LP 5-Anak

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Joylyn B.

Asis BSED-IV

Banghay-Aralin sa Filipino 8
I. Layunin

1. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagmit sa mundo ng pelikula


2. Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyu mahihinuha sa
napanood na pelikula

II. Paksang Aralin

1. Paksa: Anak
2. Sangunia: Pinagyamang Pluma 8 by Alien Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Mary
Grace G. Del Rsoario
3. Kagamitan: Laptop, T.V

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa “Sa Ngalan ng Ama…”


panalangin

2. Pagbati

Magandang araw mga bata!


Magandang araw po Gng. Joylyn
3. Pagtse-tsek ng liban at hindi
liban

Mayroon bang lumiban sa


klase ngayong araw? Wala po Gng. Joylyn

Kamusta kayong lahat? Sa awa po ng Dios ay mabuti po


kami.
Maigi kung ganun. Masaya ako
na malaman na kayong lahat ay
nasa mabuti.

4. Pagbabalik-aral

Ano ulit ang ating tinalakay


kahapon?

Tungkol po sa akdang pananakit


sa bata bilang pagdidisiplina
dapat bang ipagbawal.
Tama. Ano ang inyong
natutunan tungkol sa akda?
Ang pagdidisiplina sa mga bata
ay mahalaga, pero dapat din
nating isipin ang karapatan at
dignidad nila. Walang masama
sa pagdidisiplina sa maayos na
paraan.

Natutunan din namin na dapat


mapangalagaan o maprotektahan
ang mga karapatan ng mga
Tama. Dapat talagang
kabataan.
madisiplina ang mga bata sa
tamang paraan hindi yong
pagsigawan o saktan.
Kailangang ding mayroong
respeto ang mga bata sa
magulang, ang magulang din
kailangang may respeto din sa
anak.
B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Bago tayo magsimula sa ating
talakayan, magpapakita ako ng
larawan.

Sa larawan may isang pamilya


Ano ang iyong na pansin sa ngunit itoy nagpapaalam.
larawan?
Base po sa larawan may
Tama. Ano pa ang iyong nakasulat na OFW.
nakita sa larawan?
Para sa akin itoy pumunta sa
abroad. Para sa kanyang pamilya.
Magaling! Ano ang maiisip
ninyo kapag may nakita
kayong ganito? Saan kaya
ito pumupunta?

Tama. Kahit na malayo sila


sa kanilang mga pamilya,
sila ay nagsasakripisyo
upang mamuhay ng maayos
at masaya ang kanyang
pamilya.
2. Paglalahad

Sa pagkakataong ito panoorin ninyo


ang isang rebyu o pagsusuri ng
isang pelikula na may pamagat na
“Anak” ng star cinema. Sa
katapusan ng aralin kayo ay
inaasahang:
1. Makapagbibigay kahulugan sa
mga salitang ginagamit sa
mundo ng pelikula.
2. Makapagpapahayag ng sariling
pananaw tungkol sa
mahahalagang isyung
mahihinuha sa napanood na
pelikula.

3. Pagtatalakay

Pero bago ninyo panoorin ang


akda ay nais ko muna ninyong
sagutan ang nasa pisara.

Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan


ng mga salitang nakasulat nang pahilig
sa pangungusap. Piliin ang sagot sa
kahon sa ibaba at isulat lamang ang titik
ng tamang sagot sa linya.
a. Katangap-tanggap
b. Napahamak
c. Pag-aaruga
d. Nakasentro
e. Napakasama
f. Pagtatalo
__________1. Nagkaroon ng
matinding komprontasyon ang
mag-ina dahil sa mabigat na Mga sagot:
suliraning nararanasan ng
pamilya. 1. F. Pagtatalo
2. C. Pag-aaruga
__________2. Maraming 3. E. Napakasama
kabataan ngayon ang uhaw sa 4. B. Napahamak
kalinga ng kanilang magulang. 5. D. Nakasentro

__________3. Ang
pagpapalaglag ng sanggol sa
sinapupunan ng isang babaeng
nagdadalantao ay tunay na kilos
na karumal-dumal.
__________4. Ilang kabataan na
ang napariwara dahil sa
kakulangan ng wastong
paggabay ng magulang sa
kanilang mga anak.
__________5. Maraming mga
magulang ngayon ang nakatuon
ang atensyon sa
paghahanapbuhay upang
mabigyan ng magandang
kinabukasan ang mga anak.

Magaling dahil tama ang inyong


mga sagot.

Ngayon ay simulan na ninyong


panoorin ang rebyu ng
pelikulang “Anak”. Pagkatapos
basahin sagutan ang mga tanong
sa ibaba.
4.Pagsusuri sa mga talakayin

Ngayon sagutan na natin ang


mga tanong.
Ang pinakatema sa pelikulang
1. Ano ang pinakatema ng Anak, ay patungkol sa isang ina,
pelikulang Anak? Paano ito bilang Overseas Filipino Worker,
napalutang o binigyang diin sa na napilitang umalis ng bansa
palabas? upang mabigyan ng maayos na
buhay ang kanyang pamilya
ngunit may isang anak na
nagrebelde dahil hindi siya
umuwi sa pagkamatay ng ama.

Ito’y binigyang diin sa palabas sa


pamamagitan ng karakter ni
Vilma Santos na isang OFW sa
Hongkong ngunit sa pag-uwi
niya sa Pilipinas ay naging
problema niya ang kanyang
anak.

2. Ano-ano ang mga isyung


panlipunang may kinalaman sa Droga, alak, teenage pregnancy
problemang kinakaharap ng at abortion. Masasabi kong
kabataan sa kasalukuyan ang laganap pa rin ang mga
binibigyang diin sa pelikula? problemang ito sa ngayon dahil
Masasabi mo bang laganap pa maraming mga kabataan na
rin ang mga problemang ito sa nawari sa kanilang mga
ngayon? Bakit? magulang dahil sa kulang sa pag
aalaga.

3. Bilang anak, masasabi mo bang


may pagkukulang din sa iyo ang
iyong magulang? Kung mayroon
man, paano mo ito tinatanggap
sa iyong buhay? Kagaya ka rin Oo, pero alam kong mahal nila
ba ni Carla na nagawang ako iniintindi ko nalang dahil
magrebelde sa kanyang pareha silang busy. Hindi ko
magulang? kayang magrebelde dahil mahal
ko ang aking mga magulang.

4. Bilang anak, ano-ano naman ang


masasabi mong mga
pagkukulang mo sa iyong
magulang? Ano-ano naman ang
iyong ginagawa para iyong Ang naging pagkukulang ko
maipakita na nais mong yong diko sinusunod ang ibang
makabawi sa iyong mga utos nila. Mag aaral ako ng
pagkukulang o pagkakamali? mabuti para maging masaya sila
dahil lahat ng magulang ay
gustong makapagtapos ng pag
aaral ang kanilang mga anak.

5. Kung ikaw ay magkakaroon ng Ibibigay ko sa kanila ang aking


sarili mong pamilya, ano-anong pagmamal at atensyon at
mga bagay ang gagawin mo o pangangalaga na kailangan nila
ipatutupad mo sa iyong at hindi ako susuko sa darating
sambahayan upang manatiling na pagsubok palagi lang
masaya at buo ito? magdasal sa Panginoon.

Tama. Ang iyong mga sagot,


dapat talaga tayong magroon ng
tiwala dahil walang taong
perpekto, dahil ang mga
magulang ay handang
magsakripisyo alang alang sa
mga anak.
Wala na po Gng. Joylyn

May mga katungan pa ba kayo?


Maganda kong ganun.

5.Paglalahat

Sa iyong palagay, ano ang iyong


mensahe o aral sa kwentong ito?
Ang aking mensahe nito ay tagos
sa puso ng isang ina sa
pagkagusto na maibigay lahat
ang pangangailangan ng mga
anak ay napilitan na mangibang
bansa at makipagsapalaran.

Walang magulang ang gustong


mawalay sa anak. Mahirap sa
parte ng isang magulang na
kakainin na lamang niya ay
ipapadala pa sa kanyang mga
anak, ngunit masakit isipin na
ang paghahangad mo ng
magandang buhay ng anak ay
napariwara.  Gagawin lahat ng
magulang para sa pagmamahal sa
anak.
Tama. Mahalin at pahalagahan
ang lahat ng sakripisyo ng
magulang 'pagkat ang lagi
lamang naman nilang iniisip ay
ang kapakanan ng kanilang
anak.

C. Pangwakas na Gawain.

1. Paglalapat

Panuto: Ipahayag ang iyong mga


pananaw at suhestiyon hinggil sa
mga napapanahong isyung may
kinalaman sa akdang tinalakay.
Itala ang iyong sagot sa graphic
organizer na Read and React.

Read: Laganap sa bansa ngayon


ang problema tungkol sa teenage
pregnancy sanhi narin ng iba’t
ibang sakit na nakaaapekto sa
buhay ng kabataang Pilipino.
React:

Read: Maraming pelikula sa


kasalukuyan ang may temang
tungkol sa karahasan at sex at
halos walang hatid na mabuting
aral sa manonood.
React:

Read: Laganap sa bansa ngayon


ang mga cybercrime o mga
krimeng nangyayari dahil sa
maling paggamit ng media tulad
ng illegal access, child
pornography, cybersex, libel,
identity thift, data inference at
marami pang iba.
React:

Read: Laganap ang bintahan ng


mga piratang DVD at CD sa
bansa sa kasalukuyan.
React:

IV. Pagtataya
Sa ginawang pagsusuri ng pelikulang “Anak” ay kapansin pansin ang ilang mga
isyung binigyang panasin ng nagsagawa ng pagsusuri. Bilang pagpapatibay o
pagsang-ayon sa mga ito ay ilahad ang iyong sariling pagkiling tungkol sa interes at
pananaw ng nagsasalita. Isulat ang iyong sagot sa kahon.

1. Bigyang pansin sa pelikula ang makabagong responsibilidad ng babae at lalaki sa


kasalukuyan kung saan tanggap na ang babae ang nagtratrabaho at ang tatay ang
naiiiwan sa bahay.

2. Mahalagang matotong magrebyu ng pelikula ang mga manonood dahil Malaki


ang impluwensiya nito sa ng tao.

3. Ang magandang pelikula ay nagpupukaw ng interes ng mga manonod.

4. Sa pagsusuri, kailangang panoorin ang penikula simula sa umpisa hanggang


wakas upang mabigyang-katwiran ang lahat ng mga aspeto nito.

5. Ang mga pananalita o diyalogo ng mga karakter sa pelikula ay dapat na maging


angkop sa target na manonood.

V. Takdang Aralin
Basahin ang ating susunod na aralin, Aralin 5 “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” sa
pahina 438-457.

You might also like