sa iyong mga kaklase
ang nais mong sumagot?
-Ano naman ang iyong komento?

-Maraming salamat sa inyong


kooperasyon. May katanungan ba kayo
hinggil sa ating aralin ngayong araw?

-Sa kabilang dako, maaaring hindi pa rin


maunawaan sa ngayon ng mga
magulang ang kagandahang dulot ng
K12 dahil nakikita nila ito bilang pasakit.

-Wala po.

E. Paglalahat
-Ngayong naunawaan niyo na ay may
mga iilang tanong ako sa inyo.
-Ano ang dalawang uri ng konsepto ng
pananaw?
-Mahusay! Maaari ka bang magbigay ng
mga salitang maaaring gamitin sa
konsepto ng pananaw?

-Magaling! Ano naman ang mga salitang


maaaring gamitin kung tayo ay
nagpapahiwatig ng konsepto ng
pagkakaiba?

-Magaling! Natitiyak kong lubos na


ninyong nauunawaan ang ating aralin.

-Ekspresyon ng pananaw at Ekspresyon


ng Pagbabago po Maam.

- ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay,
ganoon din sa
paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at
iba pa.

-Sa kabilang banda, samantala at Sa


kabilang dako po Maam.

Maghanda kayo bukas sapagkata


magkakaroon tayo ng isang gawain.

-Opo Maam.

-Tumayo na ang lahat para sa


pangwakas na panalangin.

(Panalangin)

-Magandang Araw sa lahat!

-Magandang araw din po Maam.

You might also like