Dokumentaryong Pampelikula

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay (Cubao)

Daang Ermin Garcia, Brgy. Pinagkaisahan


Lungsod ng Quezon

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Sta. Mesa, Maynila

Banghay-Aralin

Filipino 8
Inihanda ni:

VIA MARIE L. ROXAS


Gurong Nagsasanay, PUP

Pinatnubayan ni:

GNG. ADNESS M. CASAUAY


Gurong Tagapagsanay (RMCHS)

Sinuri ni:

BB. DULCE S. VALENZUELA


Masteradong Guro II, Kagawaran ng Filipino

Binigyang-pansin nina:

FLORIAN L. RUIZ, Ph. D


Puno, Kagawaran ng Filipino

LEVITA U. RAMOS, Ph. D


Punungguro IV, RMCHS
Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 8

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
A. Nabibigyang-emosyon ang mga sumikat na linya sa mga pelikula noon
B. Nakapagbibigay-hinuha sa mga pokus na tanong
C. Natatalakay ang dokumentaryong pampelikulang “Manoro (Ang Guro)”
D. Nasasagot ang mga gabay na tanong
E. Nakagagawa ng isang pangkatang pagtatanghal tungkol sa “Manoro (Ang Guro)”
F. Natutukoy ang mga elemento ng dokumentaryong pampelikula at nasusuri kung anong uri ng
anggulo at kuha ng kamera ang ginamit sa pelikula
G. Nailalahad ang iba’t ibang komunikatibong paggamit ng mga pahayag o mga uri ng
pagpapahayag
H. Nakagagawa ng isang komersyal tungkol sa napiling dokumentaryong pampelikula

II. PAKSANG-ARALIN
A. Panitikan: Aralin 3 - Dokumentaryong Pampelikula: Manoro (Ang Guro)

B. Gramatika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

C. Sanggunian: Ruiz, F.L. at Agnes, W.D. “Ang Batikan (Grade VIII)”

D. Kagamitan: laptop, projector, speaker at kapirasong colored paper

III. YUGTO NG PAGKATUTO


A. TUKLASIN
Gawain 1: Balik-aral

Anu-anong uri ng Broadcast


Media ang inyo nang
nalalaman o natalakay?

Gawain 2: Pagganyak
Sa saliw ng musikang “Ang mga Ibon”, pagpapasa-pasahan ng mga mag-aaral ang
garapon na mayroong lamang mga sumikat na linya sa mga pelikula noon. Kasabay ng paghinto
ng awitin ay hihinto rin ang pag-ikot ng garapon. Kung sinong mag-aaral ang matapatan ng
garapon ay siya ang bibigyang-pagkakataong bumunot dito. Bibigkasin nang may emosyon ng
mag-aaral ang linyang nabunot.
“Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng
walang pagkain, ayoko ng putik!” – Maricel Soriano, Kaya Kong Abutin ang Langit (1984)
“Oh yes, kaibigan mo ako. Kaibigan mo lang ako… And I’m so stupid to make the biggest mistake
of falling in love with my best friend!” – Jolina Magdangal, Labs Kita… Okay Ka Lang? (1998)
“Oo, inaamin ko, saging lang kami. Pero maghanap ka ng puno sa buong Pilipinas, saging lang ang
may puso! Saging lang ang may puso!” – Mark Lapid, Apoy sa Dibdib ng Samar (2006)
“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat… and you chose
to break my heart.” – John Lloyd Cruz, One More Chance (2007)
“Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mo ko, because that is what I
deserve.” – Kathryn Bernardo, Barcelona (2016)

“Negosyo o Kalayaan? Bayan o Sarili? Pumili ka!” – Heneral Antonio Luna, Heneral Luna (2016)

“Am I not enough? May kulang ba sakin? May mali ba sakin? Panget ba ako? Panget ba ang
katawan ko? Kapalit-palit ba ako?” – Liza Soberano, My Ex and Whys (2017)

“Black is out. Gold is in. And just like Gold, I am indestructible!” – Maja Salvador, Wildflower (2017)

Gawain 3: Pahapyaw na Pagtalakay sa mga Pokus na Tanong


1. Bakit maituturing na isang mabisang instrumento sa pag-unlad ng pagkatao at
pagbabagong panlipunan ang mga dokumentaryong pampelikula?
2. Paano magagamit ang angkop na pangkomunikatibong pagpapahayag sa mabisang
paghahatid ng mga saloobin at damdamin sa isang dokumentaryong pampelikula?

Gawain 4: Paglalahad ng Inaasahang Produkto at Pamantayan sa Pagmamarka


Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang
halimbawa ng dokumentaryong pampelikula. Gagawan ito ng isang komersyal o patalastas na
hindi bababa sa 2 minuto, upang hikayatin ang mga manonood na panoorin ang nasabing
dokumentaryong pampelikula. Panonoorin ang ginawang patalastas sa loob ng klase.

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Bahagdan
Iskrip 30%
Damdamin o Emosyon 20%
Orihinalidad 20%
Tunog at Musika 15%
Dating sa Madla 15%
Kabuuan 100%

Gawain 5: Takdang-Aralin
Basahin o panoorin ang dokumentaryong pampelikulang “Manoro (Ang Guro)” ni
Brillante Mendoza. Punan ang mga hinihinging katanungan. Isulat sa isang buong papel.
A. Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na salita:
1. gumimbal
2. kaibuturan
3. magkamayaw
4. nadupilas
5. magpambuno
B. Mga Gabay na Tanong
1. Sino si Jonalyn at ano ang ginagawa niya para sa mga kapwa niya
katutubo?
2. Ano-ano ang mga katangian ni Jonalyn? Bigyang patunay
3. Kung ikaw si Jonalyn, paano mo isasagawa ang pagtuturo ng pagbasa
at pagsulat sa iyong mga kapwa katutubo?

B. LINANGIN
Gawain 1: Balik-Aral

Ano-ano ang ating naging gawain


noong nakaraang pagkikita?

Gawain 2: Pagganyak
I-ARTE MO!: Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Ang bawat grupo ay pipili ng tig-
dalawang kinatawan na siyang kikilos upang mahulaan ang mga salitang ibibigay ng guro.
Mayroon lamang limang minuto ang bawat grupo upang mahulaan ang mga salitang ito. Ang
may pinakamababang oras na nagamit ang siyang itatanghal na panalo.

Mga pahuhulaang salita:

Araw ng Pagtatapos Baboy-ramo

Guro Eleksyon
Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan
Hahanapin at iaaayos ng mga mag-aaral ang mga titik ng salitang kasingkahulugan ng
salitang nakasalungguhit at magbibigay ng sariling pangungusap gamit ang inayos na salita.
Talasalitaan:

1. Gumimbal sa barangay ang


nabalitaan nilang krimen. UGLUMAT (GUMULAT)

2. Tinahak nila ang kuweba IALAKAMINL (KAILALIMAN)


hanggang sa kaibituran nito.
3. Sabay-sabay, di-
magkamayaw, ang pagtatanong ATAMAW (MAAWAT)
ng mga mamamahayag.

4. Nagkasugat sa braso si Kulas


nang siya ay nadupilas sa basang DUAALSN (NADULAS)
sahig ng pasilyo.

5. Halos magpambuno ang


dalawang lalaki dahil sa BGALMANA (MAGLABAN)
kompyuter.

Gawain 4: Pagpapabasa o Pagpapanood ng Akda (Binigay itong takda sa mga mag-aaral.)

Gawain 5: Pagtalakay sa Nilalaman ng Akda


Pipili ang guro ng anim na mag-aaral na pupunta sa harap. Maglalaban ang bawat
dalawang mag-aaral sa pamamagitan ng Jack en Poy. Kung sino ang matalo ay siya ang
kakain ng kalamansi habang sumasagot sa tanong.

Gabay na Tanong:

1. Sino si Jonalyn at ano ang ginagawa niya para sa mga kapwa niya katutubo?

2. Ano-ano ang mga katangian ni Jonalyn? Bigyang patunay.


katutubo?
3. Kung ikaw si Jonalyn, paano mo isasagawa ang pagtuturo ng pagbasa, at
pagsulat sa iyong mga kapwa katutubo?

Gawain 6: Pagtalakay sa Elemento ng Dokumentaryong Pampelikula


I. Pagsususri ng Dokumentaryong Pampelikula
A. Mga Elemento ng Dokumentaryong Pampelikula:
1. Sequence Iskrip – pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kwento sa pelikula.
2. Sinematograpiya – pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw
at lente ng kamera.
3. Tunog at Musika – pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng
ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo.
B. Iba pang mga Elemento:
1. Pananaliksik o Riserts – isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha
ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
2. Disenyong Pamproduksyon – pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar,
eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na
pagkukwento.
3. Pagdidirihe - mga paraan at diskarte ng direktor sa pagpapatakbo
ng kuwento sa pelikula.
4. Pag-eedit - ito ay pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo
upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa
kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

II. Pagsusuri sa Kuha ng Kamera


 Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera sa Pelikula
1. Establishing/Long – “scene setting”. Mula sa malayo ay kiukunan ang buong
senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng pelikula.
2. Shot Medium Shot – kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang
paitaas.
3. Close-Up Shot – ang pokus ay nasa isang particular na bagay lamang, hindi
binibigyang-diin ang nasa paligid.
4. Extreme Close-Up – ang pinakapokus lamang ay isang detalye lamang mula sa
close-up.
5. High Angle Shot – ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
6. Low Angle Shot – ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
7. Birds Eye-View – “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa napakataas na
bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi.
8. Panning Shots – isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang
masundan ang detalyeng kinukunan.

Gawain 6: Pangkatang-Gawain
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Bahagdan
Nilalaman 50%
Kooperasyon 30%
Orihinalidad 20%
Kabuuan 100%

Unang Pangkat: “Freeze-frame”


Magtatanghal ang mga mag-aaral ng isang freeze-frame tungkol sa buod ng una
hanggang ikalimang eksena sa dokumentaryong pampelikulang “Manoro (Ang Guro)”.
Ikalawang Pangkat: “Tableau”
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang tableau tungkol sa buod ng ikaanim
hanggang ikasampung eksena ng dokumentaryong pampelikulang “Manoro (Ang Guro)”.
Ikatlong Pangkat: Maikling Dula-dulaan
Magtatanghal ng isang maikling dula-dulaan ang mga mag-aaral tungkol sa kung
paano sila makatutulong sa pagpapabuti ng buhay ng kanilang pamayanan.
Ikaapat na Pangkat: “Jingle-making”
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang jingle tungkol sa nais iparating o
mensahe ng dokumentaryong pampelikulang “Manoro (Ang Guro)”.

Gawain 7: Paglalahad ng Sintesis ng Aralin


#GOTD – Guro Of The Day
Tanong: Kung ikaw ay magiging guro tulad ni Jonalyn, paano mo hihikayatin o ipakikita
sa iyong mga mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon?

C. PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Gawain 1: Balik-Aral
Anong uri ng anggulo at kuha ng kamera ang ipinakikita ng mga larawan?

Medium Shot Establishing/Long Shot

High Angle Shot Birds Eye Shot

Panning Shots

Gawain 2: Pagganyak
4 PICS, 1 WORD: Ang mga mag-aaral ay huhulaan ang salitang tinutukoy sa
ipapakitang mga larawan.

1.
2.

3.

4.

5.

Gawain 3: Pagpapabasa ng Lunsarang Teksto

“Pintig, Ligalig,
at Daigdig” ni
Jet Oria
Gellecanao

Gawain 4: Mga Gabay na Tanong


1. Tungkol saan ang binasang akda?
2. Ayon sa ikaanim na talata, ano na nga ba ang nagawa mo para sa iyong sarili at
kapwa?
3. Bilang kabataan ng bagong henerasyon, paano mo mabibigyang-halaga ang mga
biyayang bigay ng Maykapal? Magbigay ng partikular na halimbawa at ipaliwanag.
Gawain 5: Pagtalakay sa Gramatika

Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri ng Pagpapahayag

I. Pagpapahayag at Pag-alam sa Kaisipan at Saloobin

1. Pagtanggap- “Panghahawakan ko ang iyong mg payo.”

2. Pag-aalinlangan- “Hindi ko alam kung makakaya ko.”

3. Pagtanggi- “Hindi ko matatanggap ang iyong mga pasalubong.”

4. Pagsang-ayon- “Ako’y lubos na umaayon sa iyong mga tinuran.”

5. Panghihikayat- “Tinitiyak kong maganda ang lugar na iyon.”

6. Pagsalungat- “Hindi tama ang iyong mga sinabi sa kanya!”

II. Pagpapahayag at Pag-alam sa Angkop na Ginagawi, Ipinakita at


Ipinadarama:

1. Pagbibigay-babala – “Sinisiguro kong mapapahamak ka kapag tinangka


mong suungin ang bagyo.”

2. Panghihinayang – “Sayang at hindi ko pa sinabi.”

3. Di-pagpayag – “Hindi ikaw ang maaaring masunod!”

Gawain 6: Pagbibigay ng Pagsasanay


I. Sa isang buong papel, tukuyin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa
bawat pangungusap. Piliin ang kasagutan mula sa kahon.

Pagtanggi Pagbibigay-babala Pagsang-ayon


Panghihinayang Pag-aalinlangan
Panghihikayat Pagsalungat Di-pagpayag

1. 3.
“Maaari kayang “Talagang sumasang-
mangyari ang kanyang ayon ako sa iyong
mga hinala? suhestiyon.”

2. 4.
“Sayang, tama sana “Mag-ingat ka sa lahat
ang aking kasagutan.” ng iyong mga lakad.”

5.
“Taos-puso kong
tinatanggap ang iyong
mga ipinayo.”
II. Gumawa ng limang (5) halimbawa ng pangungusap na mayroong komunikatibong
paggamit ng mga pahayag o mga uri ng pagpapahayag. (2 puntos bawat bilang)

Gawain 7: Pagsagot sa mga Pokus na Tanong


1. Bakit maituturing na isang mabisang instrumento sa pag-unlad ng pagkatao at
pagbabagong panlipunan ang mga dokumentaryong pampelikula?
2. Paano magagamit ang angkop na pangkomunikatibong pagpapahayag sa mabisang
paghahatid ng mga saloobin at damdamin sa isang dokumentaryong pampelikula?

Gawain 8: Paglalahad ng Sintesis


Tanong: Ano ang natutunan mo o iyong repleksyon batay sa lahat ng iyong mga
natutunan sa araling ito?

D. ILIPAT
Gawain 1: Balik-Aral
Tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang nais iparating ng mga sumusunod na
pangungusap.

Pagtanggi Pagbibigay-babala
Panghihikayat Pagsang-ayon
Panghihinayang Pagsalungat

“Ama mag-iingat ka sa iyong “Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat


paglalakbay, mapanganib sa daan!” kasama natin siya sa pagboto.”

“Ang sampagitang ito ay para sa mga ga- “Hindi na ako bumoto, dahil naniniwala
gradweyt lamang, isuot mo huwag kang akong hindi naman ito makapagpapababa at
mahiya, bagay sa iyo ito.” makababawas ng aking pagkatao.”

“O sige, mag-aral tayo pagkatapos ng


pananghalian natin.”

Gawain 2: Paglalahad ng Inaasahang Produkto


Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang
halimbawa ng dokumentaryong pampelikula. Gagawan ito ng isang komersyal o patalastas na
hindi bababa sa 2 minuto, upang hikayatin ang mga manonood na panoorin ang nasabing
dokumentaryong pampelikula. Panonoorin ang ginawang patalastas sa loob ng klase.

Gawain 3: Paglalahad ng Pamantayan sa Pagmamarka


Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Bahagdan
Iskrip 30%
Damdamin o Emosyon 20%
Orihinalidad 20%
Tunog at Musika 15%
Dating sa Madla 15%
Kabuuan 100%

Gawain 4: Pagtatanghal at Pagbibigay-puna sa Natapos na Produkto

Gawain 5: Paglalahad ng Sintesis


Sa isang buong papel, sagutin ang tanong (maaaring tula o sanaysay): Ano ang
kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula? (Bigyan ng sariling pamagat)

IV. TAKDANG-ARALIN
Maghanda para sa isang mahabang pagsusulit.

You might also like